Chereads / Fixing A Broken Heart / Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 24 - Chapter 22

Chapter 22 :  I Am Married

"Ladies and gentlemen we just have landed at Ninoy Aquino International Airport. We welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain June with First officer Salazer and the rest of the team , we thank you for choosing our airline."

Caden booked a Grab to pick us up at the airport. Sa condo niya lang kami tutuloy. Malapit na rin kasing mag-gabi.

The unit is clean. Iilang furnitures lang ang mga naroon.

"I'll take a rest." aniya at pumasok sa kwarto. Sandali ko pang tinitigan ang pinto ng kwarto bago ibinaling ang tingin sa ibang bahagi ng unit.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya tinungo ko ang kusina para sana kumuha ng maiinom pero walang naroon maliban sa iilang gamit sa kusina. May fridge naman pero walang laman.

Napabalik ako sa living room nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Si Troy ang tumatawag.

"Oh? Napatawag ka?."

"Nakauwi na kayo diba?." tanong niya.

Hindi na ako magtataka kung bakit niya alam. Parang alam naman kasi niya lahat.

"Oo. Bakit?."

"Saan ka ngayon?."

Seryoso ang kaniyang boses. Hindi masyasdong masaya , hindi rin naman malungkot. I wonder what's the fuss.

"Nasa condo ni Caden. Dito na muna kami. Bukas na kami uuwi sa probinsiya."

"Good , then. Let's meet."

Iyon lang ang sinabi niya at pinutol na ang tawag. Nahihiwagaan pa ako kung bakit siya makikipagkita sa akin sa ganitong oras. Malapit nang mag-gabi.

But in the end , I decided to meet him. Wala rin naman akong magawa sa loob ng condo. Halos tulog ako sa buong biyahe namin pauwi kaya hindi ako dinadalaw ng antok. Ayokong disturbuhin ang pahinga ni Caden kaya nag-iwan na lang akong lalabas. Bibili na rin lang ako ng pagkain pagbalik.

Walang ka-tao tao sa loob ng bar pagkapasok ko. Walang customer kahit magga-gabi na. Wala rin si Troy sa counter. Tinawagan ko ito at doon ko lang napansin ang phone sa counter. Sa kaniya iyon. Sa ilalim noon ay isang papel.

*Meet me at the park*

Gustong ko siyang sapakin. Pwede namang sinabi na lang niya na sa park pala kami magkikita at hindi rito. Inabala pa niya ako. Seriously , may saltik ba siya? Dapat talaga makahanap na nag love life ang isang yun at baka tuluyan na siyang mabaliw.

Papalabas na sana ako ng may marinig akong ingay. Nagmumula iyon sa isang private room ng bar. Nakuryuso naman ako kaya sinilip ko na muna. Apat na private room lamang ang naroon. Walang tao sa naunang tatlo na nabuksan ko. Tumigil ang mga hakbang ko sa pang-huling kwarto. Ambang bubuksan ko na ito nang marinig kong muli ang ingay. Kumpirmadong nasa loob. Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi.

Hindi malinaw sa akin ang ingay. Parang may bumubulong. Halos mapatalon naman ako sa gulat ng tumunog ang phone ko. Hindi rin naka-silent. The sound vibrates around the corner of the bar. Bigla akong kinilabutan dahil nakakamatay na tahimik ang pumalit matapos ko itong masagot. Nilingon ko pa lahat ng sulok para masigurong walang tao bago inilagay ang telepeno sa tainga ko.

"Where are you?." boses ni Caden ang narinig ko. I need to gaze at the callers ID to realize it was him. Hindi niya siguro nabasa ang note ko. Idikit ko sa fridge pero imposible namang tingnan niya iyon kahit alam niyang wala namang laman. Ang tanga ko rin pala. Matagal na naman siguro. Dati pa.

"Nandito ako sa bar ni Troy. Nakikipagkita kasi siya."

Sandali itong natahimik.

