๐๐๐
ITACHI'S POV.
Nakarating na kami sa bahay namin ni Izumi at siya ang agad na sumalubong sa'min ng babaeng pasaway na ito.
"Itachi! Anong nangyari sa kanya? Bakit danak na ang kanyang dugo?" Gulantang ni Izumi at hindi niya maintindihan ang kanyang gagawin.
Inalalayan na lang nya ako na maihiga sa higaan ang kanyang itinuturing na pinsan at kaagad rin niya itong inasikaso habang nagbabantay ako sa labas ng pintuan ng aming silid.
Inihanda ko na ang aking sarili sa anuman kaganapan ngayon dahil alam kong tinutugis pa rin ako ng mga takas na Ninja sa kabayanan ng Uchiha.
"Kamusta ka? Ayus ka lang ba?" Tinig ni Izumi at nilapitan ako para tingnan ang kalagayan ko.
"Maayos lang ako!" Tiningnan ko siya ng tuwid at ganu'n rin siya sa'kin.
"Akala ko hindi ka na makakabalik! Akala ko iiwan mo na ako! Akala ko napahamak ka na!" Pagyakap niya sa'kin habang siya'y umiiyak.
Mahinang tinawanan ko ang kanyang pag aalala.
"Magpapakasal pa tayong dalawa sa simbahan ng konoha kaya hindi kita pweding iwan!" Itinunghay ko ang kanyang pagmumukha at saka ko ito pinagmasdan ng mabuti.
Nagpanlapit ang aming mga labi at parang sumandaling tumigil ang ihip ng hangin kaya mas lalong napadiin ang pagkakahalik ko sa kanya.
Ang pagtungo ko ay ang kanyang pagtingkayad kung kaya't mas lalong lumalim pa ang aming paghahalikan. Ilan linggo ang lumipas bago ko maulit ulit ito sa aming pagitan kaya sinulit ko na.
Isang masayang ngiti ang nasilayan ko mula sa kanya matapos kong pakawalan ang labi niya. Nahihiya na siya kaya isinubsub na nya ang kanyang pagmumukha sa aking dibdib.
"Nasaan nga pala si Senji?" Pagtataka ko dahil wala siyang kasama rito. Nag aalala lang din ako dahil matinik ang mga kalaban mgayon sa ing pagtakas sa bayan ng Uchiha.
"Sinisigurado niya ang dadaanan natin sa isang araw papunta sa Konoha kaya wala sya rito. Babalik naman siya bukas!" Tugon niya.
"Kumain ka na muna at magpahinga dahil mukhang pagod na pagod ka sa pagpasan sa aking pinsan!" Pag aya niya sa'kin papunta sa kusina ngunit pinigilan ko muna siya.
"Izumi!" Marahan kong ibinitaw ang kanyang kamay sa'kin.
"Huh?" Naguguluhan siya.
"May kailangan pa akong gawin!" Saad ko.
"Babalik rin agad ako!" Hinalikan ko siya sa kanyang noo bago ako tuluyan na umalis.
Nararamdaman kong nasa paligid lang sila.
Naghintay ako sa isang lilim ng puno hanggang sa maramdaman ko na nag pagdating nila.
"Ano bang kailangan nyo?" Tanong ko sa mga ito at lumabas ako mula sa dilim.
"May plano kang ilayo sa amin si Izumi!" Sabi ng kapatid ni Izumi.
"Dahil iyun lamang ang nararapat, di'ba? Sinasaktan nyo lamang siya dahil hindi nya kayang gawin ang ipinapagawa nyo sa kanya kaya mas mabuting isama ko na lang siya pabalik sa konoha! Balak ko rin siyang pakasalan doon kung kaya't hayaan nyo na sya sa'kin!" Derektang anas ko sa kanila.
"Hindi ako makakapayag!" Diin naman ng isa pa sa mga kapatid ni Izumi.
"Kung ganu'n wala na akong magagawa kundi ang paslangin na kayo!" Inilabas ko na ang aking tatskuya sword ko at inihaya sa kanila. Muli ko silang isinailalim sa aking Genjutsu at ipinakita ang isang illusion na magiging masaya sa'king piling si Izumi.
"Itigil nyo na yan!" Sigaw ng nakakatandang kapatid ni Izumi at nagulat ako dahil tinapik niya ang aking balikat.
