Pagpapatuloy ng Pananaw ng Ikatlong Persona
Ang hiyaw ay tumagal ng ilang minuto hanggang sa naramdaman nila ang pagyanig ng lupa at ang malalakas na tunog yapak na papuntang deriksyon nila.
Natagpuan nila Aéris at Estrella ang kanilang sarili sa harap-harapan ng dalawang matataas na Cyclopes. Ang kanilang solong mata ay humahalintulad sa isang garapalang pagsusuri at poot. Mararamdaman ang pagyanig ng lupa sa bawat hakbang na ginagawa ng dalawang cyclopes, at ang hangin ay puno ng kanilang malalalim na paghinga.
Agad na sinuri nina Aéris at Estrella ang sitwasyon, batid na kailangan nilang magtulungan upang malampasan ang mga Cyclopes. Nagtawag nang malakas na hangin si Aéris upang maipagtanggol sila mula sa mga unang atake ng Cylopes. Si Estrella ay tinawag naman ang kaniyang nag-aapoy na espada, agad na umatake nang mabilis, sinasadyang saktan ang isa sa mga Cyclopes ng tamang-tama. Ito ay nagdulot ng pagkabahala sa Cyclopes, na nagpanginig sa mga tuhod nito at napaatras.
Samantala, ang isa pang Cyclopes ay nagtungo kay Estrella, at ginamit ito ni Aéris bilang pagkakataon upang ilabas ang kanyang elemental na espada ngunit ginawa niya ito'ng ordinaryo sa paningin ng iba dahil ayaw niyang malaman ni Estrella. Nagtawag siya nang malakas na apoy at ginawang hindi nakikita, na sumakop sa ikalawang Cyclopes at nagdulot ng matinding kirot. Ang Cyclopes ay nagngingitngit sa sakit, ang malalaking katawan nito ay nahihirapang layuan ang lakas ng apoy.
Gamit ang kani-kanilang kasanayan, nagpatuloy sina Estrella at Aéris sa laban. Si Estrella, gumagamit ng kaniyang apoy na kapangyarihan, bilis at husay sa pakikipaglaban, patuloy na kaharap ang unang Cyclopes sa isang malalim na labanan. Sa bawat pagtama ng kaniyang espada, tina-target niya ang mga mahihina nitong bahagi, pinapalakas ang pag-atake. Samantala, nang makita ni Aéris ang pagkakataon, naglabas siya ng malakas na kidlat patungo sa mahinang Cyclopes, nagdulot nang malakas na kuryente sa malalaking katawan ng kaaway at kaya napilita itong umatras.
Hindi napapansin ni Estrella na gumagamit ng iba't ibang uri ng kapangyarihan si Aéris dahil sa abala ito sa pag-atake sa isa pang cyclopes. Hindi rin makikita ang mga atakeng ginagawa ni Aéris dahil invisible ito sa mata ng iba.
Habang patuloy ang labanan, pinagtulungan nina Aéris at Estrella ang kanilang mga atake, pinagsasama ang kanilang lakas at kasanayan sa pakikipaglaban. Sa kabila ng lakas at kakayahan ng mga Cyclopes, hindi pa rin ito nagtagumapay na patayin ang dalawang dalaga
Sa isang huling saksak, natalo nina Aéris at Estrella ang mga Cyclopes, bumagsak ang mga katawan nito sa lupa na may malakas na tunog. Ang gubat ay napatahimik, ang hangin ay puno ng amoy ng tagumpay at natitirang bakas ng mahika.
Habang nagpapahinga sina Aéris at Estrella, hindi nila maiwasang maramdaman ang pagkakaisa at pagkakaibigan. Nagpalitan sila ng isang nakakaalamang ngiti, nagpapasalamat sa suporta at husay ng isa't isa sa gitna ng labanan. Ngunit malayo pa ang kanilang paglalakbay. Batid nila na may iba pang mga hamon at mga lihim na naghihintay. Handa silang maghanda para sa susunod na yugto ng kanilang pakikipagsapalaran.
"Napakahusay mong makipaglaban gamit ang isang ordinaryong sandata." Manghang sabi ni Estrella matapos bumalik ang maayos na paghinga.
"Sinanay ako ng aking ama noong nabubuhay pa siya." Paliwanag ni Aéris, bakas sa tono ang pagmamalaki sa kaniyang amang yumao.
"Apoy ang iyong kapangyarihan?" Anong rank label ng kapangyarihan mo?" Mapag-usisang tanong ni Aéris, hanggang ngayon ay namamangha pa rin siya sa galing ni Estrella sa pagkontrol ng pinakadelikadong kapangyarihan sa Royalty Empire, ang apoy.
