Chapter 42 - CHAPTER 42

" Kasawian Part 1.... "

Previously.....

 Nalaman nina Jake, Raven at Tyler na nasa Mundo pa ng mga tao si Ofelia. At naikwentro pa nila ang isang Hunyango na sumunod Kay Ofelia sa Mundo ng tao.

Samantala Sina Jenna, Theo, Katalina, Mia At Alpia naman ay tuloy sa kanilang misyon na kunin ang Cryatalya ng Dalakit na nasa pangangalaga na ito ni Ofelia. Di nila alam na isang patibong ang kanilang haharapin.

Right now.....

Habang patungo sina Theo sa sinasabing Bahay ng Gobernador. Ay may napansing kakaiba si Mia at Katalina sa Paligid.

" Matanong ko lang Alpia, Hindi ba umaanib o aanib ang mga Kalahi nyong Dalakit Kay Sitan. " Tanong ni Jenna.

" Hindi, Dahil ang mga Kalahi naming Dalakit ay di Basta Basta sumusunod. Wala kaming kinikilalang pinuno kundi ang Haring Engkanto na si Haring Gaspar. Mabuting Hari si Gaspar.. Dahil Itinuro nya saamin ang ganoong kaugalian. " Sagot ni Alpia habang patuloy sila sa paglalakad.

" Sandali Alpia... Mabuti pang wag na tayong magtungo sa Bahay ng Gobernador..." Sabi ni Mia.

" Bakit Mia ?" Tanong ni Alpia.

" Masama ang Kutob ko saating pupuntahan." Sagot ni Mia.

" Tama si Mia. Palagay ko parang --- " sabi ni Katalina ng muntik syang matamaan ng Palaso. At mabuti na lamang ay nasalo ito ni Ian.

" Muntik na yun.." sabi ni Ian.

" Salamat Ian... " Sabi niTheo at agad naman nyang Nilagyan ng benda ang braso ni Katalina na nadaplisan ng Palaso.

" Mag iingat kayo. Hindi na Tama ang nangyayari. " Sabi ni Alpia.

" Tumigil muna tayo Alpia... May susubukan akong Salamangka.. " sabi ni Mia.

" Wag dito Mia. Ilang Kilometro nalang din nasa bahay na tayo ng Gobernador. " Saway ni Alpia. Ilang Sandali pa ay may isang Batang babae ang mabilis na tumatakbo papunta sa kanila.

" Binibining Alpia nanganganib kayo... " Sigaw ng Batang babae.

" Iya? Anong nangyayari dito?" Tanong ni Alpia habang yakap nya ang Bata.

" Binibini bakit kayo nagtungo dito.. Akala ko ba sasabihan kayo ni Guro Ofelia." Sabi ng Bata. At nagulat silang Lahat sa kanilang narinig.

" Anong Ibig mong sabihin Iya?" Tanong ni Alpia.

" Sinakop na ni Sitan ang ating Mundo.. at ang nagreyna reynahan ay si Helga. " Sabi ng bata.

" Ang Ina ni Agnes ? Ang bruhilda na yun.. pero papano nangyari yun.?" Tanong ni Alpia.

" Nakipagsundo si Helga Kay Sitan. Kapalit ang mga Kawal na Dalakit. At ayun sa narinig ko. Nakalaya na din ang Aydendril Mula Kay Sitan ngunit dito sa Dalakit. Mas Lumakas ang Kapangyarihan nya. " Sagot ng bata.

" Nasaan na si Haring Gaspar Iya...?" Tanong ni Mia.

" Ate Mia..Salamat dahil iligtas Ikaw.. nasa bartulina ang Hari pati na rin ang Reyna. " Sagot ng bata.

" Binibining Alpia.. hindi na tayo ligtas dito dahil may mga Kawal na papalapit na saatin. " Sabi ni Theo. At Naghanda naman sina Jenna, Ian at Katalina sa paparating na mga kawal.

