"Good thing andito ka na Athena. Anyway ngayong Umaga, wala pa namang palaro kase nga opening. Dederetso na muna tayo sa gymnasium at duon gaganapin ang opening. Tara na punta na tayo dun."Sabi ni Coach.
"Sige po sir."
"Kasama mo pala anak mo. Good morning."Bati ni sir Kay Carlisle na nakatayo sa may pinto habang nakatanaw sa amin.
Naunang umalis si Zalde at sya na DAW ang mag sign in para sa kanilang dalawa.
"Good morning din po sir.."Bati naman ni Carlisle sa coach.
"Tara na at magsisimula na.."Coach.
Walang salita naman kaming sumunod sa kanya nung lumakad sya. Pag dating sa gymnasium napahiwalay na kami kay Coach dahil meron Silang sariling upuan sa may unahan.
Hindi nga nag tagal at nag simula na nga ang opening.
Subrang dami ng students ngayon at talagang masaya ang lahat.
Naka color coding ang bawat school kaya madali naming ma identify kung taga saang school ang makakasalubong namin.
Subrang saya nang opening lalo na nung tumayo si Mr Rhett Ventura sa harap. Hindi naman kase maipagkakaila na subrang gwapo nya.
Kahit nga ako na walang pakialam sa gwapo, napansin sya kase nga, iba yung kagwapuhan nya.
Hiyawan dito hiyawan duon. Nakikisabay ako minsan. Kase nga nadadala ako. May dance troupe na syang mapapabilib ka talaga, from this University.
Sa tagal Kong nag-aaral ngayon lang ito nangyari kaya subrang memorable nitong taon na ito. Graduating na kase at sana naman maka graduate talaga.
"Ma.."Tawag ni Carlisle sa akin, kung saan kakarating lang galing canteen at bumili nang snacks. Inabutan nya ako ng pagkain na tinanggap ko naman.
Tumabi sya ulit sa akin at kinain ang binili nyang chocolate. Unexpectedly someone called my name, on stage.
"Athena Leigh Montenegro, this is for you!!"Sabi nito sabay stram nang gitara at sya namang ingay nang mga nasa gym. Lahat nang mga nakakakilala sa akin ay napapatingin sa akin habang kinakantyawan ako.
Halos mapatago naman ako Kay Carlisle dahil sa hiya.
"Sino po yan, ma?"Carlisle
"Hindi ko din yan kilala.."Sabi ko. Kase hindi ko naman talaga sya kilala. Hindi ko Alam ang pangalan nya.
"Bagay naman kayo kahit paano, ma."Biglang Sabi nito na halos ikabuwal ko.
"Talagang ikaw pa ang nagsasabi nyan sakin ah. Kinikilabutan ako!!"Sabi ko habang hinawakan yung dalawa kung tenga dahil alam kong namumula ito.
Hiyang hiya ako habang nakaupo dito. Kase naman, kung ano-ano ang pinagsasabi nitong katabi ko.
Medyo inalis ko ang attention sa stage kase nga, para mabawasan naman yung hiyang nararamdaman ko. Hindi ko nalang pinansin ang lahat.
Natapus din naman yung kanta, at nawala sa akin ang attention nang karamihan.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago natapus ang program.
8:30 nagsimula ang unang laro namin. Carlisle stayed with me for the whole time, til sa kanya na naman ako nanuod. He's playing Soccer and I'm proud to say, he's good at it. Hindi ko Alam na magaling pala sya mag laro nang ganitong laro, kase never ko syang nakitang mag laro, ngayon pa lang.
Hindi ako magtataka kung Manalo sila, sa soccer game because they are undeniably good.
In their break time, he's always asking me if I'm fine from where I'm sitting at.
"Ma, magaling ba ako maglaro?"Mahinang tanong nya, and I respond to him with a wide smile.
"Hindi ko alam, magaling ka pala sa soccer. Sino nagturo sayo?"
"Ako lang po, nanunuod kase ako paminsan basta may naglalaro. Tapus minsan sa TV din. Kasama si Papa Carlo at Papa lee."
"Kayo ah, di nyo ko sinasali. Marami na pala akong hindi alam sayo, nak.."
"Alam mo lahat ma. Except lang dito. Sa tingin ko."
Sasagot pa sana ako sa sinabi nya pero, pumito na yung referee.
Dali naman syang tumakbo sa field, pagkatapus magpaalam sa akin.
Dinaos ang laro, at talaga namang napakaingay lalo na nang mga kababaihan at kabaklaan. Tambak ang kabilang grupo sa score na uno at sa Ventura University naman ay kwatro kaya naman, panigurado ang panalo.
"Tubig mo.."Sabi ko sabay bigay nang water battle. "Congrats!!"Masaya kong bati sa kanya.
"Salamat ma.."
"Hindi ka ba sasama sa mga ka grupo mo muna?"
