Chereads / The Semi-Virgin / Chapter 7 - KABANATA 3

Chapter 7 - KABANATA 3

Love at First Kiss

Dumating ang gabi ng Ravermaya concert .....

"Kryztal! Halika bilis! Nasa stage na sila!" Hinawakan ni Michelle ang kamay ni Kryztal habang tumatakbo sila patungo sa concert venue.

Isang concert featuring Ravermaya kaya maraming kabataan ang nandoon para manood ng concert.

"Wait lang Ate Michelle!" Hinihingal si Kryztal dahil ipinarada nila ang sasakyan nila ilang daang metro ang layo mula sa concert ground.

"Ituloy mo lang ang pagtakbo mo Kryztal! Magsisimula na sila!" sabi ni Michelle kay Kryztal.

"Ok!" Sabi ni Kryztal na walang magawa kundi tumakbo papunta sa venue.

Hinihintay niya ang araw na ito para mapanood hindi ang Ravermaya kundi ang bandang front act na Mantra, isang lokal na rock band na may mga closed fanatics sa university belt. Ayaw palampasin ni Kryztal ang concert ng Mantra pero wala si Kryztal dito para sa banda mismo. Nandito siya para panoorin ang crush niyang si John, ang lead guitar ng bandang Mantra.

Matangkad si John, gwapo, talented, very manly, matalino at madaling makisama sa mga tao. Bagay sa binata ang buhok nito at may mga matang mapang-akit sa mga babae kaya naman halos mabaliw sa kanya si Kryztal.

Sa pagmamadali ng dalawa ay hindi nila napansin ang naglalakad na si Mae papunta sa concert kaya hindi sinasadya na nabangga ni Michelle si Mae. Sa bilis ng lakad ni Michelle ay na-out balance si Mae at napaupo sa semento.

"Naku miss! I'm very sorry! Nagmamadali kasi kami papuntang concert at hindi ka namin napansin. Nasaktan ka ba?" Humingi ng dispensa si Michelle habang tinutulungang tumayo si Mae.

"Ok lang ako. Papunta din ako sa concert at nagmamadali din kaya hindi ko rin kayo napansin." Ang tugon ni Mae na nakangiti.

"Ganun ba? Ang mabuti pa ay sabay na tayong pumunta dun. By the way, I'm Michelle and siya naman si Kryztal." Ang nakangiting sabi ni Michelle kay Mae at nakipagkamay dito.

"Nice meeting you Michelle and Kryztal! Fans din kayo ng Ravermaya?" Tanong ni Mae.

"Well, hindi ako fan ng Ravermaya pero sinamahan ko lang itong alaga ko dahil gusto nyang makita yung crush niyang gitarista ng Mantra. Ewan ko ba dito, third year high school pa lang eh lumalandi na!" Pabirong sabi nito.

"Eh ikaw nga eh nag-debut na pero wala pa ring boyfriend! Ang taray mo kasi!" Pabirong sagot ni Kryztal.

"Ganun ba? Yan din ang sabi ng mga barkada ko. Guwapo daw yung gitarista nun. Pero hindi ako nagpunta para sa gitarista no! Nag-promise kasi ako sa mga kaibigan ko na sasamahan ko silang manood!" Ang natatawang sabi ni Mae.

"Eh di paano, let's go?" Ang aya ni Kryztal na halatang excited na.

"Let's go!" Magkasabay na sabi ni Mae at Michelle at sabay na lumakad ang tatlo papunta sa venue.

Pagdating doon ay kaagad na nakita si Mae ng mga kaibigan nito at inaya malapit sa stage. Tiyempo naman na dun din ang pwesto ng ticket ni Michelle at Kryztal. Kaagad ipinakilala ni Mae ang dalawa sa mga kaibigan nito.

Matapos magpakilala sa isa't-isa ay unti-unting dumilim ang paligid tanda na magsisimula na ang concert. Dalawang banda ang naunang tumugtog bago ang pinakahihintay ni Kryztal.

"Ayan na sila!" Ang kinikilig na sabi ni Kryztal ng matapos ang pangalawang banda.

Nagkatinginan si Michelle at Mae at sabay na napangiti nang makita ang reaction ni Kryztal. Parehong na-curious ang dalawa kung bakit ganoon na lang ka-excited si Kryztal na makita ang crush na gitarista.

Biglang namatay ang ilaw kasabay ng intro ng electric guitar sa intro ng Cliffs of Dover na isang best guitar instrumental music. Maya-maya pa ay nagliwanag ang stage at nakita nila ang isang guwapong gitarista sa gitna ng stage habang tumutugtog.

Hindi naalis ni Mae at Michelle ang mga mata nila kay John na para bang na-hypnotize ang dalawang babae ng makita ang lalaki. Nagkatinginan ulit si Michelle at Mae at parehong napangiti. Halata sa kilos ng dalawang babae na na-attract sila kay John .

"Totoo pala!" Ang bungisngis ni Michelle.

"Oo nga!" Ang tugon naman ni Mae na nakangiti ng todo.

Naka-limang tugtog ang banda ni John at pagkatapos ay tumugtog na ang Ravermaya. Hindi na pinanood ni Kryztal ang sikat na banda but instead ay umalis ito at mabilis na pumunta sa backstage.

"Mae, ano? Sama ka sa akin! Sundan ko lang yung alaga ko. Pupuntahan nya yung gitarista sa backstage. Pa-picture na rin tayo!" Ang pabirong sabi ni Michelle kay Mae sabay kindat.

"Sige! Sama ako!" Ang agad na tugon ni Mae at sumama kay Michelle.