"Pangkaraniwang apoy lamang. Rank C." Sagot ni Estrella, napansin naman ni Aéris ang pagsisinungaling ni Estrella tungkol sa kaniyang kapangyarihan, dahil nakita at naramdaman niya kung gaano kainit ang apoy na kapangyarihan nito.
"Nabibilang ka ba sa angkan ng mga Fierro?" Tanong niya.
Ang Fierro ay angkan ng mga taong-langgam na nagtataglay ng apoy na kapangyarihan.
"Hindi, dahil hindi ako nanggaling sa Royalty Empire." Labis na nagtataka si Aéris sa sagot ni Estrella.
"Sa Legend Empire ako nanggaling, ginusto ko lamang manirahan sa Royalty Empire dahil ayaw kong maalala ang masasaya kong alaala kasama ang aking pamilya." Paliwanag ni Estrella, lumungkot ang boses sa huli.
"Bakit wala kang antenna? Sa pagkakaalam ko ang mga taga-Legend Empire ay malayang naipapakita ang kanilang mga antenna." Naguguluhang wika ni Aéris, tumawa naman si Estrella sa sinabi nito.
"What do you expect? Wala na ako sa Legend Empire, nandito na ako sa Royalty Empire, kung saan walang antenna ang mga taong-langgam." Natatawang sabi ni Estrella. Labis namang namangha si Aéris dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatagpo siya ng taong-langgam na mula sa ibang imperyo.
"Paano nawala ang antenna mo? Nagsagawa ka ba ng isang ritwal?" Hindi mapigil na tanong ni Aéris.
Umiling si Estrella at masinsinan na ipinaliwanag kay Aéris ang dahilan. "Sa pagtapak ko pa lamang ng lupa ng Royalty Empire, nawala na ang aking antenna. Dahil ang imperyong ito ay napapalibutan ng mahiwagang kapangyarihan na nakakapag-alis ng antenna ng mga taong-langgam na hindi Royalty. Ang uri kasi ng mga taong-langgam na mula sa Royalty Empire ay kakaiba, walang antenna, itsura'y parang tao lamang."
Namangha si Aéris ng todo, hindi niya alam ang bagay na ito. "Saan nanggagaling ang kapangyarihan na nakapalibot sa Royalty Empire?"
"Kay Empress Rooneel. Hindi mo ba alam ang bagay na ito?" Wika ni Estrella, at sinuri siya kaya tumango siya.
"I don't read the history of our empire because it's boring," saad ni Aéris gamit ang wikang Ingles
"Namamangha pa rin ako sa pagiging fluent mo sa pagsasalita ng wikang ingles."
Madilim na ang paligid kaya napagpasyahan nilang dalawa na tumigil na muna sa paglalakbay at magtayo ng tent sa gitna ng gubat.
"Bakit ka nga pala sumama sa akin? May sadya ka rin bang puntahan?" Tanong ni Aéris na bumasag sa katahimikan ng gabi
"Gusto ko lang maglibang," simpleng sagot ni Estrella ngunit hindi natinag si Aéris
"Ano ang totoong sadya mo sa akin?" Seryoso at malamig na sabi ni Aéris.
Nagseryoso na rin si Estrella at huminga ito nang malalim. Ito na ang oras para magtanong siya.
"May alam ka ba sa katauhan mo? Kung ano ang papel mo sa mundong ito?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Estrella.
Napatiim-bagang si Aéris sa tanong ni Estrella, napaisip rin siya kung ano ang isasagot. "Nakakabaliw ang iyong tanong. Hindi ko malaman kung ano ang gusto mong malaman sa akin pero pagbibigyan kita nang pagkakataon na matuklasan sa sarili mong paraan kung ano ang papel ko sa mundong ito." Nakangising sabi ni Aéris, senyales na hinahamon niya si Estrella.
"Kung gayon ay hayaan mo akong sumama sa iyong sa paglalakbay upang labis kitang makilala." Ngising sabi ni Estrella at nagpaalam na matutulog na sa tent na ginawa niya.
Kinabukasan.
"Ito na ang paanan ng Forbidden Mountain, nawa'y gabayan tayo ng mga diyos at dyosa sa ating pag-akyat sa matarik na yelong ito." Busangot na wika ni Estrella, kulang ang kaniyang tulog kaya wala siya sa kaniyang totoong sarili.
