[Ang host ay nagising na...maguumpisa na ang pwersa ng tadhana.]
Mula sa kawalan,isang robotic na boses,na walang emosyong nagsalita,mula sa tenga ni Wang Chong.
"Anak ng tadhana!!!!!anak siya ng tadhana!magmadali kayo pigilan siya!"
Sa kadiliman,ilang boses ng mga dayuhang mandirigma ang maririnig.Ang mga nilalang na ito,na hindi alam ang ibig sabihin ng salitang kamatayan,ay nagpakita ng takot at pagkamangha sa unang pagkakataon.
Gayunpaman,walang alam si Wang Chong sa mga nagaganap.Nagdilim ang kanyang mga mata,at ang kamalayan ni Wang Chong ay tuluyang napunta sa kamalayan.
--
"Bakit kitang tatawaging, manlalakbay ng panahon?"
Pakiramdam niya na parang kaybilis ng lahat,ngunit pakiramdam niya rin ay kaybagal na ang panahong lumipas.Biglang nagising si Wang Chong sa boses na puno ng kuryusidad.Ang musmos at inosente nitong boses ay umaalingawngaw sa kanyang tenga tilang pilak na kampana.Parang batong nahulog sa lawa,ang kamalayan ni Wang Chong ay nanginginig na parang di mabilang na alon.
Sino ito?kaninong boses ito?Hindi ba may kasabihang ang taong mamamatay ay kahalintulad ng lamparang namamatay?bakit ko naririnig ang boses na ito?.....ako ba'y nawawala na sa aking sarili?
"Hmmmp"
Sa pagiisip ni Wang Chong,isang hindi nasisiyahang boses ang kanyang narinig.Hindi pa napagtatanto ni Wang Chong ang nangyayari at may biglang kung anong sumundot sa kanya.
Isang daliri!
Teka!kung ako ay talagang nasawi na bakit nararamdaman ko pa ang aking katawan?
Hindi kaya hindi pa ako nasasawi!
Ang ideya na ito ay biglang pumasok sa kanyang isip sa pagkakataong ito,nanginig ang puso ni Wang Chong na tilang malalaking alon.Sa kanyang kaunting lakas,unti unti niyang binubuksan ang kanyang mga mata.
Sa pagharap sa liwanag,luminaw ang kanyang paningin.Sa hindi kalayuang kanyang kinatatayuan,nakita ni Wang Chong ang isang munting batang babae,mahigit sampung taong gulang,na nakanguso na may hindi nasisiyahang ekpresyon sa kanyang mukha na nakatitig sa kanya.
"Huwag mo akong iwasan!"
Ang munting batang babae ay muling sinundot siya sa pamamagitan ng daliri.
"Bunso"
Tumingin si Wang Chong sa kanyang harapan na may Hindi kapani-paniwalang ekpresyon sa mukha.Ang batang babae na iyon na nakaarko ang mga kilay na tila hugis kasuklay na buwan,malinaw na mga mata,mamula mulang balat,at nakasuot ng isang pares na maliit at kulay pulang katad na pantalon.Itoy napakaganda na tila ba na obra maestra ng isang magaling na pintor.
Ang kanyang dalawang malaking bungkos na pagkakatirintas ng kanyang buhak na nagpapakita ng kanyang mapaglarong paguugali.Sino pa nga ba ito kung hindi ang kanyang nakakabatang babaeng kapatid.
Ngunit si bunso ay....
Nakatulalang nakatitig si Wang Chong sa kanya.
Hindi ba't siya ay dapat nasawi na?malinaw na naaalala ni Wang Chong,upang mapaslang si Kang Zhaluoshan,lumusob siya sa napakaraming dayuhang mandirigma,paano niya nakikita ang kanyang nakakabatang kapatid na babae sa kanyang harapan?
Ang kanyang nakababatang kapatid ay sadyang maliit,mukha talaga siyang sampung taong gulang.Siya ay matanda ng limang taon sa kanyang kapatid.Kung sampung taong gulang ang aking kapatid.Siya ay.....
Itinaas ni Wang Chong ang kanyang mga kamay at nakita niya ang payat at maliliit na kamay.Ito ay kakaibang imahe na kanyang naaalala.
Nang biglang,napatahimik si Wang Chong,ako ba ay....muling nabuhay?
Nawiwiling nagulat si Wang Chong at saka nalito.
"Bunso,paki kurot nga ako"
Biglang sambit ni Wang Chong.
Habang siya ay nagsasalita,may nakita si Wang Chong na maliit na kamay na papapunta sa kanya.Ang kamay na ito ay nababalutan ng malabong puting alon.
