Chereads / Eyes Of Mystery [Tagalog] / Chapter 2 - Chapter 1: A world of Shadow

Chapter 2 - Chapter 1: A world of Shadow

Cyra's Pov

Kapag tinatanaw mo ako sa unang tingin, akala mo'y isa akong karaniwang estudyante. Pero meron akong mga mata na magkakaiba ang kulay.

Dahil sa aking mga mata lagi nila ako binubully. I am the target of bullying.

Sa bawat araw na pumapasok ako sa paaralan, nadarama ko ang mga tingin ng iba sa akin.

Minsan ay may pangungutya, minsan ay may pang-iinsulto.

Tinatawag akong "freak" at "pangit" dahil sa aking mga mata. Ito ang dahilan kung bakit ako naging labis na kabaong sa mga insecurities.

Sa ibang oras, naglalakad ako sa mataong hallway ng Cristal School.

Maririnig ang halakhak at pang-uuyam ng mga estudyante sa paligid.

Hindi na bago ang mga sinasabi nila tungkol sa akin. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sila ganito.

Sa isang klase, ako'y pinagtawanan at tinawag na "weirdo" ng aking mga kaklase.

Ang mga mata kong puno ng kakaibang kulay ang patuloy na nagdudulot sa akin ng atensyon at pang-uuyam.

Sa bawat insulto, nadaragdagan ang aking kagustuhan na malaman ang katotohanan.

Sa pagpasok ng huling klase ng araw, isang oras ng kalayaan ang ipinagkaloob sa amin.

Sa halip na lumabas at magpahinga, ako'y nagpasyang manatili sa isang sulok ng silid-aralan.

Dito, malaya kong masasalamin ang aking mga iniisip at nararamdaman.

Sa gitna ng aking pag-iisa, may isang babae ang lumapit sa akin.

"Cyra," sabi niya sa isang malambing na tinig, "hindi ka nag-iisa."

Napalunok ako at tiningnan ang babae. "Sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" ang tanong ko, puno ng pangamba at pagkabahala.

Ngunit ang babae ay ngumiti lang at sinabi, "Marami pang mga sikreto ang dapat mong malaman, Cyra. Darating ang panahon na malalaman mo ang mga ito. Ngunit ngayon, mahalaga na magpatuloy ka at huwag magpatalo sa mga paninirang-puri ng iba."

At sa isang iglap, ang babae ay biglang nawala, iniwan akong puno ng mga katanungan na naglalaro sa aking isipan.

Sino nga ba siya at bakit niya alam ang tungkol sa akin? Ano ang mga sikreto na dapat kong malaman? At paano ko haharapin ang mga hamon na naghihintay sa aking landas?