Pagpapatuloy ng Pananaw ng Ikatlong Persona
"Get your asses out of our chair." Sa tinig ng isang matinis na boses na nanggagaling sa babaeng papalapit sa pwesto nina Aéris, may apat ito'ng kasama na hula ni ay mga alipores o kaibigan nito, at sina Estrella at Mae naman ay kilala na ang mga ito.
"The Queen wanna bee of this school and her Alipores." Mababang wika ni Estrella na nagngingit-ngit sa galit ang kaloob-looban dahil unang pagpasok nila sa silid-aralan nila ay ininis na agad sila nito.
Tahimik na pinagpatuloy ni Aéris ang kaniyang pagkain, hindi pinapansin ang mga babaeng nasa likuran nila na pinapatay na sila sa tingin.
'Lagot na sila!'
'Bakit hindi pa sila umaalis?'
'Hindi siguro nila kilala ang grupo ni Princess Johanna!'
'What do you expect? They're newbies'
Tumaas naman ang labi ni Aéris sa narinig na bulungan ng malalapit na estudyante sa pwesto nila.
Ito ang Prinsesa ng ating Imperyo? Anong brat! Tsk.
"Are you deaf or can't understand english?" Nang-uuyam na wika ng babaeng si Prinsesa Johanna, ang nag-iisang anak ng Empress ng Royalty Empire.
"Johanna, can you talk later? because my friends and I are eating." Inis na sabi ni Mae, at padarang na tumayo, si Estrella naman ay niluwagan ang collar nh kaniyang uniporme at dahan-dahan na tumayo sa tabi ni Mae.
"Bitch! It's Princess Johanna. Show some respect to your highness!" Mapag-mataas na wika ni Prinsesa Johanna gamit ang galit na tono.
"You're not a highness here. We are all students of Royalty School, so don't be arrogant." Wika ni Mae sabay ikot ng mga mata.
Sa kabilang banda naman ay namamanghang pinagmamasdan ng Royals ang nangyayari sa kalapit na pwesto kung saan naroroon sina Aéris at ang grupo ni Prinsesa Johanna.
Ngayon lamang sila nakakita ng mga Rank C na may lakas ng loob na kalabanin ang Prinsesa ng Imperyo nila. Sa tanang buhay nila ay sila pa lamang ang may kayang sagot-sagutin ng ganoon ang Prinsesa dahil sa kanilang Titulo pero Ngayon na nasasaksihan nila ay labis ang pagkamangha nila dahil mas mababang uri ito kumpara sa kanila na kayang ganituhin ang Prinsesa na kinakatakutan ng lahat ng estudyante sa Royalty School.
"You're not a highness here. We are all students of Royalty School, so don't be arrogant." Rinig nilang wika ng babaeng unang tumayo, si Mae.
"How dare you?! Kahit pareho tayong students here ay ako pa rin ang Prinsesa ng Imperyong kinabibilangan niyo!" Galit na sigaw ng Prinsesa. Lalapit na sana ang kasamahan nilang si Eymi ng pigilan ito ng Leader nilang lalaki.
"But, Leader! They need our help. Baka kung anong gawin sa kanila ni Johanna." Nag-aalalang sabi ni Eymi na inilingan naman ng lalaking tinawag niyang Leader, ito ang lalaking katabi ni Aéris ng upuan sa Silid-Aralan.
"Sundin mo na lamang ang utos ni Etwo, Eymi." Nakangisi na sabi ni Lindcy habang nakatingin rin sa pwesto nila Aéris.
Walang nagawa si Eymi kung hindi ang panoorin na lamang ang mangyayari sa pagitan ng dalawang grupo. Ang grupo ni Aéris at ang Grupo ni Prinsesa Johanna.
"Tama ka nga, Aéris. Napakaraming brat sa paaralang ito, at hindi ko inaakala na ganun din ang asal ng Prinsesa ng ating Imperyo." Natatawang sabi ni Estrella kay Aéris ngunit naka tingin pa rin kay Prinsesa Johanna na nangangalaiti na sa galit.
"Huwag niyo akong isali sa away niyo, kumakain ako." Seryosong sabi ni Aéris at patuloy na kumakain. Gulat naman ang myembro ng Royals dahil sa inasal ng dalagita.
"She's kind'a interesting." Namamanghang saad ni Niel, isa sa myembro ng Royals.
"That girl is just being brave bitch. Tss!"
