" Athena baby, dito ka nalang din mag hintay Mamaya. Pero baka ma late Ako. Pero wag Kang mag alala, I'll try my best para matapus agad Ang trabaho ko" it was kuya John Carlo. Kapatid ko sya.
" Wag na Po. Kailangan ko ding sunduin si Carlisle mamaya." nakangiti king Sabi sa kanya.
" sure ka?" kuya Carlo.
" yap. Wag Kang mag alala, I can handle myself." Tugon ko. Ganito sya palagi. And I'm proud to have them always at my side. But this time I need to be independent.
" okay then. Ingat ka. Pwede Kang tumawag, kahit Anong Oras."
" okay."
" if theirs any problem. Andito lang si kuya." Sabi nito sabay halik sa aking buhok.
" kuya Hindi na Ako bata. I'm already 25--"
" At ikaw din Yung nag-iisang princesa namin." Sabi nito. " ingat ka pag-uwi mamaya." dagdag pa ni kuya. Tumango nalang Ako bilang sagot.
Agad naman nyang pina-andar Yung motor nya at umalis. Pumasok Nan Ako sa klasse ko. I'm a college now, third year college.
My full name is Athena Leigh Montenegro. In 25 years of living I'm still college. But it's fine. All is worth it.
Agad Ako na pumasok sa klasse ko. Pagpasok ko nagsisimula na Ang klasse. Pero Wala namang pakialam Ang mga teachers Kung late ka o Hindi. The most important is maka pasa ka sa mga subject mo.
Nung natapus Ang klasse agad na Ako na pumunta sa school ni Carlisle.
Half day lang Kase sila Ngayon, yun ang sbai nya kagabe, kaya heto at susunduin nalang, tutal tapys na din naman ang klasse ko.
He is a first year highschool in age of eleven, turning twelve in November 12. Nakapasok sya sa Isang mayaman na iskwelahan.
He is genius at Hindi ko alam Kung saan sya nagmana sa katalinohan. He got scholarship from that school and who would I be to hinder my son's better future.
" Ma.." He called me. Yes I am a mother. In age of 13 I became a mother.
At okay lang sa akin iyon. He is a blessing. I don't care if his father is a rapist, coz I know my son is have an Angel heart.
And I hate to admit that he is not look like me. Maybe his father was handsome. Coz he is handsome.
" How's school baby?" Tanong ko agad.
"Okay lang po." tipid na sagut nito Saka Ako ginawaran ng halik sa pisnge.
I'm proud to say that my son is tall and handsome.
" Good. So saan mo gusto pumunta?"
" pwede Po ba tayong pumunta sa park?" Tanong nya ng nakangiti.
" Okay. As you wish."
Agad naman sya na naglakad hawak Ang kamay ko. We are just like best friends.
Nakangiti Ako habang hawak Ang kamay nya.. hinayaan ko sya na hilahin Ako saan man nya gusto.
I love this man so much. That I could sacrifice myself in any danger just to save him. He is my precious gem.
" Andito na Po Tayo ma." Nakangiti nyang Sabi habang nakatanaw sa mga rides na andito. " Tara sakay Tayo sa mga rides." Masaya nyang Sabi at hinila Ako Kung saan.
Sumakay kami sa Isang ride, at babayaran ko na Sana pero hinawakan ng anak ko Ang kamay ko at Nginitian Ako. And that smile could throw away my stress kapag ginagawa nya.
Binayaran nya Ang intrance, para makasakay kami.
Walang salita na lumabas sa bibig ko.
Ibat ibang rides Ang nasakyan namin at sya lahat Ang nagbayad. Hindi nya hinahayaan na Ako Ang mag bayad.
Hanggang sa makasakay kami sa ferris wheel. Nang tumigil kami sa pinaka tuktok binuksan nya Ang bag nya.
" happy birthday mama. Advance happy birthday Po. Sana Po Masaya ka sa simpling date na ito." Hindi ko alam Kung ano ba Ang naramdaman ko.
Binigay nya sa akin Ang Isang box na naka wrapped. Habang nakahawak ng camera. Naiiyak ko namang tinanggap Ang gift nya para sa akin.
