"You don't need to hide this from me. We will accept you no matter what you are. And Scar...we're just a human who likes girls. And that's okay. There's nothing wrong with you."
Those words kept on my mind when Jacey told me. I know it's just a dream. However, those words are the one I needed to hear everyday. Every time I felt alone with this struggle parang ang hirap na itago. Oo, malaya ka magkagusto pero darating araw na hindi ka makagalaw kasi conscious ka na malaman nila ang tunay mong kulay.
Tunay na kulay na nagkakagusto ako sa babae. Hindi ko alam matatanggap ako nina inay at lola. Natatakot ako na baka hindi ako tatanggapin ng buo. Natatakot ako na mag-isa lang ako sa laban ko. Pero noong umamin ako sa kapatid ko, doon ko naramdaman yung mahigpit na yakap na bukas na pusong tinanggap akong buo. Pakiramdam ko may kasama ako sa laban ko.
Masaya ako pero nanatili pa rin ako natatakot.
"Tulala ka naman, Scarlet." sabi ni lola habang nag-aayos kami ng damit sa room ni inay.
"'La, paano naging reaksyon niyo nung nalaman niyo si Kevin na bakla siya?" sabi ko sa kanya at tumawa siya.
"Alam mo ba noong bata pa si Kevin, barbie doll na ang hawak niyan kaya hindi na namin pinakealaman ang buhay niya. Mukhang masaya naman ang kapatid mo kung ano meron siya." mukhang pwede ko sabihin kay lola tungkol sa akin, "Pero sapat na sa akin si Kevin lang. Gusto ko rin magka-apo ka, anak. Yun yung hiling namin ni nanay mo noong maayos pa tayo." sabi niya sabay tupi ng mga damit.
"Pero 'la, paano kung hindi ka magkakaroon ng apo. Paano kung gusto ko pala ay babae." napatingin siya na seryoso sa akin at tinigil niya ang pagtutupi.
"Anak, pinangarap namin ng ina mo na magpakasal ka sa taong paninindigan ka at tanggap ka. Pero sana sa lalaki ka makakahanap. Para na rin may apo ako." nanlumo ako sa sinabi ni lola.
Tutuparin ko pa ba ang pangarap nila sa akin? Sa tuwing inuuna ko yung sarili ko sa kanila parang naninikip dibdib ko. Una, ang pangarap ko maging singer.
Masakit para sa akin yon pero sumuko ako dahil kailangan ko buhayin mga kapatid ko.
Ngayon, may gusto ako sa babae...
Pwede ba kahit bigyan nila ako pagkakataon na unahin ko rin ang sarili ko kahit sa pagmamahal man lang?
Narinig ni Kevin ang sinabi ni lola kaya umiling siya at dumeretso raw ako sa labas. Doon kami mag-usap.
Pagkarating ko, nalulungkot ako sa sitwasyon ko. Napaupo ako sa may upuan sa labas ng kwarto ni inay. Umupo naman kami.
"Ate, huwag kang malungkot." niyakap ako, "Ate, basta pakinggan mo lang puso mo. Masaya ako na masaya ka minamahal si ate Jacey." sabi niya at binatukan ko siya.
"Anong 'minamahal' ka dyan? Gusto ko lang siya." natatawang sabi ko sa kanya.
"Pasensya na ate nasabi ko kay Jacey." sabi niya at hinawakan ko yung balikat niya.
"Hindi naman niya alam na may gusto ako sa kanya kaya okay lang." sabi ko sa kanya.
"Pero ate kapag sinaktan ka ni ate Jacey, ako ang pupunta sa bahay niya para sugurin siya." nagakto siya na nagsusuntok.
"Sugurin mo kapag ipinagpalit ako sa iba." sabi ko sa kanya.
"May balak ka bang aminin sa kanya?" tanong niya.
"Oo naman pero hindi sa ngayon." sabi ko sa kanya at hinawakan niya kamay ko.
Tumayo na ako.
"Aalis ka na?"
"Oo, aalis na ako." sabi ko sa kanya at bumeso na ako sa kanya.
Pumasok ako sa loob ng kwarto para sumilip.
"'La, aalis na po ako. Magpapahinga na po ko sa bahay." sabi ko kay lola at nag-okay naman ito sa akin. Mag-ingat daw ako.
