Chereads / ITACHI'S GENJUTSU (Illusion World) / Chapter 4 - CHAPTER 3.

Chapter 4 - CHAPTER 3.

🍀🍀🍀

INUKI'S POV.

Kinabukasan, Napamulat na lang aking mga mata sa isang mahigpit na pagkakayakap sa akin ang sadyang gumising nang tuluyan.

Sa nakikita ko ay may mask ang lalaking ito. Grey ang kanyang buhok na nakalaylaycsa bandang unahan ng kanyang pagmumukha.

Uminat siya kung kaya't inakala ko na makakawala na ako sa kanyang mga yakap ngunit napapikit pa ako dahil mas lalong lumapit ang kanyang mukha sa akin na halos manipis na hangin ang pagitan sa aming dalawa.

Hindi ako makapag react sa posisyon namin dalawa, tanging nakatitig lamang ako sa kanya.

Bumukas na rin sa wakas ang kanyang mga mata at laking gulat niya ng magsalubong ang aming mga tingin.

"Huh? Si—no ka?" Napabalikwas siya at kaagad niyang tinakpan ang kanyang isang mata.

Hinagilap ko naman ang kanyang hidden leaf headband at ibinigay ito sa kanya, kinuha naman nya ito sa'kin.

"Mabuti naman nagising ka na, Sensei!" Tinig ng isa pang lalaki. Nakasandal siya sa may pintuan.

"Sino sya? Bakit magkatabi kami sa higaan?" Bulalas niya sa lalaking ito.

"Malay ko! Kasama sya ni Kuya Itachi dito!" Kamot ng lalaki sa ulo nito.

"Ikaw talaga! Naisahan mo ako!" Ang tinig niyang iyun.

"Sensei naman!" Reklamo nito.

Saka lang nag sink in sa utak ko kung sino ang lalaking naka mask na ito.

"Ikaw si— Hatake Kakashi, tama ba? Ang tinatawag na Cold Blooded Kakashi at Anbu Captain ni Itachi!" Pagtutukoy ko.

"Huh?" Kunoo't noo niya sa'kin.

"Ikaw rin ang laging nakakasama at nagte-train kina Naruto, Sakura at Sasuke! At ang ika-anim na Hokage ng Konoha! The Copy Ninja! Ikaw nga!" Paliwanag ko.

"Hoy babae! Ano bang mga sinasabi mo dyan? Sino ka ba? Bakit kilala mo ako?" Pag iisip niya.

"Inuki! Gising ka na pala, kumain na tayo!" Pagdating ni Izumi at hinila agad ako palabas sa kwartong iyun.

Nasa hapag kainan na kaming lahat at sabay sabay namin pinagsasaluhan ang mga niluto ni Izumi.

"Wala bang Hot Ramen? May hang over yata ako!" Hindi ko mapagmasdan ang kabuuan ng kanyang pagmumukha dahil sa bilis nitong kumain.

"Kailangan natin magmadali para hindi na tayo abutin ng dilim sa daan!" Seryosong anas ni Itachi.

Hindi ko maiwasan na tingnan si Kakashi, mas gwapo pa nga siya sa personal kaysa sa Drawings.

"Hoy babae!" Nahuli nya ako sa pagsulyap ko sa kanya.

"Ako?" Turo ko pa sa aking sarili.

"Ikaw nga! Bakit ba ganyan ka makatingin sa'kin? May dumi ba ako sa mukha?" Pagtataka niya.

"Kakashi, naninibago lang siguro si Inuki na narito ka!" Saad naman ni Izumi.

"Taga saan ka ba? Bakit ngayon lang yata kita nakita sa pangkat ni Itachi? Rebeldeng Ninja ka ba?" Pinag iinitan nya talaga ako.

"Taga—" Maniwala kaya sya kung sabihin ko sa kanila na isa ako sa bumuo ng Naruto?

"Hindi na mahalaga kung taga saan sya! Maligo na kayo Izumi, pagkatapos ay aalis na tayo!" Pagtayo na ni Itachi.

Maya maya pa ay inaya na ako ni Izumi sa isang maliit na sapa sa gitna ng kabundukan kung saan hindi naman kalayuan sa kanilang bahay kubo ni Itachi.

Wala akong ibang isusuot kaya mas pinili ko na lang maligo at magbabad pansamantala na nakahubo't hubad at ganu'n din si Izumi.

"Sinasabi ni Itachi na pinsan kita pero hindi mo ako kilala?" Pag unawa ko sa pinag uusapan namin ni Izumi.

