CHAPTER 20 : New Magical Bothering
"AHHHHH!!."
Sa gulat ko nang makita si Caden sa tabi ko ay nasampal ko siya. Medyo malakas nga siguro ang pagkakasampal sa kaniya dahil naalimpungatan ito mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"What the hell , Avery?." hinawakan niya ang pisnging nasampal ko. Nakaupo naman ako sa gilid niya at guilty sa nagawa. E sa nagulat ako.
His forehead creased upon seeing my face. Naghilamos ito ng mukha. Inaantok pa ang mga mata.
"Hindi ito ang unang beses na nagising ka na magkatabi tayo." aniya at binawi ang comforter na yakap yakap ko. "Stop overreacting."
He closed his eyes again. I know. It's been the third time or so when I woke up next to him.
"I wasn't thinking about it. Ang sa akin lang naman ay paano ako napunta rito." Ang nasa huling alaala ko ay nasa dalampasigan pa kami. Nakatulog ba ako nang magyakapan kami.
"You fall asleep. Nagdadrama pa nga ako e , natulog ka na pala." pagsasalita niya kahit nakapikit ang mga mata.
"Nagdadrama? Ano namang dinadrama mo?." Sayang hindi ko narinig. Minsan lang kaya siya kung magdrama. Though most of the time he's bipolar.
Hindi na siya sumagot. Sinulyapan ko anf kaniyang pisngi. Paano na lang kung magkapasa siya sa sampal ko? Hindi naman siguro. Hindi naman ako ganoon kalakas manampal.
Inabot ko ang kaniyang pisngi at marahan iyong hinaplos.
"Masakit.." mabilis kong inilayo ang kamay ko sa reklamo niya. He's eyes Re half closed. Antok na antok pa siguro ito.
"Sorry. Nagulat talaga ako."
"Whatever.." palihim akong natawa nang umirap siya. Ang cute!
"What's funny?." Kinagat ko ang labi ko at umiling. Kumunot ang kaniyang noo.
"What is it?." seryoso niyang tanong.
"Wala nga. Kukuha lang ako ng ice pack para diyan sa pisngi mo." Akma na akong tatayo nang hilahin niya ako. Bumagsak ako sa kaniya at muling tumama ang kamay ko sa pisnging nasampal ko kanina nang hindi ko sinasadya. For the second time , dahil nagulat ako.
"Fvck.." mahinang mura niya at napapikit.
"Ay sorry." nakangiwi kong paghingi ng paumanhin. He caress it to ease the pain. Ang lakas ko siguro manampal.
Aalis na sana ako mula sa pagkakadagan sa kaniya nang hilahin niya ulit ako. Muntikan ko namang maitukod ang kamay ko sa kaniyang mukha. Mabuti na lang at agad siyang naka-ilag.
"Wag mo na nga akong hilahin. Pasa ang aabutin mo." paalala ko sa kaniya.
He didn't argue nor agree with it. Sa halip na pakawalan ako. He pulled my head down to rest in his chest. I can't barely move. Ang isang kamay niya ay nasa aking nakaakap sa aking balikat habang nasa may baywang ang isa. Ang lakas ng trip. At sa tuwing susubukan kong makawala ay hihigpitan lang niya.
He resumed his sound sleep without bothering our situation.
"Caden , mabigat ako." I warned. "Baka mamaya sumakit katawan mo."
"Hindi naman." aniya at mas humigpit ang yakap sa akin. As usual I felt the discomfort that slowly faded.
Kumalma ako at hinayaan siya sa ginagawa. Nang silipin ko ang kaniyang mukha ay payapa na naman siyang natutulog. My eyes landed at his cheek. Maputi si Caden kaya halatang halata ang pamumula ng pisngi nito dahil sa pagsampal ko kanina.
"Masakit ba talaga?." tanong ko rito at bahagyang pinisil ang kaniyang pisngi. Hindi siya sumagot pero ngumiwi nang gawin ko iyon.
"Baka kailangan mo ng ice?."
"I'll be fine." inaantok niyang saad. "Let me sleep for awhile."