"'Nay. Pagaling ka. Aalis na po ako." sabi ko ko kay nanay at hinalikan ko ito sa noo para magpaalam.
Naalala ko na naman ang insidente kanina noong hinatid niya ako dito sa hospital. Parang hindi siya okay. Okay lang naman siguro tawagan siya diba?
Tinawagan ko siya.
Sinagot niya naman ito, "Hey! Don't call Jacey right now. She's having fun." sabi sa akin at alam ko hindi niya kaibigan yon.
Nasa bar na naman siya. Ano na naman gagawin niya magpapakalasing? Tapos ako mag-aalaga ulit? Ghad! Lord, please help her.
Gusto ko nang umuwi pero pinipilit ako ng aking utak na mag-alala kay Jacey. Tapos tatawagin niya na naman si Megan para ihatid siya. I have no choice rin kasi usapan namin ni Megan, ako ang tutulong para magmove on sa kanya.
Sumakay na ko ng taxi para pumunta sa bar. Nag-aalala ako sa kanya.
Pagkarating ko sa bar, pumasok ako agad at hinanap si Jacey pero kita ko ngang may kahalikan ng iba ito. Kaya naman agad akong nakialam at hinila siya palabas ng bar. Syempre hindi ko kinalimutan yung phone niya. Marami nagsabi sa akin na 'sino daw ba ako?' at 'wala akong karapatan mangialam' nung kinuha ko yung phone sa mga fake friends niya pero nung tinanggap ko yung offer kay Megan, doon na ako nanghimasok sa buhay niya.
Mangingialam ako kasi may usapan kami ni Megan... at gusto ko siya.
Gusto ko pa siya makilala. Gusto ko malaman kung ano paborito niya. Gusto ko malaman kung ano ayaw niya at gusto. I want to get to know her better but I don't know how to start.
I'm not good with this.
Ngunit ginagawa ko yung best ko na laging nandyan sa tabi niya.
Kaya eto inuuwi ko siya sa bahay niya para magpahinga siya.
Kami ng butler niya nag-alalay sa kanya.
"Thank you, Miss Scarlet." ngumiti ako sa kanya, "Pero hindi mo na kailangan pang alagaan siya. She can handle herself." sabi niya pero umiling ako.
"Sa situation ni Jacey, hindi niya kaya mag-isa. Mag-isa siya nagmomove-on at she doesn't need anyone to seek help kung may problema siya. Tingnan niyo po siya umiinom na naman siya. Alam kong may problema siya. Pero hindi niya sinasabi." sabi ko sa butler niya at tumango siya.
"Noong bata pa si Jacey, mag-isa lang siya nandito sa bahay. Laging may trabaho ang father niya at mother niya. Kahit takot yan sa kulog ayaw niya nandyan kami sa tabi niya. Ayaw niyang makita na mahina siya pero nung dumating ka... siguro ikaw magpapabago sa kanya." sabi niya at hinawakan niya ang balikat ko. Tuluyan siyang umalis.
Kaya ko bang maging lunas sa sakit ng nararamdaman niya?
Binangon ko ang kanyang ulo niya para ayusin ko yung unan niya. Inayos ko rin ang kanyang kumot at pagkatapos, balak ko na rin umalis. Kinuha ko na yung ba—
"Help her." bigla ko ito narinig mula sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko, "Help her." ulit niyang sabi.
Napalingon ako sa kanya at kita ko kung paano siya nanaginip. Umupo ako sa mismong kama niya at hinawakan ko yung kamay niya.
"Nandito lang ako." sabi ko sa kanya.
Pero nanatili pa rin siya sa masamang panaginip. Gisingin ko kaya siya?
Pero bigla siya napadilat ng mata at tiningnan niya ako. Niyakap niya ako at bigla tuloy nagwala ang aking puso.
"Okay ka lang ba?" sabi ko sa kanya at tumango siya.
"Ang sakit ng ulo ko." daing niya.
Uminom pa kasi. Alam nang ganyan mangyayari sa kanya. Kakausapin ko sana ang butler niya kung saan mga gamot niya kaya tumayo ako pero hinila niya ako umupo.
"Dito ka lang." sabi niya at napalunok ako sa pagtitig niya sa akin.
"Kukuha lang sana ako ng gamot. Para mahimasmasan ka." sabi ko sa kanya at mukhang ayaw niya kaya no choice kundi nandito lang ako nakaupo sa kama niya.