" May alam kabang Pwde naming pagtaguan.. " Tanong ni Alpia.

" Meron.. Sundan nyo ako Binibini.. " sabi ng Bata at Biglang may Tumubong mga Pakpak ng ibon sa Likud nito. Ipinagaspas nya ang kanyang mga Pakpak Bago Lumipad.

" Nakakaloka Alpia. Hindi ako makakalipad..." Sabi ni Mia.

" Wag kang mag Alala Mia. Heto, Magbibigay ako ng Hangin sa katawan mo upang makalipad ka. " Sabi ni Theo.

" Guys, Hindi ko na kaya ito.. bilisan nyo na. " Sabi ni Jenna habang hinaharangan nya ang mga Kawal ng kanyang Kapangyarihan. Hindi mag Tatagal ang Holy Net.. " sabi ni Jenna.

Si Alpia ay Pinatubo nya ang mga Pakpak sa kanyang Likud katulad ng sa bata.

" May ganyang pakpak Pala si Alpia..?" Gulat na sabi ni Ian.

" Oo Ian pag nasa Alpha stage kana magagawa na namin ang ganyan. " Sagot ni Mia habang sumusunod ito kina Iya at Alpia.

" Wow. Ikaw anong stage kapa Pala Mia.. " Tanong ni Ian.

" Sad to say Wala pang Alpha stage.. nasa Beta pako.. kumapit ka sakin baka mahulog ka.. " sabi ni Mia.

Habang Si Katalina naman ay Nag anyong Ibon na Umaapoy ang katawan..

" Phoenix? " Gulat na sabi ni Theo. Di na sumagot si Katalina Lumipad ito sumunod kita Alpia. Samantala si theo naman ay nag anyong Ibon. At si Jenna naman ay Lumipad gamit ang Salamangkang kanyang binigkas sa Libro nya.

" Iya...Nasaan na Pala si Ofelia..?" Tanong ni Alpia.

" Akala ko nagkita na kayo sa Mundo ng tao. Doon Kasi nya dadalhin ang Cryatalya ng Dalakit. " Sabi ni Iya.

" Hindi namin sya nakita doon.. " sagot ni Alpia.

" Kelangan nyong Bumalik ng Mundo ng mga tao Binibining Alpia. Di kayo ligtas dito.. Kasama ko naman si Prinsesa Norrie." Sabi ni Iya.

Samantala sa Bundok Apo kung saan napadpad ulit sina Jake, Tyler, Raven at Kasama din nila si Ofelia.

" Kelangan nating makahanap ng puno ng Acacia.. " sabi ni Raven.

" Ayun lang sa Harapan natin Raven. Ayun oh.." sabi ni Tyler.

" Hehe. Acacia na ba yun. Di ko alam.. Akala ko yung Acacia parang Cherryblossom na Puno.. " sabi ni Raven.

" Hay nako Raven nag aadik ka sguro.. " sabi ni Tyler.

" Ano ng gagawin natin Binibining Ofelia..?" Tanong ni Jake.

" Kelangan nating magtungo ng Aydendril upang humingi ng Tulong.. " sabi ni Ofelia.

" Sge.. pero pwde ko bang Makita ang Cryatalya..?" Sabi ni Jake. At iniabot naman ito ni Ofelia sakanya. Habang tinititigan nya ang Cryatalya. May nakita syang Pangitain.

" Anong nangyayari sayo Jake..." Sabi ni Ofelia.

" Masamang pangitain.. " sagot ni Jake.

" Ha anong Ibig mong sabihin Jake ?" Tanong ni Raven. At Nilapitan naman sya ni Tyler sabay hawak sa kamay nya.

" Bakit ka nakakakita ng mga pangitain kung si Katalina lang ang may ganoong Kapangyarihan. " Tanong ni Ofelia. At doon na nagtaka si Jake dahil ni minsan ay di ito naikwento ni Theo o Jenna ang mga Kapangyarihan nilang lahat.