Anong oras na ba siya nakatulog kagabi at inaantok pa siya? O baka masyado lang talaga akong maagang nagising. Anong oras na ba? Inabot ko ang phone ko mula sa side table pero hindi ko iyon maabot dahil yakap yakap ako ni Caden.
"Can't you stay put?." reklamo niya ng magpumilit akong makawala mula sa kaniya.
"Bitawan mo muna kasi ako." Tinanggal niya ang braso na nakaakap sa akin kaya mabilis akong bumangon at bumaba ng kama. When I check my phone it is just five in the morning.
Mahimbing ulit ang tulog ni Caden nang sulyapan ko siya. Naupo ako sa kama sa gilid nito. Nawala na ang pamumula ng kaniyang pisngi. Mabuti na lang at baka mapagbintangan pa akong sadista kung magkakapasa siya.
From his cheek , my eyes diverted to his nose. He has it perfectly suited with all the features. His eyes , his cheek , his jaw. As if he was molded with perfection. Ang hirap maghanap ng mali. Though kung asal ang pag-uusapan , hindi ko alam kung saan siya ilalagay. Pabago bago siya ng ugali.
Sinampal ko ang sarili ko ng lumipat sa kaniyang labi ang aking mga mata. Oh gosh Scarlette Avery , not again! Nagmumukha akong malandi. Kung bakit ba ganoon na lang ka-akit akit ang labi niya. Talaga? Hindi ko naman iyon napapansin noong una ah. Ewan! Nababaliw na ata ako.
Nagpaypay ako sa sarili at nagmartsa palabas. I need air. May kadiliman pa sa labas pero nagkulay kahel na ang dagat dahil sa malapit na pagsilang ng araw. The view was mesmerizing. May iilan ng mga tao sa paligid at naghihintay ng sunrise. Syempre hindi ko na rin ito pinalampas.
Bumalik ako sa kwarto ko at ginising si Caden. Gusto kong makita naming dalawa ang sunrise para mas memorable. Nadatnan ko siyang tulog parin.
"Caden?." tinapik ko ang kaniyang braso. "Let's watch sunrise together." yaya ko.
He remain asleep. Yinugyog ko ito.
"Manood tayo ng sunrise. Dali!." pangungulit ko at hinila ito.
He groaned. Kunot kunot ang noo at nagrereklamong nagmulat ng mga mata.
"Inaantok pa ako. Ikaw na lang."
"No! We should watch it together." I insist.
"There's no difference if we watch it both or not."
"Meron kaya! Mas memorable kung kasama kita."
I don't know if there's something wrong with what I just said that made him stilled. Bigla siyang natahimik at parang may iniisip.
"Anong iniisip mo?." kuryuso kong tanong. Pagkatapos ng ilang segundo na pananahimik ay umiling siya.
"Wala." sabi niya at pumikit ulit.
"Hoy! Sabi ko manood tayo ng sunrise. Bumangon ka na." Hinila ko ulit ito pero hindi siya nagpapatinag. Sumuko na rin ako sa kakasubok. He's like Daniel. Ayaw niya sa mga ganito kasi sobrang cliche raw , wala namang espesyal.
"Magkatulad kayo ni Daniel. KJ."
Naalala ko tuloy ang gagong yun. Padabog akong naglakad palabas. Mas dumarami ang tao sa may baybayin. Mas maganda sana kung doon ko hihintayin ang pagsilang ng raw kaso ayokong mag-isa. Nagmumukha akong tanga.
"I'm not like him." nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Caden sa tabi ko. Magulo ang kaniyang buhok pero hindi iyon bawas sa kaniyang kagwapuhan.
I didn't say any word. I just want to focus on things I have right now not the things I already lose.
I stilled when he embrace his arms around my waist. He rested his forehead against my nape. Nawala ang pokus ko sa sunrise at pinakiramdaman na lang ito sa likuran ko. He was silent. Sinilip ko siya at nakitang nakapikit ito. Nang gumalaw siya ay agad akong nag-iwas ng tingin at muling ipinukol iyon sa dagat.
He gather my hair and put it at the left side of my face. Lumapat ang kaniyang panga sa aking balikat. I can feel his breath against the back of my ear. I felt goosebumps when his skin meets mine.
