Chereads / Eyes Of Mystery [Tagalog] / Chapter 3 - Chapter 2: Violence

Chapter 3 - Chapter 2: Violence

Cyra's pov

Nandito ako ngayon sa cafeteria kumakain. Patuloy ko pa din iniisip kung ano ang ibig sabihin ng babae kanina. at bakit niya alam ang pangalan ko?

sa pagkaalala ko hindi naman school uniform ang sout niya at kung estudyante man siya dito hindi siya ipapasok ng guwardya dito kasi hindi siya estudyante unless isa siyang teacher pero kung teacher nga siya bakit kanina ko lang siya nakikita?

ewan. sumasakit ang aking ulo kakaisip. habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain napatigil ako nang may biglang biglang pumasok sa cafeteria.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!! SOMEONE DIED AHHHHHHHHH!". Nang makita ko ang hitsura ng babae, nagulat ako.

Ang kanyang katawan ay puno ng dugo, at ang kanyang mga mata'y niyang namumula dahil isa kakaiyak. at patuloy pumapatak ang kaniyang luha dahil sa takot at pagkabahala.

Biglang tumahimik ang kaninang napakaingay sa loob ng cafeteria. Shit!! Anong nangyari? Sino ang namatay? Bakit ganoon kadugo ang babae? Maraming tanong ang sumagi sa aking isipan.

mga ilang segundo bago umingay ang boung cafeteria ang iba sumisigaw. habang ako naman tulala. hindi alam kung anong gagawin.

biglang nag si takbuhan ang mga estudyante papunta sa duguan na babae ang iba naman pinapatahan siya. Lumabas sila nang tinuro ng babae kung saan nangyari ang krimen.

Nagkakagulo rin ang mga mag-aaral sa labas. May mga umiiyak, may mga nagtatanong, at may mga nag-aalala.

Ako naman ay nagtungo sa tabi ng isang grupo ng estudyante, na halos hindi makatingin sa isa't isa. Lahat sila ay nagtatanong-tanong at nag-aalala sa mga pangyayari.

"Ano kayang nangyari? Sino kaya ang namatay?" narinig kong tanong ng isa sa aking tabi.

Wala sa amin ang may tiyak na sagot. Lahat kami ay naghihintay ng impormasyon mula sa mga guro at mga pulis.

Ang bawat segundo ay tila napakahaba, at ang kaba sa aking dibdib ay lalong tumitindi. Gusto kong malaman ang katotohanan, subalit ang mga sagot ay tila malayo pa.

Habang kami ay naghihintay, ang aking mga mata ay walang tigil na tumitingin sa mga guro at pulis na nag-iimbestiga.

Nakita ko ang mga pulis na naglalagay ng mga yellow tape upang i-marka ang crime scene. Ang kanilang mga kilos ay puno ng determinasyon at seryosidad.

Matapos ang ilang sandali, ang isang guro ay lumapit sa amin upang magbigay ng impormasyon.

"there has been a crime here at school. We ask for your cooperation and understanding while we sort out the situation" sabi ni Ma'am Martinez, na may halong pangamba sa kanyang mga mata.

Isang krimen sa paaralan? Sino ang may gawa nito at anong dahilan? Ang aking isipan ay puno ng mga katanungan na hindi pa masasagot.

Nagpatuloy ang pag-iimbestiga ng mga pulis, habang kami ay nanatiling naghahantay ng anumang impormasyon.

Ang pag-aalala at takot ay humahampas sa akin, ngunit sa kabila nito, ang aking determinasyon na malaman ang katotohanan ay patuloy na lumalaki.

Inilipat ko ang aking paningin sa boung lugar. Napahinto ang aking mga mata sa isang madilim na pasilyo.

Biglang tumindig ang aking mga balahibo sa kamay ng makita ko ang kaniyang mga ngiti sa labi. Sa isang iglap bigla siyang nag laho sa kawalan.

Sino siya?