Chapter 39 - CHAPTER 39

    " What Is Love ? "

Team Tylake Vs Team Tyven

Previously....

- Nagtungo na sina Mia, Alpia, Jenna, Ian Katalina at Theo sa Lagusang Papuntang Dalakit. Samantala hindi nakasama si Tyler dahil sa Sumpang iniwan ng Oroskopyo na Sumanib sakanya at Sinamahan naman sya ng kanyang Dalawang Manliligaw na sina Jake At Raven.

Habang sina Olivia, Rica, Sierra at Lina naman ay binabalik ang dating kaayusan at Anyo ng Aydendril.

Right now...

Sa Apartment ni Sandawa..

" Ty, Alas 9 na nang Gabi di kapa kumakain.. May pagkain akong iniwan sa may maliit na lamesa. Tawagin mo lang ako pag nahihirapan kang kumain.." sabi ni Jake sabay Halik sa Noo ni Tyler na di nya Alam na gising na sa mga oras na yun.

" Ay sya nga Pala.. I just wanted to say Sorry. I know It's my Mistake talaga. Pinaramdam ko sayo na di ka makakaintindi sa Sitwasyon ko ng araw na yun. Honestly Speaking Walang Kami ng Lalaking yun. Nakipagdate lang ako because of mom's request. And That Guy Wala syang gusto sakin Hahaah. It was a business date. Anyhow I tried to Explain it before sayo but di kanaman nakikinig. I know nasaktan ka ng Sobra. And Happy 5 years and 4 months to us. No worries I'm ok. Pahinga ka I love you. " Dagdag na sabi ni Jake at Hinalikan nya Ulit ang Noo ni Tyler.

Samantala si Raven naman ay nakatanggap ng International Call.

" Hello ? "

" What do you need?"

" Between on us is just --- "

" I said, Don't bother me no more shit!"

" Di nako uuwi dyan. Sumama ka sa Kalandian mo. Put* *@# mo! "

At narinig iyon lahat ni Jake.

" Bakit Ang hilig mag Mura ng Lalaking to.." sabi ni Jake at Dumiretso na sya ng Kusina.

Sa Kwarto....

" I'm so sorry too Jake. I still love you. And I know di ako nakinig sayo noon. Nag bitiw agad ako ng salita na ikinatapus ng ating Relasyon. Pero hayaan muna Konti nalang Jake.. Mapapasaiyo na ulit ako. " Sabi ni Tyler habang umiiyak at tinitingnan ang mga Lumang Litrato nila ni Jake.

Ilang Sandali rin ay Dumating din si Raven..

" Hi Tyler, are you okay now ? Kamusta ka?" Tanong ni Raven. At pinunasan ni Tyler ang kanyang mga Luha sa mata.

" I'm ok Raven thanks for your concern.. at Tatapatin na Nakita.. I'm Still in love with Jake. I don't say I Don't like you, But I like u as my friend." Sabi ni Tyler. At Yumuko lang si Raven.

" Baka naguguluhan ka lang Tyler.. " sagot nya.

" No, I'm sure about my feelings Raven. I still love him." Sabi ni Tyler.

" Okay, It's okay but If sasaktan ka ulit ng taong yun. Uupakan ko yan sa harapan mo. Bubugbugin ko yan. " Sabi ni Raven at niyakap nya ito. tyempo namang pabalik na sa Kwarto si Jake at nakita nyang nagyakapan ang Dalawa. Sa halip na susugurin nya Sana si Raven ang ginawa ni Jake ay Umalis nalang ito at nag-iwan ng note sa maliit na lamesa sa may Sala.

Sa Aydendril....

Napagtagumpayan nina Olivia, Rica, Lina at Sierra ang pagbawi sa Kaharian ng Aydendril. Ngunit may pagbabagong ginawa si Olivia sa Aydendril.

" Mahal na reyna Olivia, Binabati kita sainyong Tagumpay.. " Bati ni Nana Sela.

" Maraming Salamat Nana Sela mabutit nandito kana.. " sabi ni Olivia.

" Nasaan na ang iyong mga kasamahan?" Tanong ni Nana Sela.

" Ah sina Lina ba. Nasa mga Silid nila naghahanda sa Bagong pagbabago ko sa Aydendril. " Sagot ni Olivia.

" Anong pagbabago ija? " Tanong ni Nana Sela.

" Basta po. Isa yung supresa.. sandali Nana Sela nandito na ata ang Diwata ng Lupa... " Sabi ni Olivia. Ilang Sandali pa ay Sumulpot si Gassia kasama si Sandawa.

" Magandang Umaga saiyo Mahal na Reyna.." Bati ni Gassia Sakanya.

" Gassia Ikaw nga.. ang Ganda mo parin.." sabi ni Olivia.

" Salamat sya nga Pala ito si Sandawa galing sa Bundok Apo. Katulad ko Isa din syang diwata ng Lupa. " Sabi ni Gassia.

