Chapter 2:
"Ma, may meeting po bukas sa school."Sabi ni Carlisle sa akin.
"Sige nak pupunta ako bukas."Sagot ko naman sa kanya. Linggo bukas kaya walang klase. Ako ang dadalo sa meeting.
Hindi na sya nagsalita pagkasabi nya sa akin nun. Tiningnan ko naman sya na nanonood ng pilikula. Oo nag momovie marathon kami. Andito din sila kuya, nanonood ng movie. Focus na focus sila. Ang attention ko naman ay sa anak ko.
Minsan din naiisip ko din kung ano ang hitsura nang tatay nya. Hindi ko alam kung ano ang hitsura nya, sa tagal na din ng panahon. Sigurado ako, kung ano man ang mukha nya dati hindi na ganun ang mukha nya ngayon.
Curious ako minsan kung ano hitsura nya dahil lagi kong nakikita ang anak ko. Subrang gwapo nang anak ko na para bang anak ng taga ibang bansa. Parang hindi Filipino.
Nahaplos ko naman ang mukha nang anak ko na wala sa sarili. Napatingin naman ito sa akin.
"Bakit po ma?"Tanong nito. Umiling lang ako bilang sagot. Kaya binalik din nya agad ang mga mata sa pinapanuod.
"Athena baby nonood ka pa? Hindi mo ba gusto ang napili naming movie?"Tanong nito. Umiling naman ako bilang sagot. Tyaka sya nginitian, at nagsalita.
"Okay lang naman sa akin kuya. Wag mo akong alalahanin."Nakangiti kong sabi.
"Itong si bunso talaga.. Sabihin mo nalang kase sa amin na gusto mo lang magpabili nang ice cream kay kuya lee."Naka ngisi naman na sabi nito.
Natawa naman ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga itong si kuya Carlo idinadaan sa ibang tao kung may gusto sya..
Ganyan yan si kuya Carlo, medyo siraulo pero mahal na mahal namin yan. Sya yung nagpapawala nang masamang vibes dito sa bahay.
"Hindi kaya!!"Nakanguso kong sabi.
"Kahit gusto nya talaga! Kuya lee bili ka na nang ice cream dali!! Nagugutom na princessa natin!!"Sabi ni kuya Carlo. Napailing nalang si kuya lee sa mga sinasabi ni kuya carlo.
"Si athena lang at Carlisle ang lilibrihin ko. Pasensya ka na Carlo. "Nakangisi na sabi ni kuya lee, sabay tayo at labas nang bahay. 8pm naman kaya bukas pa ang mga tindahan.
"Kawawa talaga ako palagi."Bulong ni kuya Carlo. Mahina naman akong natawa. Nakita ko din na napangiti si Carlisle sa sinabi ng tito nya.
Nagpatuloy kami sa panonood hanggang sa makarating si kuya lee na may dalang ice cream.
"Hindi naman ako ganun kasama Carlo, meron din namang sayo!..pft."Natatawang sabi ni kuya lee. Nakanguso kase si kuya Carlo habang nakatingin sa amin na binibigyan ni kuya lee nang ice cream. Lumaki pa yung mata ni kuya Carlo nang ibigay ni kuya lee ang isang cup nang ice cream.
"Salamat!!!"Subrang saya at excited na sabi nya at agad na binuksan.
Masaya kaming nanuod nang movie, hanggang sa matapus ito. Sana ganito nalang kami palagi. Pero si kuya lee malapit nang ikasal kaya ngayon pa lang namimiss ko na sya dito sa bahay.
Si kuya Carlo naman sabi nya meron daw syang girlfriend pero di naman nya dinadala dito sa bahay.
SUBRANG GANDA nang school nang baby ko. Halatang pang mayaman. Pinalibot ko ang tingin ko at subrang ganda talaga nito. I can't describe how beautiful this school is. At alam kong subrang mahal din nang school na ito.
"Get out of my way woman."Ma autoridad na sabi nang malaki at nakakatakot na boses. Napalingon naman ako dito. At halos mahugot hininga ko dahil sa subrang gwapo nang lalake na nasa harap ko ngayon.
Subrang gwapo nya na hindi nakakasawang tignan. Makapal ang kilay, maganda na pagkakagupit nang buhok, pointed nose, panlalaki na panlalaki na jawline, mapupulang labi na parang may lipstick. Mahaba din ang pilik mata nya na syang bumagay sa kanya nang subra. Alam kong maganda ang hubog ng katawan nya dahil nakabakat ito sa long sleeves nya.
