Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Human emperor(Tagalog)

Knight_Talker
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3k
Views
Synopsis
Hindi ko hahayaang ang mga taong aking kinamumuhian ang maghari sa mundong into. Samakatuwid,si Wang Chong ay umapak sa dugo na tila karagatan at tila bundok ng mga bangkay upang marating ang trono ng pagiging Human Emperor.Siya ay nagtagumpay kahit na madami ang naging balakid at siya ay naging matagumpay maging alamat ng sangkatauhan.
VIEW MORE

Chapter 1 - Yugto 1(unang bahagi):Pagkawasak

  Alam ni Wang Chong sa kanyang sarili na ito na ang huling misyon na kanyang gagawin sa mundong ito!

  "Kahit na ang mga barbaro ay may hari,hindi sila naiiba sa ating kaharian kung  wala silang hari."Ito ay kasabihan galing sa Analect ng Confucius.Hindi naisip ni Wang Chong na sa malayong sakop ng kalawakan, ang China ay mawawasak!

  At siya ang naging huling saksi nito!

  Nagaapoy ang kalangitan.Dumadagondong ang kalupaan.Ang maraming bangkay ng nasawi ay sapat na upang maging kabundukan.Ang dugong bumuhos ay sapat na upang maging sapa o lawa.

  Makikita ni Wang Chong ang kapal ng awra ng kamatayan na nagmumula sa sampung milyong mamamayan ng China na nasawi at nagkalat sa kapaligiran.

  Ang mga dayuhang kabalyero na kasing dami ng karagatan at unting unti silang pinaliligiran sa lahat ng direksyon.

  Walang nakakaalam kung sino ang mga dayuhang ito,wala din nakakaalam kung bakit sila naghasik ng pakawasak rito.Sa kanilang pagkakaalam ,sampung taon na ang nakakalipas ang mga dayuhang ito,na napapalibot ng awra ng kamatayan,na biglang lumitaw sa hangin at winasak ang emperyo sa loob lamang ng ilang taon.Kasabay ng paglitaw ng mga dayuhang ito,ang pagkawasak ng kalupaan at kaguluhan sa kapaligiran.Na nagdulot ng pagkasawi ng sampung libong buhay.

  Ngayon si Wang Chong ay pinangungunahan ang huling natitirang hukbo ng China.

  Matapos maranasan ang ilang taong paghihirap,naisip ni Wang Chong na ang lakas ng kanyang kaloob ay pinagtibay na sa pinakamataas na antas,ngunit sa paparating na digmaan,ang kanyang puso ay hindi maiwasang manginig .

  Kalungkutan,sakit at paghihirap ang namamayani sa kanilang mga puso,hindi takot para kanilang mga sarili,pero sa halip takot para  sa kanilang mga kapatid sa  pakikipaglaban at takot para sa kapalaran ng kanilang lupang sinilangan.

  Heneral,patawad kung ang inyong lingkod ay mauuna na!"

  "Hindi mo ito kasalanan!heneral,ginawa mo na ang lahat ng iyong makakaya!"

   "Hindi mo na kailangang magdalamhati,ang ating mga kasama ay nakapagisip isip na.Hindi natin pinahintulutan na maging kahiya- hiya ang dinastiya ng Great Tang.Ang makasama ang heneral sa pakikipaglaban ang nagbigay ng saysay sa aking buhay!"

  "Heneral,magkita na lang tayo sa susunod na buhay!"

  "Mga hayop na dahuyan,hali kayo dito!,maglaban tayo ulit!ha! Ha! Ha...."

   Isang pamilyar na pigura ang tumawa ng masigla at biglang sumugod sa harap,na parang gamogamo na lumipad sa apoy.

  "Paalam,mahal kong kapatid,hangang sa muling pagkikita!"

  Makita ang kanilang mga pigura na nawawala isa isa na parang araw na papalubog ay nagdudulot ng tila patak na ulan na luha sa mga mata ni Wang Chong.Si Wang Chong ay hindi nabibilang sa mundong ito.Dapat si Wang Chong ay namumuhay ng normal bilang magaaral sa unibersidad at sa mundong tahimik at  payapa.

  Samantalang tatlongpung taon na nakakalipas,may biglang bumaksak na misteryosong bulalakaw sa kanya na nagdala sa kanya sa panahon na kahalintulad ng panahon ng dinastiya  ng Tang ayon sa kasaysayan ng China,kung saan naging labing limang taong gulang siyang anak na lalaki mula sa angkan na mga militar.

  Matapos makarating sa hindi pamilyar na lugar,pakiramdam niya siya ay nagiisa,inisip niya na wala nmn mangyayari sa kanya rito at siya ay naging suwail na anak.

   Ngunit ng dumating ang sakuna sa kabuuan ng China na kumitil ng buhay ng kanyang minamahal,biglang natauhan si Wang Chong sa katotohanan ng sitwasyon at siya ay nakapagpasiya na magbago na.

