Chereads / The Tenth Day / Chapter 3 - The Island

Chapter 3 - The Island

EZRA's POV

"Woah! Camping ba talaga 'to? Bakit parang pakiramdam ko out of town tayo?!" Syempre, si Pearl 'yon. Siya lang naman laging tumitili sa amin.

Kanina pa siya manghang-mangha sa rest house na tinutukoy ni Leanne na parang times two ang laki sa bahay nila do'n sa syudad. It's literally a mansion!

Andito kami ngayon nina Lynn at Pearl sa terrace na sobrang lawak din, parang living room ng bahay namin kung tutuusin. Kanya-kanya kaming kumukuha ng pictures habang 'yong iba naman, naligo na sa napakalaking swimming pool sa backyard.

Sobrang lawak din ng field nila. 'Yong sinabi ni Leanne kanina na limang kilometrong lakad lang papunta dito ay sa gate lang pala nila kasi isang kilometrong lakad pa 'yong iginawad namin mula dun.

One hour and a half din kaming naglakad pero ni isa sa mga kasamahan ko 'di nakaramdam ng pagod, nakuha pa talagang gumala at mag swimming.

To be honest, I can't blame Roux for being uncomfortable about us coming here. This place is incredibly amazing and at the same time, incredibly old and creepy.

Tho pinipreserve naman ng mga katiwala dito itong lugar, bakas parin sa mga detalye ng furnitures at weird-looking statues na kahit saang sulok makikita ang kalumaan nito.

Leanne Nakayama is half Japanese, half Irish. Her mother's ancestors originally own this place kaya super Irish 'yong dating.

"How's Roux and Angel?" Agad na tanong ni Lynn nang makita niya si Leanne na naglalakad papalapit sa amin.

"Roux needs more rest while Angel is already fine. In fact, papunta na 'yon dito." Sagot ni Leanne saka umupo sa isang bakanteng iron chair.

"So, how was the place?" Nakangiti niyang tanong at sabay naman kaming nag thumbs up tatlo.

"Very nice 'yong place, hats off! Pero parang 'di naman ata 'to camping, Mademoiselle?" Kumurap-kurap si Lynn sabay upo sa tabi ni Leanne. Ipinulupot pa niya mga braso niya sa baywang nito.

"Who said na dito campsite natin?"

Sabay kaming napataas ng kilay.

"Eh, saan pala?" Si Pearl.

"Do you see that white thingy over there?" Tumuro siya sa unahan kung saan nakabandera ang puting tela.

I'm not sure if it's really tela kasi sobrang layo na. It looks like it's been wrapped around a tree trunk.

"Ahh yes, why?" Bulong ko.

"Diyan daan papunta sa magiging campsite natin. Don't worry, manong Bobs and his son, Van, carefully checked the place a month straight so it's guaranteed to be safe."

"Woah!" Sabay na sabi nina Pearl at Lynn. Pati pagpalakpak, sabay rin.

"Iba talaga 'tong president namin, oo. Ikaw na talaga ang aking tunay na lodi." Magiliw na pagpuri ni Lynn na umakto pang nag b-bow sa isang santo.

"Tigil-tigilan niyo ako, ah." Duro ni Leanne sa dalawa. "Nag unpack pa naman talaga kayong dalawa sa guest room. Iimpake niyo uli 'yon tho pwede niyo namang iwan dito ang 'di niyo kakailanganin. Pwede naman kayong bumalik anytime."

"Ansungit talaga kala mo naman pasan lahat ng problema sa mundo." Reklamo ni Pearl saka padabog na umalis, sumunod rin naman si Lynn saka sila sabay na nag cat walk papasok.

Rinig kong humugot ng napakalalim na hininga si Leanne kaya napatingin ako sa kanya.

Pinagmasdan niya lang sina Hyun, Yuri, Jefferson, at Tyler habang nagkakarera sa pag langoy. Pasok sa Olympics mga 'yan noon maliban kay Yuri. Soccer sports niya kaya malamang scorer lang siya diyan.

"What's the matter?" Tanong ko nang muli itong namuntong-hininga.

"Just exhausted. I have not gotten in touch with dad for a week now. Not even a message from him nor a missed call, I'd appreciate that. His secretary is not answering either."

Hindi ako nakapagsalita. I don't know what to say naman kasi. Leanne and I might be friends for seven years now, kami unang nagkakilala, pero never kaming nagka-usap about serious stuffs such as love life nor family matters.