"Okay lang naman sila kahit wala ako, ma."
"My point here is, makipag socialize ka din sa mga kaibigan o ka schoolmates mo."
"Wag na muna sa ngayon, ma."
"Nako tong batang to.. ikaw bahala. Choice mo yan. But I hope, hindi ka maging loner sa school mo. Enjoy your highschool life.." Sabi ko sa kanya na dahilan kung bakit napatitig sya sa akin.
Biglang nawala yung emotion nya at kalaunan napalitan nang nakakapanindig balahibo na titig.
Natampal ko sya sa braso dahil medyo natakot ako. Hindi ko Alam kung anong iniisip nya pero hindi ko gusto ang mga titig na yun.
"Ano yang titig na yan? May nasabi ba akong Mali? Hindi ko gusto yan."
"Sorry po ma."Sabi nito at napayuko.
"Sige na, balik na tayo sa penthouse at kailangan na nating kumain. Asan na si Zalde??"Sabi ko tyaka Hinanap si Zalde. Nakita ko sya duon sa mga ka grupo nila ng football.
"Ako na ang susundo Kay Zalde, ma."Mahinahon na sabi ni Carlisle. Na syang sinang-ayunan ko naman.
Agad syang umalis sa tabi ko at nilapitan si Zalde. Nagka biruan pa bago sila lumakad papunta sa akin.
"Congrats Zalde, ang galing nyo!!"Puri ko sa kanya.
"Nako tita, salamat. Sana sa susunod, Manalo kami ulit."
"Panalo yan!!"
"Bolera to si tita, nako!!"
"Totoo naman kase! O sya, Tara na at kakain na tayo. Tara na, nak."Sabi ko tyaka kumapit sa braso nilang dalawa.
Nag bibiruan kami ni Zalde habang papunta sa penthouse. Si Carlisle naman ay sumasabay lang sa mga kulitan naming dalawa. Nakikitawa paminsan.
"HAHAHA. Hiyang hiya ako nun tita kase nga naihi ako sa shorts ko, Buti nalang talaga dumating sila mommy."Sabi nito na sinabayan ko din naman sa tawa. Binuksan nya ang siradura at tumatawang pumasok.
Natigil kami sa pag tawa nang makita namin si Mr. Ventura na prenting naka upon sa single sofa. Subrang gwapo nya sa suot nyang long sleeves na kulay itim. Napatigil kami sa paglakad at parang may naririnig kaming kuliglig kase nga sa subrang tahimik.
Napatingin naman ito sa amin habang walang emotion ang mukha.
"Tito, andito ka pala!! Nanalo kami sa laro kanina. Dahil Kay pareng Carl nanalo kami, tamo yun parang ikaw lang. Hehehe. Pareho pa kayo nang ugali.."Sabi nito na binulong pa ang dulong sinabi.
"Congrats."Matipid na Sabi nito. Na hindi ko alam kung saan nakatingin.
"Si tita din nanalo kanina sa laro, congrats mo din!!"Pagbibida pa ni Zalde.
"Nako andaldal mo Zalde--"Ako
"Kain na tayo? Gutom na ako."Biglang Sabi ni Carlisle. "Sorry for disturbing you Mr Ventura but we really need to eat. Kagagaling lang namin sa laro, and we are exhausted. Do you mind if pumunta na kami sa kusina?"Mahinahon na Sabi ni Carlisle pero kung ako ang tatanungin, medyo bastos ang mga pinagsasabi nya.
"Carlisle."Sabi ko dito na tinignan sya nang 'Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo' look.
"Ahm.. Mr Ventura, kumain na ba kayo? Kung hindi pa, Samahn nyo nalang kami sa pagkain.."Mahinahon na sabi ko. Habang pinipilit ngumiti, kase medyo napahiya ako sa sinabi ni Carlisle. Una sa lahat hindi namin bahay to. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Hindi ko matantya kung bakit nagkakaganyan tong si Carlisle. Mabait naman na bata iyan. Hindi yan pasaway, ngayon lang talaga.
"Okay."Sagot lang nito sa akin.
"Sige po, ihahanda ko na ang mesa. Zalde, Carlisle tulungan nyo na muna ako."Nakangiti Kong Sabi sa kanila.
"Okay po tita!!"Masiglang Sabi ji Zalde. Habang so Carlisle naman ay tahimik na sumunod sa amin. Silang dalawa ang kumuha nang pinggan, kutsara at tinidor. Habang ako naman ang naglagay ng pagkain sa lamesa pagkatapus i- microwave.
"Pareng Carl kulang ng kubyertos at tinidor."Sabi ni Zalde dahilan bakit napatingin ako sa kanilang dalawa, tinignan ko si Carlisle at zalde.
Bakit parang may mali?
May hindi ba ako alam?
