Chereads / Love in Rebellion / Chapter 3 - I'm not inlove

Chapter 3 - I'm not inlove

"hey, you okay?"

Pati ba naman dito sumusunod 'tong mga to. Shit. Nakakaasar na ah.

"ano ba, 'wag nga kayong sunod ng sunod, binubweset niyo ako eh" padabog na saad ko

"pwede mo naman kasi sabihin Cole, mas kinakampihan mo pa yang ego mo" sagot naman ni Zeke saakin

"dahil na kay Yuna?" what a freak man.

Sino ba nabang malulungkot sa babaeng iyun. Hindi nga ako umiyak no'ng umalis yun ta's siya magiging dahilan kung ba't ako nagganito. Swerte ah

Sa gwapo ko ba namang to, iiyak lang dahil sa babae. Ano yun hilo?

"no, it's not Yuna" sagot ko

"then who?" tanong pa ni Ace saakin

Lalaki ba talaga 'tong kaibigan ko na to sipag sa chismis ah. Pag sa project hindi.

"may na bangga ako kanina, babae" kwento ko sa kanila

Dali-dali naman silang nagsilapitan at nakinig sa kwento ko.

Kahit naman may pagka sabaw at makulit 'tong mga kaibigan ko, ma swerte parin ako at sila 'yung mga naging kasama ko mula pagkabata.

"Tapos?"

"Ang pangit, sinagot ba naman ako, hindi ba niya ako kilala?" I chuckled softly while wiping off my sweat

"maybe, ano ba kasi ang nangyari?" Zeke asked.

"I accidentally broke her cellphone"

Saad ko pa nang naka ngislit.

"what's the big deal of that? Para sa cellphone lang?" sabat pa ni Ace.

Luko talaga to, I like his attitude ganito naman lagi si Ace. Stubborn, Malaki ulo pero kahit ganun mapagkakatiwalaan naman.

"Wala akong sinabi eh, I even made fun of her" dagdag ko pa

"eh natural lang pala na magalit yung babae eh, kagagawan mo rin pala and yet you're acting like the victim here"

Sinamaan ko nalang ito ng tingin kaya naman napa iling ito.

"Sa dami ng tao, ginanun niya ako sinisigawan pa, she made the wrong choice. I'm sure hindi lang ako ang galit sa kanya, for sure, even the girls on campus are also mad at her"

I couldn't help but smirk with pure happiness.

"ano,pinagsasabi mo" saway naman ni Zeke saakin

"hayaan mo na tol, he's hungry to play, let him" gatong pa ni Ace saakin

And here's Zeke para lang siyang kuya namin. Pero hindi naman siya ganito dati eh, He changed, he changed because of a girl whom he still waits for to come back until now.

Is that really what love is?

"magpapakatino na daw ta's may bibiktimahin nanaman ulit, in love ka ba?"

Without any reason, my ears suddenly felt warm upon Zeke's question. I suddenly felt a lump in my throat and panicked.

" iyung babaeng iyun, she's not my type. Hindi ko nga alam kung marunong yun magsuklay "

I forced myself to laugh, creating an awkward atmosphere to us.

Tiningnan nila akong dalawa at nagtinginan silang dalawa pagkatapos.

"Cole, your in love" pang-aasar pa ni Ace saakin sabay tulak niya sa braso ko

Naiinis ako. Kahit ang babaw lang naman. Sanay na ako sa mga babae at makipaglandian sa kanila pero magkagusto at patulan ang babaeng iyun, yuck, it's better not to waste my handsome face.

"No, who would be interested in someone short? Is my standard really that low?"

They just looked at each other and laughed. Lakas maka asar ng mga mukhang 'to.

"gross" pandidiri ko pa

"sabi mo nga" pang-aasar pa ni Ace saakin sabay alis.