Chereads / Love in Rebellion / Chapter 2 - her

Chapter 2 - her

"hey, bro what happen? Kunot na kunot nanaman iyang noon mo" sabat pa ng kaibigan ko na si Ace

This boy really makes my blood boil.

Tiningnan ko nalang ito ng masama at bumalik sa pagkatulala

"hey hey! I'm asking you, ano ba nangyari" tanong niya ulit

"nothing" sagot ko agad

"anong wala, kilalang kilala kita ano ba may binully ka nanaman ba?"

Ang kulit, wala bang kapagodan tong gonggong nato sarap nalang batukan eh.

"mind your own business Ace" agad naman akong tumayo at lumipat ng upuan

"alis" singhal ko sa classmate ko na naka upo sa hulihan

Agad naman itong umalis at nagpalit ng upuan. Hindi parin talaga ako makapaniwala na nabawasan ng kaunti ang angas ko sa babaeng yun.

Pag talaga nakita ko ulit yun, pahihirapan at gagawin ko yung punching bag.

Agad naman akong nagpakawala ng masamang ngiti.

"parang may pinaplano ah" sabat naman ng isa ko pang kaibigan na si Zeke

"naku, you're such a kid Cole. Hindi ka parin talaga nagbabago" pang-aasar nito saakin

"tigilan niyo nga ako" saway ko pa sa kanila

"baka nireregla ka na ah" sabat pa ni Ace at nagpakawala ng malakas na tawa.

Agad naman kaming pinagtitinginan ng mga classmate namin at nagbubulong bulungan na agad.

I'm tired of this set up.

"iwan ko sainyo" agad naman akong tumayo para umalis. Mga gagong talagang to hindi ako tinatantanan.

"hey! Bro relax we're just joking" saad pa ni Ace at hinabol ako

" stubborn " dagdag pa ni Zeke at sumabay narin saamin.

Apat kami ma magbabarkada at yung isa, nasa japan binibisita sina Tita. Buti pa iyong si Brent tahimik lang pero tong mga pahamak na dalawang to, walang ibang ginawa kundi pagtripan at nang gagago.

"transferee ba yan?" tanong naman ni Ace sabay turo sa babae na nasa unahan namin

"i think so, she's not my type" sagot agad ni Zeke at bumalik sa pagnguya ng kinakain niyang cookies

"pahingi ako, kumakain ka diyan, di ka man lang namimigay"

Agad naman na iniwas ni Zeke ang kahon na may lamang mga cookies kay Ace.

"tumigil ka nga, palibhasa mga smart girls ang nagkakagusto sayo" saad ni Zeke

Mga bata.

"stop that childish" saway ko sa kanila at sinamaan ng tingin

"nagsalita ang hindi" sabay naman na tumawa sina Ace at Zeke

Napalingon ako sa kabilang deriksyon at may nakita akong pamilyar na pigyura.

Nagkatugma ang paningin namin at.....

Siya nga, she's the angry bird

Bigla akong napatawa ng malakas na siyang dahilan ng pagkatahimik ng dalawa kong kasama

"may lagnat ka bro?" pag-aalala pa ni Ace saakin

"can you please leave me alone? Tsk" tumayo agad ako at umalis sa kinauupan ko kanina