"Ikaw nag-uwi sa akin?" tanong niya sa akin.
"Oo. Nag-alala lang ako baka kung ano nangyari sayo. Saka kanina ka pa hindi okay." pag-alala ko sa kanya at chineck ko ang kanyang noo kung okay siya at mukhang wala naman siyang lagnat.
"Can you stop worrying at me?" nagulat ako sa sinabi niya at umiwas siya ng tingin, "Just leave." sabi niya at nalungkot ako sa sinabi niya.
Ang sabi niya kanina lang na dito lang ako sa tabi niya pero ngayon pinapaalis na niya ako.
Naguguluhan ako sa kanya.
Pero dahil nag-aalala ako, humiga din ako sa tabi niya pero nakatalikod.
"Huwag ka na magreklamo. Para makatulog ka nang mahimbing, tatabihan kita." sabi ko at bumalikwas ako sa kanya.
Nasinok ako dahil nakaharap kami sa isa't isa.
Buti na lang nakapikit ang kanyang mata. Siguro tulog na ito kaya inayos ko yung buhok niya nakalaylay sa mukha niya.
"Stop it." bigla akong nagulat dahil akmang aayusin ko nga pero napatigil ako sa ginagawa ko.
"A-ano.." I stuttered, "Inaayos ko lang." sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang braso ko. Naningkit ang kanyang mata na parang kailangan ko pa magpaliwanag sa kanya.
Naalala ko na masama panaginip niya kanina.
"Ano yung panaginip mo kanina? It's okay if you don't want to talk about it."
"I'm having a hard time to sleep. It haunts me every night and I just remember that night last year." seryosong sabi niya.
"Anong nangyari?"
"May nabangga akong babae habang wasted ako dahil kay Megan. Hindi ko sinasadya na banggain siya. Sa taranta ko, iniwan ko yung babae mag-isa. If I only turn back time, magsisigaw ako na tulungan siya."
It's my first time to see her crying.
"I killed her." sabi niya at niyakap ko siya kahit nakahiga kaming dalawa.
"I-I k-killed her." naiiyak niyang sabi sa akin at paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na pinatay niya yon.
"Hindi mo naman sinasadya kaya hindi mo intensyon na patayin siya. You didn't kill her. It was an accident, Jacey." pagcocomfort kong sabi sa kanya.
Tumingin ako sa orasan at mag-aalas tres na ng umaga at hindi pa rin kami nakakatulog.
"Let's sleep." sabi ko. Pinikit niya ang mata niya at ako rin. Tuluyang nakatulog kaming dalawa magkatabi.
***
Minulat ko ang aking mata dahil sa sinag ng araw na nakakasilaw sa aking paningin. Ngunit bumungad sa aking kanan kong bahagi si Jacey na mahimbing ang tulog niya.
Ang peaceful ng mukha ni Jacey parang walang inaalala at hindi brokenhearted. Lalo tuloy tumibok ang puso ko.
"Done, staring at me?" sabi niya pero nakapikit ito sa akin.
"Hindi ah." napabangon ako bigla.
Hindi naman ako nakatitig sa kany—
Oo na inaamin ko na. Ang ganda kasi ng mukha niya. Sino bang hindi mabibighani sa kanyang kagandahan?
"Let's have a breakfast outside." tumayo siya at naghanap sa kanyang cabinet na damit panlabas.
"Sige." habang tinitingnan siya magtanggal ng hanger sa mga damit niya at napangisi ito sa akin.
"Do you want to stay here while I'm changing my clothes?" nagulat ako sa sinabi at feeling ko namula ang aking pisngi.
"Ha? Ano? Hindi! Lalabas ako!" nagmamadaling takbo sa labas.
Tumingin ako sa salamin niya at namumula ako.
Ilang sandali lamang at lumabas siya. May dala siyang box na malaki na nakaribbon ito.
Binigay niya sa akin, "Here." sabi niya at tumingin ako sa box. "My mom gave it to you."
"Ah the Mauve Dress na sinuot ko noong nasa Pampanga tayo. Nakakahiya pero tatanggapin ko. Pakisabi 'thank you sa pagpapahiram'" sabi ko sa kanya at napangisi siya.
"She 'gave' it to you." Inulit niyang sabi na parang hindi ko gets ang sinabi niya kanina.