" Sabi Po ni papa lee at papa Carlo na videohan daw Kita. Sorry Po. Hehe.." cute na tawa nito Kaya napatawa na Rin Ako.
" you just made me so happy baby.." Sabi ko.
" Mama, dinala Po Kita dito sa Lugar na ito dahil Alam Kung Hindi mo na enjoy Ang Kabataan mo. Instead of playing And hanging with your friends, nakakulong ka sa Bahay habang inaalagaan Ako. You are the best mama, in the world alam mo Po ba iyon?" Sabi nito naiyak na Ako ng tuluyan. I carries his face.
" Pero ginawa mo naman akung pinaka masayang batang Ina. And that's the most important." sabi ko naman dito.
" Patapusin mo Po muna Ako. Mawawala Yung pinagpraktisan kong lines ma." natatawa nitong Sabi. Natawa na din Ako habang tumutulo Ang luha.
" Carry on." Sabi ko nalang.
" Alam ko Po Yung history ng pamilya natin. Instead of hating me, your here and treat me like a prince. Mama I love you so much, sorry Kung minsan pasaway Ako. Sana Po, makahanap ka na ng daddy ko hahaha." nanlaki Ang mata ko sa sinabi nya. Pinisil ko naman Ang pisnge nya.
" Ikaw. Hahaha.. pero gusto mo talaga ng daddy?" Tanong ko sa pabirong tinig.
" Kung pwede po." Sabi naman nito.
" Ma'am, sir labas na Po kayo." Sabi ng Isang lalaki na syang nagbukas ng pintong sinasakyan namin. Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay na natawa at lumabas.
Hindi man lang namin namalayan na tumigil na pala Ang pag ikot ng ferris wheel.
Kumain kami sa mga street foods, at pagkatapus nun umuwi na kami sa Bahay.
" Ano apo? Nag injoy ba Ang princesa natin?" Tanong ni papa Kay Carlisle ng buksan nya kami ng pinto. Gabi na din Kase Kaya nakasara na Ang pinto.
" Opo papalo." Masayahin naman na Sabi nito. " punta lang Po Ako sa kwarto magbibihis lang Po ako." Sabi nito na agad naman na tinanguan ni papa sabay gulo sa buhok nito.
" Anak mag bihis ka na din, at kakain na tayo." Si mama. Agad naman ako na tumango. Agad Ako na pumunta sa kwarto ko at nagbihis. Nang natapus ako sa pagbihis, agad ako na lumabas para sa hapunan.
Nakita ko naman silang lahat na nakaupo na sa mesa, habang may maraming pagkain sa hapag.
"Halika ka na dito mama. Dito ka po sa tabi ko."Sabi nito. Na agad ko namang sinang-ayunan.
"Wow andaming pagkain!!" na eexcite na turan ko. "Pray na." sabi ko at nauna pang nakapikit.
"The name of the father the son the holy spirit, God salamat po sa pagkain na nasa harap namin ngayon. And blessed mama because it's her birthday Tomorrow. Thank you for the blessing na natatanggap namin everday. And may these food give strength sa amin po. Amen."Pray ni Carlisle.
"Amen!!"Sabi naman naming lahat. At nag simula na kaming kumain.
"So kamusta ang date nyo ni mama mo kanina Carl?"Tanong ni kuya Carlo habang sumusubo nang pagkain.
"Okay naman po papa Carlo. Naiyak po si mama kanina, tyaka may video naman po. Manuod nalang po kayo mamaya."Masigla naman na sabi nito.
"Iyakin parin ang princessa namin."Sabi naman ni kuya Lee.
"Try nyo kaya kuya, magkaruon nang anak na tulad ni Carlisle kung hindi ba kayo maging emotional na tulad ko."Sabi ko
Napangiti naman silang lahat sa sinabi ko. "Ang gwapo talaga nitong apo namin."Sabi ni papa.
"Syempre pa. Saan pa ba nagmana, edi sa akin!"Kuya Carlo.
"Wag pabida Carlo, alam mo namang sa ating dalawa ako ang gwapo, kaya sa akin yan nagmana."Sabi naman ni kuya lee.