Halos tumigil ako sa paghinga nang patakan niya ng magaan halik ang balikat ko bago muling pinagpahinga ang noo roon.
"Antok pa 'ko." nangangalumbaba niyang saad.
"Sorry for ruining your sleep. You can have it back." I pat his hand wrap around me gently. Narinig ko ang mahinang tawa nito bago hinigpitan ang yakap sa akin.
I stared at the sun slowly making it's way above. Naaliw ako sa panonood noon nang may kamay na tumakip sa mga mata ko. Kinuha ko ang kamay nito at sumimangot.
"I can't see."
"Don't stare at it. It's not healthy for your eyes." paalala niya.
"Why not get change and let's have a swim? Mas magandang maligo kapag umaga." Yaya niya. Tinanguan ko ito at nagpaalam na bumalik muna sa loob para magbihis.
"I'm done. Let's go—
Natutop ako sa aking kinatatayuan nang makita si Caden kasama ang isang babae. She's blonde. Magkasing-tangkad lang sila Caden. From my view , her body is perfect. Maganda rin ang mukha nito at mestiza. Classy and elegant. May dating. Nakangiti siya kay Caden. Nakayakap sa braso nito. Abala ang dalawa sa pag-uusap kaya hindi namalayan ang pagdating ko.
Ang kaniyang kamay ay lumipat sa baywang ni Caden. Hugging him with—I don't know. List perhaps. Sa unang tingin pa lang mukha naman siyang malandi. Who could she be? Wala naman akong maalala na may babaeng—Wait. Maybe she is the girl Caden and Brytte has to deal with.
"Caden?." Mabilis na napalingon sa akin ang mga ito.
"Who is she?." magkasabay na tanong namin noong babae kay Caden. His eyes are only fixated on me.
Lumapit sa akin ang babae at pinag-aralan akong mabuti.
"Who are you?." Nakataas ang kaniyang kilay sa akin.
"Scarlette Avery Young."
"And who are you to Caden—
I cut her words. "Sorry. I've introduced myself wrongly. I'm Scarlette Avery Escariaga."
Her blank face distorted. Bumaling siya kau Caden.
"Magka-ano ano kayo? Pinsan?."
Lumapit sa akin si Caden at hinila ako palapit sa kaniya. His hands at my back. Hindi nakatakas sa akin ang pagkunot ng noo nitong kaharap ko.
"She's my wife." Her jaw dropped. Literally shocked at the sudden revelation.
"No way! That couldn't be!." Reklamo niya.
"Excuse us. My wife wants a swim." bumaling sa akin si Caden. "Let's go." tinanguan ko siya at inirapan ang babae.
"Who is she? Siya ba iyong babae na naging dahilan para mag-away kayo ni Brytte?." sunod sunod na tanong ko rito.
He sigh. Sa paraan ng pagkakabuntunghininga niya ay alam ko na ang sagot.
"What is her name again?."
It take him minutes to answer.
"Maxine."
"Hmm. Mas maganda parin naman ako sa kaniya diba?." Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Diba?." Tinitigan niya ako. Sinusuri.
"Bakit? Na-iinsecure ka sa ganda niya?."
"No. Hindi naman siya maganda."
"You've seen her. She's beautiful." puri niya rito.
I arched my eyebrows at him.
"Mas maganda parin naman ako diba?." Gaya kanina ay tinitigan niya lang ako.
"Diba?." He crossed his arm. Examining me intently , from head to foot.
"What? Am I not pretty?."
He held his jaw , tilted his head and twitch his lips. With the great blue ocean and orange sunrise behind him. He look like a great portrait of a known painting.
"Hmm. Let me think about it."
"Never mind. Kung pangit ako sa paningin mo. You surely need your eyes check. I've heard a lot of men saying I'm pretty like any other else."
"Let me guess. Your ex?."
"Hindi lang naman siya."
"Bakit? May iba pa ba?."
"Of course!." Nagpatuloy ako sa paglakad patungo sa baybayin. Nakasunod siya sa akin.
