Chapter 45 - CHAPTER 45

" Iyak ng Banshee.... "

Previously...

- Nakapasok na sina Raven, Tyler at Jake sa Aydendril kasama si Jessel.. Habang sina Theo, Katalina, Jenna, Alpia, Ian at Mia ay nasa Silid parin ng mga Repleksyon at nakikipaglaban sa kanikanilang Alter Egos.

Ang makikila nyo ngayon ay Isang Kilalang Mythological creatures sa ibang Bansa.

BANSHEE , Kilala ang nilalang naito sa Ibang bansa. Maraming nakapagsabi na Isa itong Babaeng may madungis na wangis. Ang iba tinatawag silang Diwata ng Kamatayan.

Umiiyak sila pag may isang Taong malapit nang mamatay. O nakikita mo silang nilalabhan ng Banshee ang damit ng malapit ng mamatay.

Right now.....

Sa Mundo ng Aydendril...

Inihatid sila ng mga kawal ni Olivia sa palasyo.

" Mahal na reyna nandito na po ang inyong mga kapanalig!. " Sabi ng Babaeng Punong Kawal.

" Papasukin sila..." Sabi ni Olivia.

Samantala sa Silid ng Repleksyon

" Estelado Fuego! " Sigaw ni Katalina at kanyang pinatamaan ang kamukha ni Alpia.

" Mia ! Mia!" Pag aalalang sabi ni Alpia at agad nilang Nilapitan si Mia.

" Mia Wag kang susuko.. please.." sabi ni Alpia.

" Guro... Masakit Pala kayong manaksak.." Pagbibiro ni Mia habang nanghihina na si Mia dahil sa Dami ng Dugo ang nawala.

" Tumigil ka nga dyan Mia.. Papagalingin kita.. " Sabi ni Alpia. Kumuha sya ng isang Petal ng rosas galing sa kanyang Sandata.

" Sandali Jenna may hihilingin ako saiyo.." sabi ni Alpia.

" Ano yun Alpia...?" Sagot ni Jenna.

" Maari bang ----- " Sasabihin na Sana ni Alpia ang kanyang nais ng Biglang inatake sya ng Kamukha nya at Katulad ng kay Mia Sinaksak ito Sa Likud.

" Miss Alpia...!" Sigaw nila..

Agad gumawa ng Pananggalang Bula si Theo sa kanilang paligid.

" Naloko na... " Sabi ni Ian. At ginawa nyang Yelo ang malaking Bula na nakapalibot sakanila upang karagdagang Proteksyon.

Habang Si Agnes naman ay napapanood ang Lahat Lahat ng mga nangyayari.

" Tumba na ang Dalawa..Block Buster ito.." sabi ni Agnes.

Balik sa Silid ng Repleksyon...

" Ohw! Look ginawa nilang Yelo ang kanilang Pananggalang Sis.. " sabi ng Kamukha ni Jenna.

" Wag nyo nang Sabihin dahil alam ko na ang gagawin.. Tabi!" Sabi ng Kamukha ni Katalina. At agad niyang pinaliyab ang kanyang mga Palad. At Mula sa Kanyang nag liliyab na Palad inihipan nya ito.

" Effective ba talaga yan..?" Sabi ng Kamukha ni Ian.

" Hayaan na natin..." Sabi ng Kamukha ni Theo.

" Sadyang mahihina lang sila.. hahaha.!" Sabi ng Kamukha ni Alpia.

" So anong Plano natin sakanila?" Sabi ng Kamukha ni Jenna.

" Tapusin... Ang mga Piste!" Sagot ng Kamukha ni Mia.

Balik sa Aydendril...

" Oliiiiiii!!!!!" Sigaw ni Tyler.

" Tyler Ikaw nga...!" Sabi ni Olivia ng makita nyang papasok sina Tyler, Theo, Jake at Jessel.

" Mahal na reyna Olivia.." Bati ni Jake.

" Na miss ko kayo... Mabuti nalang at nakabisita kayo ulit sa ng Aydendril.." sabi ni Olivia.

" Paumanhin Mahal na reyna kung di kami naka punta ng agaran.. " Sabi ni Jake.

" Ayus lang Jake. Naiintindihan ko. At ano ang matutulong ko sainyo?" Sabi ni Olivia.

" Sya nga po pala.. Ito po pala si Raven, At Jessel.. " Pakilala ni Tyler.

" Kamusta po mahal na reyna.. " Bati ni Jessel.

" Magandang Umaga sainyo Mahal na reyna.. " sabi ni Raven.

" Ikaw Raven.. may naamoy akong Hindi ka kauri nila Jessel, Tyler at Jake.." sabi ni Olivia.

At ilang Sandali pa ay Bumaba ng Hagdan sina Sierra, Lina At Rica.

" Isa syang Dalakit..." Sabi ni Sierra.

" Ikaw Pala Sierra, Lina at Rica.." sabi ni Tyler.

