Chereads / Fixing A Broken Heart / Chapter 23 - Chapter 21

Chapter 23 - Chapter 21

CHAPTER 21 : Why Can't It Be

Ilang araw na kami rito sa Hawaii na walang ibang ginagawa kung hindi ang mamasyal at magbabad sa tubig buong araw. Hula ko masisira na ang kutis ko sa kakaligo sa ilalim nang mainit na araw.

Ayaw ni Caden na magbabad ako sa dagat buong araw pero wala naman siyang magagawa. Tatlong araw na mula ng hindi ko siya pinapansin at pilit iniiwasan. I tried my best not to even make a long conversation with him. Hindi ko rin hinahayaang maging intimate sa kaniya. I just think it will be better that way. Mas panatag ako.

Minsan nagtakaka siya sa inaasal ko. Mangungulit ito kung bakit at ano ang dahilan but when I insist it was nothing , nagkikibit balikat siya at hinahayaan na lang ako.

"Gusto mo nang umuwi?." tanong niya isang gabi. Nasa baybayin pa ako , nagpapahangin. Balak kong hayaan na siyang maunang magpahinga pero sinundan niya ako rito.

I shrug. Naupo siya sa tabi ko. Nang umihip ang hangin ay naamoy ko ang kaniyang pabango. He always smell great. Parang hindi pinagpapawisan.

"Ilang araw ka ng umiiwas sakin.." panimula na naman niya. Every time he gets the chance he'll always ask why. But how can I answer you when even I doesn't know why?

"May problema ba?." Hindi ako sumagot.

"Are you mad at me? Dahil ba hinalikan kita?."

Nanatili akong tahimik. Nagmamatigas sa hindi pagpansin sa kaniya.

"Scarlette.."

Malimit niya akong tawagin sa pangalan na yan. Nakakapanindig balahibo ang paraan ng pagtawag niya sa akin. Nilingon ko ito at nahuling nakatitig sa akin.

"Bakit ka umiiwas?." Napalunok ako. Hindi alam ang isasagot dahil hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. Maybe.. I'm just scared of this strange feeling I have for him.

Inabot niya ang aking kamay pero mabilis akong tumayo. Napatigil siya sa ginawa ko.

"Magpapahinga na ako." paalam ko at iniwan siya roon. Nang lumingon ako ay hindi siya sumunod at nanatili roon.

Hindi ko nakita si Caden nang magising ako kinaumagahan. Tahimik ang buong paligid. Madalas siya ang nauunang nagising dahil inaayos na niya ang agahan namin.

Kinatok ko ang kaniyang kwarto pero wala siya roon. Tinanaw ko ang baybayin pero wala rin ito. Kahit saan ako bumaling ay hindi ko siya mahagilap.

"Are you looking for Caden?."

My face fell blank when Maxine approach me.

"Ang totoo kasama ko siya kagabi." My heart skip a beat at what he just did.

"Anong sabi mo?." halos kumuyom ang kamao ko sa pangangalaiti.

"Magkasama kami ni Caden kagabi. We had really a good night. Well spent together." nakangisi niyang saad.

"Where is he?." Pinipigilan ko ang pagkulo ng dugo ko.

"Ahm. Well.." She cross her arm. Ininguso niya ang katabi ng nirentahan namin na mukhang siya rin ang nakatuloy ngayon.

Kumukulo na talaga ang dugo ko. Binangga ko siya nang maglakad papunta roon. Iisang room lamang ang naroon. I stiffened as I held the door knob against my hand. Hindi maituloy ang pagpihit noon. Bumalik sa akin ang tagpo noong mahuli ko si Daniel. Sumikip ang dibdib ko at may isang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mata. Agad ko iyong pinunasan at sa halip na buksan ito ay umatras.

Gustuhin ko mang lumayo roon ay hindi ko magawa. Daniel and Cassey's portrait faded in my mind. Pumalit roon si Caden at Maxine. I can imagine them on the bed together. I felt betrayed once again. Alam kong walang kasamang personalan ang pagpapakasal namin. No personal feeling involved. Just pure business. But why do I felt this undying feeling of butterflies flying around my bellies whenever he's near , when he's around , when he claimed my lips and wrap his arms around me. Why do I felt comfortable and safe with him? Bakit nasasaktan ako habang iniisip na may nangyari sa kanila ni Maxine?

Hindi dapat ako nasasaktan diba? I shouldn't be bothered , right?

*You're in love with him.*

Mariin akong umiling. Imposible ang sinasabi ni Troy. Isa pa sa mga dahilan ko kung bakit pilit ko siyang iniiwasan ay dahil sa sinabi sa akin ni Troy. Na mahal ko na siya? Imposible! That can't be. Ilang buwan pa lang mula ng makilala namin ang isa't isa. How could I fall in love with a man I just met?

