THE CRUSH
Baliwag, Bulacan. Isang linggo ang lumipas matapos ang Ravermaya concert.…..
Sa loob ng isang linggo ay hindi mawala sa isipan ni Mae ang maikling oras na magkasama sila ni John. Umaasa siyang tatawagan siya ng lalaki pero hindi ito tumawag pagkatapos ng gabing yun. Dahil sa kakaisip sa lalaki ay nakalimutan nya na rin sila Michelle at Kryztal.
Ang halik ni John ay nagpagising sa pagkababae ni Mae. Nakaramdam siya ng init sa pagitan ng dalawang hita niya. Alam niyang mali pero pinagpapantasyahan nya na ginagawa nila ni John ang bagay na iyon.
Sa loob ng labinwalong taon simula ng ipinanganak siya ay ngayon lng niya naramdaman ang kakaibang sensasyon sa pagitan ng dalawang hita niya. Sa isip nya, kasalanan ni John ang nangyayari sa kanya. Ginising nito ang nakatagong kamalayan niya bilang babae.
"Hoy babae! Ano na naman ang iniisip mo? Narinig ko na kinuha ng tatay mo ang crush mo para maging private tutor mo!" Humagikgik ang babaeng kaibigan ni Mae nang pumasok sa bahay nila.
"Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa iyo! Oo, kaibigan ng tatay ko ang tatay ni Bruce kaya kinuha niya si Bruce na maging tutor ko!" Excited na sabi ni Mae.
"Naiinggit ako sayo girl! Lahat kaming mga kaibigan mong babae ay gustong mapalapit sa kanya but wala kaming pagkakataon pero ikaw, magiging tutor mo siya! Paano kung ligawan ka niya?" Tanong ng kaibigan ni Mae.
"Uy eighteen pa lang ako. Hindi pa oras para magkaroon ako ng boyfriend. Maghintay na lang tayo!" Excited na sabi ni Mae.
"Graduating na si Bruce this October at nabalitaan ko na plano niyang magturo sa community school natin. Akala ko aalis na siya at pupunta ng Manila." Sabi ng kaibigan ni Mae na si Jenny.
"Excited na ako sa unang session ng tutorial namin! Hoy Jenny, wag mong sabihin kahit kanino na crush ko si Bruce lalo na sa tatay ko! Baka i-cancel ng tatay ko ang tutorial ko kay Bruce!" Babala ni Mae kay Jenny.
"Don't worry, hindi ko sasabihin kahit kanino. By the way, anong subject ang ituturo niya sayo?" Curious na tanong ni Jenny.
"Syempre tungkol sa love!" Biro ni Mae saka tumawa.
"Akala ko tuturuan ka niya ng lovemaking! Willing din akong matuto sa kanya!" pilyong sagot ni Jenny.
"Salbahe ka!" Nagtawanan sina Mae at Jenny habang inililigpit ang mga gamit sa mesa.
Nang oras na yun…..
"John! Isang linggo ka ng tulala dyan! Ano bang nangyayari sa yo?" Tanong ng kaibigan ni John.
"Mukhang in-love pre! Nakita ko yan na may inihatid na tsiks sa taxi after ng tugtog natin last week!" Ang sagot naman ng bassist na kabanda ni John.
Biglang nagising si John sa pag-iisip tungkol kay Mae. Isang linggo matapos niyang halikan si Mae ay hindi mawala sa isipan niya ang nangyari.
"Dehins mga pre! Iniisip ko lang kung mag-abroad ba ako or dito sa Pinas magtrabaho after graduation. Alam nyo na, mahal ko ang banda at hindi yata ako magsu-survive ng walang tugtugan!" Ang tugon ni John.
"Talaga lang ha? Anyway, practice na tayo kasi two hours lang ang rehearsal natin for tonight's performance." Ang sagot ng band vocalist nila John.
Inayos ni John ang guitar effects at amplifier at sinimulan ng grupo ang rehearsal. Hindi makapag-concentrate si John sa rehearsal dahil laman ng isipan nya si Mae. Dumagdag pa ang alalahanin na hindi nya nai-save ang cellphone number ni Mae matapos silang maghiwalay.
Kinabukasan ng umaga sa bahay nila Mae…..
Naliligo si Mae ng oras na yun nang marinig niya ang ama na may kausap sa sala ng bahay. Inakala nya na baka nag-uusap ang mga magulang nya tungkol sa restaurant nila. Matapos ang ilang minuto ay lumabas si Mae ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya matapos maligo at dumeretso sa sala para batiin ang mga magulang pero laking gulat niya ng makitang si Bruce pala kausap ng ama niya.
"Mae! Magbihis ka nga muna bago ka pumunta dito! May bisita tayo! Bumalik ka dito pagkabihis mo!" Medyo naiinis na sabi ng ama ni Mae dahil conservative ito at ayaw na ayaw nitong makita ng sinumang kalalakihan ang kaseksihan ng anak lalo na ngyon at tuwalya lang ang suot ni Mae.
Agad na umalis si Mae sa sala at nagtungo sa kuwarto nya para magbihis. Hiyang-hiya siya kay Bruce dahil sa suot nya. Alam niya na kahit sinong lalaki ay magugulat sa hitsura nyang napaka-sexy sa suot na tuwalya. Maya-maya pa ay nakapagbihis na si Mae at lumabas papunta sa sala para harapin si Bruce.
"Mae iha, magkaibigan naman kayo ni Bruce. Simula ngayon ay siya na ang magiging tutor mo para hindi ka mahirapan sa pag-aaral mo sa math. Ganun talaga yun, may mga taong hirap sa math kaya kailangan mo ng tutor. Oh papaano, iwan ko muna kayong dalawa para masimulan nyo na ang tutorial." Ang sabi ng ama ni Mae sabay tayo paalis ng sala.
