Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

His Greatest Downfall

🇵🇭FlabbySoul
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.1k
Views
Synopsis
Portia Elia Ignacio is the daughter of Peter and Elizabeth Ignacio, the family that owns numerous chains of five star hotels, and considered as one of the most richest family in the country. But, when problem arises and their business was going south, her family sold her to a 60 years old mafia, and was forced to marry the old man and be his wife. As she was on the way to being sold off, she tried to escape and secretly boarded in a parked vehicle near the abandoned building where she could have met her horrifying fate. She has nowhere to go so she just planned to get out of the car once it will stop moving. Finally, the car came to a full stop, but when she went out of the car, she was came into view with a palace-like house in front of her. Where am I? Did I really got away with danger? I think that man is more dangerous than I thought. That were her thoughts as it slowly dawned her that her escaped has gone wrong.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

My hands were trembling with fear as I slowly crawling through the bushes behind that creepy abandoned building. Naramdaman ko yung hapdi ng aking tuhod mula sa mga sugat na natamo ko sa pag gapang. I think my hands and knees were full of bruises and blood right now. Pero ininda ko yun lahat ng maisip kong mas importanteng makatakas ako dito, mula sa mga kumidnap sakin.

May narinig akong mga tinig galing sa building at mas lalo kong binilisan yung pag gapang nang maaninag ko yung bandang harapan na may mga sasakyang naka parking. Naisip ko bigla na baka pagmamay-ari din ito ng mga taong may balak sakin kaya't huminto muna ako at nag-isip kung paano lalabas mula sa pinagtaguan kong talahiban. Habang nag-iisip ng paraan may humintong malaking van sa may bandang harapan ko. May mga lumabas mula sa sasakyan na iyon, tatlong men in black at isang lalaking...

Teka, di ko maaninag yung mukha niya.

Akala ko papasok sila dun sa building na pinanggalingan ko pero nasa labas lang sila at parang may hinihintay. Napansin kong nakabukas lang yung sasakyan nila.

Diyan nalang kaya ako sasakay?

Baka mga kasabwat sila ng kumidnap sakin. Baka isumbong rin nila ako.

Habang nagtatalo yung isip ko kung sasakay ba ako sa sasakyang iyon para makatakas o hindi, may narinig akong nagsisigawan mula sa loob ng building, parang nagpapa-panic ang mga ito.

Shit!

Sigurado akong nalaman na nila yung pagtakas ko.

Mas lalo kong itinago yung sarili ko sa talahiban nang marinig ko na mas lumapit yung mga tinig kung saan ako nagtatago. I heard footsteps near the bushes and narinig kong nagkakasa sila ng baril. I'm sure babarilin nila ako pag nakita nila ako dito.

"Find that bitch!"

"Papatayin ba?"

"Tamaan niyo sa paa kung tatakbo, we can't kill that bitch."

"Oo nga. Gagamitin pa yun ng boss natin."

"Woohoo! Ang swerte naman ni boss! Ang ganda nun at ang kinis pa!"

"Sana pagkatapos ni Boss, ipatikim rin niya sa atin si ganda."

"Hah! Asa ka pa. First time kong makakita ng babae ni boss na ganun kaganda, siguradong sosolohin yun ni boss."

Sabay-sabay naman silang tumawa sa napag-usapan nila. Tahimik akong naiyak nang marinig yung mga pinagsasabi ng mga lalaking kumidnap sakin. Tinabunan ko ng dalawa kong kamay yung bibig ko at hindi gumalaw para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay.

"Hanapin mo dun sa kabila, di pa yun nakakalayo."

"Nandito yung Buenaventura. Hinahanap si boss."

"Sabihin mong wala yung boss natin at bumalik nalang sila bukas."

"Tara na! Patay tayo pag nakatakas yun."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko yung mga yapak nilang papalayo sa may puwesto ko. I didn't waste a time, I immediately crawl and run towards the van in front of me. I was right! When I tried to open it, it wasn't locked. They didn't locked the door! Dahan-dahan akong pumasok at agad isinara yung pintuan ng sasakyan. Doon ako pumwesto sa pinakadulong upuan at isinuksok yung sarili ko sa sahig para hindi ako makita pag may sumakay na. Di naman siguro nila okupado lahat ng upuan kasi sa nakita ko, apat lang silang bumaba kanina. Mga nasa sampung minuto na yung paghihintay ko bago narinig yung tinig na papalapit sa sasakyan, ilang segundo lang at bumukas na yung pintuan ng van.