"Caden?."

"Nandiyan ba siya?."

"Ahm.. Wala. Nag-iwan kasi siya ng note na sa park na lang kami magkikita. Uuwi rin ako kaagad. Dadaan na lang rin ako ng pagkain mamaya dahil walang laman ang fridge—

"Stay where you are right now and don't move!." mariin niyang utos at binabaan ako ng tawag. Napakunot agad ako ng noo.

Who knows men? Their such a weirdo.

Maglalakad na sana ako palabas ng maalala ang ingay na narinig ko. Saglit ko lang sinulyapan ang kwarto bago tumalikod. Baka may mga lasing na nakatulog.

I was texting Troy to pick me up instead. Wala kasi akong dalang kotse. Hassle ang paghahanap ng taxi.

"Tanga!." napasapo ako ng noo ng muling makita ang phone ni Troy sa counter. Naiwan pala niya o talagang iniwan niya. Parang sinadyang ipatong sa papel na naroon.

Muli kong tiningnan ang papel. I was staring intently at it when I realize something. It wasn't his penmanship. Agad naman akong napalingong muli sa mga pribadong kwarto na nakahilera sa di kalayuan ng makarinig ng pagsara ng pinto. Hindi ko naabutan ang pagsara kaya hindi ko alam kung anong kwarto.

I wasn't hearing things right? But everything seems not right?

"Troy?!." tawag ko rito at baka nandito lang talaga siya at tinatakot ako. Mahilig pa naman siya sa ganoon. Kaya minsan ay ayoko rin siyang kasama dahil kung ano anong gimmick , aatikihin pa ako sa puso.

"Troy?!." tawag ko ulit. "Troy! If this is one of your sick game again , I'm not participating! Aalis na ako!."

I waited for an answer but I received nothing.

Kinakalibutan ako. Mabilis akong naglakad palabas pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay napatigil rin agad ako. I notice a reflection in the glass door. Nasa likuran ko lang ang repleksyon na naroon. Hindi malinaw pero parang tao.

"Troy—

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bumungad sa akin ang isang lalaki. He's not Troy nor any man I know.

"W-Who are you?." taka kong tanong. Ang sama rin kasi kung makatingin. Halatang may masamang balak. Oh gosh! Don't tell me he's a thief.

He didn't spoke any word. Cold run through me as my eyes landed at his hand and from there was a knife he was gripping tightly. To my horror , dropping from it's pointed sharp end was a fresh blood. My instinct told me to run but I'm frozen form where I stand can't even make a single step away.

"You're his girl?." tanong nito. Hindi ko maalis sa kutsilyo ang mga titig.

Nakahinga kahit kaunti ng bitawan niya ang hawak na kutsilyo. But the fear didn't subside when he pulled a gun from gun holster around his chest at directly pointed it at me.

"I'm not going to ask you again. If I will , it will be from a dead body of yours. Now , answer me nicely. Are you his girl?."

"W-what are talking about?."

"Troy Maximus Laurel. Who are you to him?."

"H-he's a friend."

Tumaas ang kaniyang kilay.

"He is. I'm already married." Sinulyapan niya ang aking daliri and he look me dead in the eye when he sees no ring.

"I am! It's a long story. Pero walang namamagitan samin ni Troy. Bakit? Sino ka ba?."

Hindi ko alam kung paano ko pa nakuhang magtanong sa kaniya sa lagay na to.

"Nasaan pala si Troy?." I don't think he's in the park right now while his bar was being invaded by this killer.

"He's dead."

"W-what?." I stutter.

"Right there." Itinuro niya ang counter. Nag-aalangan akong naglakad palapit roon at sumilip.

Halos mawalan ako ng kaluluwa nang makita si Troy na nakahandusay sa sahig at duguan.

"What the hell did you do—

Itinutok niyang muli sa akin ang hawak na baril dahilan para matigil ako sa pagsaalita. He killed Troy. Now , I'm a living witness. No criminal would leave traces to track his crime. Most possibly , he will going to kill me too.