Crush ni Mae si Bruce kahit noong high school pa lang siya. Magkaibigang matalik ang mga magulang nila at gusto rin ng mga ito na sila ang magkatuluyan. Kaya naman laking tuwa ni Mae ng malaman mula sa ama na si Bruce ang magtuturo sa kanya habang bakasyon.
"Kumusta na Mae? Second year college ka na pala sa sunod na semester. Ilang taon na lang at graduate ka na!" Magiliw na sabi ni Bruce.
"Kuya Bruce, ngayon na ba tayo magsisimula? Akala ko kasi eh bukas pa." Medyo nahihiyang sabi ni Mae.
"Gusto ng papa mo kasi na ngyon na magsimula. Hindi ko naman pwedeng kontrahin. Mga one hour lang tayo tapos bukas ulit. Ok?" Nakangiting sabi ni Bruce.
"Sige Kuya Bruce." Kiming sabi ni Mae.
At sinimulan ni Bruce na itutor si Mae sa mathematics subject nito. Matapos ang mahigit isang oras ay natapos na ang dalawa.
"Ganun lang pala kadali yun! Kung bakit kasi pinapahirapan pa ng teacher eh!" Ang sabi ni Mae.
"Yun kasi talaga ang approach ng mga math teachers pero yung itinuro ko ay ibang approach para mas maintindihan mo. By the way, may boyfriend ka na ba?" Ang seryosong tanong ni Bruce.
Natigilan si Mae sa tanong ni Bruce. Parang kinilig siya sa tanong nito. Kumpara kay Bruce ay lamang na lamang si John sa tikas at hitsura pero matagal ng crush ni Mae si Bruce kaya hindi nya maiwasang maging awkward sa tanong ng binata.
"Wala pa din Kuya Bruce. Alam mo naman na eighteen pa lang ako." Nahihiyang sagot ni Mae.
"Eighteen ka na, so pwede ka nang mag-boyfriend! Anyway, aalis na ako pero bukas ay tuloy pa din tayo sa tutorial natin." Ang sabi ni Bruce at nagpaalam kay Mae.
Matapos umalis si Bruce ay nagtungo si Mae sa kwarto niya. Nagtataka si Mae kung bakit si John ang nasa isip nya kahit si Bruce ang kaharap nya. Yun ba ang tinatawag na love?
Nagpatuloy ang tutorial ni Bruce kay Mae ng mga sumunod na araw kaya unti-unti ay nawala ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Dahil na rin sa araw-araw na pagkikita nilang dalawa ay medyo hindi na rin naiisip ni Mae si John. Dumagdag pa ang pagkadismaya ni Mae nang hindi siya nakatanggap ng text or tawag mula kay John.
Makaraan ang halos dalawang linggo ay nakita ng ama ni Mae ang improvements sa study habits ng anak kaya ganun na lang ang tuwa nito.
"Mang Karding, pwede ko po bang isama si Mae sa birthday ng kapatid ko sa Manila bukas? Gusto kasi ng kapatid ko na makita ulit si Mae. Matagal na panahon na rin kasi na hindi sila nagkikita." Ang paalam ni Bruce sa ama ni Mae.
"Walang problema Bruce. Magkaibigan naman si Mae at si Brianna kaya matutuwa ang kapatid mo kapag nagkita sila. Basta ingatan mo ang anak ko at siguraduhin mong walang ibang lalaking aali-aligid dyan!" Pabirong sabi ni Mang Karding.
"Huwag po kayong mag-alala. Protektado si Mae kapag ako ang kasama!" Ang tugon naman ni Bruce.
Kinabukasan ay maagang nagtungo sila Bruce at Mae sakay ng kotse ni Bruce papunta sa isang restaurant sa BGC kung saan gaganapin ang birthday ni Brianna. Pagdating sa venue ay kaagad na nag-besobeso ang dalawang babae.
"Happy birthday Brianna! Ang tagal nating hindi nagkita almost one year yata!" Ang bati ni Mae.
"Mabuti at nakarating ka friend! Baka kako hindi ka payagan ng mga magulang mo na lumuwas eh kasi alam mo na, conservative sila! Halika, kain muna tayo. Maya may live band kaya kakantahan mo ako!" Sabay tawa ng malakas ni Brianna.
Sabay na nagpunta si Mae at Bruce sa mesa para kumain. Habang kumakain ay tumugtog ang live band na lalong nagbigay buhay sa birthday celebration. After kumain ay narinig ni Mae na tinawag ng emcee ang name nya para sa isang intermission number.
"Ladies and gentlemen, please welcome our special guest for today. She's a crowned Miss Bulacan and a family friend of the birthday celebrant. Please welcome Miss Mae!" Ang sabi ng emcee.
Umakyat ng stage si Mae at kinausap ang banda tungkol sa kakantahin nya na agad namang tumango tanda na alam ng banda ang piyesa na kakantahin nya. Habang kinakausap ni Mae ang band leader ay nakatingin kay Mae ang bisita na barkada ni Brianna habang umiinom ng beer.
Pagkatapos ay sinimulan ng banda ang intro ng tugtog at sinimulan ni Mae ang pagkanta. Lahat ng nandoon ay humanga sa mala-anghel na boses ni Mae kaya naman napuno ng palakpakan ang venue ng matapos ang performance ni Mae.
"Ang galing mo talaga Mae! Very proud ako sa yo!" Ang puri ni Brianna.
Bandang 8pm na nang matapos ang event kaya nagpaalam na si Bruce at Mae para bumalik sa Bulacan. Habang naglalakad ang dalawa sa parking lot at hindi nila napansin na may nakasunod na lalaki sa kanila.