Ang malabong alon na ito ay buo,na tila bakal,at nagbibigay nang malakas na pwersang pakiramdam.
"Primal Qi sa 9 na antas!"
Napakibot sa Wang Chong.Itong malabong puting alon ay simbolo ng pagiging eksperto sa 9 na antas na Primal Qi.Bakit niya nakalimutan na ang kanyang nakakabatang kapatid ay may natural na biniyayaan ng walang katumbas na lakas na katulad ng kay "Hercules".
Ika'y nasisiraan na ng bait kapag ikaw ay nagpakurot rito.
"Bunso,huwag....
Nagbago ang ekpresyon ni Wang Chong habang pinipigilan niya ito,ngunit huli na ang lahat.Makarinig ng malutong na tunog,naramdaman ni Wang Chong ang pagkasira ng kanyang buto.
"Ouch..bunso bilis,pakawalan mo ako!"
Marinig ang pagsigaw ni Wang Chong,ang batang babae ay napalabas ang dila na may nahihiyang ekspresyon at binawi ang mga kamay.
"Kuya wag mo akong sisihin.ikaw ang may sabi na gawin ko iyon!"saad ng batang babae na walang konting intensyon na humingi siya ng tawad.
Mapait na ngumiti si Wang Chong.Ito talaga ang kanyang nakakabatang kapatid mula sa kanyang alaala na may natural na nabiyayaan na lakas at kayang bumuhat ng anumang bagay na mas mabigat pa sa kanya.Ang kanyang natural na lakas ay hindi kayang sugpuin ng kahit sinumang ordinaryong nilalang.
Kahit na ang kanyang braso ay masakit,kakaibang saya ang nararamdaman ni Wang Chong.Maramdaman ang sakit,makita ang....Ang ibig sabihin nito siya ay hindi nananaginip.
Akoy buhay talaga!!
"Hindi kaya narinig ng dyos ang aking kahilingan?"
Sa pagkakataong iyon,magkahalo ang nararamdaman ni Wang Chong.
"Kuya,masakit mang sabihin ngunit kailangan mo nang tumigil sa pagsama sa sira ulong iyon,si Ma Zhou.Hindi siya mabuting tao.Nagdulot ito nang pagpataw sa iyo ng parusa ni ama at inakusahan kang dumukot ng babae.Parang kailngan pa ng aking kapatid na ipagsiksikan ang kanyang sarili sa isang babae kung kusang loob naman sila sumasama!Ang siraulong iyon!Sa susunod ko silang makita,tuturuan ko sila ng leksyon na hindi niya malilimutan!"
Palihim na may iniisip ang batang babae at biglang,napataas ang kanyang kilay at napakumos ang mga kamay na malutong na tumunog.Sa galit na ekspresyon,ipinakita niya ang kanyang nararamdaman.
"Bunso..."
Naantig ang kanyang puso sa nakababatang kapatid,na si Wang Yaoers,sa mga sinserong nitong mga salita,niyakap niya ito ng mahigpit patungo sa kanyang mga braso.
Ito ang kanyang nakakabatang kapatid mula sa kanyang alaala,ang kanyang nakakabatang kapatid na sobra siyang mahal.
Sa kasamaang palad,binaliwala ko lamang ito noong nakaraan at hindi ko ito napagtanto hanggang naging huli na ang lahat.Binigyan ako ng pngalawang pagkakataon ng panginoon upang magsimula muli.Hindi ko pahihintulutan na muli iyong mangyari sa aking nakakabatang kapatid.
"Bunso,salamat,ngunit hindi na iyan kailngan.kaya ko na iyong siraulong iyon,si Ma Zhou nang ako lang."mahinahong sagot ni Wang Chong.Nagulat si Wang Yaoer.Itinaas niya ang kanyang ulo at tumitig kay Wang Chong na may pagkamangha.
Parang may kaunting pagkakaiba ngayon ang kanyang ikatlong kapatid.Siya ay laging palpak at palaging sumasama sa grupo ng mga bastos.Hindi angkop sa kanya ang magsabi ng mga ganung bagay.
"Maiba ako,kuya,hindi mo pa sinasabi sakin kung anung kahulugan ng manlalakbay ng panahon?Anung ibig sabihin niyang manlalakbay ng panahon?Bakit mukhang hindi ko pa iyan naririnig?"
Tanong ni Wang Yaoer at tumitig kay Wang Chong na ang bilugang mata ay puno ng pagtatanong.Pagkatapos ng lahat,siya sobrang interesado sa mga tanong na wala pang kaaagutan.
Si Wang Yaoer ay hindi masisiyahan kapag hindi niya nalaman kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng manlalakbay ng panahon.
"Iyan ay....."