The Greek God and the Goddesses
Ilang buwan na ang nakakaraan…..
Naglalakad si Mae isang hapon papunta sa tambayan ng mga kaklase nya galing sa volleyball practice nang marinig nya ang mahinang usapan ng mga ito. Nasa first year college niya ng panahong yun sa San Deba College.
"Talaga? Pumayag ka sa ganun? Eh para lang naman sa mga bakla yun ah!" Curious na tanong ng isang dalaga na medyo chubby.
"Eh kaysa naman isuko ko ang Bataan sa kanya. At least very satisfied siya sa kapit-bahay ng iniingatan ko. Ang mahalaga eh virgin pa din ako!" Mahinang sabi ng dalagang medyo may kagandahan.
"Ewan ko sa 'yo. Hindi ko kaya ang ginawa mo girl! Masakit kaya yun! Basta ako mas ok na yung lips ko ang gamitin ko." Sabi ng medyo chubby na babae.
"Mas lalo namang hindi ko kaya yun 'no? It's yucky!" Sabi naman na isa.
Malinaw na narinig ni Mae ang usapan ng mga kaklase at hindi nya maiwasang ma-curious sa usapan ng mga ito.
"Hoy ano yang pinag-uusapan nyo?" Curious na tanong ni Mae.
"Virginity preservation girl!" Bungisngis ng medyo chubby na babae.
"Uy! Bago yan ah! Paano yun?" Tanong ni Mae.
"Mae, iba ang mga lalaki. Kailangan nilang ilabas ang sexual urges nila kaya ingat ka kapag nagka-boyfriend ka na. Hihirit at hihirit ang mga yan na makuha ang Bataan nating mga babae!" Sabi ng isa pang kaklase nya.
"Hindi uubra sa akin yun kapag hiniling ng future boyfriend ko yun!" Confident na sabi ni Mae.
"Pero may paraan para hindi maisuko virginity mo. Magiging satisfied pa din ang mga lalaki and at the same time you will preserve your hymen!" Sabi ng kaklase nya.
"Ha? Paano naman yun?" Inosenteng tanong ni Mae.
"Nasa iyong mga kamay, sa iyong mga labi at nasa pintuan sa likod-bahay ang sikreto! Buo pa rin ako pero ang boyfriend ko ay head-over-heels sa tuwing ginagawa namin iyon!" Ang Pabirong sabi ng isa.
"Yuck! Kadiri! At teka, hindi ba masakit yun?" Tanong ni Mae.
"Natural masakit kapag binigla! Kaya dapat dahan-dahan lang! For sure very enjoying din sa ating mga babae yun!" Sabi ng kaklase ni Mae.
"Basta ako hindi ko gagawin yun! Kung mahal ako ng lalaki eh hindi siya hihiling ng ganun!" Matigas na sabi ni Mae.
"Whatever! Baka kainin mo sinabi mo! By the way, manonood ba kayo ng concert ng Ravermaya sa Araneya Center next week?" Tanong ng isang babae.
"Oo! Manonood kami ni Mae. Balita ko eh front act yung rock band sa kabilang school. Guwapo daw gitarista nun! Sagot ng kaibigang babae ni Mae.
"Wehh? Di nga? Di bale, kita kits na lang tayo sa concert." Sagot ng isa pa.
Maya-maya pa ay naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan. Si Mae naman ay bumalik sa boarding house para magpahinga. Habang nagpapahinga ay hindi maalis sa isipan ni Mae ang sinabi ng mga kaibigan tungkol sa guwapong gitarista.
Nang mga oras na iyon….
Maririnig ang malalakas na lagabog sa punching bag na kasalukuyang pinauulanan ng suntok at sipa ng isang magandang dalaga na bobcat ang buhok. Tulad ni Mae, tawag pansin din ang height, kutis at eleganteng dating nito.
Siya ay si Michelle, eighteen years old, first year college student sa St. Michael University at isang highly trained professional bodyguard ng anak ng isang mayamang may-ari ng pharmaceutical company. Sabay silang nag-aaral ng anak ng negosyante sa iisang unibersidad para na rin maprotektahan ang alaga niya na itinuturing niyang kapatid.
Bukod sa martial arts ay sinanay din si Michelle ng ama niya sa ibat-ibang uri ng sandata and tactics bilang self-defense. Ang ama ni Michelle ay isang dating miyembro ng Philippine Scout Ranger pero na-dismiss sa serbisyo dahil sa palpak na operation.
"Ate Michelle! I'm in love!" Naputol ang pagsuntok ni Michelle sa punching bag nang marinig niya ang boses ng isang dalagita.
"Anong in love? Teka! Teka! Teka! Baka ibig mong sabihin may crush ka?" Paglilinaw ni Michelle.
"Hindi crush! First time kong ma-in love!" Kinikilig na sabi ng dalagita.
"Meron bang ganun? Pag ibig sa unang tingin? My God Kryztal! Fifteen ka pa lang at hindi mo alam kung ano ang pag-ibig. Ako nga ay eighteen na at hindi pa ako nai-in love, kaya sa tingin ko ang nararamdaman mo ay hindi pag-ibig. Crush lang yan. Magkaiba ang dalawang iyon!" Sinabi ni Michelle kay Kryztal na hindi makapaniwala sa sinabi ng dalagita.