"Dont fucking look at me, woman. You whore. Get. Out. Of. My. Way!"Sabi nito. Lahat nang compliment ko sa kanya, biglang nagbago. Natubuan sya nang pangil, buntot, mahahaba na kuko, at sungay. Ang resulta naging pangit syang nilalang.
Umasim ang mukha ko sa naisip ko.
Nasaktan ako sa sinabi nya. Bawal na ba matulala sa gwapo ngayon?
Inismidan ko naman sya. Gusto kong magalit pero, wag nalang. Sayang sa laway. Agad ko syang tinalikuran at pumunta sa isang room kung saan gaganapin ang meeting.
Nang makarating agad ako na naupo sa isang bakanteng upuan. Sa lahat-lahat na andito, ako lang siguro ang pinaka bata. Kung tutuusin, parang kapatid ko lang si Carlisle which is anak ko naman talagang tunay.
Pumasok yung antipatiko na lalaki kanina. Agad naman na tumayo ang lahat nang andito kaya napatayo na din ako.
"Good morning, Mr Ventura!! "Sabay sabay na sabi nila.
"You may take your seats."Matigas na sabi nito. Inismidan ko naman sya at agad na naupo tulad nang iba. Sya ba ang may-ari nang school?
"This meeting is all about, the upcoming School festival na gaganapin dito sa school. For the first time since this school built. To make this school year more memorable, me and the co-members decided to make the students stay still here in the campus for three weeks."Sabi nito. Napaisip naman ako sa sinabi nya. Subra naman ata yun.
At seryuso? Sya may-ari nang school na ito? Pati na din yung tatlo pa?
"Mr Ventura, how can we be so sure na safe ang anak namin dito for that three weeks--"Sabi nang isang may idad nang babae na halata parin sa pananalita ang pagka arte.
"Don't talk when I'm still talking!"Nanlilisik nang mata na sabi nito sa babae. Napataas naman ang kilay ko sa inasal nya. Natahimik yung babae at parang tuta na napayuko. "I will make sure that your childrens are safe inside this school. Every friday afternoon to sunday noon, they can go home. This event is for the students to socialized with their fellow classmates and grade level."Sabi nito.
"We decided to make this event for the mental health of the Children. My grandparents built this school to make the students feel comfortable and free. But as the time goes by, the school became their enemy. School should be the second home they have. But they are pressure about having high grades. And more on competing. As the owner of this school and to the other three schools, which is LUNA, AUTUMN, DILAN, and the name of this school, VENTURA UNIVERSITY, all I wanted is the best for the students and not just for the school. We have cafeteria, so no need to worry about the food for your children. Any objections? Or any questions?"Sabi nito. Linilingon pa ang lahat.
"Magdadala ba nang tent?"Tanong nang kung sino.
"Yes, this is some kind of camping but, its inside the campus to make everyone safe."Agad naman na sagot nito.
"Pwede kaming pumunta to support our childrens?"Tanong nang may katandaan na.
"The school is open for all of you parents. I't was a pleasure having you here"Agaran na sagot nito. Bibilib na sana ako sa kanya ngayon, kaya lang sinabihan nya ako kanina na whore. Sino bang hindi maiinis diba?
"Any other quetion parents?"Tanong nito.
"Nothing Mr Ventura."Sagot nang isang lalaki.
"This meeting ended here, thank you for coming parents."Cold na sabi nito. Agad naman nagsi tayuan ang nga parents kaya tumayo na din ako at umalis.
"Gwapo sana, antipatiko lang. Sarap nyang paliguan sa kanal!!"nanggigigil na sabi ko, habang naglalakad.
Pa tingin tingin pa ako sa paligid at hindi ko talaga maiwasang humanga dahil sa ganda nito. At sa totoo lang hindi impossible na mag kasya ang apat na schools dito dahil talagang subrang laki nito. Sa lahat kase nang school sa apat na school ito yung pinaka malaki, pero ito din naman yung pinaka maliit ang istudyante. Hindi kase afford nang iba, tulad ko kaya nakontento nalang sa kaya lang na school.
Matataas ang building dito, hanggang 10th floor.
"I know that my school is good, it's also expensive. But can you get out of my way again."Matigas na sabi nito. Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. "And what are you doing here? It's clear like sky that you can't afford this school."Walang emotion pero halata ang panlalait sa mga sinabi.