"Ako kaya, eh mas marami nga ang naghahabol sa akin na mga babae eh."Kuya Carlo.
"Wag kang ulyanin Carlo, pinagkakautangan mo yun. Haha."Kuya Lee.
"Hahahaha!!!"Napuno nang tawanan ang mesa sa kanilang dalawa, matagal na kase yang nagpapa gwapuhan. At kung saan daw ba nagmana si Carlisle sa kanilang dalawa.
Masaya ako na ganito nila kamahal ang anak ko. Kahit wala syang ama, pinupunan naman ito nilang tatlo nila papa at kuya.
"Tama na yan, baka magkakasakitan kayo."Sabi ni mama na tumatawa pa.
"Ma, diba mas gwapo naman ako?"Nagpapaawa na sabi ni kuya Carlo.
"Kung sa tingin mo gwapo ka anak, wala na kaming magagawa. Haha"Sabi ni mama kaya lalong napuno nang tawanan ang hapagkainan.
"Hahahaha!!!"Tawanan naming lahat.
"Ma, naman, akala ko pa naman kakampi kita."Sabi pa ni kuya Carlo. Pero wala tinawanan lang namin sya lalo.
"O sya, gwapo ka naman. Ikaw maghugas nang pinggan Carlo."Sabi ni mama at tumayo. Sabay tawa nang mahina.
"Oo, ipapaubaya ko na sayo ang ka gwapuhan Carlo. Ikaw na ang maghugas nang pinggan."Kuya Lee.
"Oo nga naman anak. Alam mo naman basta gwapo."Dagdag pa ni papa kaya lalong napasimangot si kuya Carlo.
"Binobola nyo lang naman ako eh."Sabi ni Carlo na syang lalong kinatawa naming lahat. "Pero sige na, tutal sinabi nyo naman na ako yung gwapo."Dagdag nya. Tyaka sya na ang nagligpit nang mga plato.
Umalis na naman sila mama, papa at kuya Lee, kaya kami nalang tatlo ang andito sa kusina at, tinutulungan sya na mag ligpit.
"Ako na dito bunso at pamangkin. Tapusin nyo na ang homework nyo."Pigil nito sa amin.
"Sure ka kuya?"Tanong ko.
"Oo, sige na alis na kayong dalawa at mag study na kayo."Kuya Carlo.
"Sige po kuya, salamat. Basta sure ka na okay lang sayo na maghugas nang pinggan?"Ako at tumango naman si kuya.
"Oo, bunso. Alis na kayo, mag aral kayo mabuti, bunso at pamangkin. Wag kayong tutulad sa akin."Kuya Carlo.
"Sige po papa Carlo. Papanhik na po kami sa itaas."Paalam naman ni Carlisle na tinanguan lang ni kuya, kaya agad din kaming umalis sa harap nya.
Sila mama naman, andito sa sala at nanunuod ng pelikula.
"Ma, pa, kuya, papanhik na po kami."Paalam ko sa kanila.
"Sige anak, aral mabuti. Ikaw din apo."Sabi ni mama. Tumango lang naman ang anak ko at nauna nang naglakad paitaas. Sumunod naman ako sa kanya. Magkatabe lang kase ang kwarto namin.
Agad syang pumasok sa kwarto nya, kaya sinundan ko sya. Tinignan ko ang kwarto nya at napaka linis nito. Parang kwarto nang babae dahil sa linis. Maliit lang naman sya na kwarto. Pero tama lang para magkasya ang kama, kabinet, at maliit na lamesa.
Nakaupo sya sa upuan duon sa may maliit na mesa at, mag-aaral na siguro.
"Anak, kwento mo naman sa akin kong ano nangyari sayo kanina sa school."Sabi ko at naupo sa kama nya na kulay blue. Humarap naman ito sa akin at nagsimulang mag kwento.
"Wala naman po masyado ma, tulad lang nang dati, pasok sa classroom, kakain sa pananghalian, balik sa classroom tsaka uwian."Malumanay na sabi nito.
