Chapter 6 - 4

Pagpapatuloy ng Pananaw ng Ikatlong Persona

"Batid kong may gusto kang malaman sa akin, Estrella. You can ask me." Wika ni Aéris ng maabutan niya si Estrella sa labas ng bahay ni Mae, nakaupo ito sa bato habang nakatingala sa madilim na kalangitan.

"Una pa lang ay kilala mo na ako ngunit hindi mo sinabi. Sinakyan mo ang pagsisinungaling ko tungkol sa pagkatao ko." Hinanakit na wika ni Estrella.

"Ano'ng pakay ng mga iyon sa pamilya namin? B-bakit nila pinatay ang pamilya ko?" Nahihirapang sabi ni Estrella, ang mga luha ay nagbabadya sa kaniyang mga mata

Huminga ng malalim si Aéris at naupo sa tabi ni Estrella, "Matagal na nilang pinaplano na patayin ang pamilyang Cazon, ang pamilya mo dahil hindi sila pumapayag na ibigay ka."

"Ibigay? Kanino at bakit?" Naguguluhang wika ni Estrella, ngayon ay siya naman ang walang alam sa mga nangyari sa sarili niyang pamilya.

"Ang mga taong-langgam na pumatay sa pamilya mo ay gumagamit ng itim na mahika. Sakim sa kapangyarihan."

"Bakit nadamay ang pamilya ko? Isang ordinaryong taong-langgam lamang kami sa Legend Empire." Wika ni Estrella, ang boses ay napalakas sa sobrang galit na nararamdaman.

"Ang pamilya mo ay ordinaryo ngunit ikaw ay hindi. Matagal ng alam ng pamilya mo na ikaw ay isa sa taga-pagtanggol ng Mhallgravd, alam na nila iyon kahit hindi ka pa naisisilang sa mundo." Paliwanag ni Aéris, maging siya ay hindi alam kung paano isisiwalat lahat kay Estrella ang mga nalalaman niya dahil maging siya ay hindi alam ang lahat.

"Bakit alam mo ang mga ito at anong ginagawa mo sa bahay namin ng gabing iyon?" Mapanghinalang sabi ni Estrella,

"Isa akong Mystic Enigma, at may tungkulin akong iligtas ang mga taong-langgam na nasa panganib, lalo na ang apat na protectors." Paalala ni Aéris sa tungkulin niya bilang isang Mystic Enigma.

Naguguluhan si Estrella kaya nagpatuloy si Aéris sa pagpapaliwanag, "bago pa man mangyari ang pagsalakay sa bahay niyo ay naglalakbay na ako papuntang Legend Empire, tumawid ako ng portal upang mapadali ako ngunit hindi pa rin ako nakaabot, may mga taong-langgam na may itim na mahika ang nakaabang sa labas ng portal." Pagkwento ni Aéris, at sa huling salita ay mapapansin ang pagbigat ng hangin sa paligid nila.

"Sinubukan kong iligtas ang pamilya mo ngunit nahirapan ako dahil pagdating ko ay halos matupok na ng itim na apoy ang inyong Bahay, ikaw lang ang nakita ko na nasa likod ng inyong bahay." Dagdag pa ni Aéris, naaalala iyon ni Estrella, isang misteryosang babae na nakasuot na puting balabal ang nagligtas sa kaniya. Dinala siya sa bukana ng Royalty Empire.

"Tapos na ba kayo sa pag gunita ng nakaraan?" Wika ng isang tinig sa kanilang likuran.

"Oh shut your mouth!" Inis na wika ni Estrella habang patagong pinapahid ang luha niya.

"Ikaw ang dapat manahimik! Naririnig ko bunganga mo hanggang sa loob ng bahay ko!" asik naman ni Mae, napailing nalang si Aéris sa bangayan ng dalawa.

"Matulog na tayo, maaga pa ang alis natin bukas." Wika niya at nauna ng pumasok sa bahay na puno, naramdaman naman niya ang pagsunod ng dalawa pero nag-aangilan pa rin.

Kinabukasan ay maagang gumising ang tatlo upang hindi sila abutin ng mainit na sinag ng araw sa paglalakbay pababa ng bundok.