" Bakit mo alam ang Tungkol sa Kapangyarihan ni Katalina.. " Tanong ni Jake.

" Ah ano kaba naikwento yan ni Alpia saakin.. " sagot ng Matanda.

Sa Kanlaon....

" Wala lang ba tayong gagawin dito Makiling?" Sabi ni Magayon habang tinitingnan sina Tyler, Jake at Raven gamit ang kanilang Mahiwagang salamin.

" Hindi pwde Magayon, hindi pa Panahon.. " sagot ni Makiling.

" Nasaan sina Lalahon at Dalikmata. " Tanong ni Magayon.

"Hindi ko alam.. " sagot ni Makiling.

 Balik kina Jake....

" Ako na ang magbubukas ng Lagusan sa Aydendril.." sabi ni Tyler.

" Magaling..." Tuwang sabi ni Ofelia.

" Binibining Ofelia may kakaiba sayo.." sabi ni Raven

( Napansin din Pala ni Raven ang mga Galaw ni Ofelia..! ) Sabi ni Jake sa Isip nya.

" Ano naman... " sagot ni Ofelia.

Balik kina Theo sa Dalakit....

" Nandito na tayo sa burol na iyon..." Sabi ni Iya. At agad naman silang Bumaba.

" Teka sure ka bang dito ang kuta nyo Iya.?" Tanong ni Alpia.

" Oo, Nagtago kami para di kami makita ng mga Kalaban." Sagot ng Bata.

" Kung Hindi ako nagkakamali, Ito ang Borol ng mga Hunyango?" Sabi ni Mia.

" Tama ka nga Mia... Nagulat kaba hahahaha. " Sagot ng Batang si Iya. Habang nakayuko.

" Ay nako nakakatakot, ganyan nakikita ko sa mga Horror movies pag yung bata ay Monster " sabi ni Ian .

Ilang Sandali pa ay Lumabas ang napakaraming Hunyango sa paligid. At si Iya ay nag iba ang kanyang itsura at naging Katulad ng mga Hunyango.

" Isa kang Hunyango... " Sabi ni Alpia.

" Hahaha. Tama.." sagot ng Hunyango na nagpapanggap na Bata kanina.

" Sinong nag Utos saiyo?" Sabi ni Mia.

" Maghanda kayo Ian at Hon... " Sabi ni Theo at agad nilang inilabas ang mga sandata nila. Si Katalina naman ay Isang Pana at Palaso na nag aapoy, habang Si Ian ay ang Espadang Yelo. si Jake naman ay ang Triden na Huli nyang ginamit sa labanan noon.

" Isa itong Trap..." Sabi ni Alpia.

" Naku Alpia...kahit kelan ang Dali mong mauto.." sabi ng Babaeng sumalakay sakanila kanina..

" Agnes Ikaw ang pasimuno nito?" Sabi ni Alpia.

" Oo naman.. ako pa ba, Hawak ko ang mga Hunyangong ito.. at sina Haring Gaspar pinatay ko na sila at Si Binibining Ofelia pakialamera Kasi.. " sabi ni Agnes. Susugurin Sana ni Mia si Agnes ngunit nag banta ulit ito.

" Mia.! Mia! Mag iingat ka dahil kaya kitang ipapatay sa mga gutom na Hunyango dito. " Sabi ni Agnes.

" lapastangan ka Agnes.. " sigaw ni Alpia.

" Salamat Alpia, I know... Ako lang naman ang reyna dito. Pati mga kaibigan nyo sa Mundo ng tao. Mamatay din sila. Walang Ofelia Ignacio ang nakalabas sa Dalakit. Hahahaha! " Sabi ni Agnes..

Yayks! Fake Pala ang kasamang Ofelia nina Jake doon sa Mundo ng mga tao.

Abangan ulit ang karugtung ng ating kwento .

Thanks for keep reading..