Chereads / His Greatest Downfall / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

"I'll give you the payment! Just wait for a bit, okay?!"

I heard my mom's hysterical voice. She was shouting at somebody. May katawag ba ito sa phone? Why is she in my room, anyway? 

Gumalaw ako sa higaan ko ng maramdaman kong masakit sa may bandang pulso ko. I tried to move my hand but I can't. Ba't parang nakatali yung kamay ko? And suddenly I remembered...

I was kidnapped!

I opened my eyes.

I saw my Mom's back. She was talking to someone and it's not on the phone. Someone's in front of her. Tiningnan ko yung buong paligid. I think, nasa isang hotel kami ngayon. I tried to move but my hands were tied to the headboard. Ginalaw ko ito at pilit tanggalin ng dahan-dahan yung kamay ko sa tali but it was too tight. I'm sure magkakapasa yung kamay ko nito. Tiningnan ko uli yung mommy ko nang matahimik na sila ng kausap niya.

They were already looking at me! My mom and the guy who kidnapped me earlier. The kidnapper! I have to tell mom!

"Mom!" I tried to shout but I just now realized na may nakatakip pala sa bibig ko. I was screaming for help to my mom. I also tried to move but I failed.

They were just staring at me. Nakakunot yung noo ni mom while yung lalaki sa tabi niya ay walang reaksyon sa mukha.

Wait... Why is mom just standing still? I need her help! I'm being kidnapped!

"Mom! Help me!" I tried to shout again but it just came out muffled.

I struggled again even though I know it was already hopeless na makatakas pa ako sa kanila. Gumalaw yung mommy ko at lumapit sa akin sa higaan.

"Oh my, Sweetheart. Stop struggling. Your hands will surely bruised." malambing na sabi ng mommy ko.

What?

Tiningnan ko siya. Napaka amo ng mukha at tinig niya. I tried to talk and warn her when suddenly I realized something. Sa sobrang pagpa-panic ko hindi siguro matanggap ng utak ko ang totoong nangyayari ngayon.

My mom was talking to the guy who kidnapped me.

She was just staring at me when she literally saw me being tied in the bed.

She's too calm. She even talked to me in her soothing voice.

Is this even really happening? Am I not dreaming?

Mas natanggap ko na yung mga nangyayari nang makita kong pumasok yung dad ko sa pintuan. I was just shocked.

"What happened? Did you get Portia?" yun agad ang pangbungad ng daddy ko pagpasok niya sa room.

"Everything's fine. She's here." sagot naman ng mommy ko. Lumapit pa siya kay daddy at humalik sa pisngi nito. Kung iba lang yung sitwasyon, siguro nakangiti pa akong tinitingnan sila ngayon. But I doubt it now if I can even smiled at them like before.

"Good Job." si dad.

What the hell?

Lumapit si dad sa kama kung nasaan ako at tiningnan lang yung kabuuan ko at agad may tinawagan.

"Mr. Hendrickson. We got her. We are at our hotel."

At talagang sa hotel pa talaga namin nila ako dinala. Kaya pala naipasok nila ako ng walang aberya. My hands balled into a fist because of anger.

"What about our deal?" sabi ni dad sa kausap. Lumapit agad si mommy dito. Pinindot ni dad yung screen sa cellphone niya at umalingawngaw sa buong kwarto ang tinig ng kausap niya.

"You'll give me back my company and I will give you my daughter, that's what we talked about!"

"If you can bring her to the said address, then I can give you back your company." the man said on the other line. My mom and dad breathed a sigh of relief.

They look happy.

My tears started to fall and I cried silently because of what I have just heard.

My parents sold me for their damn company!

"Okay. My men will bring her there." Tinanguan lang ni dad yung lalaking nag kidnap sakin at agad na itong lumabas na parang alam na nito ang gagawin. Then, my dad continued to talk to the man on the other line. To that Mr. Hendrickson.

"Mr. Hendrickson..." 

"Hmm."

"Can you tell Mr. Bue-"

"Don't speak his name, you fool!" biglang nagalit yung lalaki sa kabilang linya kaya agad humingi ng paumanhin yung daddy ko. Hinawakan naman siya ni mommy sa braso na parang natakot rin.

"Don't you ever speak his name so casually, Mr. Ignacio or you'll regret it."

"I a-apologize." Para namang naging maamong tuta yung dad ko at patuloy na humihingi ng paumanhin.

Sino ba yung tinutukoy nilang hindi pwedeng banggitin yung pangalan?

I suddenly got curious. Ubos na rin yung luha ko kakatulo kaya siguro wala nang lumalabas. Nakahiga lang ako ngayon at nakikinig sa mga sinasabi ng butihin kong ama.

I sighed.

My mind was so strained. I should just calm my self even though I know that being calm won't help me in my situation right now.

