ANGEL's POV
"What is it now?!" Mahina pero malutong na bulong ni Leanne.
Kita mo sa mukha niya ang pagkainis sa sinabi ni Pearl na pinapasabi ni Roux sa aming lahat.
Nasa kitchen kaming mga officers naka toka ngayon at buti nalang talaga, tiga slice lang ako ng onions and garlic kaya syempre, 'di ko na sila halos makita at puno na ng luha mga mata ko.
Katabi ko si Pearl habang kaharap naman namin sina Leanne at Lynn na parehong nag s-slice ng chayote at broccoli.
Sina Ezra, Hyun at Yuri ang nakatokang magluto kasi sila lang naman marunong sa aming lahat dito.
Roux is still resting. Kailangan niya ng sapat na lakas para sa activities bukas.
"Baka magpapa-foods lang, ito naman." Pagbibiro ni Lynn, sabay hampas ng pabiro sa braso ni Leanne.
"Really, Lynn? In the middle of the forest?" Sarcastikong tanong nito kaya napanguso si Lynn saka ako sinulyapan at may anong sinisenyas kaya agad akong umiwas.
Nope, not me. Parehas ko silang friends kaya as much as possible, ayaw kong magsalita at baka maka offend lang ako. Pasmado pa naman bibig ko sometimes kahit paminsan-minsan lang ako nagsasalita.
"So, ikakasama talaga natin ng loob 'to?" Biglang sabi ni Ezra, she's behind me and Pearl. May dala-dala siyang mga panggatong at antataas ng mga 'to kaya hindi na siya lumapit masyado.
Magkakahoy lang pala kami sa pagluluto para maramdaman naman naming camping ipinunta namin dito.
"Onga!" Pag-agree ni Pearl. "Isa pa, hindi rin naman tayo natutulog, 'di ba? Parang ano lang 'yong 10 PM."
"Eh, kasi nga we have to be early tomorrow, so we should sleep early most especially Angel and Roux. They do not have the same body like the rest of us. Madali lang silang manghina." Mahina pero matinis na pagsagot ni Leanne na hindi kami tinitignan.
Seryoso talaga kasi siya sa pag s-slice, sinusukat niya pa nga bawat piraso. She doesn't accept it but she's really perfectionist.
Sa amin kasing lahat, siya rin ang pinakamatalino at pinaka-toxic kasama. Andali niya kasing magalit sa mga bagay-bagay na pwede naman sanang 'di ikagalit pero syempre, 'di niya 'yon alam sa sarili niya.
Pakiramdam niya kasi siya palagi 'yong tama at dapat palaging gusto niya ang nasusunod. I don't wanna sound rude pero that's the truth kaya nga 'di na ako na shock sa mga activities na gagawin namin na hindi niya naman ikinonsult sa aming mga officers.
Good thing, go lang mga kasamahan namin dahil narin sa wala silang magawa. Leanne's dad is a great influence to most of our parents maliban nalang sa parents nina Hyun, Yuri, Ezra, Pearl, at Roux.
Bale, galamay ng daddy ni Leanne ang mga magulang ng majority sa amin. Nagawang makapagtayo ng mga magulang ko ng hotels all over Philippines dahil sa tulong ni Mr. Nakayama.
Of course, walang alam si Leanne do'n and I think the reason why Roux is not in-favor of us coming here is because she might have known something at ginagawa niya lang excuse ang superstitious belief niya sa kadahilanang dito sa islang 'to, nawala ang mommy at mga kapatid ni Leanne.
"Oh? Natahimik kang mag-isa diyan?" Biglang tanong ni Pearl.
"Bakit? Dapat ba 'pag nananahimik, by partner?"
"Ay aba, Angel. Sa'n ka natutong maging alaskador?!" Kunyaring gulat na tanong ni Lynn.
Nagpeke lang ako ng tawa saka binilisan ang ginagawa ko para matapos na 'tong lahat. Bandang 7:40 na kami natapos magluto at 8:30 kami natapos lahat pati na sa paghuhugas ng plato.
Sa yaman ni Leanne, bilib parin talaga ako sa kanya't alam niyang maghugas ng pinggan. Sina Kim, Beverly, Andre, at Genta naman talaga sana ang nakatoka do'n kaso nakabasag lang ang mga ito kaya siya na rin ang tumapos.