Iba kase ang ugali ni Carlisle ngayon at hindi ko gusto yun. Ganyan ba talaga Pag nagbibinata na?
"Any problem?"Tanong nang kakapasok pa, na si Mr Ventura.
"Wala po Tito!"Zalde "Sige na, dagdagan mo nang kubyertos at tinidor."
Nakamasid lang ako Kay Carlisle na kumuha nang kubyertos at tinidor. Nakaupo na ako at si Zalde ay umupo kaharap ko. Si Mr Ventura naman ay umupo sa may gilid ko, kung saan walang kubyertos at kutsara.
Nang bumalik si Carlisle inabot nya Kay Zalde ang kutsara't tinidor, na sya namang inabot ni Zalde Kay Mr Ventura.
May mali talaga eh. Pero hindi ko alam kung ano.
"Ikaw na mag dasal, nak."Sabi ko dito
He leads the prayer, at naging okay naman ang pagdasal nya.
"Kainan na!!!"Zalde
Naunang kumuha si Zalde nang pagkain. Pinagkuha ko si Carlisle nang kanin ngunit sinaway nya ako.
"Kaya ko na ma, salamat."Hindi ko Alam kung ano ba dapat maramdaman ko sa sinabi nya. May mali kase eh. Hindi sya to.. hindi ganyan yung anak ko.
Binigay ko sa kanya ang serving spoon at hinintay na matapus sila sa pagkuha nang pagkain. Tanging kubyertos at tinidor lang ang naririnig na ingay sa lamesa. Pati si Zalde ay parang nahahalata din na may mali.
Kumuha ako nang pagkain at pinilit na kumain, kahit na masakit ang dibdib ko sa inakto ni Carlisle.
"I'm sorry about the last time.."Mahina ngunit ma utoridad na Sabi ni Mr Ventura.
"Saan pa Sir?"Tanong ko.
"About the last time.. we.."Natuliro naman ito kung sasabihin ba o hindi.
"Alin po sir? Sorry mahina kase memorya ko."
"Hallway encounter, ma."
Napatingin ako Kay Carlisle, at naalala yung sa hallway.
"Yes, hallway encounter."Mr Ventura.
"Ah-hh yun po ba? Okay lang yun. Hindi naman tayo perpekto eh. Tyaka I know you have reasons kung bakit mo ko ginanon."Nakangiti Kong Sabi.
"Yeah.. so ahm. I heard that your child is a one of the scholar of my school. Am I right?"
"Yes. Sir. Nag mana siguro sa tatay ang katalinuhan."Nakangiti kong sabi.
"Siguro?"
"Oo--"
"Ma.."Carlisle
"Bakit nak?"
"Wala po. Kain ka nang marami. Mr Ventura kailangan nyo din kumain nang madami. Masarap mag-luto ang mama ko."
"Yeah, adobo is also my favorite. And your mom's cooking skills is good. Your father is such a lucky guy."Mr Ventura.
Bigla namang nagbago ang expression ni Carlisle habang nakatitig kay Sir Ventura.
"Did I say something wrong?"Rhett
"Wala akong tatay. At gusto ko maging tatay yung kumanta kanina sa stage."
'Cough cough cough' Nabara yung pagkain sa lalamunan ko dahil sa sinabi ni Carlisle. Dali naman akong binigyan ni Zalde nang tubig.
"Okay ka lang ma?/ Are you okay?"Sabay na tanong nang dalawa. Nagkatinginan pa sila tyaka nag-iwas din at tumingin sa akin pabalik.
"Thank you, Zalde."Sabi ko nung naging okay ako. "Pinagsasabi mo Carl? ka schoolmate ko yun pero hindi ko yun kilala. Tyaka wala akong balak makilala yun."
"Eh, diba nga tinanong mo ako last time kung gusto ko ba nang daddy? Yun yung gusto ko, ma."
"Ayan lumuwag na naman tornilyo sa ulo mo."Sabi ko at nabawasan yung iniisip ko kase nag joke sya. That means bad mood lang talaga sya kanina.
"Eh, diba nga?"
"Awat na Carlisle, nagiging si kuya Carlo ka na. Nako ikaw, pinapakaba mo ako palagi."
"Alam mo pareng Carl, mas bagay ang Tito ko kay tita Athena. Tignan mo nga Silang dalawa, maganda at gwapo, anghel at demonyo, charott lang. HAHAHA."Zalde
"Masyadong marami naghahabol sa Tito mo, baka dumugin mama ko."Carlisle.
"Kabaliwan nyong dalawa."Sabi ko kase nahihiya na ako dito. Plus nakangiti pa si Mr Ventura habang nakikinig sa dalawang bata.
"Mayaman Tito mo, wala syang time para kay mama."At yun na nga. Hindi ako pinansin.
"Magkakaron, diba Tito?"At tumawa lang si Mr Ventura sa inaanak.