"Wala ka bang kaibigan anak?"Tanong ko. Nag-aalala kase ako baka hindi sya nakikipagsalamuha sa mga kaklasse nya. O baka binubully sya.
"Meron naman pong gustong makipag kaibigan sa akin."Sagot nito.
"Kinaibigan mo ba? Sabihin mo lang anak kung hindi ka masaya sa school mo. Ililipat kita agad."Sabi ko dito.
"Ma okay lang po, tsaka maayos naman ang pakikitungo ng ibang students sa akin. Tyaka, masaya naman po ako duon."Nakangiti na sagot nito sa akin.
"Sa susunod pakilala mo kaibigan mo huh? Kung pwede dalhin mo din dito sa bahay para makilala namin, nina mama at papa, tyaka mga tito mo din."Nakangiti kong sabi.
"Sige po ma."
"O sige na, baka naabala na kita, aalis na ako. Wag masyadong magbabad sa mga libro huh?"Sabi ko sabay tayo at nilapitan sya tyaka, hinalikan sa nuo. Tinignan ko pa sya sandali bago ako lumabas sa kwarto nya.
Bumalik ako sa kwarto ko at ginawa na din ang kailangan kong gawin. About sa school. Agad kong tinapos ang mga homework at nag study na din.
Nang natapus, agad akong nahiga at natulog na. Hindi din naman ako nahirapang matulog kase, napagod din naman ako.
KINAUMAGAHAN agad kong ginawa ang morning routine ko. Kailangan kong pumunta sa school ng maaga dahil meron kaming practice nang valley ball. Pang bawas na din ng tuition sa school.
"Good morning ma."Bati ni Carlisle sa akin.
"Morning."Sabi ko naman dito at linapitan sya tyaka hinalikan sa nuo. Umiinom sya nang gatas, tapus na sigurong kumain.
"Wait ka lang sandali nak, kakain lang ako sa ay na tayong aalis."Sabi ko tyaka mabilis na kumain. Sya naman ay pumuntang sala.
Binilisan ko ang pagkain tyaka nag momog, at lumabas nang kusina. Gustuhin ko mang hugasan pa ang pinagkainan namin, ay baka ma late pa ako.
"Tara na nak. "Aya ko sa kanya at binitbit ko na ang bag ko na ang laman naman ay ang mga damit pampalit. Andami kong dala.
"Tulungan na kita ma."Sabi ni Carlisle at agad na kinuha ang bag na may laman na mga pampalit ko.
"Salamat nak, tara na."Sabi ko. Agad naman kaming lumabas at sumakay ng tricycle. Una ko syang hinatid sa school nya bago sa akin.
Mas malayo kass ang school ko sa kanya. Kaya lang naman syang lakarin pero para hindi na pagpawisan ang baby ko sumakay nalang ng tricycle.
"Mag-iingat ka nak. At wag papagutom, ito oh pang snacks mo."Sabi ko sabay bigay sa kanya nang one hundred pesos.
"Ma, meron pa po akong pera. Binigyan po ako ni papalo kanina."Sabi naman nito sa akin at hindi tinanggap ang binigay kong pera.
"Sige na nak. Tanggapin mo na ito tyaka pumasok ka na."Sabi ko at ako na mismo ang naglagay ng pera sa bag nya tyaka sya hinalikan sa nuo. "Mag-iingat ka."Sabi ko pa.
"Salamat ma. Sige po, pasok na ako."Paalam nito sa akin. Kumaway lang naman ako sa kanya. Agad naman sya na umalis sa harap ko hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.
"Tara na manong."Sabi ko kay manong nang hindi ko na nakita ang anak ko. Agad naman na pinasibad ni manong ang tricycle. Hanggang sa makarating kami sa skwelahan ko. Sa Autumn School.
Mahirap maging ina. Nung una, hindi ko alam kong paano ko ba pakikitunguhan ang anak ko. Kung ano ba ang dapat kong gawin. Ni minsan hindi ako nagalit sa kanya. Anak ko sya. Ang pagkakamali lang nung ama nya ay na rape ako. Gusto ko man pagsisihan kung bakit gumala ako nung araw na iyon na birthday ko, pero paano ko magawang magalit kung ganun kabait na bata ang binigay sa akin.