"Mr. Ignacio, they're here." Dad ended the call when the men who will brought me to the said address arrived. They were 20 men in total.

Grabe. Anong tingin nila tatakas pa ako sa lagay na to?

"Dalhin niyo na yan. Make sure na maibigay niyo siya ng maaayos kay Mr. Hendrickson." Utos ng dad ko sa mga lalaki. Agad na silang umalis ni mommy pagkatapos akong ibigay sa mga lalaking magdadala sa taong bumili sakin. Para lang akong gamit na bastang ipinamigay. They didn't even care to explain it to me, na baka ginawa lang nila iyon kasi pinilit sila or may nag blackmail sa kanila. Baka kailangan lang nila akong ibigay kasi para sa negosyo namin at magiging maayos naman yung kalagayan ko sa kung sino mang bumili sakin.

No. They don't care in the first place. They don't care kung anong mangyayari sa akin sa kamay ng taong iyon. They failed me as a parent. They don't even deserved to be called a parent.

My heart ached of the thought. Pero wala na akong magagawa. Maybe, this is my destiny.

"Itali niyo yung kamay at piringan niyo." Nagsimula ng lumapit yung mga lalaki sakin pagka alis ng mga magulang ko. Nakakatakot yung mga itsura nila, parang anytime pwede nila akong patayin kung gugustuhin nila.

"Uy boss! Grabe ang kinis naman nito!"

"Oo nga boss. Baka naman pwedeng tikman muna natin bago maging asawa ni Boss Hendrickson."

Putang ina! Mga manyak!

"Shit. Ang ganda din oh!"

Nanginginig ako sa takot ngunit di ko pinahalata. Lumapit naman yung parang boss nilang lahat at tiningnan ako. I remained poker face at hindi sila tinitingnan lahat.

"Sayang ka." narinig kong sabi nung boss ng lahat. Mas lumapit pa ito sa akin at tiningnan ako sa mukha.

"Sobrang ganda mo pero mapupunta ka lang sa matandang yun." Tumawa naman silang lahat nang sabihin ng lalaki iyon.

Mga hayop! Anong nakakatawa? Putang ina niyong lahat! Isama niyo na rin yung mga magulang ko!

Sa isip ko nagsisigaw na ako ngunit patuloy lang ako sa pagiging tahimik. Ayaw kong magsalita at baka kung ano pang gawin nila sakin. Natatakot ako.

"Don't waste time. Dalhin niyo na yan." Nagsimula na silang kumilos at tinanggal yung pagkakatali ko sa kama. Binuhat ako nung boss nila at parang damit na isinampay sa balikat niya.

"Ang bango mo naman, Miss Portia." Naiyak nalang ako at nagpumilit pumiglas nang hawakan ako nito sa pang-upo ko.. Minamanyak ako at wala akong magawa. Imagine the frustration. Ang sarap nilang pagsusuntukin. Black belter pa naman ako nung college days ko pero di ko magamit sa totoong sitwasyon. Wala ring panama yung mga moves na natutunan ko kung yung mga kalaban ko may dalang armas.

"Wag kanang gumalaw diyan at baka di ko mapigil, gagawin ko yung gusto ko bago kita ibigay sa matandang iyon." I silently cried and endured the humiliation that they are doing to me. Inaamoy amoy ako nito at hinahawakan sa malaswang paraan pero tiniis ko at tahimik lang habang binibitbit nila ako pababa.

Sa emergency exit din kami dumaan. Nang makalabas kami ay agad naman nila akong ipinasok sa isang maitim na van. Sa likod na part naka parking yung mga sasakyan nila kaya walang katao-tao sa paligid. Piniringan din nila ako kanina kaya di ko makita kung nasaan na kami.

Malapit siguro isang oras yung binyahe namin bago huminto yung sasakyan. Dumating na kami.

"Iakyat yan agad dun kay Mr. Hendrickson."

"Copy, boss!"

Pinaamoy ulit ako ng kung anong kemikal at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Wala nakong busal sa bibig at piring sa mata kaya malaya kong napagmasdan yung paligid. Maliit lang yung kwarto at walang ibang gamit kundi isang upuan na kahoy. Nasa sahig ako nakahiga kaya dahan-dahan akong tumayo. Napatingin ako sa kamay ko nang kumirot iyon. Hindi na pala ako nakatali! Sa nakitang iyon agad akong tumakbo patungo sa nakasiradong pintuan. Pinihit ko yung door knob ngunit di mabuksan.

You're so dumb, Portia! Of course, it's locked! 

Ba't naman hahayaan nila akong di nakatali tapos di nila nilock yung pintuan? Malamang makakatakas ako nun!

Babalik na sana ako dun sa sulok kung saan ako nakahiga kanina nang may marinig akong nag-uusap sa labas. Dinikit ko yung tainga ko dun sa pintuan at nakinig.