"Tulog ka pa siguro, Estrella. Hindi 'yan tulad ng Mt. Everest na makikita sa mundo ng mga tao, mga puno iyan na nababalot ng niyebe kaya naging kulay puti." Pang-uuyam ni Aéris
"Isang beses lang siguro ang tag-init sa imperyo ninyo! Napapalitan na ang kayumanggi kong balat ng puti!" Reklamo nito at halatang sinisisi talaga ang Royalty Empire.
"Matagal ang tag-init dito, hindi lamang napapansin ng mga taong-langgam na nanggaling sa ibang imperyo dahil iba ang klema nila sa amin. Tulad na lamang ng imperyo ninyo, palaging tag-init!" Paliwanag ni Aéris at natawa sa huling sinabi.
"Pagod na ako, malapit na ba tayo?" Reklamo ni Estrella.
Ilang ulit na niya itong tinanong at palagi namang sinasagot ni Aéris na malapit na pero ang totoo ay aabutin pa sila ng dilim sa daan.
"Fuck you! Ang sabi mo kanina malapit na?! Inabot tayo ng gabi!" Hinanakit ni Estrella habang nakahawak sa tuhod, tawang-tawa naman si Aéris.
"Ngayon ka pa maninisi? Nakara-" Hindi na natapos ni Aéris ang sasabihin nang may biglang lumipad na bagay sa dereksyon nila at ang pagyanig ng lupa na hindi nila inaasahan. Pareho silang nawalan ng balanse na sanhi, dahilan kung bakit sila nakahiga sa makapal na niyebe.
"What are the protector and the Choosen One doing outside my house?"
Isang malamig na boses babae ang kanilang narinig na nanggagaling sa loob ng malaking puno.
"Ang malaking puno ang iyong bahay?" Manghang katanungan ni Estrella
"Lower your ugly voice, bitch!" Saway nito kay Estrella, sumama naman ang timpla ng mukha ni Estrella dahil sa sinabi ng babae.
"Who are you to call my voice ugly? And yes I'm a bitch!" Inis na sabi ni Estrella
"My name is Mae!" Sabi ng babae na nasa loob pa rin ng bahay nitong puno.
"I don't give a fuck about your ugly name!" Balik na pang-uuyam ni Estrella dahilan para matahimik ang babae, nangangalaiti itong lumabas ng puno na wala namang pintuan, basta na lang sumulpot ang babae na si Mae.
"Ang lakas naman ng loob mong sabihan ng pangit ang pangalan ko? Hindi mo b-"
"Tumigil na kayong dalawa." Awat ni Aéris dahil kaunti na lang ay maglalabas na ng kapangyarihan ang dalawa.
Kahit papaano ay nakilala na ni Aéris si Estrella bilang mainipin at madaling magalit. Habang si Mae naman na matagal niyang nakasama na kaibigan ay pikunin at mapag-asar ngunit asar-talo naman.
"So, what are you doing here, Aéris?" Panimula ni Mae ng kumalma ito, nasa loob sila ng bahay na puno. Malaki ito, na hindi aakalain na nasa loob ng katawang puno.
"Kailangan na nating hanapin ang iba pang katulad mo dahil kailangan nating lutasin ang ka-misteryusuhan ng ating imperyo, at para na rin sa paparating na digmaan dahil sa pagka-uhaw sa kapangyarihan at titulo." Seryosong paliwanag ni Aéris
"Dalawa na lamang ang hahanapin natin." pataray na sabi ni Mae, nagtaka naman si Aéris dahil sa pagkaka-alala niya ay tatlo pang tagapagtanggol ang hinahanap nila.
"Katabi mo na ang isa." Aniya sabay turo kay Estrella na may seryosong ekspresyon, napagtanto na siguro ang lahat.
"Aéris is the choosen one, and you Estrella is one of the four protectors, like me." Paliwanag ni Mae.
"I know that part. Ang hindi ko lang alam ay si Aéris ang matagal ko nang hinahanap." Seryosong wika ni Estrella
"Maging ako ay hindi ko napansin na isa ka sa Protectors." Sabi naman ni Aéris.
"Dahil may pansamantalang ritwal ang marka ni Estrella, hindi niya mararamdaman ang sakit kapag nakalapit siya sa The Choosen One o mas kilala sa tawag na Mystic Enigma." Mataray na sabi ni Mae.
Hindi naman alam ni Estrella kung ano ang nararapat na maging reaksyon niya nang malaman na si Aéris ay hindi lamang ang napili ng mga Diyos at Dyosa, kundi pati na rin ang pinakakilala ng lahat na Mystic Enigma... Ang taong dahilan kung bakit nasa Royalty Empire si Estrella.