*Well. You marry a man you just met. So loving him won't be not that hard.*

Damn it! Troy. Kasalanan mo talaga to e. I fisted my hair , tinatanggi ang sinasabi ni Troy at ang nararamdaman ko ngayon. I shouldn't be hurt. Wala namang namamagitan sa amin maliban sa isang kontrata.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagkulong. Kahit na anong pilit kong kalimutan ang sinabi ni Maxine ay hindi ko magawa. Paulit-ulit lang iyon sa isip ko. Paulit-ulit ring sumisikip ang dibdib ko. Paulit-ulit kong tinatanggi ang nararamdaman ko. Sa huli natatagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakasalampak sa sahig. Fvck this life!

I was crying in mess not trying again to withhold my tears as I know I can't do it. Hindi ko man mahanap ang dahilan kong bakit ko kailangang umiyak ay hinayaan ko na lang ang mga mata ko na gawin ang gusto nito.

"Avery?." narinig ko ang katok sa pinto at ang kaniyang boses. "I'm coming in." dagdag niya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Yinakap ko ang aking tuhod at itinago ang mukha ko.

"Ba't nandiyan ka?." Normal ang kaniyang boses. Hindi ba niya alam na nahuli ko sila ni Maxine? O baka alam niya pero alam niyang wala naman akong pakialam kasi bakit nga ako mangingialam kung wala naman akong dapat pakialaman. Not him. Not him and Maxine. Nothing in relation with him.

Lumakas ang tulo ng aking luha. Dumudugo ang aking labi sa kakapigil na huwag humagulhol but I bet my shoulder are shaking already.

"Ayos ka lang ba?." May pag-aalala aa kaniyang tinig. "Umiiyak ka ba?."

Hinila niya ang braso ko para matanggal sa pagkakatakip sa aking mukha. Mas malakas siya at pagod na pagod na ako kaya nagtagumpay ito. I noticed how he stilled when his eyes landed on mine. Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang mga mata ko. Ba't ka ba umiiyak Avery?

"Why on earth are you crying?."

Patuloy ako sa pagpunas nang agawin niya ang mga kamay ko. He held both of my wrist with just one of his hand. Ang isa ay hinaplos niya sa aking pisngi. Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niya.

I don't like him or love him but I got to admit , hindi ako sigurado.

*Love works in mysterious ways.*

Tama si Troy. Pero pwede rin namang tama ako. Ano bang point ko?  I don't even understand what love mean. Kunwari alam ko dahil galing ako sa breakup pero ngayon , hindi ko na talaga alam.

"Hey. Why are you crying?." masuyo abg kaniyang tanong. Pinakawalan niya ang aking mga kamay at kinulong ang pisngi ko sa kaniyang mga palad.

When Daniel touch me after what he did , I felt disgusted. I was hurt but madness , anger and hatred wins. But with Caden , nasasaktan ako. Nasasaktan lang talaga ako. Hindi ako galit sa kaniya. I don't hate him. I'm just hurt.

My tears fell hard. Naguguluhan na ako. Nakakainis na nakakaasar. Hindi ko maintindihan.

"Avery?."

Bumibigat ang paghinga ko.

"Y-you're with Maxine last night." deretso kong nasabi iyon sa kaniya habang umiiyak.

"She said you we're with her the whole damn night. You both had a good night!." pagmumukha ko sa kaniya. Tumataas ang tinig.

"Well spent! Bakit?! Ano bang ginawa niyo?."

"Sex?."  My voice faded.

Kinain ng sakit na hindi ko na maitanggi. Tang*na Troy! Kung hindi dahil sayo hindi ako magkakaganito. You said  that I'm falling for him and now I'm miserable.

"Did you slept with her?." nakatitig sa akin ang blanko niyang mga mata.

"Why?." He's still blank , immobile.

"Bakit , Caden?." Inabot ko ang kaniyang pisngi. Malabo ang paningin dahil sa luha.

"Bakit ganito? Ba't nasasaktan ako?."

Napakurap siya sa aking sinabi.

"Fvck!." matigas na mura niya , tumayo at lumabas. Naiwan akong nakatulala.

Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang komosyon sa labas. Natigil ako sa pag-iyak nang muling pumasok sa kwarto si Caden kasama si Maxine na hila hila niya sa buhok. Pain registered in her face. Halata naman dahil sa higpit ng hawak ni Caden sa kaniyang buhok.

Caden look like a tiger in beast mode. Napatayo ako at medyo kinakabahan sa nangyayari.

"What did you say to her?! What lies did you told to her?!." halos manginig ang tuhod ko sa galit na boses nito.