Parehas naman kaming nawalan ng mommy pero kasi naghiwalay lang parents ko, sa kanya-well, her mom died. What am I supposed to say? She even lost her siblings kaya sila nalang sanang dalawa ng daddy niya ang nagdadamayan pero palagi pa itong wala.

I suck at sympathizing nor empathizing kaya maspinili ko nalang na manahimik at baka ano pa masabi ko.

"S-should I gather them now?" Paglihis ko ng topic. Tumango naman agad siya nang hindi nakatingin sa akin.

"Kindly tell them as well that we'll be taking our lunch first and then we'll head at the campsite afterwards." May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya saka ito inabot sa akin.

It's a red mini notebook.

"Here's the student and activity lists, pakibigay nalang kay Pearl."

Tumango ako, kinuha ito saka umalis. Hindi ko agad nakita si Pearl kaya napag-isipan kong tignan kung ano nakasulat sa notebook.

Naupo ako sa couch malapit sa may bintana ng hallway saka binuklat yong notebook.

• • •

CLASSROOM OFFICERS: Section Paradox

•President: Leanne Nakayama

•V-Pres: Roux Summers

•V-Pres. Religious: Angel Abadilla

•V-Pres. Social: Jeruza Lynn Lee

•Secretary: Pearl Nakamura

•Auditor: Ezra Miller

•PIO: Hyun Byun

•Sgt. Arms: Yuri Ayato

STUDENT NAMES

•Abadilla, Angel

•Ayato, Yuri

•Bernardo, Chandria

•Byun, Hyun

•Cagas, Jefferson

•Jones, Tyler

•Lee, Jeruza Lynn

•Lim, Jeniffer

•Miller, Ezra

•Nakamura, Pearl

•Nakayama, Leanne

•Park, Taekhyun

•Peters, Callie Emerson

•Sanchez, Roselle

•Santiago, Elmer

•Scott, Beverly

•Shinichi, Kimberly

•Summers, Roux

•Ueto, Andre

•Yamazaki, Genta

ACTIVITIES:

•Day 1

✓Wild mushroom identification (6AM-9AM)

✓Flower scientific names identification (10AM-12PM)

✓GAMES [Camp (2PM)]

•Day 2

✓River trekking (6AM-9AM)

✓Fishing (10AM-12PM)

✓Swimming (2PM-5PM)

•Day 3

✓Mountain climbing (6AM-8AM)

✓Picture-taking (9AM-12PM)

✓Lunch--

• • •

"Ez? 'Yan ba 'yong list?"

Hindi ko na natapos basahin nang biglang sumulpot si Pearl sa tabi ko.

"Ahh yeah." Isinara ko ang notebook saka inabot sa kanya. "Leanne wanted me to give this to you. Five days lang tayo dito, 'di ba?"

Tumango siya saka ito kinuha. "Yep! Andami ngang inihanda na activities 'yong isang 'yon."

"Uhm... As far as I can remember, hindi naman napag-usapan ng mga officers 'yong nasa list."

"Ahh kasi si Leanne lang 'yong nag plano."

Nagsalubong kilay ko sa narinig ko. "What--I mean, alam man lang ba 'to nina ma'am?"

Umiling si Pearl kaya napakamot nalang ako sa ng ulo.

"Myghad! Ayan na naman 'yang kaibigan mo, hindi man lang niya tayo kinonsulta patungkol dito. Eh, 'yong day two at day three sa list, ekis na sa akin!"

"Eh? Bakit naman? Nabasa mo ba lahat?" Tanong niya sabay buklat sa notebook. Kita kong tumaas at nagsalubong ang mga kilay niya.

"Anak nampucha!! Ano'ng river trekking at mountain climbing pinagsususulat niya dito, eh, alam naman niyang mga lalaki lang physically fit sa atin." Napakamot nalang rin siya ng ulo.

"Si Roux nga, 'di nakakatayo."'Yong nilakad nga natin kanina, muntik ko nang ikamatay tapos trekking at mountain climbing pa?!"

"Hmm... Bigay mo ulit 'yan sa'kin, co-consult ko lang sina ma'am."

Ibinigay naman 'yon ni Pearl sa akin at agad kong kinausap si ma'am Abad. Naabutan ko siyang nakahiga isang sun lounger habang pinapanuod mga kaklase naming naliligo sa pool.