"Shit. It's almost 3 hours and they're still not here!"

"Are you sure that Mr. Buen- I mean, he will get this girl?"

"Yes. He's ruthless but he is not a liar."

Di ko masyadong marinig yung pinag-uusapan nila dahil medyo makapal yung pintuan dito. Ano daw?

Makikinig pa sana ako sa pinag-usapan nila nang makarinig ako ng mga yapak patungo sa kwartong ito. Agad akong tumakbo ulit sa sulok at umupo doon.

Bumukas yung pintuan at pumasok yung boss ng mga lalaking nagdala sakin dito.

"Gising ka na pala. You want dinner?" tanong nito. Di ako sumagot at tiningnan lang ito ng masama.

"Feisty, huh? Iyan ang gusto ko. If I'm a multibillionaire, ako nalang sana bumili sayo." at humalakhak ito. That Mr. Hendrickson is a multi-billionaire. Is he that bored with his money para bumili nalang ito ng aasawahin? And I'm that unfortunate girl!

"But that guy... grabe anong klaseng yaman iyon para bilhin ka sa ganong halaga? Siguro-" naputol yung sasabihin sana nito nang makarinig sila ng ingay sa labas. May parang nag-aaway at nagkainitan.

"Ano bang nangyayari diyan?!" Agad itong dumalo sa labas. Tiningnan ko yung nakabukas na pintuan. Umalis na ba yung lalaking yon?

Shit! Ito na ba? Makakalabas na ba ako?

Dahan-dahan akong lumakad patungo sa nakabukas na pintuan. Malapit nako nang biglang pumasok yung isang lalaki. The one who kidnapped me at the mall. Yung bagong driver kuno namin.

"Bantayan mo muna yan. Baka makalabas." utos nung isa bago umalis at tiningnan yung gulo sa labas.

Akala ko umalis na siya. Ugh!

"Wag ka nang mag aksayang tumakas pa."

Pumasok na yung lalaki at tiningnan ako sa mata. Nakita kong wala itong dalang kahit ano. Wala siyang dalang baril!

In that small amount of time, I made a plan to escape and risked my life. Bahala na ang lahat! Grabe yung pintig ng puso ko sa naisip. Kaya ko to!

Nang tumalikod yung lalaki para sana isara yung pintuan agad kong hinablot yung kahoy na upuan at ubod ng lakas kong hinampas ito sa ulo niya.

"Ah!" napasigaw ito at agad may tumulong dugo mula sa ulo nito. Natumba ito sa sahig at hindi ako nagdalawang isip na hampasin ulit ito sa katawan at ulo. Para saan pa't isa ako sa mga malalakas sa taekwondo group namin noon.

Nawalan ito ng malay at doon lang bumalik yung takot ko. It was the adrenaline rush that made me do that. Ngayon, nanginginig ulit yung mga kamay at paa ko sa takot. Takot na baka sa pagkakataong ito mapapatay na nila ako.

Oh my gosh! What did I do?

Nabibingi kong tiningnan yung nakabukas na pintuan. Parang name-mental block ako kung ano yung susunod kong gawin.

Go, Portia! Run!

Run, Portia! 

Parang may sumigaw sa utak kong tumakbo at agad na sumunod yung katawan ko.

I ran as fast as I can. And maybe, the luck is on my side because there's no one outside! Sa back part may daanan at doon ako dumaan. May mataas na hallway akong nakita patungo sa likod kaya doon ako tumakbo. Buti nalang naka paa na ako ngayon at medyo walang ingay yung pagtakbo ko.

Hindi ko alam kung saan ako patungo basta ang alam ko kailangan kong makatakas. I just followed my instinct.

Nang marating ko yung dulo ng mataas na hallway, may dalawang hallway na kailangan kong pagpilian. Left and right.

Saan ako dadaan? Saan yung tamang daan? 

Iniisip kong sa pipiliin kong daan, isa lang yung resulta. Makakatakas ako o mahuhuli nila ako, and the latter will surely lead to my death.

I'll risked this intuition of mine. Pinili ko yung kanang daan. I made my way to the right hallway.

And it was a dead end.

No. I'm gonna die. 

I already lost hope and when I looked up may nakita akong maliit na bintana. Hindi pa pala tapos!

Medyo sira na yung bintana kaya pilit kong inakyat iyon at sinira. Bumukas iyon at sumilip yung mga ilaw sa labas. I didn't waste time and immediately go through that small window to make it outside. Nasa second floor pala ako at medyo mataas yung mahuhulugan ko sa baba kung tatalon ako. Pero di ko na inisip yun at agad tumalon.

Fuck! Ang sakit!

Matunog yung pagbagsak ko. I'm sure nabalian ako ng buto. Ininda ko yun at agad tumakbo paalis.

I finally escaped!