Pinipigil ko ang inis na ngayon nag uudyok sa akin para sipain ang walanghiyang ito. Nilagay ko sa likod ko ang nakakuyom ko nang kamay at pilit na ngumiti.
"Ni minsan din naman hindi ako nangarap na makapag-aral sa mayamang iskwelahan."Nagpipigil sa inis na sabi ko.
"And what are you doing here if thats the case? Are you stalking me?"Sabi nito. Isa nalang talaga at ihuhulog ko na ito dito sa building nasa 8 floor pa naman kami. "And this meeting is for parents, Not for-- Oh my mistake, do you have a child studying here? From your man whoring child--"Ventura. Naputol ang sasabihin nya pa na masasakit na salita nang may magsalita sa likod ko.
"Don't you dare open your dirty mouth and say those dirty words to her."Napalingon ako dito, just to see my son with raging fire on his eyes."How shameful. Judging others when they have also flaws."May galit na sabi nito. First time kong makita ang anak ko nang ganito.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi mo sasama kila kuya?"Tanong ko dito pero hindi ito natinag sa tanong ko. Nakatingin lang sya sa kay Mr Ventura na ngayon ay parang nawala yung dila.
Napatingin ako dito at umamo ang mukha na para bang nakakita nang taong katapat.
"I'm sorry Mr Ventura, but your words are unacceptable, and I can't stand hearing such a thing. Specially for those people I love."Sabi nito. Carlisle, my son. Tyaka ako binalingan nang tingin. Mahinahon na sya at bumalik yung inocente kong anak, yung kahit na minsan, hindi ko nakitang galit.
"I'm also sorry for admiring you, hindi ko naman kase alam na bawal ka palang hangaan. Sorry for the misunderstanding."Sabi ko din. Huminahon na ako kase ayaw kong makita nang anak ko na may inaaway ako.
"Tara na po, Nasa labas na si papa Lee at papa Carlo."Sabi nito. Binigyan ko naman muna nang isang tingin si Mr Ventura bago naglakad kasabay ang anak ko. "Hihintayin daw nila princessa nila kaya andito kami."Mahinhin na sabi nito sa akin. Subrang layo sa tinig na ginamit nya kanina nang kausap ang Mr Ventura. Umakbay pa sya sa akin.
"Sila kuya talaga. Haha."Tawa kong sabi dahil laging ganito sila kuya kahit dati pa lang.
"Ma? Okay ka lang po ba?"Biglang tanong nito sa akin.
"Okay lang naman nak. Tyaka misunderstanding lang yung nagyari kanina anak. At tyaka wag mo nang uulitin yun. Wag kang sumabat sa usapan nang matatanda. Alam mong ayaw ko nang ganun, ayaw kong madamay ka sa gulo. At wag mo na din uulitin yung sumasagot sagot ka, hindi yun magandang tignan."Pangaral ko sa kanya.
"Sorry po ma. Hindi na po mauulit."Sabi nito. Napayuko pa.
"Okay lang nak, basta wag lang uulitin."Sabi ko "Pawis na pawis ka, saan yung panyo mo?"Ako nang mahawakan ko ang likod nya na basang basa nang pawis.
"Naiwan po sa bahay."Sagot nito.
"Sa susunod, wag mong kakalimutan ang panyo mo, wag papatuyo nang pawis."ako, sabi ko at pinisil pa ang mahaba nyang ilong.
"Andito na princessa natin kuya!!"Medyo may kalakasan na sabi ni kuya Carlo. Ang ingay talaga nito kahit kailan.
"Kuya naman, pumunta pa talaga kayo dito, kaya ko namang umuwi mag-isa.."May malapad na ngiting sabi ko sa kanya.
"Athena baby, hindi namin alam kung kailan nalang kami gaganito sayo, lalo na at malapit na akong ikasal. At hindi na ako lalagi sa bahay, kaya sinusulit ko lang."Sabi ni kuya Lee.
"Oo na sige na."Nakangiti ko paring sabi.
"Ganda nang princessa namin. Kuya libre daw sabi ni Athena.."Sabi ni kuya Carlo. Nanlalaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Mukha mo kuya Carlo!! Ikaw nalang kaya manlibre sa amin!!?"Sabi ko sa kanya at ngumisi pa ako nang malapad.