"Ibang iba na ang bayan ng huling pagpunta ko dito!" Namamangha wika ni Mae, nasa bayan na ulit sila.

"Hindi ka ba bumababa ng bundok?" Usisa ni Estrella, kahit hindi niya gusto ang timpla ng ugali ni Mae ay susubukan niyang makilala ito dahil magiging kasama niya ito sa matagal na panahon.

"Hindi dahil mapapagod lang ako, kumpleto naman na sa bahay ko." kibit-balikat na wika ni Mae.

Si Aéris naman ay kanina pa walang kibo na labis na pinagtataka ng dalawa. Marami lamang na iniisip si Aéris na nakakalimutan niya ng may kasama siya.

Dahil sa pagtataka ay hindi na napigilan ni Estrella ang sarili na tanungin ito, "Hey, Aéris kanina ka pa tahimik, may problema ba?"

"Wala. Iniisip ko lamang kung saan natin matatagpuan ang dalawa pang protectors." Mariing sabi ni Aéris

"We have a connection, Aéris. Mararamdaman at mararamdaman natin ang isa't isa kapag malapit lamang tayo." Paliwanag ni Mae

"Unfair nga lang dahil tayo ang nakakaranas ng sakit kapag malapit kay Aéris." Reklamo ni Estrella dahilan para matawa si Aéris.

"Since Mae is from Ancient Empire, and I'm from Legend Empire ibig sabihin ay ang dalawang Royalty na lang ang kulang." Wika ni Estrella, kaninang umaga niya lang din nalaman na galing Ancient Empire si Mae, hindi naman daw kasi halata dahil pinaka-ayaw ni Mae ang history o nakaraan.

"Sa tingin niyo, anong lugar pwede natin silang matagpuan?" Tanong ni Aéris, nag-isip naman ang dalawa at sabay na sinabi ang naisip na Lugar.

"Royalty School!" Excited parehong sabi ng dalawa, matagal na nilang pangarap na makapasok sa Royalty School ngunit hindi nila magawa dahil sa may ibang bagay na inuna sila.

"Okay. Mauna na muna ako dahil aasikasuhin ko pa ang enrollment form natin, magkita na lamang tayo sa unang bahay-panuluyan na makikita niyo." Paalam ni Aéris sa dalawa, sumakay na siya sa isang kalesa at nagpahatid sa Royalty School.

Sina Mae at Estrella naman ay nakahanap na ng bahay-panuluyan, ang bahay-panuluyang tinutukoy ni Aéris.

"Ano sa tingin mo ang kapangyarihan ng dalawang Royalty?" Tanong ni Mae habang nakahiga sila ni Estrella sa magkabilaang kama sa Bahay-panuluyan.

Nagkibit-balikat si Estrella, "Apoy ang hawak ko habang lupa ang saiyo, siguro'y hangin at tubig sa dalawa."

Hawak nila ang mga brilyante na nababagay sa pinagmulan nilang Imperyo. Ngunit nagtataka pa rin sila sa kung anong kapangyarihan meron si Aéris, The Mystic Enigma and The choosen one. Hindi pa nila ito nakikitang gumagamit ng kapangyarihan sa bawat laban, tanging ordinaryong espada lamang.

Sa Royalty Empire may iba't ibang klase ng kapanyarihan, gawa sa iba't ibang uri at hugis na bato na naglalaman ng Isang malakas na pwersa.

Lubog na ang haring Araw ng umuwi si Aéris galing paaralan, dala-dala ang tatlong pirasong papel.

"Pag-nasagutan niyo na ang papel na iyan ay kusang maglalaho ito dahil naka-konekta ito sa Paaralan." Paliwanag ni Aéris sa dalawa, tinutukoy ang papel na dala niya na isang enrollment form.

Name: Aéris

Ability: Can hear everything within 50 kilometers

Manipulator of what power: Air Manipulator

P'rank: Rank C

Name: Estrella

Ability: Telekinesis

Manipulator of what power: Fire Manipulator

P'rank: Rank C

Name: Mae

Ability: Regeneration (can heal themselves or others)

Manipulator of what power: Earth Manipulator

P'rank: Rank C

May apat na rank ang power sa Royalty Empire na umiiral din sa loob ng Royalty School. Rank C, B, A,and S. Rank C ang pinaka-mahinang uri ng kapangyarihan habang ang Rank S ang pinaka-malakas.