"Ayaw ko. Masyadong seryuso Tito mo. Hindi magiging masaya ang bahay namin."Paglaban pa ni Carlisle na ayaw nya. Dios ko, patigilin mo na tong mga batang ito at gusto ko nang kainin ako nitong sementong inaapakan ko.
"Pareho lang naman kayong seryuso eh."
"Yun na nga eh, Sanay si mama Kay Papa Carlo at Papa Lee na maiingay. Bini-baby pa nga nila si mama hanggang ngayon, kahit meron ng 'ako' sa buhay ni mama."
"Oh, eh kaya din naman yan gawin ni Tito ah."Zalde.
"Ayaw ko pa din. Hindi magiging masaya si mama sa kanya!"At ayon na nga, parang biglang kumirot ulo ko sa mga pinagsasabi nila.
"Sige na pareng Carl, para naman magiging magpinsan na tayo."
"Hindi tayo magiging magpinsan. Malayo ang hitsura ko sa inyo."
"Eh, malayo daw. Eh kamukha mo nga si Tito eh. Iririto ko ba Tito ko kay tita Athena kung hindi ka kamukha nang Tito ko?"Sabi ni Zalde. Dahilan para mapatingin ako sa kanilang dalawa.
Bakit hindi ko napansin iyon?
Magkamukha nga sila
"Kahit na. Ayaw ko pa din."Mahinang Sabi ni Carlisle.
"Malay mo naman, si Tito pala tatay mo?? Nako Tito baka anak mo yang bespren ko."Sabi nito na syang nagpa- tahimik sa amin pareho ni Carlisle.
Ilang sigundo lang.. "Maraming magkakamukha sa mundo, Zalde." Seryusong Sabi ni Carlisle. "Tyaka hindi din yan papayag Tito mo. Panigurado may girlfriend yan."Bawi naman na hirit ni Carl.
Dios ko, adobo lang naman pinakain ko dito, bakit nagkakaganito tong mga batang ito.
"I Don't have one."Sabat naman ni Mr Ventura. Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi nya. Bakit nya sineryuso mga biro nang mga bata?
"So payag ka maging tatay ko?"
"Hmm, why not? Nasa tamang gulang na din naman ako. I can provide all your needs and your mom."Halos himatayin naman ako sa mga kabaliwan nila.
"Awat na yang mga biruang yan."Sabat ko sa kanila, pero parang may mga sariling mundo kase hindi ako naririnig.
"O sige nga, Pakasalan mo mama ko ngayon din??"
Josko anong pinagsasabi nila. Huhuhu.
"Wait I'll call a lawyer."Sabi nito sabay labas nang cellphone at may tinawagan.
"Siguraduhin mo lang na totoo yan."Carlisle.
"Tama na yang biruang yan at kailangan na nating bumalik sa baba."Sabi ko habang yung kaba ko umaapaw na. Para kaseng seryuso si Mr Ventura
"Hahaha!!"Si Zalde na tawang tawa sa nangyari. Ako naman na yung Kaba hanggang langit na.
"Hello, this is Lawyer Allizandro Bernillas speaking. What can I help you?"Tumigil naman ang paghinga ko sa narinig. Panginuon ko bakit nangyayari ito sa akin ngayon.
"Rhett Pare. Come here at my penthouse. Ventura University. Bring a marriage certificate coz I'm getting married. At ikaw ang magkakasal sa amin."Sabi nito. Naka loudspeaker kaya dinig na dinig namin lahat.
"Seriously pare?"Sabi ng nasa kabilang linya.
"Awat na yang biruang yan. Please!"Sabi ko na nanginginig na.
"Yes, I'll give you 20 minutes to be here"Sabi nito na syang lalong nagpa kaba sa akin. Naiiyak na din ako.
"C-carlisle tama na y-yan. Itigil nyo na to."Nanginginig at nauutal kong sabi.
Wala na yung tawag. At bumalik sya sa pag kain. Na para bang hindi big deal ang nangyayari.
Tumayo na ako at hinugasan ang pinggan. Kahit na kumakain pa si Mr Ventura.
Kahit sa paghugas nanginginig ako. Ni hindi ko mahawakan nang mabuti ang pinggan at kubyertos. Parang anytime mahuhilog ang lahat nang mahawakan ko.
"Your here. She's the one I'm going to marry."Sabi nang baritunong tinig ni Mr Ventura kaya mas lalo akong nanginig. Hindi to pwede. Ni hindi man lang sya mabiro. Bata lang si Carl bakit nya pinatulan.
"Woah, anghel."Sabi nang Isang hindi pamilyar na lalaking lalaki na tinig.
Teka, ang ang bilis naman nitong makarating dito.
"After signing the papers, kailangan nyo nang tumira sa bahay ko."Sabi nito kayo nanlalaki ang mata ko Lalo habang namumutla.