🍀🍀🍀
INUKI'S POV.
...
"You're already under my genjutsu!" Malalim na tinig ng isang lalaki.
Nakatayo ako sa isang madilim na kalawakan.
"Nasa-an ba ako?" Tanging usal ko.
Isang papalapit na kunai ang papunta sa aking harapan at sa pag iwas ko ay bigla siyang lumitaw sa aking likuran.
"Inuki! Gising! Gising!" Tinig ni Aika kung kaya't naalimpungatan ako.
Nakatulog pala ako sa kalagitnaan ng meeting ni Mr. Kishimoto.
"What can you recommend, Inuki?" Derektang tanong sa'kin ni Mr. Kishimoto.
Balak nya kase magbukas ng panibagong mangga story at balak rin niya ipasok ito sa animation.
"One side story of Uchiha Itachi!" Sambit ko naman.
"Hindi ka pa rin ba maka move on sa nangyari sa kanya?" Pinagtawanan nila ako.
"Kung ako ang Author, hindi ko sya papatayin ng ganu'n lang! Isa syang bayani sa Konoha na ginawa nyong villains! Kainis!" Matinis kong reklamo.
"Natapos na ang kwento ni Naruto at naging hokage na sya sa series na iyun but you're still in Itachi's episode? I'm asking you for the new plot twist we could have in a new anime series! Mag drawing ka na nga lang!" Dabog ni Mr. Kishimoto sa akin.
Lumabas siya ng meeting room habang naiwan na ako ng lahat sa loob. Desmiyado siguro sila dahil pinipilit ko lang naman ang kung ano ang sa tingin ko ang nararapat para sa kwento ni Itachi.
Sino ba naman ang hindi maho hooked sa kwento niya? Bukod sa tinagurian syang dakilang kontrabida ay hindi naman mas hamak na marami ang nagtatanong kung bakit ganu'n na lang ang naging kwento ng kanyang buhay.
Hindi man lang sya binigyan ng magandang lovelife kay Izumi.
Nagsisitawanan sila nang lumabas na ako sa meeting room at bumalik na ako sa aking pwesto. Kahit sa skect pad ay ang mukha ni Itachi ang nangungunang drawing ko.
Mas crush ko naman si Sasuke kaysa sa kanya pero iba talaga yung dating ng kwento nya. Feeling ko, ako yung nasasaktan sa ginawa sa kanya ni Mr. Kishimoto.
Gusto kong baguhin ang tadhana nya sa Anime ng naruto kaya lang natapos na nga ang series na iyun last year.
"You're already under my genjutsu!" Tinig niya habang nakatitig ako sa kanyang facial animation.
Nakahalung baba pa ako na pinagmamasdan siya.
"Sayang ka talaga, Itachi!" Usal ko pa.
Hindi ko alam kung bakit nainteresado akong muli na panoorin ang episodes kung saan papatayin na ni obito ang babaeng pinakamamahal niya na si Izumi.
Before Itachi end the life of all Uchiha Izumi is been Under the illusion that she see what her wanted under that illusion Itachi and Izumi got married and have a children and they getting old after that Izumi its so happy even giving a thanks to Itachi before she's been killed. (Itachi's shinuden novel)
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising sa isang malakas na hapid ng hangin sa aking balat at pagmumukha.
"Matulog ka lang, malapit na tayo!" Tinig ni—
"Itachi?" Kunoo't noo ko dahil sa pagtataka.
Buhat niya ako sa kanyang likuran at tumatakbo siya sa bawat sanga ng mga puno. Sa gulat ko ay napabitaw ako sa kanya at nawalan siya ng balanse, bumagsak tuloy kami sa lupa.
Tumama ang ulo kos isang malaking ugat dahilan para magdugo ito.
"Aray ang sakit naman!" Daing ko naman.
"Ano bang kalokohan mo at nagwala ka sa likuran ko?" Galit na sabi niya.
"Ka… se.. Teka ikaw ba talaga yan Itachi?" Nilapitan ko siya at hinila hila ko ang kanyang kabilang pisngi. Tinitingnan ko lang naman kung talagang totoo siya.
