"Bye, Porsh! Thanks for coming with me." Kumakaway yung kaibigan ko habang papasakay sa kanyang sasakyan.
"No worries. Bye, Ash!"
Nandito kami sa mall ngayon kasi broken-hearted yung kaibigan ko, gusto niya daw mag unwind kaya nagpa sama siya sakin. Ewan ko nga kung bakit sa mall, eh kaya niya namang mag unwind sa ibang bansa like, Paris, New Zealand, Mexico o kahit saan pa. Mas gusto niya siguro talagang dito lang. Well, as her only friend, sinamahan ko na. I needed to go out din naman, kasi napaka toxic na sa bahay. Mom and Dad were always arguing with their problems, and nakakarindi na minsan. Atsaka matagal-tagal na rin akong di nakakapunta sa mall.
"Are you sure you don't want me to take you home?" baling pa ni Ashley sakin. Agad naman akong umiling. Nakasakay na ito sa sasakyan niya pero dumungaw pa ito sa bintana para tanungin siya.
"No, it's okay. May susundo naman sakin ngayon. My driver is on his way now."
"Hihintayin nalang nating ng sabay yung driver mo, then after that I'll go-"
"No, Ash. It's really okay. I know may pupuntahan ka pa, and I know you, you hate to be late." Huminto naman ito sa akmang pagbaba sana ng maisip yung sinabi ko.
"Ugh. You really know me, Ash. Okay. I'm heading first. Text me when you get home, okay?"
"Yes, Mom." biro ko sa kanya. Umirap naman ito at kumaway ulit bago sinara yung pinto ng sasakyan niya at umalis na.
Saktong pag-alis ni Ashley ay ang pagtunog ng cellphone ko. Binasa ko yung text galing sa isang unregistered number.
Sino to?
"Nandito na po ako sa parking lot, Maam Portia."
Oh. Driver ko pala. Bago ba number ni Manong?
Di ko na masyadong inisip yung pagpapalit ni manong ng number at agad na akong dumiretso sa parking lot. Nasa underground parking garage pala nag park si manong kaya doon na ako dumiretso. Habang nag lalakad, palinga-linga ako sa paligid para hanapin yung sasakyan namin. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon kasi napansin ko rin na halos wala nang naka-parking sa oras nato. Halos malapit na rin kasi magsara yung mall kaya tatlong sasakyan at yung amin nalang ang napansin kong naka park dito. Umilaw naman yung sasakyan kaya agad na akong lumapit dito. Bumaba yung driver at sinalubong ako nang mapansin kong hindi pala si manong ito, yung driver ko noon pa man. Ibang tao yung bumaba para umalalay sa akin.
"Ah.. Are you a new driver?" tanong ko dito habang kinukuha nito yung mga dala-dala kong paper bags mula sa pagsho-shopping. Bago sumagot ay tumingin muna ito ng diretso sa akin. Bigla akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit. May kakaiba sa uri ng pagtingin nito at tutok na tutok ito sa mukha ko. Halos isang minuto muna itong tumitig sa akin bago ito sumagot. Sobrang awkward talaga.
"Opo, Maam Portia. Ako yung pinadala ng mommy mo para sumundo sa iyo." Sagot nito at tumalikod na para pagbuksan ako ng pintuan. Napansin ko ring medyo may kabataan pa yung bagong driver ko, parang mas matanda ako ng ilang taon dito. Di ko napigilan at tinanong ko ulit ito.
"If you don't mind me asking questions, ilang taon ka na?" Napahinto naman ito sa pagbukas ng pintuan at humarap sa akin. Dala-dala pa rin nito ang mga shopping bags ko.
"I'm 23 po, Maam Portia."
"Oh. So, you're younger than me. I'm 26, by the way." Tumango lang ito at hindi na nagsalita. Heh. Ayaw yata nitong kinakausap. Humarap uli ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Malaki itong tao at napakataas, kung itatabi ako dito parang mas bata pa ako dito kung titingnan. Doon niya ko pinagbuksan sa likuran at akmang papasok na ako sa sasakyan nang magulat ako nang ihagis nito yung mga gamit ko pauna sa akin. Hinagis niya talaga! Napakunot naman yung noo ko sa ginawa nito at haharapin na sana yung bagong driver namin para pagalitan nang bigla ako nitong tinabunan ng panyo sa ilong. Di ako maka-sigaw dahil nakatakip rin ito sa bibig ko kaya't sinubukan kong pumiglas at sinikap na sipain ito kahit nakatalikod ako dito. Nagtagumpay naman akong masipa ito sa paa, agad ko rin itong siniko sa mukha at narinig kong napaigik ito sa sakit ngunit hindi pa rin ako binitawan. Mas lalo lamang humigpit yung pagtakip nito ng panyo sa aking ilong at dahil mas malakas talaga ito sa akin ay tuluyan na akong nanghina nang malanghap ang kung anong nilagay nito na kemikal sa panyo. Bago ako tuluyang sinakop ng dilim ay narinig ko pa itong may tinawagan at narinig ko yung pangalan ng mommy at daddy ko.
"Mr. Peter and Elizabeth Ignacio, nakuha ko na ang anak ninyo. Magkita tayo sa lugar na sinabi ko."