So akin 'to? Pero ang mahal nito at special collection ito ng mom niya.
"Hala! Sobrang thank you naman." kinuha ko yung box at binitbit ko ito.
"Mamaya yung event ni Megan. Wear that dress and my driver will pick you up." sabi niya.
Sinundan ko siya at nakarating kami sa labas ng lobby. Dumating ang butler na bitbit ang susi ng sasakyan ni Jacey at binigay sa kanya. Hindi ko alam kung saan kaming restaurant napadpad pero siya na bahala pumili kung saan kami kakain.
"I can't drive. Ikaw muna." sabi niya sa akin at hinihagis niya ang susi sa akin. Nakuha ko at pumasok na sa loob ng sasakyan at pinaandar na. Siya na bahala magset ng ruta kung saan kami kakain. Kumain kami at nag-usap din pero puro pinagusapan lang namin ay work related sa CLOUDD.
Gusto niya ako mag-audition sa kompanya niya pero sobrang late na para mag-audition ako. Kailangan ko buhayin kapatid ko sa pagdadrive. Baka rin maghanap din ako ng karagdagan na trabaho. Part time ganun. 'Yon ang balak ko.
After namin kumain, inuwi ko muna siya sa bahay niya at nagcommute ako pauwi.
Nagpahinga ako sa bahay at wala naman si lola at Kevin dito kaya okay lang sa akin na umaga ako dumating. Nandon sila kay inay nagbabantay. Si Irene lang uuwi dito kaso may klase pa siya kaya wala ring tao sa bahay.
Hindi ko nalimutan yung binigay ng mommy ni Jacey.
Dumating ang gabi kaya sinuot ko agad ito.
Ang ganda ko dito. Totoo talaga. Tamang-tama lang fit nito sa akin at binawasan nga niya ang haba sa talampakan kaya naging maganda ang kalalabasan ng dress. Pagkatapos ko rumampa, syempre kailangan ko muna ayusin ang aking buhok.
Alam ko mas bagay sa akin nakataas ang buhok ko. Nagsearch ako sa youtube ng voluminous easy pony tail. Ginaya ko lang. Dahil alam kong confidence ako sa ganda ko kaya naman nagnatural make up lang ako. Hindi bongga, pero natural lang. Ayoko masyado bonggahan. Hindi ko naman birthday party 'no?
Nandito na ang driver at ihahatid ako sa venue kaya naman sumakay na ako sa passenger seat.
"Ang ganda niyo, madam." sabi ng driver at nagpasalamat ako sa kanya.
Tinext ko si Jacey kung nasaan na siya.
Baka sa pagkarating ko do'n, wala siya at nakakahiya mag-isa lang ako nandon sa party.
Nagreply naman siya.
*I'm here waiting for you.*
Napangiti ako sa text ni Jacey. Sana ako lang hinihintay niya.
Dumating kami sa venue before magstart ng event at bumaba agad ako sa sasakyan.
Ang dami palang photographer sa labas. Nakita ko si Jacey na kanina pa kinakausap ng mga nagiinterview sa kanya sa labas.
Napansin ako ni Jacey at napatitig siya sa akin ng matagal. She's wearing a tuxedo and a bow tieand black leather slip shoes. She looks manly pero bagay sa kanya.
Nakatingin din sa akin ang mga reporter at...
Pumokus sa akin ang photographer para picturan ako. Nagpose din ako na mala model kahit wala ako experience maging model.
"Sino siya?" tanong ng mga tao habang kinukuhaan nila ako. May binigay din na business card ang photographer kaya tinanggap ko ito at nagthank you.
Hinatak niya ko, "She's Scarlet. She's my date tonight." sabi niya sa mga reporter at nagulat ako sa sinabi niya.
"Ba't mo sinabi ang pangalan ko. Baka hunting-in ako ng mga fans mo 'no?" sabi ko at natawa siya habang naglalakad kami papasok sa venue.
"Required naman ang may date dito. Hindi ka hahabulin ng mga fans ko." sabi niya.
Sabagay. Required din pala.
"S-Scar..." nauutal niyang pagtawag sa akin," You look beautiful tonight."
Ngumiti ako, "Sows, si Megan pa rin ang mas maganda ngayon." sabi ko sa kanya at hindi siya naconvince sa sinabi ko.