  Subalit, huli na ang lahat.

  Sa mundong ito,maraming naranasan si Wang Chong.Sa buhay niyang ito lumampas na siya sa tamang edad upang magumpisang magsanay ng Martial Arts dahil sa kanyang paglalakbay sa buong mundo.

  Subalit ,dahil sa kanyang mga karanasan sa iba't ibang stratihiyang laro nakaipon ng mga kaalaman,ang kakayahan niyang pamunuan ang hukbo ay napansin ng mga matataas sa emperyo.

  Inilipat nila lahat ng kanilang Primal Qi sa kanya,upang tulungan siyang maging pinakamatas na rango ng heneral sa panahon ng digmaan para ipasan sa kanyang balikat ang huling pag-asa ng China.

   Subalit ,nakakalungkot man pero huli na ang lahat,marami nang lumagpas na pagkakataon sa kanya.Kahit na ginawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya,ngunit nabigo pa rin siya sa huli.

   Unti unting ipinikit ni Wang Chong ang kanyang mga mata,habang dinadama ang kalungkutan sa kanyang puso.

   Hindi siya natatakot masawi,ngunit hindi pa siya maaaring masawi.Kailangan niyang maging mapagpasensya.Meron pa siyang isang tao na dapat paslangin.Kapag hindi niya ito nagawang paslangin,hindi siya matatahimik hanggang sa kabilang buhay.

  Siya ang dahilan ng lahat ng ito!kung hindi dahil sa kanya,ang emperyo ay hindi aabot sa ganitong kalagayan.

  Kinamumuhian ni Wang Chong ito!

  Sa pamamagitan lamang ng pagdanak ng dugo nito ang makakapagpaalis ng matinding galit sa puso ni Wang Chong.

   Kung hindi lang masyadong matalino ang kanyang kalaban.Hindi siya basta basta lumilitaw,at hindi niya binibigyan ng mga pagkakataon si Wang Chong na makagawa ng kahit ano.Ngunit sa pagkakataong ito,siya ay gumawa ng isang bitag sa pamamagitan ng paglitaw sa dulo ng lambak.

  Alam ni Wang Chong na hindi ito makakatiis,at ihaharap ang sarili sa kanya.Nakapagtago na siya sa loob ng tatlongpung taon.Pero sa pagkakataong ito,ngunit sa oras ng tagumpay hindi siya patuloy makakapagtago.

   "Wang Chong,sumuko ka na.Nakipagusap na ako kay panginoon.Kung ikaw ay kusang susuko,hahayaan ka na naming mabuhay!"

  Nang may biglang nagsalita mula sa malayo.Sa likuran ng dayuhang kabalyero,mataba,nanginginig na pigura ang unti unting inililitaw ang ulo.Sa kanyang mga mata makikita ang tagumpay na may bahid ng takot at pangamba.

   Siya ay isang duwag,ngunit alam ng dyos kung bakit ito malakas.

   Kahit na hindi ganun karami ang kanyang hukbo,natatalo niya ang kanyang mga kalaban na higit ang dami sa kanya.

  Kahit na ilang taon pa lamang niyang pinamumunuan ang hukbong militar ng China,ang bilang ng dayuhang mandirigma na nasawi sa kanyang kamay ay kahalintulad ng kabuuang nasawi sa loob ng nakalipas na sampung taon!.

  Kung hindi siya natatakot sa taong ito,hindi sana ito makakapagtago ng matagal.

  "Traidor!"

  Tumingin si Wang Chong sa pigurang iyon,makikita sa kanyang mga mata ang galit.kung walang tumulong sa mga mananakop na ito,siguro hindi sila makakapinsala ng malaki at masakop ang kaharian sa maliit na panahon.

  Lahat ng ito ay pasalamat sa taong iyon.

  "He.. He..Wang Chong, pinanindigan mo ang pagiging dyos sa larangan ng tactika ng militar ng China!Ang suwail ng angkan ng Wang ay naging pinakamatas na rango ng heneral ng China,akalain mo!Kung pinili ka ng mga nakakatandang ito bilang kanilang tagapagmana ng mas maaga sa tatlongpung taon,o kaya ang angkan ng Wang ay hindi bumagsak sa pagkasira,siguro may pagasa pa ang China!ngunit kahit anung mangyari,ang lahat ay huli na!"

  Nagmamalaking pahayag ng figurant iyo:

  "Wang Chong,pinapayuhan kita ,bilang isang talentadong nilalang,!ang panginoon ay nagsabi na,kung ikaw ay lilipat sa aming panig,hahayaan ka naming mabuhay!at saka,maaari is naming gawin na kaisa namin!Ano sa palagay mo,gusto mo bang pagisipan?"

   Ngunit ,ayaw makinig ni Wang Chong.

  "Kang Zhalaoshan!"