"Who?." I can see how curious his eyes are.
"Troy."
He's pretty kind to me. I always treat him like a dear friend. Siya iyong tipo ng tao na maaasahan ko ng tulong kahit sobrang misteryoso niya.
"Who?."
"Troy." ulit ko.
"And who the fvck is that?."
"Kaibigan ko. Saka wag mo siyang minumura sa harap ko. You've seen him once. Nang minsan tayong magpunta sa bahay."
"I don't remember."
"Dapat pala siya na lang ang kasama ko rito. Mas magkakasundo kami." I murmured.
"Maganda ka." Napatingin ako kay Caden.
"What did you say?."
"Maganda ka." narinig ko naman ang sinabi niya. Gusto ko lang marinig ulit galing sa kaniya.
"I know. Sabi nga ni Troy." Umasim ang mukha niya ng bangitin ko si Troy. Nakaisip tuloy ako ng kalokohan.
"Sabi pa nga niya, ako ang pinakamagandang babae na naging kaibigan niya."
Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito.
"Sigurado ka bang magkaibigan lang kayo?."
I slowly nod. "Sayang nga. Sana siya na lang ang pinakasalan ko." panghihinayang ko kuno. Gusto ko ng matawa sa hitsura niya.
"He knows how to appreciate a woman's beauty. Hindi gaya ng iba diyan." pasimple ko siyang sinulyapan saka umirap.
Iniwan ko ito sa baybayin at naglakad papuntang dagat para maligo. Sisisid na sana ako ng may bumuhat sa akin dahilan para mapasigaw ako sa gulat.
"Caden!." I smack his arm upon realizing it was him.
"Inaasar mo ba ako?." nakakatakot ang tono ng kaniyang boses. Parang galit.
"Anong sinasabi mo? Ibaba mo nga ako." I struggle to get lost. Binitawan niya ako at bumagsak ako sa tubig. Tuluyang nabasa ang damit ko.
"Anong problema mo?." Mariin niya akong tinitigan. Heto na naman siya sa pabago bago ng ugali. Kapag talaga nagtagal at hindi ko na maatim ang ugali niya , magpapa-annul—di joke lang. Hindi ko pala kinaya noong nakaraan. Ako na mismo ang bumawi. Dapat pala magpapakabait na ako.
"Hindi naman kita inaasar. Saka ba't ka naman maaasar? I'm just talking about how good Troy—
Napalunok ako nang yumuko siya at pinantay ang kaniyang mukha sa akin. Hindi dagat ang mga mata niya pero nakakalunod.
"One more of that name and I'll kiss—
Kapwa nanlaki ang mga mata namin nang mahalikan ko siya. Hindi ko naman plinano na gawin iyon. May dumaan kasing malakas na alon kaya naanod ako palapit sa kaniya at nagkahalikan tuloy kami. Pansin ko lang napapadalas ang halikan namin.
Agad akong lumayo sa kaniya. Hindi sa nahihiya sa kaniya pero dahil baka may makakita sa amin. May mga tao pa naman sa paligid. Halos hindi na ako makatingin kay Caden habang siya ay nanatiling nakatitig sa akin.
Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha kaya napapikit ito. Dali dali akong tumayo at naglakad pabalik sa baybayin habang pinapaypayan ang sarili ko. Pakiramdam ko mainit kahit ang totoo ay malamig.
"Where are you going?." hinigit niya akong muli. Natulala ako ng muling masilayan ang mukha nito. Basa na ang kaniyang buhok. Maging ang kaniyang damit. Bakay na bakat sa kaniyang puting shirt ang magandang hubog ng katawan , ang six packs abs at matigas nitong dibdib.
"Matutunaw na ako niyan." napakurap ako at tumikhim bago nag-iwas ng tingin.
"W-what are you..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ihagis niya mismo sa mukha ko ang kakahubad nitong shirt. I can smell his perfume against the fabric. How could he smell that good just after waking up from bed?
Napukaw ako sa kakaisip nang may narinig akong tili. When I turned around , I was welcomed with girls almost screaming on top of their lungs , eyes fixed on Caden's well sculpted body. I can't blame them. I know myself how charming and hot and sexy and—oh gosh! I sound like all this girls are.
