Ang isipin ang mga ganitong bagay ay nakakaramdam siya ng pagkailang.
"Um...ang manlalakabay ng panahon....ay isa pang tawag sa pagiging magandang lalaki.!"
"Magandang lalaki?"nanlalaki ang mata ng kanyang nakakabatang kapatid na bakas ang pagkalito sa ekspresyon into
"Ibig sabihin nito malakas ang aking dating"tumawa si Wang Chong
Ang kanyang nakakabatang kapatid ay galit na galit.Kahit na siya ay bata pa lamang,hindi siya madaling linlangin.
"Bunso,may naisip ako.Palagay ko si ama ay malapit ng umuwi,ikaw ay magmadali at bumalik na sa loob o baka ikaw ay malagot."
Muntikan ng pagpawisan ng malamig si Wang Chong at mabilisang inilihis ang kanilang pinaguusapan.Ang kanyang nakakabatang kapatid ay may dalisay na puso at may paniniwala sa kanya,ngunit kapag napagalaman nito na siya naglihim sa kanya,siya ay magwawala,at sa kanya natatanging lakas,siya ay makakaranas ng sakit sa katawan.
"Hmmmp.."
Iginalaw ng kanyang nakakabatang kapatid ang kanyang pisngi,at ito ay galit pa din.Kahit ay ito ay bata pa hindi siya madaling lokohin.Malinaw rito na hindi nagsasabi ng totoo si Wang Chong.
Nakumbinsi din ni Wang Chong na ito ay umalis,ngunit ito ay galit pa rin at umalis ng hindi pa rin kumbinsido.
"Si ama ay malapit ng umuwi.Inutusan ako ni Ina na hanapin ka para ipaalala sa iyo na pumunta sa malaking bulwagan upang maghapunan."
Galit na sabi ng aking nakakabatang kapatid habang lumalabas ng aking silid.
"Bloom...!!"
Matapos marinig ito,si Wang Chong ay nagulat na tila siya ay tinamaan ng kidlat.Siya ay nanginig sa takot.
Pinunasan ni Wang Chong ang malamig na pawis sa kanyang noo.Inisip niya na nagtagumpay siyang makalusot.Maloloko niya ang kanyang Ama,ngunit hindi siya makakaligtas sa mga mata ng kanyang Ina.Ngunit gayun pa man ,hindi na siya nasopresa.Sa kakayahan ng kanyang nakakabatang kapatid,paano siya makakaligtas sa kamay ng Buddha.
Matapos umalis ng kanyang nakakabatang kapatid,isinara ni Wang Chong ang pinto.Habang ang kanyang likod ay nakasandal sa pader,itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin sa mataas na bubong na may nanlalamig na titig.Ang kanyang ekspresyon ay unti unting naging mapayapa.Ang nangyari ngayong araw ay hindi normal,kailangan niya ng oras upang maproseso ang lahat.Mga eksena bago ang kanyang pagkasawi ay lumitaw sa kanyang harapan.Ang imahe ng bulalakaw ay mabagaw na lumilinaw.Sa isang malayong alalaal na tila ba nakalimutan na naging malinaw.
Malinaw na naalala ni Wang Chong na,sa taong 2022 sa daigdig sa ibang panahon at lugar,sa napakainit na panahon ng taginit,habang siya ay naglalakad sa kalsada ay bumaksak ang isang bulalakaw mula sa kalangitan,nahulog mula kalangitan at tumama sa kanya at dinala siya patungo sa kakaibang mundo.
Sa kanyang unang pagdating dito,inisip niya na baka may benipisyo ang pagiging manlalakbay ng panahon,ngunit sa katotohanan ay ito ay ordinaryo lamang.Kahit na noong kanyang huling sandali,maliban sa kanyang estado na anak ng isang heneral,siya ay walang pagkakaiba mula sa ibang ordinaryong tao.
Ang misteryosong bulalakaw na walang ibang ginawang himala kungdi ang dalhin siya sa kakaibang mundong ito.
Hindi niya lubos maisip na ang bulalakaw na iyon ay muling magdudulot ng kakaibang pangyayari sa kanyang huling sandali bago masawi.
"Ito ba ay sama ng loob? O dahil sa hindi niya pagtanggap sa huli ng mga pangyayari?"nagtatalo ang isip ni Wang Chong
Anumang mangyari,siya ay muling nabuhay.Siya ay tunay na nakabalik sa panahon tatlongpung taon na ang nakakalipas!siya ay labing limang taong gulang pa lamang,ang kanyang nakakabatang kapatid ay sampung taong gulang.
Ito ang panahon ng China kung saan sila ay nasa kasagsagan ng kasaganahan at kalakasan.
Anuman sa dinastiya ng Qin o dinastiya Han,walang ibang dinastiya ang nakapagpalawak ng kanilang teritoryo katulad ng ginawang pagpapalawak ng dinastiyang Great Tang.Silangan hanggang silangang karagatan ng China,kanluran hanggang timog Pamirs hanggang Jiaozhi,hilaga hanggang bundok ng Yin--- lahat ng mga teritoryong ito ay sakop ng impluwensya ng dinastiya.
Kasama ng 600,000 na hukbo,ang dinastiya ng Great Tang ay matatag na nakatindig at ang mga karating bansa ay walang magawa rito.Ang militar ay puno ng mga talentadong pinuno at dahil dito,ang lahi ng Hu ay sumuko sa napakalaking emperyong ito.Sa ilang dekada,ang teritoryo ng emperyo ay patuloy na lumawak hanggang sa umabot kung ano ito ngayon.
