Handa ka na bang umibig ulit?
Magsulat ng love letter ng na ka ngiti?
O baka naman.
Pagod na ang puso mong magmahal ulit?
May sugat parin ba ang naiwan dahil sa nakaraang pag-ibig?
Paano kung dumating ulit ang pagkakataon, paano kung panain ka ni cupido sa masalimuot mong panahon?
Iiwas o Lalaban.
Kung totoo nga na " single is peaceful "
bakit kailangan pa na umasa at maghintay ng taong makakapagpabalik sa kiliti?
Peaceful ba talaga o hindi ka lang pinili?
Ngayon. Sabay sabay natin lutasin at alamin ang mga sagot na kanina pang pumapasok at gumugulo sa isipan mo. Aba malay natin, now is the right time to fall in love.
Cole's POV
"ano 'to?" agad niya naman na itinaas ang kamay niya habang hinahawakan ang isang cellphone
"cellphone?" sagot ko agad.
Nag-init ang mukha niya at ramdam ko ang pag taas ng temperatura sa paligid namin. 'wala akong pake'
"Bakit basag 'to? Ano!" kung maka asta parang sinong siga na naghahanap ng away
"tinapakan?"
"ginagago mo ba ako! Ikaw na nga itong may kasalanan ganyan pa ugali mo " mahinahon at madiin niyang salita
Parang, kakaiba ang babae na ito kakaibang kakaiba sa lahat ng nakilala ko.
"ano ang gagawin ko diyan?" agad naman akong nakipagtinginan sa kanya
Akala ko maiilang siya at aalis nalang dahil sa pamumula pero kabaliktaran ang nangyari ni halos hindi ko malaman kung ano ang ekspresyon niya.
She's different.
"bayaran mo" kalmadong saad niya at nakipagtitigan parin saakin
I chuckled softly "maybe your one of those attention-seeking girls"
Tiningnan ko ulit ang mga mata niya
"bulok na 'yang style mo" then, I quickly left at iniwan siyang nakatunganga