Chereads / The Tenth Day / Chapter 2 - Arrival

Chapter 2 - Arrival

LYNN's POV

"Is Roux really okay?" Muli akong kinublit ni Angel. Ewan ko kung pangilan na 'to at isang kublit nalang, ibabalibag ko na talaga siya.

"I seriously do not have any idea. Pero alam mo naman 'yun, bigla-bigla nalang nauulol."

Mas lalong sumimangot si Angel at hindi na nagsalita. Hindi ko naman makita 'yong apat. Andito lang naman sina Pearl at Ezra kanina, ewan ko lang kung saan na mga 'yon inilagay ni Lord.

Sabi ni Leanne, 10 minutes lang daw ang byahe papunta sa isla nila pero pakiramdam ko mag-iisang oras na kami dito.

Dumungaw ako sa labas pero agad namang umiwas. Wala akong ibang makita kundi tubig and I swear to god, something's down there na 'wag nalang nating pag-usapan at baka mag collapse ako bigla.

Umiling ako. Sa kakakinig ko sa mga kwento ni Roux, pati ako nauulol na rin.

Roux is really weird for some reason. She believes in supernatural beings and I'm sure kaya siya nagkakaganyan ay dahil ayaw niyang pumunta sa isla.

She once told me about the secret behind that island but lahat ng 'yon, itinanggi ni Leanne. Syempre, si Leanne mas pinapaniwalaan ko kasi sila may ari nun.

Noon kasi--

"We're almost thereeee!"

"AY BWAKANANG SHET!" Hiyaw ko't muntik nang mahulog sa aking kinakaupuan nang biglang may tumili ng pagka lakas-lakas.

"Tangina mo, Roselle!" Duro ko sa kanya.

"Ay sorry, Lynn! Nakikita ko na kasi 'yong island. You know naman na super ganda dun, right?" Maarte at conyo niyang sabi. May pa hawi-hawi pa siya sa buhok niyang kaka-rebond lang ata.

"'Wag mo akong kausapin." Ngiwi kong sabi saka umusog papalayo sa kanya.

"Maganda ba talaga do'n?" Biglang tanong ni Angel.

"Ay, andiyan ka pa pala?" Biro ko pero hindi man lang siya ngumiti. KJ pwe!

"I don't know. Hindi pa naman ako nakapunta do'n. Hindi ko rin nakita 'yong picture na ipinakita ni Leanne last time." Seryoso kong saad at sira humor nitong kasama ko.

Rinig ko siyang bumuntong-hininga.

"Hindi ko rin nakita, eh, but I wish makarating na tayo agad at kanina pa ako nahihilo."

Umakto pa siyang susuka kaya agad kong tinakpan bibig niya ng panyo.

"Lunukin mo, shet!" Taranta kong sabi.

"Hey! Are you alright?!"

Tumingala ako't napatakom nalang nang bumungad sa harapan namin si Yuri, ang bakla ng taon.

Hindi naman talaga siya bakla kung tignan at dahil ubod ng gwapo at binasbasan ng karisma ang ugag, habulin siya ng mga babae.

Ang cool din kasi ng sense of fashion niya. Hindi rin ako nakakita ng lalaking bumagay sa pink na hair color na wolf cut. May pa choker at shades pa siyang nalalaman. White polo shirt lang din suot niya ngayon black leathered pants at Puma Spectra Thunder.

Napalunok nalang ako't umiling.

"Wala. Umupo ka na dun!" Sita ko pa sa kanya pero nginisihan lang ako ng kumag.

"Ano ka ba naman, love. Si Angel naman kinakausap ko, not you." Mataray niyang sabi sabay abot ng medicine kay Angel.

"Here. You should have taken one beforehand."

Tinanggap ito ni Angel saka sumandal sa akin. Tinignan ko ulit si Yuri at ang shuta, kinindatan ako.

Ugh! I really hate him with all my heart, soul and mind. 'Di ko lang pinapahalata at hanggang ngayon, 'di ko parin tanggap ang nangyari sa amin.

Ewan ko ba kasi sa kanya, bakla naman sana pero lagi akong pinagtitripan. Bet niya rin si Roux saka si Angel pero ako talaga hilig niyang inisin.

"Umayos ka, ah!" Banta ko pa pero mas lalo lang siyang ngumisi.

"What's your problem na naman, love. Hindi naman kita inaano, ah?"

"Hindi kita inaano nye nye nye!" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Kaka-hithit mo na 'yan kaya wala ka ng naaalala."

Because he's really tall, he had to bend down to see me eye to eye. English 'yan para dramatic kek!

"Ahh hindi mo pa pala nakakalimutan 'yon?" Maslalo niya pang nilawakan ngisi niya kaya nasuntok ko na siya sa mismong mukha.

"AWW!! MY NOSEEEE!" Babakla-bakla niyang tili habang hawak-hawak ilong niya.

Pinagsitinginan tuloy kami ng mga kaklase namin. Syempre, to the rescue agad mga fan girls ng bakla. Maya-maya pa, lumapit na teacher namin at sinermonan ako kesyo ganito ganyan. Homeroom officer daw kaya dapat magandang asal ang ipakita ko sa mga kaklase namin aba pakyu, ma'am. Pakyu char!