Hindi sya nakulong. Hindi namin sya nakita. Hindi namin sya nakilala. Pero okay lang. Limang taon din yun hinanap, pero hindi talaga sya nahanap. Magaling syang mag tago.
AUTHORS POV,
"WHAT HAVE YOU DONE?!!"The name Rhett Morgan Ventura has been fuming mad.
"Sir, hindi ko po sinasadya.."Nanlalamig at nanginginig na sabi nang sekretarya nya.
"YOU'RE FIRED!!"Sigaw nito na halos ikayanig nang buong building.
Paano ba naman. Dahil sa takot nang sekretarya sa kanya, nanginginig itong dinalhan ng kape ang CEO. natapunan ang papeles nito na tapus nang permahan kaya galit na galit ito sa sekretarya.
Walang nagawa ang sekretarya at umalis nalang na walang salita na nanggagaling sa bibig. Ang paghinga ay pinipigilan wag lang maglikha nang ingay. Kahit ang paglalakad, pinilit na hindi lumikha nang ingay kahit na nanginginig.
Kinakatakutan si Rhett dahil sa hindi magandang ugali nito. Hindi sya tulad ng ibang CEO na nginingitian ang mga impleyado. Kahit sa paglakad nya sa hallway, walang bumabati sa kanya. Pigil din ang kanilang paghinga kapag nasa malapit lang ang kanilang boss.
Kinuha ni Rhett ang kanyang cellphone at tinawagan ang kapatid.
"New secretary."Tipid na sabi nito at agad na pinatay ang tawag. Ni hindi ito nakapagsalita.
Hinihilot nya ang kanyang sentido habang pinagmasdan ang natapunan nang kape na mga papeles.
Ilang sandali lang, may kumatok sa pinto nya. "Come in."Tanging sambit. Agad naman na bumukas ang pinto at naglakad ang lalakeng wala ding emotion na nakatingin sa kanya habang papalapit.
"I am the new secretary sir."Malamig din tulad nang yelo na sambit nito.
"Clean this mess."Sabi nito sabay tayo."And tell everyone to send again the papers. I'll give them one hour to do their work."
"Yes sir."Walang reklamo na sabi nang kanyang sekretarya. Agad naman sya na lumabas nang office. And tulad nang nakasanayan, wala syang naririnig kundi ang ingay lang nang aircon at mg machines ang tanging naririnig.
Lumabas sya nang building at pinuntahan ang iskwelahan kung saan sya ang nag mamay-ari. Students gasp dahil sa kagwapuhang taglay nang naglalakad na lalaki.
He walked like a king. Heads up, chest out, and the way he walk, so manly. Sya yung tipo nang lalaki na
Pinapangarap nang mga babae. Gwapo, macho, at mayaman. Yung masasabi mong perpekto. Except lang sa ugali nya na pang demonyo.
Habang naglalakad ito duon sa hallway patungo sa office nya kung saan makikita ang buong school. May nabangga syang bata.
Isang batang lalaki. Matutumba na sana ito pero sinalo nya ito sa hindi nya alam na dahilan.
"Oii Montenegro, okay ka lang?"Sabi din nang isang bata at tinignan sya."Ikaw pala tito!!"At magiliw na nginitian sya nang bata.
Tumayo nang ayos si Carlisle at tumingin sa tinawag ng kaibigan na tito. Halos matumba sya sa kinatatayuan nito dahil sa nakita.
Yung gaan sa pakiramdam na naramdaman nya kani kanina lang, biglang bumigat. Para syang tinulos sa kanyang kinatatayuan.
Si Rhett naman, hindi nya din mapigilan ang sarili na mapatitig sa batang kanina lang ay hawak nya. Subrang gaan nang pakiramdam nya na para ba syang dinuduyan. Nakita nya ang sarili nya sa batang kaharap nung nasa teen pa sya.
At hindi nga nya napigilan ang sarili nya na itaas ang mga kamay at haplosin ang mukha nito. Pero sa hindi nya inaasahan sa buong buhay nya, tinampal ni Carlisle ang kamay na nasa pisnge nito.