"Ikaw lang maganda sa paningin ko." sabi niya at nilapit niya ang mukha niya sa akin
Kinikilig ako. Shemz! Panagutan mo 'tong kilig ko.
Hinanap namin ang table seat namin dalawa at doon daw kami sa harapan mismo. Friends' table nakalagay sa papel. Pagkarating namin, sinalubong kami nina Clint at Chloe ng yakap at beso.
"Omayghad! You look gorgeous in your dress." puri niya sa akin, " This dress is your mom's collection right, Jacey? Kasi sa pagkaalala ko, favorite dress ko ito sa mga design ng mom mo." nagtiger look sa akin si Chloe pero alam kong nagbibiro lang siya.
"Maganda ka rin, Chloe." sabi ko at nagthank you din siya pero in a australian accent.
"Jacey, kasama ka raw sa sayaw." sambit ni Clint kay Jacey at umiling ako.
"Pass. Ikaw na lang, Clint."
"Pass daw." tukso niya sa akin, "Ehem! Kayo na ba?" mapagkunwaring ubo at tanong ni Chloe.
Umiling ako.
"Hindi 'no."
"No."
Sabay kami sa pagkasabi, "Kayo ha?" paunukso ni Clint sa amin.
Biglang nagstart ang event at nauna ang sumayaw ang boys. Hinila namin ni Chloe si Jacey para sumayaw pero ang ending ayaw niya talaga. Kaya no choice hindi siya sumayaw. Nahiya siguro.
"Marunong ba sumayaw si Jacey?" tanong ko kay Clint at kakaiba tuloy tingin niya sa akin parang manunukso ito.
"Marunong yan sumayaw. Also, she can sing." sabi ni Clint at tumingin siya kay Jacey, "I'll show you yung mga performance ni Jacey." biro lang ni Clint at sinamaan siya ng tingin ni Jacey kaya natawa ako.
"Huwag ka na mahiya, sa atin-atin lang 'to." pagkukumbinsi ko kay Jacey at tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Clint, stop it." tumigil na si Clint baka kung ano pa gawin ni Jacey.
Natatawa na lang ako sa kanila.
"So guys, we have freestyle dance right now. I'll invite you to bring your date and join Megan and her partner slash fiancé on the dance floor."
Ang dami nagdala sa dance floor ng ka-date. At sa sobrang dami ng tao, naiinggit ako na may kasayaw sila.
Sana ako rin.
I saw Chloe pushing her back na isayaw ako pero umiling ako pero ayoko na pinipilit siya. Nakakahiya kasi kung sarili ko lang pinagsiksikan sa kanya.
Pero biglang lumapit sa akin si Jacey.
"I want to dance with you." tinulak-tulak ako ni Chloe sa kilig niya at may pavideo din si Clint sa aming dalawa.
Nilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko ito.
"Go! ScarCey!" sigaw ni Chloe at ako na nahihiya sa sarili ko dahil kanina pa nagch-cheer ang dalawang fans namin ni Jacey sina Clint at Chloe.
"I don't know how to dance." sabi ko sa kanya.
"Just follow my step." lumapit siya sa akin.
I hang them loosely around his neck. She puts her hands wrapped loosely around her lower back. I will put one foot between her feet and my other foot on the outside.
Biglang nagslow motion ang lahat. Parang kami lang dalawa ni Jacey na magkasayaw.
Every time I followed her step, napapalapit ang mukha ko sa kanya.
She gently pushed me in the way I wanted to go as I also moved my body in that direction. We just follow the music and move to the beat. I gently lift my feet off the floor just a bit. These small lifts will turn me in a slow circle. I keep my arms and elbows loose. It makes me easier to breathe and sway comfortably. I just step back from my embrace and hold her left arm up in the air with my right arm. After guiding me in turning 360 degrees, I just simply returned to my starting position and resumed swaying.
"I want to tell you something." sabi ko sa kanya at seryoso siya nakatingin sa akin habang sumasayaw kami.
"What?"
"I think I'm starting to like you." bulong ko sa kanya habang nnakayakap ako sa kanya.
Bakit wala siyang reaksyon?
Hindi niya ba ako gusto?
Baka mahal niya pa rin si Megan.
Ay! Ewan. Umalis na lang ako venue. Iniwan ko siya mag-isa sa dance floor.