"He wasted your time, Boss. What're we gonna do to him?" Narinig kong nag-uusap yung mga lalaki kanina na bumaba. Kasama pala nila yung boss nila. Mga kagaya rin ba sila ng mga tao doon sa loob ng building? Mga masasama rin ba sila?

"I'll give him a chance. I need something important from him. After that, you can kill him and his goons."

"Got it, Boss."

Nanlaki yung mata at tumindig naman yung balahibo ko nang marinig yung tinig at sinabi ng kinakausap nilang 'boss'. Hindi ko pa sila nakikita pero parang nakakatakot na sila. Mga kalmado lang yung tinig nila pero may dating iyon. Ramdam mo yung galit sa tinig pa lang. Nakakatindig balahibo! Akala ko nakatakas na ako pero parang mas lumala pa yata yung sitwasyon ko. Mas isiniksik ko yung katawan ko sa may upuan nang maramdaman kong umandar na yung sasakyan paalis.

I was saved!

Balak ko sanang bumaba kapag hihinto at bababa rin yung mga taong nakasakay dito, ngunit dinalaw na ako ng antok ay hindi pa rin humihinto ang sasakyan. Tahimik lang din yung mga lalaki kanina kaya mas lalo akong hinihila ng antok.

Ba't hindi sila nag-uusap?

Mag usap naman kayo para hindi ako antukin!

30 minutes have passed and we're still on the road. Napaisip ako na siguro malayo talaga yung pinagdalhan ng mga kidnappers sa akin dahil hindi pa rin kami umaabot sa siyudad.

Kailan ba sila hihinto?

Di rin naman ako makadungaw sa bintana para tingnan kung saang lupalop na ba kami umabot dahil baka makita ako ng mga lalaking nakasakay. Baka maging dahilan pa ito sa pagpapadali ng kamatayan ko. Tumindig naman yung balahibo ko nang maisip ang mangyayari sa akin sa oras na makita nila akong nakasakay sa van nila. Nakakatakot pa naman ang mga aura ng mga lalaking ito lalo na iyong tinatawag nilang boss. May iba akong nararamdaman sa kaniya.

Sa pag-iisip ko ng kung ano-ano ay dinalaw ulit ako ng antok at sa pagkakataong ito nahila na talaga ako ng antok at nakatulog na nakabaluktot sa likuran ng pinakahuling upuan.

Nagising ako nang maramdaman kong huminto na yung sasakyan.

Hala! Kanina pa kaya ito nakahinto?

Lalabas na ako! Saan na kaya kami?

Dahan-dahan kong inangat yung ulo ko mula sa pagkakayuko at sumilip sa likod ng upuan. Wala ng tao sa van! Mag-isa nalang ako sa loob. Sumilip din ako sa labas at unang napansin ko ay ang malaking fountain sa harapan. Isa iyong malaking mermaid statue na may hawak na malaking kabibe at may tumutulong tubig doon.

Hala! Ang ganda naman!

Teka.. Really, Portia? You don't have time for this! Bakit naisip mo pang puriin yung fountain kaysa mag-isip kung paano lalabas sa van?

Sa naisip agad ko namang binatukan yung sarili ko. Dali-dali na akong humakbang sa mga upuan at napunta na sa may pintuan. Tiningnan ko muna yung labas kung may mga tao ba ngunit wala naman kaya agad ko nang binuksan ng dahan-dahan yung pintuan. Naging maingat akong hindi makagawa ng ingay at nagtagumpay naman akong makalabas ng walang aberya. Paglabas ko, doon ko lang mas naaninag kung nasaan ako ngayon. Nakapark pala yung van at tumambad sa aking harapan ang isang mala-palasyong bahay.

Ang laki! Triple yata ito sa laki ng bahay namin.

Napanganga nalang ako nang mapagtantong nasa loob ako ng isang malaking lugar. Sa harapan ko ang malaking bahay at sa likod ko naman ay ang nagtataasang gate na halos di ko na makita kung ano ang nasa labas sa tayog nito.

Nasaan ako?!

Paano ako tatakas sa naglalakihang gate na ito?

Nagsimula na akong mataranta nang maisip kong mas lalo ko lamang nalagay yung sarili ko sa panganib. Alam kong hindi ordinaryong tao yung may-ari ng sasakyang nasakyan ko. Sa uri ng bahay pa lang na meron siya! Hindi siya basta-bastang tao.

Oh my gosh, Portia! You are doomed!

And who the hell is that guy? What kind of person is he?

Am I saved? Or did I just take one step towards my death?