Nag hestirical na naman ako nang mapatunayan ko na isa syang totoong tao. Yung hitsura niya sa anime ay sadyang walang bahid ng isang drawing. Totoo siya, tunay na tao.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Ginabi na nga ako sa kakahintay sa'yo para sunduin ka sa inyo tapos ganyan pa ang mga sinasabi mo? Halika na!" Hinagilap niya ang aking kamay at naglakalad na lang kami.
Wala akong masabi kundi ang pagmasdan lang siya pamula sa kanyang ulo hanggang paa.
"Bilisan mo naman!" Malamig ang tono ng kanyang pagrereklamo.
Ganito pala talaga ang ugali niya.
"Saan mo ba ako dadalhin? Ano bang ginagawa ko dito? Nanonood lang ako kanina tapos kasama na kita ngayon? Nananaginip ba ako o sadyang ilusyunada lang talaga ako para makita ka sa personal?" Usal ko pa.
Hindi nya siguro ako maintindihan kung kaya't wala siyang maitugon sa mga usal ko.
"Naghihintay si Izumi sa bahay! Ang tagal ka na nyang gustong makita!" Mariin niyang sabi.
Huminto ako sa paglalakad ng marinig ko sa kanya nag pangalan ni Izumi.
"Si…. Izumi naghihintay sa'kin?" Utal ko.
Sa pag iisip ko sa napaka kumplikadong sitwasyon na ito ay may biglang nagsilabasan na kung sinong mga lalaki sa harapan namin dalawa ni Itachi.
Naka maskara ang mga ito.
"Kamusta Itachi? Muli tayong nagkita?" Tinig ng isang lalaking nakaitim na kapa at may suot rin na maskara.
Hindi ko napapanood ito sa anuman episodes ng naruto. Kung hindi ako nagkakamali ay baka ito ang sinasabi kong illusion world ni Itachi na dapat isulat ni Mr. Kishimoto.
Mulay humila sa akin papunta sa mataas na sanga ng puno.
"Huwag mo syang sasaktan!" Sigaw ni Itachi.
"Paano na lang kung ayoko?" Sabi nito at tinutukan ako sa leeg ng kanyang kakaibang kunai.
"Itachi… tulungan mo ako!" Nanginginig ang tinig ko. Kinakabahan ako ng sobra. Ganito pala ang pakiramdam kapag biktima ka ng mga ninja.
Ngumisi ang lalaki sa aking likuran at bagkus pa niyang ini-angat at idiniin ang kunai sa aking leeg kung kaya't nasusugatan ako kasabay nito ang pagdurugo ng ulo ko.
"Sa tingin nyo ba ay may pakealam ako sa kanya? Sige sa inyo na siya tutal pabigat lang siya sa kanyang pinsan!" Singal ni Itachi na ikinagulat ko.
"Ita…chi!" Sambit ko sa kanyang pangalan.
"Sinasabi mo bang wala siyang pakinabang sa iyo? Ano na lang ang sasabihin ni Izumi sa palagay mo?" Pagtatawanan ng mga ninja na ito.
Sumandaling nanahimik si Itachi at para bang nag isip siya kaya siya'y napapikit na lamang.
Lalong umiinit ang tensyon sa pagitan niya at ng mga ninja na ito saka ako.
"Genjutsu!" Sigaw ni Itachi at nakita kong namula na ang kanyang mga mata. Kinontrol niya ang mga ninja na nakapaligid sa amin.
Biglang nabago ang aming posisyon. Nakawala na ako at ang ninja ang bihag niya ngayon. May hawak na rin siyang Kunai hanggang sa isa isa nya itong pinatumba.
Mabilis siyang nakakilos na hindi ko mawari ang nangyayari.
Mapapa luhod na sana ako dahil nanghina ako sa pagkakabihag sa akin, mabuti na lamang at nasalo agad ako ni Itachi.
"Dahil sa kapasawayan mo, mauubusan ka na ng dugo!" Gigil niya sa akin at binuhat na nya ako.
"Itachi…!" Tanging nasambit ko bago tuluyan nawala ang kamalayan ko.