Si Kryztal at Michelle ay halos magkasintangkad at parehong maganda na parehas bobcat ang hairstyle. Open ang dalawa sa isa't-isa kaya walang sikretong itinatago sa bawat isa.
"Sabi mo hindi mo pa nararanasan ang ma-in love. Papaano mo nalaman ang pagkakaiba ng love at crush?" Iritadong tanong ni Kryztal kay Michelle.
"Nagtanong ako kay Mr. Google. Look Kryztal, Ok lang kung may crush ka sa isang tao pero wag mong sayangin ang oras mo na lagi siyang iniisip. Alam mo ang medical condition mo. Dapat mong kontrolin ang emosyon mo palagi. Tandaan mo ang sinabi ng doktor!" Paalala ni Michelle kay Kryztal.
"Alam ko. Huwag mag-alala. Alam ko ginagawa ko." Ang tugon ni Kryztal.
"Teka, sino ba yan? Papaano mo ba nakilala yan?" Curious na tanong ni Michelle.
"Ganito yun...."
Nasa loob ng food court sa loob ng school si Kryztal nang hindi sinasadyang mabangga siya ng isang binata na may mahabang buhok. Nalaglag lahat ang mga libro niya sa lupa at nagalit siya agad pero napawi ang galit niya nang tumingin siya dito.
"Oh! I'm very sorry miss!" Sabi ng lalaki habang nakatingin kay Kryztal.
Hindi kaagad nakapagsalita si Kryztal. Nasa harap nya ang isang guwapo at makisig na lalaki na para bang isang Greek god. Malakas ang dating nito kay Kryztal. Bakas sa tindig nito ang tikas and confidence ng isang lalaki na mukhang matalino at disente despite sa long hair nito.
Nakangiti ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa dalagita. Animo'y tinamaan si Kryztal ng palaso ni kupido nang magtama ang mga mata nila. Agad na pinulot ng lalaki ang lahat ng libro sa lupa at ibinigay kay Kryztal.
"It's Ok. Mukhang nagmamadali ka!" Magalang na sabi ni Kryztal.
"May exam ako ngayong hapon at gig naman mamayang gabi kaya medyo nagmamadali ako!" Sabi ng lalaki.
"Nag-aaral ka rin ba dito sa St. Michael University?" Curious na tanong ni Kryztal.
"Hindi. I'm from Eastern University and it so happened that I went to my friend to get something." Sagot ng binata.
"By the way I'm Kryztal, Grade 9 high school student in this school." Binigay niya ang kamay niya para makipagkamay.
"It's nice to meet you. Ako si John and isa akong senior engineering student." Sagot ni John.
Si John ay fifth year engineering student na full scholar ng school. Bukod sa pagiging musikero ay member siya ng swimming team sa school nila at isa ring professional mixed martial artist na lumalaban sa mga MMA tournament kaya naman maganda ang katawan nito.
Nang ipagpapatuloy pa sana ni John ang pakikipag-usap kay Kryztal ay biglang may tumawag sa kanya.
"John! Tara na! Male-late na tayo sa rehearsal natin!" Sabi ng isang lalaki na mahaba rin ang buhok na nakasuot ng all black jeans at sando.
"Ok wait lang sandali! Sorry Kryztal, kailangan ko nang umalis. May exam ako mamaya and may rehearsal kami for Ravermaya's concert next week. Punta ka sa concert, front act kami sa Ravermaya. Sana makita kita doon!" Nakangiting sabi ni John kay Kryztal.
"Ok. Pupunta ako!" Sagot ni Kryztal na may ngiti sa labi.
"Bye!" Nagpaalam si John kay Kryztal habang kumakaway.
Napangaga si Michelle matapos marinig ang kwento ni Kryztal.
"Nabangga tapos na-inlove agad?" Hindi makapaniwala si Michelle.
"Oh papaano ate Michelle? Punta tayo sa concert at panoorin ang pagtugtog ng banda ni John!" Sabi ni Kryztal.
"Ok. Sasamahan kita pero kailangan nating umuwi ng 10 pm baka magalit si tito sa atin!" sabi ni Michelle.
"Salamat Ate Michelle! Ikaw talaga ang big sister ko!" Magiliw na sabi ni Kryztal.
Triplet sina Kryztal. May dalawa siyang kapatid na sina Kryzel at Kryzette. Kaibigan ni Michelle sina Kryztal at Kryzel at madali niyang pakisamahan ang dalawa. Si Kryzette naman ay iba sa dalawa niyang kapatid. She's aloof at mahirap pakisamahan pero siya ang pinakamatalino sa kanilang tatlo. Sa kabila ng edad ni Kryzette, mas advance ang kanyang pag-iisip kaysa sa mga batang babae na kasing edad niya.
However, she's too unpredictable and very mysterious so it is one of the reasons kung bakit mas malapit si Michelle kina Kryztal at Kryzel. Bukod dun, naaawa siya kay Kryztal at Kryzel dahil baka isang araw ay makapanaig ang gusto ni Kryzette laban sa dalawang kapatid.