"Hindi nyo naman kailangan umabot sa ganito kung talagang tutol kayo sa pagmamahalan nilang dalawa!" Saad pa nito.
"Kuya! Hindi mo naiintindihan!" Saad nitong isa pang kapatid ni Izumi.
"Malaya natin tanggapin si Itachi sa ating pamilya hangga't nasa maayos si Izumi!" Paliwanag nito kung kaya't agad kong tinanggal ang anuman aking binabalak na technique sa kanila.
"Maiwan ko na kayo, nag iisa sa bahay si Izumi!" Sabi ko at tumalon na ako sa isang sanga ng puno.
"Balitaan nyo ako ni Izumi kung magkaka pamangkin na ako!" Bilin nito at nginitian pa ako.
Nakakapagtakang kinampihan nya ako sa pagkakataon na ito ngunit may pagdududa pa rin.
Paano na lang kung isang bitag lang iyun para hindi ko mahalatang mas malalim ang binabalak nila na paghiwalayan kami ni Izumi.
Hindi ako makakapayag.
๐คSENJI'S POV.๐ค
Pauwi na dapat ako kaya lang nakita ko si Kakashi sa daan habang nakapamulsang nagbabasa.
"Sensei!" Nilapitan ko agad sya.
"Oh, Senji anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa kabayanan ka ng Uchiha para bantayan si Izumi?" Pagtatakang tanong nya.
"Nauuhaw kase ako sa alak kaya bumili ako rito!" Kamot ko sa aking ulo.
"Magbago ka na! Kabata bata mo pa, mag iinom ka na agad!" Sabi niya.
"Palibahasa puro libro ni Master Jiraiya ang inaatupag mo!" Nilakasan ko ang sinabi ko para marinig nya.
"Aba't marunong ka na mangatwiran! Nasaan ba si Itachi? Mas maigi pa na isumbong kita sa kanya!" Sabi pa nya.
"May inaasikaso daw sya sa kabilang bayan ng Uchiha, ngayon nga ang dating nila kaya magpapakalasing muna ako dito sa alak na binili ko! Gusto mo?" Alok ko sa kanya.
"Ah hindi na! Sabihin mo na lang kay Itachi na hihintayin ko ang pagdating nila ni Izumi dito! Isasama ko si Sasuke at Naruto sa pagbisita sa kanila!" Nilampasan na nya ako.
"Ts, Minsan lang naman, Sensei!" Paghila ko sa kanyang braso.
"Haisst! Hindi talaga kita matanggihan kahit minsan ano?" Saad niya at inakbayan ako.
"Baka nasa bahay kubo na rin si Kuya Itachi, Ayain na rin natin sya uminom!" Sabi ko pa at hinding hindi ko pinakawalan ang kanyang braso sa aming paglalakad.
Nainip naman ako na makarating sa bahay nina Kuya Itachi kaya't sa isang lilim ng puno ay inumpisahan na namin ni Sensei inumin ang alak na aking dala.
Nalalasing na yata siya kaya marami syang naiikuwento tungkol sa plano ng Ika'apat na hokage ukol sa namumuong digmaan sa pagitan ng dalawang malakas na bayan.
Ang bayan ng Uchiha at Konoha.
Hanggang sa nalasing na siya ng tuluyan at dinala ko na siya sa bahay ni Kuya Itachi.
"Ano bangโ? Huh?" Gulantang ni Kuya Itanci nang makita nyang ibagsak ko sa sahig ng kawayan si Sensei.
"Pasensya na Kuya! Ang hina pala nya sa inuman kaya dito ko na dinala! Saan ba sya pweding matulog?" Tanong ko pa kay Kuya Itachi na pinulsuhan agad si Sensei.
"Akala ko kung napaano na! Lasing lang pala!" Sabi niya at wala syang planong sagutin ang tanong ko kung saan ko patutulugin si Sensei.
"Alam mo naman siguro kung gaano kadelikado ang paligid ngayon pero nagagawa mo pang makipag inuman!" Haisst, yan na naman sya, nagsisimula na naman sya magsermon.
Kung hindi lang talaga namayapa ang Kuya Sishui ko ay marahil hindi ko siya papanigan.
Dinala ko na lang si Sensei sa isang kwarto kung saan wala naman akong napansin na natutulog.
"Hay naku! Bakit nilasing mo ako!" Reklamo ni Sensei sa kanyang pagkalasing.
Parti ito ng aking plano, kaya patawad Sensei Kakashi.