"Caden , ano ba?! Nasasaktan ako!." reklamo ni Maxine pero mas lalo lang hinila ni Caden ang buhok nito. I'm afraid he's hurting her bad.

"Tell her you're lying.  You're just making stories. Nothing happened between us ". Matigas na utos ni  Caden rito.

"Tell her!!." muntik na akong mapa-atras sa sigaw nito.

Nagpang-abot ang mga mata namin ni Maxine. There's fear in it and beyond it was the fact that I should have realized a moment ago , of course she's just making stories. Imposible lalapit sa kaniya si Caden. Kung gagawin niya ay siguradong pinainom niya ito ng druga.

"Tell her!."

May luhang nangilid sa kaniyang mga mata. I suddenly felt sorry for her.

"I lied." pagkasabi niya ay binitawan siya ni Caden.

"Get out."

Inayos niya ang nagulong buhok bago sinunod si Caden. Sandaling namayani ang katahimikan. Nawala ako sa aking sarili. Parang umalis sa katawan ko ang kaluluwa ko. Napukaw ako nang maramdamang muli ang haplos ni Caden sa aking mukha.

Kagat kagat ko ang aking labi hindi dahil sa dulot  noon sa akin ng hindi dahil sa mga bagay na napagtanto ko. Mga salitang kakasabi ko lang sa harap nito.

*"Bakit ganito? Ba't nasasaktan ako?."*

I closed my eyes as shame took over. Gusto ko na lang maglaho sa mundo.

"Aww." mahina akong napadaing nang masugatan ang labi ko dahil sa kakagat.

"Stop biting your lip." pinahiran niya ang maliit na patak ng dugo sa labi ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Lupa! Lamunin na ako!

I'm never been so embarrass like this. It's all a first and it's driving me crazy. It wasn't like this back with Daniel.  Just this time that he came in my life.

Nakayuko ako. Iniiwasang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya sakaling magpa-isip isip niya ang mga sinabi ko. Paniguradong iisipin niyang sobrang apketado ako. Nagseselos ako. Nasasaktan. Eventually , he'll think I'm in love with him.

"It's fine. Don't think about  it anymore." masuyo niyang saad at hinalikan ang magkabilang pisngi ko bago ako yinakap nang mahigpit.

"Maaaga akong nagising kanina. I'm planning to fly back to the Philippines today. Kaya bumili na ako ng mga souvenir. Hindi kami magkasama ni Maxine. Nothing happened between us." paniniguro niya.

Hinaplos niya ang aking buhok at ginawaran ng magaang halik.

"I actually have something for you." Binitawan niya ako mula sa kaniyang pagkakayakap. May dinukot siya sa kaniyang bulsa. It was a black rectangular box. Binuksan niya iyon at hindi ko na maalis ang titig mula roon anticipating what it could be.

Iniharap  niya iyo sa akin. A pure gold necklace with a pendant of a circular wave with a drop of blue sapphire in the center. It was simple yet captivating in the eyes.

Kinuha niya iyon sa sisidlan at isinuot sa akin. For awhile , he stare at it admiring it's elegance before letting it hang around my neck. I have a fair and white complexion of skin letting the necklace stand out.

"T-Thank you.."

Ningitian niya ako. Hindi maalis ang titig sa kwintas.

"Take good care of it." saad niya at hinalikan ang aking noo.

"I'll have our breakfast ready." aniya at lumabas.

Malaking ginhawa na sa akin ang hindi niya pag-usisa sa inasta ko kanina. Sana lang ay hindi na niya iyon iisipin pa. Sana makalimutan na rin niya ng tuluyan dahil ko alam kung paano siya sasagutin o haharapin kung sakaling magtatanong siya sa drama ko. Pero nasaktan talaga ako. And I'm happy that it was a lie.

I was roaming around to look for a god souvenir shop. Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay Caden na maglakad lakad na muna. Dahilan ko lamang iyon para makabili ako ng para sa kaniya. Mabuti at hindi parin niya pinag-uusapan ang tago kaninang umaga. I wish he will never.

I ended up buying a Koa wood rings. Sinabi nang nabilhan ko na magugustuhan iyon ni Caden. Pero nagdadalawang-isip ako habang tinitigan ang mga ito. Dalawang pares iyon , of course mahal kung bilhin. It look like a wedding ring. Napatingin ako sa kamay ko. Tinanggal ko ang wedding ring namin ni Caden noong kinasal kami kasi nga sa papel lang naman kami kinasal. Hindi ko na rin maalala kung saan ko iyon nailagay. Hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon ni Caden kapag iyon ang ibinigay ko sa kaniya. Though the seller told me it was more often wear just for fun but the golden wood look so special.