Attracted agad siya kay John pagkakita dito at gusto nya rin itong ma-meet. First time na ma-attract ng ganitong katindi si Mae kaya nagawa nitong iwan ang mga kaibigan.

Pagdating sa backstage ay nakita nila si Kryztal na magiliw na nakikipag-usap kay John. Nang makita ni Kryztal si Michelle at Mae ay agad nya itong ipinakilala kay John.

"John, they are my friends. Ate Michelle and Mae!" Ang pakilala ni Kryztal kay John sa dalawang dalaga.

"Hi! It's nice to meet you two! Wow! I can't believe it! Tatlong magagandang babae ang kasama ko ngayon!" Ang biro ni John.

Nagkuwentuhan ang apat at nagpakuha pa ng pictures. Masayang-masaya ang tatlong babae na halatang type si John. Ang hindi nila alam ay type din sila ni John pero pinaka-type ng binata si Mae pero hindi nito ipinapahalata para hindi magselos si Kryztal at Michelle.

Hindi nagtagal ay tumawag ang papa ni Kryztal at pinapauwi na silang dalawa ni Michelle kaya walang nagawa ang magkaibigan kundi ang magpaalam kay John at Mae. Si Mae naman ay minabuti na balikan ang mga kaibigan at nagpaalam na din kay John.

Matapos ang halos dalawang oras ay natapos na ang concert. Nagkanya-kanyang uwi ang mga kaibigan ni Mae kaya naiwan si Mae na mag-isa sa loob ng venue. Sinadya niyang magpaiwan para magbakasakali na magkita ulit sila ni John.

Makalipas ang ilang minuto ay nagdecide na siyang umuwi sa boarding house dahil konti na rin ang tao sa loob ng venue. Habang naglalakad siya ay may tumawag sa kanya.

"Mae sandali lang!" Ang tawag ng lalaki sa kanya.

Paglingon ni Mae ay laking gulat nya ng makita kung sino ang tumawag sa kanya. Si John. Pinamulahan siya ng mukha at bumilis ang tibok ng puso sa excitement. Mabuti na lang at medyo madilim at hindi halata na nag-blush siya kundi ay buking ni John na type siya ni Mae.

"A..ano yun?" Nauutal na sabi ni Mae.

"Uwi ka na ba? Sabay na tayo." Ang nakangiting sabi ni John.

"Ah..eh…sige. Doon ka ba nag-aaral sa St. Michael University?" Ang nahihiyang tanong ni Mae.

"Ah hindi. Doon ako sa Eastern University na katabi nito. Graduating student ako next semester and for sure mami-miss ko ang mga gig dito sa university belt after I graduate! Ikaw, saan ang school mo?" Ang tanong naman ni John.

"Sa San Deba College ako, first year college and taking up business management course." Sagot naman ni Mae.

Patuloy na nag-usap ang dalawa habang naglalakad. Masarap kausap si John sa loob-loob ni Mae. Puro tungkol sa school ang napag-usapan ng dalawa at hindi masyado sa personal na buhay. Bago pa lang silang magkakilala kaya hindi pa dapat magkwento ng mga personal na bagay.

Sa kilos ni John ay alam ni Mae na type din siya ni John kaya naman para siyang nasa ulap habang kausap ito. Sa maikling oras na nagkausap ang dalawa ay magaan agad ang loob nila sa isa't-isa. Matapos ang halos twenty minutes na kwentuhan ay narating nila ang taxi bay.

"Sayang Mae at end of the semester na. Bakasyon nyo na bukas at babalik ka na sa bahay nyo. Anyway, can I have your phone number?" Tanong ni John habang nakatingin sa mga mata ni Mae.

"Sure!" Ang sagot ni Mae na nakangiti sabay bigay ng number nya.

Matagal na nagkatinginan ang dalawa matapos ibigay ni Mae ang number nya. Parang bigla silang nagkahiyaan ng oras na yun. Gusto sana ni Mae na ihatid siya ni John pero alam nyang hindi dapat dahil bago pa lang silang magkakilala. Besides, gusto nyang magpakipot para hindi naman isipin ni John na easy girl siya.

Nang may humintong taxi ay kaagad na binuksan ni John ang pintuan nito. Impressed si Mae dahil sa gentleman moves ni John. Napangiti si Mae at nagpasalamat kay John. Aktong papasok na sa loob ng taxi si Mae ng biglang hawakan ni John ang kamay niya.

"Mae, ummm….may gusto sana akong sabihin. Baka matagalan kasi bago tayo magkita…" Parang nahihiyang sabi ni John.

"Ano yun?" Curious na tanong ni Mae.

"Type kita!" Ang sabi ni John sabay halik sa labi ni Mae.

Hindi agad nakakilos si Mae ng oras na yun. First kiss nya yun at sa lalaking hindi nya boyfriend! Gusto nyang magalit pero hindi nya magawa dahil type nya din ang lalaki bukod pa sa thrill and excitement. Maginoong bastos pala si John. Quality na nagpapa-turn on sa mga babae.

Matapos ang halos limang segundo na halik ni John ay bumitaw ito at kumaway palayo. Natatakot ang gago na masampal ni Mae. Si Mae naman ay hindi agad nakakilos. Gusto nyang magalit pero nananaig ang katuwaan sa puso nya. Pumasok siya sa taxi at nagpahatid sa boarding house.

Sa loob ng taxi ay hindi mapigilan ni Mae na mapangiti sa alaalang yun. Siya na nga kaya ang lalaki para sa kanya?