Napailing ako at sinundan si Caden.
"Hindi ka maliligo?." napahawak ako sa dibdib ko nang bigla na lang umahon sa harap ko si Caden. He's going to give me a heart attack.
Nanatili ang mga mata ko sa kaniyang mukha though I am really curious to...you know. Ghad! Tinampal ko ang aking noo. Kung ano ano na talagang naiisip ko.
"I changed my mind. Hindi na ako maliligo. Babalik na lang ako sa resort."
"Why?."
"Nawalan na ako ng gana." dahilan ko na lang dahil hindi na ako makahanap ng iba pang sasabihin. I suddenly felt like I can't be near him without getting intimidated. Without getting nervous. Hindi ko maintindihan pero bigla biglang nag-iiba ang pakiramdam kapag malapit sa kaniya.
I felt comfortable yet bothered at the same time. I felt nervous and anxious when he's around and seconds after I'm being I don't know , out of my senses. Minsan ang bilia na ring magbago ng mood ko. Nahahawa na yata ako sa kaniya.
"May problema ba?."
Umiling ako at inilahad sa kaniya ang t-shirt nito. "Wear it back."
Tinalikuran ko na ito at naglakad pabalik sa resort.
"I have a problem." bungad ko kay Troy nang masagot niya ang tawag ko.
Maingay sa kabilang linya. Baka abala siya sa bar.
"Wait!What?!." sigaw niya sa kabila.
I sigh. Wala rin naman akong maasahan sa kaniya.
"Scar.." Hindi ko naituloy ang pagputol sa tawag nang magsalita siya. Tahimik na rin roon. "Sorry I need to find a quite place. What's the matter? Himalang nauna kang tumawag."
"May problema ako."
"You always had problems."
"This ones different."
I laid down the bed and stare at the ceiling of my room.
"Like how different?."
"I-I don't know. I don't understand. Parang maayos naman ang lahat pero pakiramdam ko may problema talaga."
Sumasakit ang ulo ko sa kakaintindi sa isang bagay na hindi naman maiintindihan.
"Tungkol na naman ba kay Caden?."
"No."
"About what then?."
I bit my lip. I don't know if I could talk to him about this but I need someone to talk to. Badly. Aside from Caden.
"Let me guess. About? Caden?."
Talagang nahuhulahan niya lahat ano?
"Bakit mo nahuhulaan lahat?."
"I don't guess , Scar. I had facts."
"Weird. What are you? A god?."
"No. But an Archer."
"Archer?." kunot noo kong tanong.
"Never mind. Anyway , si Caden no?." may halong pang-aasar na tanong niya. "So what's wrong about him?."
"E-Ewan.."
"Ewan? What was the even mean?."
Napakamot ako ng ulo. "Hindi ko talaga alam kung ano ang problema. Pakiramdam ko mayroon pero parang wala naman."
"Uh-uh."
"Hindi ko talaga maintindihan."
"Okay?."
Naiinis akong umupo at ginulo ang buhok ko. Wala na akong masabi dahil nawalan na rin ako nang maiisip.
"Let me guess again. He's bothering you?."
"Kinda."
Agad akong sumimangot nang tumawa ito. Kung nasa malapit lang siya ay nahampas ko na siya ng bote.
"Troy!." Hindi siya tumigil sa pagtawa. Sa halip na makatulong siya , iniinis pa niya ako.
"Troy Maximus Laurel!!."
"I've told you not to say that name again."
Nang lumingon ako ay tumambad sa akin si Caden. Nakatukod ang kaniyang dalawang kamay sa kama. He's looking down at me while I was looking up to him. Tinitigan niya ako. Nanghihipnotismo. Basang basa pa ang buhok nito na tumutulo sa aking mukha. He's still topless. He's chest and abs exposed naked.
He place his finger and lifted my chin back to meet his tantalizing eyes.
"I warned you right?."
"W-what are you talking about?." Kinabahan ako bigla.
"I will kiss you."
And then again , I felt that feeling I always got this past few days. New , magical and bothering.