Matapos sagutan ay bigla na lamang umapoy ang papel at biglang naging abo kasabay ng malakas na hangin dahilan para mawala ang mga abo kaya napatingin si Mae kay Estrella, "Hoy! Hindi ko sinunog!" Mabilis na sabi ni Estrella ng malaman ang ibig iparating ni Mae sa tingin

"Ikaw lang naman ang may apoy na kapangyarihan sa atin!" akusa ni Mae

"Tsk, iyon ang sinasabi ko na maglalaho ng kusa pagkatapos masagutan." Naiiling na sabi ni Aéris

"Kailan tayo papasok? Anong section natin?" nasasabik na tanong ni Mae, napapaikot na lang ng mata si Aéris.

"Bukas tayo papasok sa Royalty School. May dorm doon na pwedeng tuluyan natin." Aniya Aéris. Nagpaalam na sa isa't isa na matutulog na para maaga bukas.

Sumapit ang umaga at talagang nauna pa ang dalawa magising kaysa kay Aéris. Bago pumunta sa paaralan ay nag-agahan muna ang tatlo sa isang karenderya, at bumili sa bayan ng mga gamit na kakailanganin nila kahit papano.

"Tandaan niyo, ang misyon natin ay hanapin ang dalawa pang protectors, Kapag isang buwan na ay hindi pa rin natin mahanap sa Royalty School, lilipat naman tayo ng ibang lugar. Kailangan niyong makumpleto sa lalong madaling panahon dahil marami pa tayong dapat gawin." Paalala ni Aéris habang papasok sila sa tarangkahan ng Royalty School.

"Saan ang dorm natin?" Tanong agad ni Estrella, humihikab pa ito dahil sa kakulangan ng tulog.

"Sa may east wing." Turo ni Aéris, nauna ng maglakad dahil siya ang may alam.

"Ah, finally!" sigaw ni Estrella ng marating nila ang dorm, at pabagsak na nahiga sa kama. Ang dorm nila ay sakto lang sa tatlong tao, may tatlong kama, at isang banyo, may kusina at sala na rin.

"Bukas ang simula ng ating klase, sana maaga kayo magising." Wika ni Aéris bago siya lamunin ng dilim.

Umaga na, at ilang minuto ng ginigising ni Aéris ang dalawa dahil ma-le-late na sila pero hindi paawat ang dalawa sa pagtulog

"ewan ko na lang kung hindi pa kayo magising sa gagawin ko." Inis na sabi ni Aéris, napikon na sa tagal magising ng dalawa.

Sumipol si Aéris habang iniikot ang kanang hintuturo, gumagawa ito ng isang maliit na ipo-ipo sa kamay niya. Nang nasa tamang laki na ang umiikot na hangin ay tinutok ito ni Aéris sa dalawa.

Dahan-dahan na nagmulat ng mga mata ang dalawa ng maramdaman nila na parang hinihigop sila. Tagumpay naman na ngumisi si Aéris kasabay ng pagpitik ulit ng daliri ay sigaw ng dalawa sa loob ng banyo.

"Ah! Ang lamig!"

"Fudge! Aéris!"

Tawang-tawa naman si Aéris habang papalabas ng kwarto nila. "You two deserve

it, ang tagal niyong gisingin!"

Si Aéris na ang nagluto ng agahan dahil mas masarap daw ang luto niya kaysa sa dalawa sabi ng mga ito. Lumabas ng kwarto ang dalawa ng nakabusangot, nagdadalamhati pa rin sa nangyari sa kanila

"Pupunta muna tayo sa Headmistress offce para malaman kung saan ang section natin." wika ni Aéris, nakangisi dahil sa busangot na mukha ng dalawa.

Pagkatapos mag-almusal ng tatlo ay hinanap nila ang office ng Headmistress sa main building upang malaman ang section nila.