" Masaya akong nakilala ka mahal na diwatang Sandawa. Ako nga Pala si Olivia " pakilala ni Olivia Sabay Yuko.

" Ngayon ano ang nais nyong gawin...?" Tanong ni Sandawa.

" Gusto ko sanang sirain ang Kastilyong ito. Gusto kung Ibalik ang Lumang Kastilyo na inilagay ni Lola sa pusod ng Gubat.." sabi ni Olivia.

" Malabong mangyari yan mahal na reyna dahil di kakayanin ng aming mga Kapangyarihan ang ganung Bagay.." sabi ni Sandawa.

" Sina Theo na ang makakatulong saiyo Mahal na Reyna.." sabi ni Gassia.

Sa Apartment....

Kinaumagahan..

" Good morning Tyler.. " sabi ni Raven.

" Nasaan si Jake ?" Tanong ni Tyler.

" Nasa Labas ata yun.. nakita ko kaninang madaling Araw na nililinis nya ang bag nya." Sabi ni Raven.

" Okay.. sandali babangon lang ako.." sabi ni Tyler ng nahirapan syang bumangon.

" Tulungan na kita..." Sabi ni Raven at inakay nya ito. Habang palabas palang sila ay nakita ni Tyler ang isang Sulat at isang Bouquet ng Bulaklak puro Puting Rosas.

" Sandali paborito ko ang Bulaklak na yan.. Jake nasaan ka?" Sabi ni Tyler.

" Jake.. pare gising na si Tyler..." Dagdag na sabi ni Raven. Ngunit walang sumagot sakanila.

" Teka iabot mo nga saakin ang Sulat na yan.." sabi ni Tyler.

" Sulat kamay ito ni Jake.. " sabi ni Tyler.

" Ano sabi ?" Tanong ni Raven.

" Dear Tyler,

Sana sa pag gising mo ngayong araw ay maayus na ang pakiramdam mo. Di nako magpapatumpik-tumpik pa. Alam kung Pinili mo si Raven. Wag kang mag aalala di mo na kelangan mag Explain. I understand, but ngayon napagdesisyunan ko na rin na Umalis sa Grupo. Para bigyan ko ng oras at Panahon ang sarili ko. And don't say Sorry. I understand, it's my fault..

However I still give my best Shot para Makuha ka ulit. But I think you don't need me anymore. O Mas dapat sabihing Wala na akong Lugar sa Puso mo.. anyhow kung binabasa mo ang Sulat na ito sguro nasa Airport nako. Alam kung tanghali kana gumising mga 9am na. Naiistress nga sila Theo sayo dahil late kana gumising.. Lakas Maka flashback. Pero, hayaan muna Tyler I really missed you. Sana alagaan mo ang Relasyon nyo ni Raven. And advice lang wag masyadong Galit always and trust him..at tsaka alam kung paborito mong Bulaklak yan. Ito nga yung Bulaklak na unang ibinigay ko sayo nung First Anniversary natin. And See you around.. Malay mo magkikita din tayo anywhere.

At tsaka Babalik-balikan ko yung Amusement Park katabi ng School nyo dati. Doon tayo unang nagkabanga. Muntik pa nga kitang masagasaan ng Kotse ko. Di ko Alam Ikaw Pala yung Utoy ni Theo. Flashback Ulit. Hahaha. Salamat sa Lahat Tyler. I love you Iingat ka.

 Nagmamahal,

Jake -

- Napaluha si Tyler nang mabasa ang Sulat ni Jake sa kanya.

" Hey,anong nangyayari bakit ka umiiyak.." Tanong ni Raven.

" Napagud na sya Raven..." Sabi ni Tyler habang tumutulo ang mga Luha nya.

" Akin na nga yan..." sabi ni Raven at kinuha nya ang Sulat at binasa. Nang mabasa nya ito ay Agad nyang Binuksan ang bintana at naghubad ng T-shirt.

" Sandali Anong gagawin mo?" Tanong ni Tyler.

" Edi susundan ko Mr Right mo..." Sabi ni Raven.

" Ha baka Wala nayun sa airport.." sabi ni Tyler.

" So puro negativity nalang tayo dito? You better stay here kelangan may Happy Ending kayo ni Jake. And I Admit Jake is A cool Guy. " Sabi ni Raven.

" Pero...." Sabi ni Tyler.

" Wala nang pepero pero.. sandali lang ako.." sabi ni Raven at nagpalit anyo sya, Mula sa Kanyang wangis tao naging Uwak sya.

" Mag iingat ka..." Sabi ni Tyler. At mabilis na mabilis ang paglipad ni Raven palabas ng Unit nila at Dumaan ito sa bintana.

Alright abangan nyo ang kasunod na Kabanata. I hope nagustuhan nyo ang kabanatang ito. Enjoy!