Ayon sa kwento niya ay pinalabas ni Itachi na pinsan ako ni nya ako para mailigtas nila ako sa nagbabadyang kapahamakan sa akin.

"Hindi malinaw na tinukoy ni Itachi, kung sino ka ngunit alam kong mahalaga ka sa kanya!" Sabi pa nya.

"Marahil tinawag ka niya para baguhin ang nakatakda o nagmula ka sa ibang dimension ng kapangyahiran niya!" Pagpapatuloy pa niya.

"Sinasabi mo bang—?" Naputol ang aking sasabihin nang biglang nagsalita si Itachi. Nasa may sanga siya ng puno.

"Bilisan na ninyo!" Inaantok ang tinig niya. Hindi kaya nakita nya ang paghuhubad namin ni Izumi kanina?

"Bakit nandyan ka? Hindi mo ba alam yung privacy? Girls talk ito kaya bakit natutulog ka dyan!" Gigil na hiyaw ko sa kanya.

"Kung nagtataka ka kung sino ka sa buhay namin ni Izumi, mas mabuti pang wag mo na lang alamin!" At bumaba na siya kaya't mas lalo kong inilublub sa sapa ang aking katawan na halos ulo ko na lang ang nakalutang.

"Bakit mo ako dinala dito? Hindi ito ang mundo ko!" Usal ko sa kaniya.

"Inuki— Shrin! Ikaw ang dahilan kung bakit tinawag kita! Hindi ba't ito ang gusto mo? Ang baguhin ang kapalaran ko kasama si Izumi!" Diin niya.

"Itachi, wag mo na syang pagalitan!" Umahon na si Izumi at kaagad nagsaplot ng kanyang damit.

"Kung tutuusin hindi talaga kita kailangan kaya lang bigla kang lumitaw sa gitna ng aking pag eensayo!" Dugtong pa niya.

"Itachi!" Sabay namin sambit ni Izumi.

"Nasa iyo na ang desisyon kung sasama ka pa sa'kin papunta sa Konoha! Tayo na Izumi!" Paghila na niya kay Izumi at mag isa akong naiwan sa sapa.

Ang sama pala talaga ng ugali nya, Parang ayoko na dito. Paano kaya ako makakabalik sa aking mundo.

Gusto ko syang tulungan na manatiling buhay kasama si Izumi kaya lang kapag ganito ang pag uugali na pinapakita nya sa'kin ay mukhang susuko na agad ako.

Balak ko na rin ang umahon sa tubig kaya nagsuklot na ako ng aking damit kaya lang hindi ko pa naiisuot ang aking bra at panty ay may mga kalalakihan na naman ang dumating.

"Sya ba ang itinatago ni Itachi sa'tin? Sya ba yung nakakabasa ng propisiya at nakakahula ng mga mangyayari sa hinaharap?" Mga tanungan nila.

"Si—no kayo?" Natatakot na agad ako.

"Dakpin sya!" Utos ng isang lalaki.

"Ahhhhhhhhhhhhh! Tulong!" Malakas na aking sigaw.

Sumisid ako pailalim sa sapa nang saga'yon ay hindi nila ako makuha ngunit mabilis nilang narating ang kinasisisiran ko sa sapa.

Bakat na bakat ang aking pagkababae at hinaharap ngunit hindi ko na ito napahalagahan pa dahil mas minabuti kong manlaban sa kanila.

Hanggang sa naubusan na ako ng aking lakas at sa pagkakahawak nila sa aking mga kamay ay iniahon rin nila ako mula sa sapa.

"Ano bang.. kai--langan nyo sa'kin?" Savay buga ko ng maraming tubig na aking nalunok. Hinihingal na rin ako.

"Hindi mo yata kasama si Itachi?" Paghila pa ng isang lalaki sa'kin at tinalian ang aking mga kamay.

Ibinitin nila ako sa isang mababang sanga ng puno at kanilang sabay sabay na inilabas ang mga kunai nila.

Hindi nila ako katulad. Normal na tao lamang ako. Anong alam ko sa ganito?

"Sino bang Itachi ang sinasabi nyo? Isa lang akong simpleng babae na naninirahan dito sa kabundukan!" Saad ko sa kanila.

Kahit gaano pa kasama ang pakikitungo sa'kin ni Itachi ay hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang kaligtasan nila ni Izumi at gusto ko talaga silang tulungan na makalaya sa ganito kakumplikadong sitwasyon.