Hindi na ako bumili ng bago pero hindi ko na muna ibinigay iyon kay Caden. Saka na siguro. Hindi naman siguro siya magtatampo na hindi ko siya binigyan.

We have a long flight back to Manila. Bawas sa bored na nasa first class kami. Habang nasa eroplano ay pinag-iisapn ko parin kung ibibigay ko ba iyon kay Caden. I don't know what to do. I leaned against the window and stare at the thin clouds running below us. Biglang umalog ang eroplano kaya nauntog tuloy ako. Kung sana lang sa pagkauntog na iyon ay may naisip na akong desisyon kung ibibigay ko ba o hindi kaso wala. Sumakit lang tuloy ang noo ko.

"You're getting yourself hurt." napasulyap ako kay Caden.

Tinapik niya ang kaniyang balikat. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin kaya siya na mismo ang naghila sa akin palapit sa kaniya at isinandal ang ulo ko sa kaniyang balikat. He took off a pair of wireless headphones. He placed one of my ears and another on his.

A song Why Can't It Be by Kaye Cal played along.

You came along , unexpectedly

I was doing fine in my little world

Oh baby , please don't get me wrong

'Cause I'm not complaining

But you see , you got my mind spinning

Sinulyapan ko si Caden. He was leaning his head against his seat , eyes closed. Dumapo ang tingin ko sa aming mga kamay. It was just and inch apart. Agad kong inililis ang tingin ko roon dahil nag-iiba naman ang pakiramdam ko. I felt it again. Idagdag pa ang lyrics ng kantang pinapatugtog niya. Is it a matter of coincidence? Are fate just want to play with me? Kung saan sa dalawa ay hindi ko alam. Mas lalo akong naguguluhan.

Damn , Avery.

I closed my eyes hard trying to vanquished those unbearable thoughts I have.

Why can't it be?

Why can't it be the two of us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along

At the wrong  place  , at the wrong time

Or was it me?

Kahit na anong pilit ko na iwaglit ang anumang nararamdaman ko ay bumabalik sa isip ko ang lahat habang nakikinig sa kanta. Ilang beses pang naulit ang chorus ng kanta. At habang tumatagal ay mas lalo ko lang naiisip ang lahat na dapat ay iiwasan ko sana.

What if tama nga si Troy sa sinabi niya. Paano kong nahuhulog na nga ako kay Caden? O kung hindi man ay doon rin ako hahantong. Anong mangyayari? Thinking about this weird feeling I started to think that I'm slowly giving in to him. Oo nasaktan ako. Naloko ako. Minsan ko nang pinangako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa dahil masasaktan lang rin ako. Hindi na ako magtitiwala pa. Hindi na ulit ako magmamahal. But all this bothered night I have , butterflies in my belly , weird feelings and unexplained emotions I have for Caden. Isn't it a symptoms of love?

But again , I don't want to accept that fact. I admit it but I can't accept it. Hindi dahil hindi parin naman ako sigurado sa lahat. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon kung sakaling sabihin ko ni Caden iyon. He won't believe it of course. Iisipin niya lang na ginagawa ko siyang panakip butas. O baka ire-reject lang niya ako dahil gaya ng unang plano. It's just a marriage in the paper. No personal feelings involve.

"Baby , I dream of you every minute

You're in my dreams

You're always in it."

Napatingin ako kay Caden nang sumabay ito sa kanta. Mahina lamang ang kaniyang pagkakanta pero sapat na para marinig ko. He's actually a good singer. Nakapikit parin ito habang ako ay hindi na maalis ang tingin sa kaniya habang patuloy siya sa pagkanta.

"That's the only place I know

Where you could be mine

And I'm yours only till I wake up."

Nawawala sa pandinig ko ang kanta at tanging naririnig lamang ang kaniyang tinig. Nagmulat ito at nagtama ang aming mga mata.

Why can't it be?

Why can't it be the two us?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came along

At the wrong place , at the wrong time

Or was it me?

Were both stating at each others eyes while the chorus played. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan paran mapatingin ako roon. Pinagsiklop niya ang aming kamay at naramdaman ko agad ang kaniyang init na nagsindi ng boltaheng elektrisidad sa loob ko.

"Why can't it be the two of us?." muli akong napatingin sa kaniya.

Seryoso ang kaniyang mga mata. Nagtatanong. Hindi ko alam kung sumasabay lang ba siya sa kanta o talaga personal niyang tanong. But I guess I'll settle with the first. He was just jamming with the song.

Umayos ako ng upo  at tinanggal  ang kamay ko mula sa pagkakasiklop nang sa kaniya.

Why can't it be?

The song ended. Silence flushed between us but my heart leap a beat when he leaned his against my shoulder and ask.

"Why , Avery?."