"Why are you so mad at Aéris, Lindcy?" Malungkot na wika ni Eymi. Walang emosyon naman na humarap si Lindcy kay Eymi.
"You know I don't like weak ant-human. I don't stick to weak because they're nothing but a useless ant-human." Wika ni Lindcy gamit ang malamig na tono.
"You're a heartless ant-human! I hate you for being like this, Lindcy!" Naiiyak na aniya ni Eymi.
"Tumigil na nga kayong dalawa! hindi ko na naririnig ang mga sinasabi nila!" saway sa kanila ni Rylle, isa ring myembro ng Royals, na abang na abang sa kaganapan sa grupo nina Aéris at sa grupo ni Prinsesa Johanna.
'Umalis na lang kayo sa upuan ng Prinsesa Johanna para walang gulo!'
'Umalis na kayo kung ayaw niyong pagsisihan sa huli!'
'Kung kanina pa kayo umalis edi sana tapos na!'
Wika ng ilang estudyante na malapit sa kinaruruonan nila. Si Aéris naman ay inubos ang Strawberry Juice at tumayong pinapa-tunog ang leeg niya, gawain niya kapag tapos ng kumain.
"I'm done." Anunsyo ni Aéris sa dalawang kaibigan na nakikipagtalo pa rin sa Grupo ni Prinsesa Johanna.
"Mabuti naman dahil hindi ko na maatim na manatili dito kasama sila." Wika ni Mae at nauna ng maglakad palayo na sinundan naman ni Estrella, si Aéris ang nahuhuli sa paglalakad.
Pagtalikod nina Aéris ay kasabay rin na umilaw ng asul ang mata ng Prinsesa. Makikita rin ang brilyante nito na nasa noo.
An Air Manipulator.
Wika ni Aéris sa kaniyang isipan ng maramdaman ang enerhiya ng kapangyarihan sa likuran nila. Hinanda ni Aéris ang sarili at sinigurado na siya lang ang tatamaan ng kapangyarihan na galing sa Prinsesa para hindi madamay ang dalawang kaibigan.
"Aéris!"
Sumisigaw na lumapit si Eymi ngunit huli na ang lahat dahil tumama na ang kapangyarihan ni Prinsesa Johanna kay Aéris. Tumalsik si Aéris malapit sa pinto ng Cafeteria.
Agad naman na humarap si Mae at Estrella sa may kagagawan, makikita na sa noo ang brilyante ng dalawa ngunit ang pinagtataka ng lahat ay kung bakit ang noo ang umiilaw kung nasaan ang brilyante imbes na ang mga mata nito. Napakalakas ng liwanag kumpara sa ordinaryong liwanag dapat nito.
'Bakit ganiyan sa kanila?'
'Ang ganda!'
'Ngayon lang ako nakakita ng ganito!'
'Anong nangyayari? Bakit hindi nailaw ang mga mata nila?'
'Woah! Fire and Earth Manipulators!'
"How dare you to hurt someone like her." Malamig at seryosong wika ni Mae, papalapit sa pwesto ng Prinsesa
"Don't you dare come near to the Princess!" Agad na humarang ang apat na kaibigan ng Prinsesa sa daraanan ni Mae at Estrella.
"Hiding behind your friends, huh?" Nang-uuyam na wika ni Estrella, tulad ni Mae ay sobrang lamig at seryoso rin nito kung magsalita.
"What a weak princess you are." Wika naman ni Mae, dahil doon ay nainis si Prinsesa Johanna kaya nilagpasan niya ang apat na kaibigan at hinarap sina Mae at Estrella.
"How dare you! Sisiguraduhin ko na makakarating sa aking ina ang pagka walang galang niyo sa akin na isang Prinsesa!" Sigaw ng Prinsesa, galit ay nangunguna sa damdamin ng Prinsesa.
"Enough. Go to the Headmistress office!" Seryosong wika ni Etwo, ang lalaking katabi ni Aéris sa upuan at ang Leader ng Royals.
Lumapit ito kay Aéris na hanggang ngayon at nakasalampak pa rin sa sahig buhat ng malakas na impact ng kapangyarihan ni Prinsesa Johanna.
Sobrang lakas pala ng kapangyarihan ni Johanna. Sana iniwasan ko nalang.
Reklamo ni Aéris sa kaniyang isipan na hindi niya alam na nababasa pala ng lalaking nasa tapat niya ngayon.