Nakita nya sa mga mata nito ang galit na nag-aapoy. Hindi nya maintindihan kung bakit, galit sa kanya ang bata na nun pa man sila nagkita at nagkakilala.
"Nako pasensya ka na tito, wala sa mood tong kaibigan ko."Si Zalde na ang huminge nang tawad sa kanya.
Wala syang salita na narinig galing sa Montenegro kung tawagin nang pamangkin.
Umalis ito sa harap nya at nagpatuloy sa paglakad. "Ahm, tito alis na po ako, sorry po sa ginawa ni Montenegro, galit ata yun sa mundo. Bye po."Sabi nito at kumaway pa.
Kahit ang batang si Zalde alam kung paano magalit ang tito nito. Hindi lang nito alam kung bakit hindi nakapagsalita ang tito nang tampalin ng kaibigan ang kamay nito.
Nagpatuloy si Rhett na naglakad. Hindi nya alam kung bakit ganun ang rection nya nang makita at mahawakan ang batang iyon.
Sa taas nang building nakatingin lang sya sa ibaba, nakatingin sya sa mga istudyante na nagkukumpulan. Nahagip nang mata nya ang dalawang bata na naglakad sa gitna at para bang walang naririnig o nakikita.
Nang matitigan ang dalawang batang naglalakad, nakilala nya ito. Ito ang pamangkin nya at ang batang Montenegro.
Ininom nya ang wine sa baso na hawak. Umupo sya sa isang upuan at pinikit ang mga mata.
Hindi pweding meron syang anak dahil kahit na minsan, wala syang nakarilasyong babae. Wala din syang oras para pansinin ang mga nagpapapansin sa kanya. Buhos ang oras nya sa trabaho.
'Why do I fucking feel good to that young man? And why he acted that way to me? Did he know me? Did he knew that I am the owner of this school for him to treat me that way? Does he fuckin' know that I could remove him away from this school? But what does this shits I'm feelin'? I'm being wierd'
Gulong gulo ang isip nya. Hindi nya alam kung bakit ang gaan nang pakiramdam nya sa batang iyon. Kung bakit sa buong buhay nya ngayon lang sya nakaramdam ng prang dinuduyan.
ATHENA LEIGH MONTENEGRO POV,
Ilang araw na kaming nag pa practice nang Valley ball. Pawisan akong naupo sa isa sa mga bleachers dito. Uminom ako nang tubig at nang mabawasan naman ang uhaw na nararamdaman.
Paano ba naman kase, malapit na ang laro namin sa kabilang school. Which is school nang anak ko. Hindi lang nama kase sa High school ang laro na ganito, pati din naman sa college. Yun nga lang, kailangan mataas lagi ang marka sa school. Ito din ang dahilan kung bakit nababawasan ang bayarin ko a iskwelahan.
"Balik na sa court!!"Sigaw ni coach. Mabailis naman kaming pumunta sa court at nag line up. "So guys, always keep in mind na ilalaban kayo sa private school na mga players. Alam naman nating lahat na magagaling sila. As your coach, kahit hindi manalo, basta ibigay nyo lang ang best nyo, sapat na iyon sa akin. Try harder, alam ko meron pa kayong ibubuga. Alam ko kung mas itodo nyo pa, hindi malayo na mananalo tayo. Kuha nyo ba?!!"Coach Impol.
"YES COACH!!"Sabay sabay na sagot naming lahat.
"Always remember na kung mananalo tayo, may allowance din kayo, hindi man ganun kalaki pero makakatulong parin naman. So do your best!!"Sabi ni coach. "Kaya nyo bang manalo!!!"
"KAYA!!!"Sigaw namin.
"Hindi ko narinig. KAYA NYO BANG MANALO?!!"COACH
"KAYA COACH!!!"Kaming kahat.
"Okay, good. For now tapus na ang training pwede na kayong umuwi. Goodbye everyone!!"Sabi nito sabay alis.
Nagsiupuan naman kami dahil sa pagod.
Nakakapagod.