"Wala akong pera eh, naubos nung isang araw. Nakipag date kase ako sa lalabs ko."Nahihiya at namumulang sabi ni kuya Carlo kaya natawa kaming tatlo na syang dahilan kong bakit nahiya pa sya lalo.
"Hahaha. Sige na ako na manlilibre!"Kuya Lee.
"Lika na, gwapong pamangkin at manlilibre daw si kuya!!"Kuya Carlo na syang umangkas na sa motor nya. Agad din naman na umangkas si Carlisle.
Umangkas na din ako sa motor ni kuya Lee pagkatapus isuot ang helmet. Ganun din sila, mga nakasuot na nang helmet.
Agad nilang pinasibad ang motor at pumunta sa McDo.
Masaya kaming kumain sa McDo, nagkwekwentuhan. Subrang saya namin.
"Andito si Montenegro!!"Rinig kong tili nang isang babae.
"Lapitan mo na dali!!"Sabi in nang isa pa..
"Baka hindi ako pansinin eh!"
"Papansinin ka nyan, dyosa ka naman eh."
Rinig na rinig kong sabi nang mga babae.
"Rinig nyo yon? Subrang gwapo ko talaga na kahit dito maraming nakakakilala sa akin."Sabi ni kuya Carlo. Napatawa naman kaming tatlo sa kanya.
"Montenegro tayong lahat kung nakakalimutan mo, Carlo."Natatawang sabi ni kuya Lee.
"Ako naman pinaka gwapo sa atin--"
"Excuse me.."Sabi nang isang babae na lumapit sa amin. Tatlo sila at mga bata pang talaga, halata din na mayayaman ito.
"Anong atin ladies?"Tanong ni kuya Carlo. Nakangiti pa ito nang malapad.
"Pwede ba kami magpa picture kay Montenegro?"Tanong noong nasa harap na namumula.
"Sinong Montenegro ba ang tinutokoy mo? Lahat kase kami Montenegro."Nakangiti na tanong ni kuya Lee. Nahigit naman nang babae ang hininga at hindi alam ang gagawin.
"Omg.."Mahinang bulong nito. At aatras na sana pero pinigilan nong mga kaibigan nya. "Ayoko na, nahiya na ako.."Bulong nito sa mga kaibigan nya.
"Si Carlisle ba?"Tanong ko. Mas lalo namang namula yung nanghihingi nang picture. At yung dalawa naman na nasa likod nya ay tumango. "Yeah sure."Sabi ko at agad na tinulak ang anak ko patayo. Wala itong emotion sa mukha.
Tumabi naman sa kanya yung babae. Si Carlisle naman ay parang statue na nakatayo.
"Okay 1-2-3"Bilang nung may hawak nang camera."Isa pa.." Sabi nito.
"Baby ngiti ko."Sabi ko dito
"Akbayan mo din chiks mo!"Kuya Lee. Wala naman itong nagawa at unakbayan ang babae tyaka ngumiti.
"Wah!! Perfect!!"Sabi nung mga babae at kinikilig pa. Napailing nalang ako. Ambabata pa.
"Salamat Carl, Penelope nga pala, Penelope Madrigal. Kung hindi mo alam, classmate tayo."Mahinang sabi nito.
"I know and welcome."Tipid na sagot nito.
"Salamat ulit at aalis na kami."Sabi nito at tumingin sa amin. "Salamat." Sabi nito na nginitian ko lang bilang sagot. Agad naman sila na umalis. At agad naman na naupo si Carlisle nung wala na sila sa paningin namin.
"Ano ka ngayon Carlo? Napahiya ka. Hahaha."Kuya Lee kay Kuya Carlo. "At akalain mo nga naman tong pamangkin namin marami palang chiks."Tudyo ni kuya Lee. Medyo nailang naman si Carlisle sa sinabi nang tito nya.
"Classmate naman pala kase kuya. Syempre basta classmate kilala naman talaga."Kuya Carlo. Natawa nalang kami sa mga sinasabi nya.
"Wag kase masyadong mahangin Carlo!!"Kantyaw ni kuya Lee kay kuya Carlo.
Napanguso naman ito nang parang bata. Kahit talaga kailan itong si kuya Carlo, parang bata.
Kalaunan napag-isipanna naming umuwi. Subrang nag enjoy kami sa pagkain namin at kulitan. Nakauwi kami sa bahy nang safe at agad na dumeretso sa mga bawat kwarto namin dahil sa pagod.