"Avery!."

Napalingon ako kay Caden na kakarating lang. Nasa lalaking kasama ko rito sa loob ang kaniyang titig.

"Who are you—

His words were cut by a shot. Sandali akong napapikit sa gulat at sa kasunod na pagmulat ko ay duguan na sa dibdib nito si Caden.

"Caden!." mabilis ko siyang dinaluhan.

"Fvck." Caden cursed.

"A-Ayos ka lang?." nanginginig ang buo kong katawan. Unang pagkakataon kong makakita ng binaril sa mismong harap ko. I felt all jelly and numb.

"Avery..."

Mula sa kaniya ay muling lumipat ang tingin ko sa bumaril sa kaniya , na ako na ang puntirya ng baril na hawak. Nanlamig ako at tila hinihintay na lang na tumama sa akin ang bala.

Umalingawngaw ang tunog ng sirena ng mga police car sa di kalayuan. He cursed and immediately made his way out through the back door of the bar. Nabawasan ang malaking pasanin ko nang maka-alis. Bahala na kung hindi siya maabutan ng mga pulis , wag lang niya akong mabaril. I'm not prepared to die right now. I haven't live my life to the fullest yet kaya hindi pa ako dapat mamatay.

"He's gone. I think we're safe."

Muli akong bumaling kay Caden. But my hopeful eyes disappear as he lay down immobile before me.

"Caden?." tinawag ko siya pero hindi ito umiimik. Nakapikit ang kaniyang mga mata. Dumarami rin dugo na umaagos mula sa sugat nito.

I don't know what to do but according to some films I have watched , I must stop the bleeding first. Pero hindi ko alam kung paano. Natatakot akong hawakan siya dahil baka makalala lang sa sitwasyon. But I need to stop the bleeding. Mas lalong nanginig ang mga kamay ko ng dumapo sa duguan niyang dibdib. The sight of him with blood and the thought of Troy maybe dead , brought me to the edge of crying.

One thing I feared the most is losing someone I have. Ayokong maramdaman ang sakit kapag may nawala sayo. Pakiramdam ko hindi ko kaya. Mas masakit pa sa panloloko sa akin ni Daniel. Worst of all.

Dumating ang mga pulis at sila ang nag-asikaso ng ambulansya para dalhin si Caden at Troy sa hospital. Luckily , Troy is still breathing. Habang nakasakay sa ambulansya ay tulala lang ako. I found myself crying earlier but right now I don't know what to feel anymore. My mind are overloading with the thoughts of what will happen if Caden after all of this.

Umiiyak ako noong nakaraan dahil akala ko may nangyari sa pagitan ni Maxine at Caden. I hate him for a second but he manage to ease that pain and assure me that he won't do what Daniel did to me. He protect me all the time despite being arrogant sometimes. He manage to comfort me. Pero ngayon nanganganib naman siya dahil sakin. Kung hindi ako umalis. Hindi siya susunod. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

I held his hand tightly. I don't want to let him go. He can't leave me.

Muling nanubig ang mga mata ko ng makita ang wedding ring na suot niya. He's wearing his. Why , Caden?

"Caden..." I tried calling him again but he's still unresponsive. Maya mayang bumubukas ang kaniyang mata pero pumipikit din ulit.

"Caden. Magiging ayos ka diba?."

Lumapit ako sa kaniya para mas marinig nito ang sinasabi ko. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at hinagkan ang kaniyang noo.

"Diba?. Kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling may masamang mangyari sayo. Wala na akong kakampi. Kaya please.." Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Be fine."

Isinugod agad ito sa OR pagkarating. The bullet penetrated his body. Kailangan nilang makuha iyon sa madaling panahon. Nasa labas ako ng operationg room. I never had imagine I'll encounter this one in my life.

