Chereads / Eyes Of Mystery [Tagalog] / Chapter 4 - Chapter 3: Who?

Chapter 4 - Chapter 3: Who?

Cyra's pov

"Okay class lets start... bla bla bla"

Nakatulala lang ako ngayon habang tinatanaw ang labas ng bintana. Pagkatapos ng pangyayari kanina hinayaan ng mga guro mag imbestiga ang mga pulis.

tulala lang ako sa ere habang inaalala kung sino ang nakita ko kanina sa madilim na pasilyo. May kinalaman ba siya sa pag patay ng lalaki? o sadyang natutuwa lang siyang may namatay?

"shit, naguguluhan na ako sa  mga pangyayari"

Tahimik kung bulong sa sarili ko, kung may kinalaman ba talaga yung taong nakita ko kanina na biglang naglaho sa kawalan.

habang nag iisip ako bigla nalang may padabog na bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat sa kung sino man yung nag isturbo sa klase.

biglang nag init ang ulo ko nung nakita ko sila. I rolled my eyes, gosh they're so annoying.

they are the bully of this school a.k.a troublemaker and of course my enemy. I don't like them especially their leader. every girls want to be their girlfriend because of their looks. they doesn't even care if they're the one who make their life a living hell.

"the five of you are late" Sigaw ng teacher sa kanila pero ang mga gago walang pake at dere-deretso lang sa paglakad na parang walang nangyari. pumunta sila sa likod ko, which is their desk behind me.they are sitting behind me, which is so annoying.

"kayo talagang mga bata wala talagang respeto sa mga matatanda, and you"

nagulat ako nang biglang itinuro ako ni ma'am. great, nadamay pa ko.

"yes ma'am?" tanong ko na may pagtataka. ako'y nananahimik dito eh.

"kanina lang kita napapansin na hindi ka nakikinig sa diskasyon ko. hayy, mga bata nga naman ngayon."

napakunot ang noo ko habang ang mga kaklase ko naman tawa lang ng tawa, wala namang nakakatawa ah. pati na din ang mga gago na nasa likod ko tumawa na din.

"ok let's continue"

habang nagtuturo si ma'am sa harapan panay naman tawa ang nasa likod ko.

habang patagal lalong lumalakas ang tawanan nila. dumating sa point na hindi na ma ka pag pigil si ma'am.

"Kayong lima dyan sa likod including you Miss go to the detention room."

Nagulat ako nang bigla nanaman akong itinuro ni ma'am.

kunot ang noo kong napatingin kay ma'am "bakit kasama ako?" tinignan niya ako ng masama.

"wag kang mag Maang-maangan diyan alam kong kasali kang tumawa sa kanila"

napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko silang nakangisi habang pinipigilang tumawa. great. wala talagang araw na hindi ako nadadamay dahil sa kanila.

"ano pa ang hinihintay niyo? LABAS NA" sigaw sa amin kaya tumayo nalang ako at lumabas na. nakakairita sila pati ako nadamay pa nanahimik lang ako eh.

pagkalabas ko ng classroom biglang nag vibrate ang aking cellphone sa bulsa ko kaya kinuha ko ito at tinignan.

napakunot ang noo ko nang makita ang notification. Galing ito sa unknown number.

shit!! sino to? Bakit may number siya sa akin? Saan niya naman nakuha?

From: unknown

Message : mag ingat ka... Hindi mo alam kung kailan ka isusunod.