Wala na kaming nagawa kundi ang panuorin lang siya hanggang sa matapos siya sa paglilinis ng kitchen at padabog na naglakad papunta sa tent niya. Naulol na naman kasi at ayaw magpatulong tapos biglang siya pa galit.
"What is she mad for again?" Sarkastikong tanong ni Yuri na bigla-bigla nalang sumulpot sa tabi ko at si Lynn na katabi ko pa kanina, bigla nalang nag vanish.
Saan kaya 'yon napunta?
"Beverly broke her porcelain plate so, she washed all the dishes by herself." Kalmado kong sagot at aalis na sana nang bigla niya akong akbayan.
"Hey! Let's talk for a bit." Panlalandi pa nito kaya itinaas ko ang kamao ko.
"'Wag ako, Yuri. Baka nakakalimutan mong asa Judo club ako."
"Babe, you're not fit to be in Judo, you can't even do a 100-metre dash without being sent to the hospital." Bigla niya akong kinindatan kaya pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.
"Just--just go back to Genta, for heaven's sake!" Pagpigil ko sa sarili kong hindi siya ma pektusan.
"Nah! I like girls now, specifically, you--awww aww just joking--justtt joking!" Agad siyang napalayo sa akin ng pingutin ko tagiliran niya.
"Leave me alone, will you?! And do not forget to tell everyone not to sleep until 10PM or Roux will curse them one by one."
Hindi ko na siya inantay na makapagsalita at dumiretso na rin sa tent ko to take my things for my bath.
Around 9:30 PM nang matapos ako sa pagligo at pag-aayos, good thing, wala pang natutulog. They all gathered in the middle of the camp and did a singing competition.
Of course, walang ibang mananalo kundi ang tiga singing club na sina Lynn at Hyun. Ang ganda ng boses nila pareho and they sang "When God made you".
Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang lahat at hindi ko maiwasang kiligin habang pinagmamasadan kung paano ngumingiti si Lynn at Hyun sa isa't-isa.
I'm a fan of their love team kahit wala naman talagang sila. Matagal nang gusto ni Lynn si Hyun at alam naman naming lahat na he also like her kaso may girlfriend na siya kaya parehas silang umiiwas sa isa't-isa pero their talents kept pulling them in one place.
"I wonder what God was thinking, when He created you~"
"Gel."
Titili na sana ako sa kilig nang biglang may magsalita sa likuran ko't agad akong lumingon.
"H-holy heck, you scared me right there, Roux." Napahawak ako sa dibdib ko. "A-are you okay now?"
I measured her with my stare from head to toe and she looks fine which she confirmed with a nod.
Hindi na siya nagsalita at tinignan ang mga kaklase namin. She looks like she's counting all of them and after she's done, she looked back at me.
"Thank you, guys, for cooperating with me."
I suck my bottom lip. I kept stopping myself from asking her the reason why kasi ayaw kong isipin niya na namang napagkakamalan na namin siyang baliw but I think we also deserve to know.
"Uhm, Roux. I hope you won't take this as an insult, but what is this all about? Is this based on your superstitious belief--like again?"
Ngumiti siya't tumawa ng mahina. "I know you mean no harm but the way you construct your words tells otherwise."
Napanguso nalang ako. Sabi ko ngang 'di na ako magsasalita, eh.
Nawala ngiti niya't tumingin sa ibaba. "I-I'll tell you and the rest once we get home. They're naturally strong at night but in some unexplainable reason, this place-- seem to be always night."
Tumingala siya't may kung anong tinignan sa kahoy na nasa kaliwa naming dalawa.
Ilang segundo pa siyang tumitig do'n kaya tinignan ko na rin pero wala akong ibang nakita kundi ang maliit na light bulb na nag f-flicker.
Napabuntong-hininga nalang ako't muli siyang tinignan. "For heaven's sake o kaninong sake pa 'yan, Roux. Just stop it, you're scaring me!"
Tumingin din siya sa akin but this time, her facial expression changed.
"I swear to God, I tried stopping all of you from coming here."
She looks so sad and started crying, "b-blood."
Utal kong sabi nang biglang dumanak ang dugo sa mga mata ni Roux.