"Good morning, kiddos. How may I help you?" Tanong ng Headmistress ng makapasok ang tatlong dalaga sa opisina nito, Nasa mid-40s na ito kung titingnan.

"Baguhan po kami dito sa Royalty School." Wika ni Mae ng walang umimik sa dalawang kasama niya

"Oh! Kaya naman pala hindi kayo pamilyar sa akin." Sabi ng Headmistress, may dinukot ito'ng papel sa ilalim ng kaniyang lamesa at binigay kay Aéris.

"Kalahating buwan na nagsimula ang klase dito kaya wala ng bakanteng silid-aralan para sainyong Rank C." Nanghihinayang na pahayag nito.

"Hala! so hindi po kami makakapasok?" Nanghihinayang na sambit ni Estrella, ito pa naman ang inaabangan niya.

Tumawa ng bahagya ang Headmistress sa sinabi ni Estrella, "Oh no, that's not what I mean, Kid!"

"Listen! Dahil sa maraming estudyante ang hindi pa gamay ang kapangyarihan kaya puno lahat ng Classroom para sa Rank C at Rank B. The only available room are Rank A and S dahil kaunti lang ang mga bihasa sa paggamit ng kapangyarihan nila." Mahabang paliwanag ng Headmistress, tumango naman si Mae at Estrella habang si Aéris ay seryosong nakikinig.

"So, what's your point?" sa pagkakataong ito ay nagsalita si Aéris, gamit ang seryoso at malamig na tono.

Ngumisi ang Headmistress sa kaniya at binigyan sila ng tig-iisang malaking sobre, "Inside of it is your Section, schedule, and also your School I'd."

"Bukas dadating ang uniform ninyo, sa dorm mismo." Aniya

"You can go now because you're late. And btw, I'm Headmistress Candice." Pahabol nitong sabi bago pa man makaalis ang tatlo.

Pagkalabas naman ng tatlo ay agad na nagtanong si Estrella,

"Anong section niyo dali?!" nananabik na sabi ni Estrella pagkalabas ng opisina.

"I'm in Noble." sagot ni Mae, hindi natutuwa sa section niya.

"Hala, pareho tayo!" Sagot naman ni Estrella, pareho namang napatingin ang dalawa kay Aéris na seryosong pinagmamasdan ang papel na hawak

"Kailangan natin obserbahan ang paligid baka nasa malapit lang ang dalawa." Wika ni Aéris sabay balik ng papel sa sobre

"Anong section mo?" sabay na tanong ng dalawa.

"Royal."

Sa Royalty School ay may apat na Section, base na rin sa Power. Ang una ay:

Royal- Ang mga napupunta sa section na ito at pawang mga Rank S o mga bihasa sa paggamit ng kapangyarihan.

Noble- Ang mga napupunta naman sa section na ito ay mga Rank A o pangalawang bihasa sa paggamit ng kapangyarihan, hindi katulad ng lakas ng mga napupunta sa Royal.

Commoner- Ang mga napupunta dito ay mga nasa Rank B o hindi gaanong bihasa sa paggamit ng kapangyarihan at kailangan pa ng sanay.

Peasant- At ang huling section, para sa mga Rank C o mga hindi pa natutuklasan ang kapangyarihan o kaya hindi marunong kontrolin ang kapangyarihan.

"Kailangan na natin maghiwa-hiwalay dito dahil nasa Fourth floor pa ang Royal." Saad ni Aéris, nasa Third Floor na sila Ngayon kung nasaan ang Section Noble

"Magkita na lang tayo sa Cafeteria!" Paalam ni Mae sa papalayong bulto ni Aéris sabay hatak kay Estrella papuntang room nila.

Si Aéris naman ay nagpatuloy sa pag-akyat sa huling palapag ng gusali hanggang sa marating niya ang kaniyang magiging silid-aralan.

Nang marating ni Aéris ang huling palapag ng gusali, pumasok siya sa kanyang silid-aralan, subalit wala itong laman. Nalito siya at napansin ang isang maliit na sulat sa mesa ng guro na nagsasabing, "Follow the clues to find the Royal Classroom."