Ang dinastiya ng Great Tang ay tamang tawaging sentro ng mundo.
Ito ang malakas na panahon ng China.
Ang namumuno rito ay tinatawag na banal na emperador dahil sa angking lakas nito at kapangyarihan sa bansa.Pakiramdam ng lahat ng nasa China ay sila ay kampante at mataas dahil malakas ang kanilang bansa.
Subalit,maliban kay Wang Chong walang sinoman ang nakakaalam na sa ilalim ng kasaganahang ito,ang emperyo ay hihina at tatahakin ang landas ng pagkawasak.
Sa ilalim ng kasaganahan nito,ang mga tao ay naging maluwag at sa loob nito ay ilang trahedya ang nailihim.
Sa talampas sa silangang bahagi ng dinastiya ng Great Tang,ang Tibet ay unti unting lumalakas at pumapasok sa panahon ng pagiging dominante.Sa malayong kanluran,ang Umayyad Caliphate,ay bumagsak,ang Abbassid Caliphate,ang pinakamalakas na dinastiya sa kasaysayan sa lupain ng Arabia,ay umusbong.
Sa hilaga silangan,ang Yeon Gaesomun ay lumalaki ang hukbo.At sa Timog,may nabubuong kaguluhan sa paligid ng Erhai.Anumang oras ay puputok ang lahat ng kaguluhang ito.
Subalit,sa dinastiya ng Great Tang,Ang lahat ay nabububay sa ilusyon ng kasaganahan at kapayapaan na walang kaalamanan sa nakatagong panganib.Kahit na ang mga barbaro na lumalaki ang mga hukbo at itinuon ang mga mata sa China,ang Confucianism ay nagpalaganap ng mga bagong paniniwala sa buong emperyo na sumubok na tanggalin ang pwersa ng militar,ibalik ang teritoryo,ituloy ang katwiran,at subukang gamitin ang kagandahang loob upang isaayos ang mga barbaro upang itaguyod ang mahabang panahong kapayapaan sa pagitan nila at ng mga Chinese.
Itoy hindi pa nagagawa sa kaso ng pagpilay sa sarili.Itoy kahalintulad ng isang tigreng walang kuko,isang lobong walang ngipin,o isang ahas na walang lason.
Makalipas ang apat na taon,noong ang barbaro ay biglang sumulpot na parang tigre at lobo,at noong ang malaking sakuna ay lumaganap sa buong lupain,ang China ay wala nang kakayahang lumaban.Matapos ang apat na taon,ang mga kaguluhang ito ay pumutok ng sabay sabay na nagdulot ng malawakang pagkawasak,nagdulot sa malaki,tanyag na emperyo na mahulog sa pagkasira.
Ang kanyang pinakamamahal na angkan ay humina sa panahon ng apat na taong lumipas.Itoy nagkawatakwatak at tuluyang nasira.Anung halaga ng pagiging respetadong militar kung sila ay nalukmok sa putik at nahihirapang makaahon.
Sa kanyang nakaraang buhay,siya ay namuhay ng ignorante.Hanggang sa ang lahat ay hindi na mababawi nang siya ay nagising sa katotohanan,ngunit sa kasalukuyan,kasama ng lahat ng kanyang nalalaman at karanasan sa nakaraang buhay,hindi niya hahayaang ito ay muling maganap.
Sa kanyang nakaraang buhay,kanyang napagtanto tanto na ano ang naging dahilan ng biglaang pagkasira ng isang malaking emperyo sa loob lamang ng maliit na panahon.Kung naisakatuparan lamang niya ang kanyang ginawang plano ng maaga sa tatlongpung taon sana huli pa din ang lahat.
Ngunit bago ang lahat na ito,kailangan niyang mapigilan ang isang malaking pangyayari na magaganap sa kanilang pamilya.Ang kanyang nakakabatang kapatid,mga nakakatandang kapatid,ang kanyang ama ,ina at ang buong angkan ng Wang family....Lahat sila ay maapektuhan sa mangyayaring ito.
Sa ilang sandali pagkatapos ng insidenteng ito,ang buong angkan ng Wang family ay unti unting babagsak at mawawalan ng kakayahang makabalik sa taas.
Ang mga taong nagmamahal sa kanya at mga taong kanyang minamahal,pagkatapos ng insidenteng ito,sila ay makakaranas ng sunod sunod na pangayayari at magkakahiwa-hiwalay.
Lahat ng ito ay mangyayari hindi gaano katagal magmula nang siya ay dumating sa mundong ito.
Siya ay ignorante ng mga panahon na iyon,ngunit ngayong buhay niya,hindi siya susuko.
Paano siya makakaligtas kung ang kanyang pugad ay wasak na?Kung hindi niya maililigtas ang pamilyang ito mula sa tadhanang ito,paano pa kaya niya maililigtas ang buong mundo?
Kahit anung mangyari kailngan niya itong mapigilan!Nasa ganito siyang pagiisip,nang binuksan ni Wang Chong ang pinto at naglakad palabas.Matapos makita ang pamilyar na tanawin,malinaw kay Wang Chong ang magaganap na magiging pinakaimportante sa kanya.