" Kamusta na kayo... " Sabi ni Jake.

" Bakit kayo nag dala ng mga Mananakop sa Mundo ng Aydendril.. Tyler?" Sabi ni Lina.

" Sandali lang.. Hindi sya Full blooded Dalakit. May dugong mortal din si Raven." Sabi ni Jake.

" Oo nga.. kasama namin sya dahil sya lang ang makakatulong sa atin sa Sularin Kay Sitan. " Sabi ni Tyler.

" Wala akong Tiwala sa mga Kalahi mo.." Sabi ni Olivia.

" Ma walang galang napo. Hindi po ako naparito upang makigulo.. at kung ano mang Ginawa ng aking mga kalahi sainyo. Wala akong Alam." Sabi ni Raven. At hinawakan sya ni Jessel.

" Naparito kami Olivia upang Humingi ng tulong.." sabi ni Tyler.

" Anong nais mong tulong ang gusto mo?" Sabi ni Olivia.

" At Mauuna na kami Sainyo Tyler.. pagpasensyahan nyo sina Sierra at Rica.." sabi ni Lina.

" Babalik na kami sa Oceana Mahal na reyna. Paalam.." sabi ni Sierra.

" Mag iingat kayo, maraming Salamat sainyong tulong.." sabi ni Olivia. At naglaho na ang Tatlong Sirena.

" Nais naming dumaan sa Ibang lagusan mahal na reyna papuntang Dalakit. Hindi kami pwdeng dadaan sa Balete dahil nanghihina si Tyler. " Salaysay Ni Raven.

" At Hihingi Sana kami ng gamot para Kay Tyler nanghihina sya dahil -- " naputol ang explanasyon ni Jake.

" Dahil sa Oroskopyong Lumulukob sakanya dati.. " sabi ni Olivia.

" Kung meron ka pang gamot mahal na reyna. " Sabi ni Tyler.

" Sumunod kayo saakin.." sabi ni Olivia. At tumayo ito sa kanyang Upuan.

" Jenleff.. hindi pa nakakarating ang iyong Kapatid. Ikaw muna ang mga bantay sa Trono..." Sabi ni Olivia.

" masusunod po mahal na reyna..." Sagot ng punong kawal sabay Yuko.

Sa Dalakit..

" Hindi na magtatagal ang Pananggalang gawa namin ni Ian. Kelangan nyong mapagaling ng mabilis sina Mia at Alpia. " Sabi ni Theo habang pinipigilan nila ang mga Atake ng mga kanilang kamukha.

" Ayus lang Ako.. wag nyo akong aalahanin..si Mia ang Isipin natin.. " sabi ni Alpia.

" Wag na muna kayong tumayo.." sabi ni Jenna. Habang ginagamot si Alpia. Samantala si Katalina naman ay Sinusubukang pagalingin ang sugat ni Theo.

" Papano ba natin sila matatalo?" Sabi ni Theo.

" Tahimik pinapagaling ko pa mga sugat mo.." sabi ni Katalina.

Balik sa Aydendril..

" Saan ba tayo pupunta Oli??" Sabi ni Tyler.

" Sa Lumang Kastilyo ng aydendril. " Sagot ni Olivia.

" Sandali.. Sino ba ang babaeng yun?" Sabi ni Jessel.

" Saan ?" Sabi ni Jake habang hinahanapan nila ang sinasabing babae ni Jessel.

" Isa yang Banshee.. " sabi ni raven.

" Ha Banshee? Ano yun?" Sabi ni Tyler.

" Ang Banshee ay nagbibigay ng babala sa mga taong malapit ng Mamatay. " Sagot ni Raven.

" At Kilala ko ang Damit na yan.." sabi ni Jake. At agad niyang Nilapitan ang nasabing babae. Sa gilid ng Ilog.

" Ang Damit na yan... Kilala ko.! Hindi ako pwdeng magkamali. " Sabi ni Raven

" Kaninong Damit iyan Raven?" Tanong ni Jake.

" Mag iingat kayo.. dahil nakakabingi ang Boses nya.." sabi ni Olivia habang tinatakpan nya ang kanyang tenga. Habang inisip ni Tyler kung kaninong Damit ang nakikita nilang nilalabhan ng Banshee.

Flashback....

" Salamat dito Guro.. napakaganda ng Damit na ito.. Bagay saakin.." sabi ni Mia habang nasa harapan sya ng Salamin..

" See Bagay na Bagay saiyo ang damit na yan.." sabi ni Alpia.

Back to Present....

" Kay Mia ang Damit na iyan.." sabi ni Tyler. At Nakita nilang umiiyak si Raven

" Pwde po bang bilisan na nating magtungo sa Dalakit.. " sabi ni raven.

" Kumapit kayo saakin.. pasensya na!" Sabi ni Olivia.

There you have it.. Abangan mga mahal ang kasunod..