Troy is a god friend of mine. Maliban kay Caden , he's my remaining ally. At ngayon nag-aagaw buhay ito dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan. And Caden...hindi rin sigurado ang lagay nito. Having the two of them in this situation was too much. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit at bigat sa dibdib ,  magkahalong kaba at takot na mawala ni isa sa kanila.

Mas lalong bumuhoa ang mga luha ko ng magkagulo ang mga nurse OR. Someone had a cardiac arrest , their trying to save him. I didn't know who but I'm all too scared.

Napaupo na ako habang sapo sapo ang mukha at umiiyak parin. Hindi ko kaya ang ganito. I'm not and I guess I won't be prepared to face this my whole life.

"Scarlette?." Pamilyar na boses ang narinig kong tumawag sa akin bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Agad kong napansin ang bandage na nasa aking noo. Bakit naka-bandage ako?

"Nawalan ka ng malay. Tumama naman sa sahig ang noo kaya nagkasugat ka."

Dati sa tuwing nakikita ko siya ay iba ang nararamdaman ko. Galit , pagkamuhi and the need to get far as possible from the man who broke my heart but those toxic feeling are gone. I wasn't affected anymore. Hindi ko alam kung kailan nagsimula but it's better that way so there's no need to avoid him.

"Si Caden? Where is he?." Tinitigan niya ako. Tila tinatantya kong tama ang narinig niya mula sa akin.

"Daniel! Where is he? He was shot and...." Kumalabog ang dibdib ko ng masulyapan ang orasan. Alas-syete na ng umaga. Kagabi pa isinugod sa hospital sina Caden.

"Where is he?." he didn't give any response. "Daniel.."

My eyes got teary again. Ayokong isipin na may masamang nangyari.

"H-how is he?."

"He's fine." Bumukas ang pinto at pumasok si Zarah.

"Zarah?."

"He's fine." ulit niya.

Gumaan ang loob ko sa kaniyang sinabi.

"We've just arrived an hour ago after we heard the news. Luckily , for Caden. The bullet didn't injured any internal organs and didn't cause any bleeding. He's fine now but we're still waiting for him to gain consciousness. Sinabi ng doktor na baka magising na siya anumang oras ngayon. The're nothing to worry about."

I silently thanked God for saving him.

"How about Troy?." Nag-aalangan si Zarah nang muli akong tumingin sa kaniya.

"How is he?."

"Bad." Si Daniel ang sumagot.

"What do you mean?."

"Maraming bala ang tumama sa kaniyang katawan. It punctured his liver. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. He suffered cardiac arrest twice , fortunately he was able to get revived. Nasa ICU parin siya hanggang ngayon. 50% chance of survival."

I don't know what to feel. I'm glad that Caden is finally safe but Troy wasn't yet. I'm not sure if I will be happy or still mourn.

"The doctors are trying their best to save him. Your parents are taking good care of him." Dagdag ni Zarah.

"Can I see him?."

Babangon na sana ako ng pigilan nila akong dalawa. Nagkatinginan pa sila. Daniel was the one who step back.

"You need to rest."

"I'm fine." I reasoned.

"Kailangan mo paring magpahinga. Baka pagkagising ni Caden ay ikaw naman ang nakahilata diyan sa kama. You know he won't like it."

Sinulyapan nito si Daniel. Kakaiba ang paraan ng kaniyang titig rito.

Kahit na magpumilit ako ay hindi rin nila ako papayagan kaya hindi ko na pinilit pa. I remain in bed for few hours saka pa nila ako pinayagang mapuntahan si Troy.

"Scar..." Sinalubong ako nina mommy at daddy.

"How are you? Ayos ka lang ba?." sunod sunod ang tango ko rito. Pinagbawal ang pagpasok sa loob ng kwarto ni Troy kaya nasa labas lang ang mga ito. I can still see Troy over the wide glass window.

I felt mom's soothing hug as I watch him lying on his bed unconscious. Sobrang dami ng medical apparatus ang nakakabit sa kaniyang katawan.