Kung alam lang nila kung ano'ng ginawa sa akin ng pakengshet.

Hindi na naituloy ni Mrs. Abad ang kakasermon sa akin nang makarating na nga kami sa isla, saka lang din sumulpot ang apat ng tutubi.

Si Leanne narin nag assist kay Angel pababa at kailangan ko pang magpakaalila kay Roux. Hindi naman sa maarte siya, she has asthenia. Mahina ang mga braso niya kaya hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat.

Pababa na kami ng yacht nang salubungin kami ng dal'wang katiwala nina Leanne. Kailangan pa pala naming lakarin 'yong rest house nila mula dito sa daungan kaya muntikan na kaming himatayin ni Pearl.

Kahit kasi may gulong 'tong mga maleta ni Roux, ambigat parin ng mga ito kung hilahin buti nalang at may isang side car na nakaparada sa malapitan. Ipinasakay nalang namin sina Angel at Roux pati na ang dalawang maleta.

Namumutla na kasi silang dalawa.

"Alright! Everyone, listen up." Panimula ni Leanne habang tinatawag ang atensyon ng mga kaklase namin.

Agad naman silang nagsitahimikan para makinig sa kanya. Hindi masyadong nagsasalita si Leanne pero katakot 'yan 'pag nagalit.

"Since only Mrs. Abad and Mr. Roa came with us, I want you all to stay alert and vigilant. My family may own this island but we have only explored one-fourth of this place so technically—" huminto siya para ituro 'yong forest sa likuran niya.

Antataas at anlalaki ng mga puno to the point na 'di mo na maaaninag kung ano'ng meron do'n.

"We have never gone into that part, so let me say this once and for all: One makarating tayo sa rest house, never ever cross the part na may yellow tape. It leads to the unknown part of that forest. We do not know what kind of wild animals lives in there. Kaya utang na loob, 'wag kayong gagawa ng mga bagay na pagsisisihan niyo sa huli, especially, you, two: Genta and Tyler."

Sinamaan niya ng tingin ang dalawang matatangkad na lalaki sa likuran ko.

"Hala ba't naman ako nadamay, pres! Wala akong kinalaman diyan. Si Tyler lang naman matigas ulo dito." Apila ni Genta na para bang dinidepensahan ang kanyang sarili sa korte.

"Oh my fcking god! Are we really friends?!" Bangas naman ni Tyler kaya parehas silang nakatanggap ng batok kay Hyun, PIO namin––crush ko––UY BIRDS!!

"Don't cause any troubles, both of you!" Maawtoridad na saad ni Hyun, sabay na napanguso 'yong dalawa.

"Oo na yes, your majesty!" Pabirong untad ng dalawa. Nagtawanan lang ang lahat maliban sa akin.

Hindi ko kasi talaga maiwasang hindi mapatitig kay Hyun. Grade five palang kami, crush na crush ko na siya, unfortunately, he already have a girlfriend.

Hindi siya dito nag-aaral. She went to Canada for good but lagi siyang pumupunta dito during her spare time, ganun na rin si Hyun na para bang from Butuan to Cagayan de Oro lang 'yong layo.

Agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon ito sa akin. Sure akong nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya agad akong tumabi kay Leanne.

"Anyway, limang kilometro lang naman lalakarin natin simula dito. Walang kasing namamasada ngayon since it's Sunday." Muling sabi ni Leanne.

"Whaaa? Nah even ayni kaynds of vehicle?! Nowr aynithing we can atleast wrayd?!"

(What? Not even any kinds of vehicle? Nor anything we can atleast ride?)

Ungol ni Beverly, she's British kaya ganyan siya magsalita.

Siya rin pinakaarte sa section namin kaya ngayon, three layers ang sun screen sa mukha.

"Nani?" (What?) Rinig kong bulong ni Kimberly sa likuran ko.

"'Wag ka nang mag inarte, anak. It's either we go on foot or stay here until tomorrow."

Umirap lang si Beverly saka bumulong-bulong ng kung ano-ano. She's the one who first insisted na dito kami mag camp kaya 'wag siyang magreklamo diyan.

She also came from a wealthy family like the rest of us, but she's the only one na super arte, sarap itapon sa laot.

"Let's get this over with, Shall we? Officers, we will be grouping ourselves into two. Pearl, Hyun and Lynn. You, three, are in charge at the back while Yuri, Ezra and me will be on the lead."

Kamuntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa naging announcement ng magaling kong kaibigan.

Agad ko siyang nasundot sa tagiliran pero ngumisi lang ang ugok nang hindi ako tinitignan.

"'Wag kang plastik diyan, gusto mo naman." Panunukso niya pa sabay senyas sa mga officer na pumunta na sa assigned places nila.

Syempre dahil sa huli ako, iika-ika akong naglakad papunta dun.

"UYYY! KELEG YARN!?" Tili pa ni Pearl kaya nasuntok ko siya sa puson saka ko siya iniwan na namimilipit sa sakit.

Pinagtulungan ba naman ako ng walangya! Alam naman nilang wala akong planong landiin si Hyun. Ayaw kong makasira ng relasyon because I am a woman with dignity sanaol rawr!