"What do you expect to a Princess like her?You're just a Rank C ant-human. You're nothing compare to her." Seryosong saad ni Etwo, nayabangan naman si Aéris sa pananalita ng lalaking nakatayo sa harapan niya kaya kahit masakit ang katawan niya ay sinubukan niya pa rin tumayo at tapatan ang lalaki.
"So, what are you trying to say?! That I'm a useless ant-human?!"
"You are the one who said that, not me." segunda ni Etwo at naglakad na palabas ng Cafeteria. Nang ngingit-ngit naman sa galit si Aéris dahil sa lalaking iyon.
"ayos ka lang?" malamig na tanong ni Estrella ngunit mababakasan ng pag-aalala sa Mukha.
"Ayos lang. Ang hina ng kapangyarihan niya." nakangising aniya ni Aéris dahilan para makatanggap siya ng batok galing kay Mae.
"Oh really? Umabot sa amin ang sinabi mo sa isipan mo kanina lang!" Wika ni Mae
"Nawalan ka ng konsentrasyon kaya nagkaroon kami ng chance na mabasa ang mga iniisip mo." Saad ni Estrella. Ngayon ay nagsisimula na silang maglakad palabas ng Cafeteria para pumunta ng Headmistress Office. Nauna na ang grupo ni Prinsesa Johanna maging ang Royals sa Opisina.
"Sobrang lakas ba ng kapangyarihan ng bruhang yun?" Mausisa na wika ni Mae
"What do you expect? Tinanggap ko yung tatama sana sa inyo." Wika ni Aéris sabay ikot ng mga mata.
"Ay tanga ka! Hindi iyon gawain ng itinakda." Sermon ni Estrella.
"I did that not because I'm the itinakda but because you are my friends." Seryosong saad ni Aéris at nauna ng pumasok sa opisina ng makarating sila sa tapat nito.
'Wow! Na-touch ako sobra.' -Mae
'Pinapaiyak mo naman kami e' -Estrella
Saad ng dalawa sa kanilang isipan kung saan nakakapagusap silang tatlo lamang.
"Maupo kayong tatlo." Utos ng Headmistress kina Aéris ng makapasok sa opisina nito. Kaharap nila ang Grupo ni Prinsesa Johanna na masama ang tingin sa kanila, habang ang Royals ay nasa likuran ng Headmistress.
"What did I hear about the eight of you?" Tukoy ng Headmistress sa kanila.
"The three of them started the fight, Headmistress!" Paninisi agad ng isa sa mga kaibigan ni Prinsesa Johanna.
"Stop lying, Miss." Saway ni Rylle dahil alam naman nilang lahat kung sino talaga ang nauna.
"My friend is telling the truth. Kung hindi sila umupo sa pwesto namin ay magiging maayos sana ang lahat!" Pagtatanggol ni Prinsesa Johanna sa kaibigan.
"Johanna, hindi mo naman siguro gugustuhin na makarating pa ito sa Empress, hindi ba?" Nakangising sabi ng Headmistress kay Prinsesa Johanna na ngayon ay nahihiyang napayuko
"Base sa ulat galing sa SSG Officers ay ang grupo mo ang nagsimula ng away. Alam mo naman siguro na mabigat ang parusang ibibigay sa inyo dahil baguhan sila sa paaralang ito."
"W--what? I don't know that thing! Madami na akong na bully na baguhan dati pero Hindi mabigat ang parusa!" Wika ni Prinsesa Johanna, labis na nagtataka sa sinabi ng Headmistress.
"Kani-kanina lang pinatupad ang patakaran na kapag binully ang newbies ay mabigat na parusa ang ihahataw."
"I'm the Princess of this Empire! Hindi ako pwedeng maparusahan!"
"And I'm the Headmistress of this School, you can't do anything about it. Now go and leave my office." Wika ng Headmistress, may ngiting tagumpay sa labi habang pinamamasdan ang grupo ni Prinsesa Johanna na padabog na lumabas ng kaniyang opisina.
"Everyone leave my office except you." Wika ng Headmistress at itinuro si Aéris na siyang maiiwan sa loob ng opisina ng Headmistress.
"We need to talk." Seryosong aniya matapos matira sila ni Aéris sa opisina.
Lingid sa kaalaman ni Aéris na Matapos ang pag-uusap sa Headmistress, ang buhay niya sa paaralan ay magbabago nang di inaasahan. Ano kaya ang naghihintay sa kanya sa mga susunod na kabanata?