  Sigaw ni Wang Chong sa pangalan nito,ang kanyang mga mata ay puno ng nagaapoy na galit.Pagkatapos ng lahat,nang paghihintay sa pagkakataong ito....Itong walang utang na loob na nilalang ay hindi na makapagpigil na ipakita ang tunay na kulay.

  "Magkasama tayong ililibing sa lupa ng dinastiya ng Great Tang!!"

   Ang lupa ay dumagundong.Isang malakas na awra ang lumabas sa sibat ni Wang Chong.Nang biglang,tila nagliliwanag na sikat ng araw ang lumabas sa kanyang sibat na nakapagpabulag sa kanilang paningin!

  "Umatras ang lahat!Umatras ang lahat!!"

----

  Isang nangangalit na hangin ang sumibol ng malakas.Makita si Wang Chong na biglang lumitaw sa kanilang  harapan,ang libo libong dayuhang mandirigma ay nagkagulo at nagsitakas na parang malakas na alon.

  "Protektahan ang minsahero ng diyos!"

  Ilang mga eksperto ang mabilisang lumapit sa kinaroroonan ni Kang Zhaluoshan.Itim na apoy at nakakamanghang awra ang lumabas,ngunit huli na ang lahat!

  Bang! biglang nagbago ang kulay ng kalangitan!Isang sinag ng liwanag ang bumaba mula sa langit na tila isang bulalakaw na bumaksak mula sa lanagit na bumalot sa daang dayuhang eksperto at kay Kang Zhaluoshan.

  "Ikaw!"

   Tanging maririnig lamang ay maiikling sigawan.Ang matabang na nilalang na iyon,sa harap ng malawak na alon ng apoy ay walang silbi mabilis na nilamon ng apoy hanggang sa maging abo.

  Kahit sa kanyang kamatayan,hindi niya inakala na kahit siya ay nakasandal sa matatag na pader,si Wang Chong ginamit ang lahat ng makakaya upang paslangin siya sa panahong ito.

  Kahit anung gawin at pagpupumiglas niya sa sibat,wala pa din siyang panama sa nakakamanghang tama ng sibat!

  "Sa wakas!"

   Sa oras na ito,nakaranas si Wang Chong ng hindi mapantayang kasiyahan!

   "Ama,Ina,at lahat ng mamamayan ng China,makakpagpahinga na kayo ng matiwasay!"

  Sa harap ng kamatayan,walang pakialam na pinagmasdan ni Wang Chong ang mahabang sibat na nakatarak sa kaniya.

   Boom!at sa huling sandali,isang nakabibinging pagsabog ang kanyang narinig.Pinasabog ni Wang Chong ang kanyang dantian upang maisama niya ang libo libong dayuhang mandirigma sa kanyang kamatayan.

   May katotohanan pala na kapag sa oras na ng iyong kamatayan mararamdaman mo ang pagbagal ng oras.

  Mapanglaw na ngumiti si Wang Chong, ngunit ang kanyang puso ay payapa na.

  Matapos ang ilang taon,siya ay makakahinga na ng maluwag.Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso,may namamayaning,hindi mailarawan na sakit at panghihinayang.

   Sa mga sandaling ito,naalala ni Wang Chong ang kanyang lolo,tiyuhin,ama,Ina,mga kapatid,mga pinsan.....

   Naging maayos siguro ang lahat kung hindi siya naging pasaway.

   Naging maayos siguro ang lahat kung nagising siya ng maaga  sa katotohanan at ginamit ang kanyang natural na talento sa taktikang militar upang maprotektehan ang kaniyang angkan at ang lupang ito.

  Pero huli na ang lahat!

  Ang lahat ng nagmahal sa kanya at ang kanyang mga minamahal ay wala na.

   Kung maibabalik ko lang ang panahon,hindi ko na uulitin ang mga pagkakamaling aking ginawa.

   Subalit ang lahat ay huli na.

   Simula ngayon,ang China ay naging lugar ng panunugis ng mga dayuhang mandirigma.

   Sa libong taong lilipas,wala nang makakaalam sa buong mundo sa lahi ng Chinese at sa bansang tinatawag na dinastiya ng Great Tang.

   Nanghihinayang si Wang Chong, pagkabigo at hindi niya matanggap.

  "Hindi dapat naging ganito ang lahat !"

   Lumuha nang may panghihinayang si Wang Chong.Isang beses ko pang mauulit ang aking buhay,patutunayan ko ang aking sarili at itutuwid ko ang aking pagkakamali.Kaya kong isuko ang kahit na ano o ang lahat.

  Boom!

  Sa ganitong pagiisip si Wang Chong, sa kailaliman ng kalangitan,ang mga kulog ay unti unting namumuo.Nang malapit na mawala ang kanyang hininga,nakita ni Wang Chong ang isang malaking bulalakaw.

  Diba... Ang bulalakaw na ito ang nagdala sakin sa mundong ito?