"Tinawagan ko ang kaniyang ama pero nasa business trip ito ngayon. They'll send someone to take care of him." Pumwesto si daddy sa tabi ko at tinapik ang balikat ko.

"And about the crime , investigators want to ask you some few questions." aniya. "They're here."

Pinahiran ko ang mumunting luha sa mga mata bago bumaling sa kakarating na mga imbestigador.

"Good day , ma'am."

I don't know if there is something that makes the day good.

Nawala ang ngiti niya sa akin nang hindi ako sumagot sa kaniyang pagbati.

"We understand what you felt right now. But we need some answers from you. Would that be a convenience to you?."

I give him a small nod.

"First of  all  , I'm Master Inspector Pierce Samontanez from Central Agency for Crime Investigation , Intel-Deparment." Ipinakita niya ang ID at nag-abot ng kamay. Tinanggap ko iyon nang hindi inaalis ang tingin sa kaniyang ID.

"Scarlette Avery Young , am I right?." Tinanguan ko ito.

"May I know if what's your relationship with Mr. Laurel?."

"Friend." mula sa kaniyang notebook ay tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.

Why they always do that?

"Friend?." Confusingly he ask.

"Close friend. " I specified.

"Just friends?." I arched my eyebrow at him.

"Sorry. You two look more than just a friend."

"Your right inspector. Akala ko nga ay ang dalawang ito ang magkakatuluyan." pabirong saad ni daddy. He earn a smack in the arm from mom.

"I'm already married." napatingin silang tatlo sa akin. Inspector Samontanez glance at my hands. Tumaas ulit ang kaniyang kilay. Damn this one!

"Whatever. Let's move on." He run his eyes through his notes. "Why are with Mr. Laurel that night?."

"I wasn't. We were supposed to meet that night. Nang magpunta ako sa condo ay iyon na ang nadatnan ko."

"You the saw the killers face?." I nod. Tumango lang din ito.

"It seems that beside you and Mr. Laurel. You're with another guy , Mr. Escariaga. Am I right? Who is he?."

"He's my husband." His lips twitch.

After a moment of silence. He spoke.

"I guess that all. We already secured a sketch of the killers face. We need you to verify it after we finalize the data we gathered. We will send security to secure you and the victims. You're probably aware that whoever behind this crime won't let you that easy. You're a witness , Ms. Young. They're going to eliminate you first. And then your husband. And your friend." He glanced at Troy.

"Is that a warning , Inspector?."

I sense the fear in my mom's voice. My life was never been this complicated.

"No ma'am. It's a fact. I suggest you tighten your security now. We're not dealing over some piece of cake killers here."

He's right. Whoever that man is. He seem so professional. But not so enough.

Gaya ng bilin nito. Nagkalat sa buong hospital ang mga pulis at mga agent ng CACI. Kahit sina mommy at daddy ay nag-hire ng private bodyguard. Zach also brought the private security we had at the province. We look like just going to a war.

"Scar.." Sinulyapan ko si Daniel. Mom and dad left after securing my security. Nagpaiwan pa rin si Daniel. I don't think he's suppose to be here.

I sigh and went back staring at Troy hoping it could help him from recovering.

"If you need someone. I'm here."

Mapakla akong napatawa sa kaniyang sinabi.

"Why would I need you?."

I wasn't trying to sound bitter. I'm not. Its just like it's so hard to trust him again after what happened. Makaka-asa pa ba ako sa kaniya?

Mahina siyang nagbuntunghininga.

"I know you're still mad at me. Pero kaibigan ko rin Daniel. Nag-aalala rin ako sa kaniya. Let's help him recover."

Hindi ako nagsalita. Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat marahan akong hinihilig sa kaniyang dibdib. But that doesn't change anything. It wasn't even comforting like it was before.

"As if hugging will help him recover."

Naitulak ko si Daniel sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Caden sa gilid ko. He's still wearing his hospital gown.

"Will it?."