Chereads / Daydream Of Us / Chapter 14 - Snacks

Chapter 14 - Snacks

CHAPTER 12

"Saan dito ang gusto mo?"

Ngayon ay nandito kami sa mall ni Damon dahil bibili na raw kami ng snacks para bukas dahil field trip na namin. Nag request din siya sa mga teacher and kila mommy na tabi raw kami ng upuan kaya naman wala na silang nagawa kundi pumayag.

"You want this?" turo niya sa isang pringles na kulay green, tumango naman ako sakaniya kaya kumuha na siya ng dalawa.

inikot ko ang paningin ko habang tinitignan ang mga junk food sa mga shelves para pumili ng gusto ko, pumukaw sa tingin ko ang isang honey butter na alam kong favorite ni Damon dahil lagi niya ito binibili sa canteen.

"ito want mo?" turo ko sa piattos na green kaya tumango nalang siya at kumuha pa ako ng isa pang flavor para hindi kami same at kumuha rin ako ng malaking honey butter.

nandito na kami sa mga candies kaya nilibot ko ang tingin at napangiti ng makita ang mikmik bago ito kunin.

"Ayoko nyan e, nakamamatay" saad nito sabay kamot sa ulo niya, tumawa naman ako bago ilagay iyon sa cart namin, isang balot lang para matikman ulit.

"favorite ko to" saad ko sabay turo rin sa haw haw kaya kinuha niya na yon bago ilagay sa cart.

pinagmasdan ko naman siya ng makalayo na siya ng kaunti at tumigil samay biscuits, naka baggy pants lang siyang black at sweater na kulay blue.

"hey baby, you want this?" saad niya sabay taas ng Oreo kaya naman tumango ako at kumuha naman siya.

medyo napadami ata ang bili namin kaya pumunta na kami sa counter para mag bayad, marami rin akong naka pila kaya medyo natagalan.

"Ang gwapo niya" napatikhim naman ako ng marinig ang bulungan ng mga babae sa gilid namin, si Damon naman ay naka tingin lang saakin bago ko siya pag taasan ng kilay.

"Sungit.." ngumuso siya sabay lapit saakin at pinulupot ang kamay sa beywang ko, rinig ko naman ang disappointed sa tono nila.

"sayang may girlfriend na" napangiwi naman ako doon kaya mas lalo akong napanguso at narinig pa ang maliliit na tawa ni Damon.

nang maka lapit na kami ay iniisa isa niyang ilagay sa counter ang mga pinamili namin, nakatitig naman sakaniya ang babae bago ayusin ang pinamili.

"anong gusto mong gawin natin hm?" saad niya habang tinitignan ako, binuhat na niya ang iilang box at kinuha ko naman ang ibang plastic.

lumabas muna kami ng mall bago pumunta sa parking lot dahil ibababa na raw muna ang mga pinamili para hindi hussle saamin yon.

gusto ko sana mag arcade kaya naman hinatak ko na rin siya papasok bago siya hilahin papunta sa time zone.

malawak ang palaruan bago ko tignan ang mga claw machine, nakita ko naman siyang nag papalagay na ng coins sa card niya, lumapit siya saakin bago ko ituro ang maliit na piglet.

"I want this oh" saad ko.

tumango naman siya bago mag swipe, sinimulan niyang galawin iyon at seryosong tinatansya kung makukuha ba iyon.

"ayaw niyang kumapit e" saad ko sabay turo doon, sinwipe niya parin ang card niya bago simulang mag laro ulit.

nang maka limang try na siya ay napatingin siya saakin, ngumiti lang ako sakaniya at hinawakan ang kamay para umalis na.

"No, want kong kunin iyon baby.. diba gusto mo yon?" saad niya at sumimangot pa ngayon sa harapan ko.

"hindi ah.. dun na muna tayo" saad ko sabay turo sa iba pang claw machine, sumimangot naman ito bago umiling.

nag laro ulit siya at seryosong mga matang naka titig lang doon at ng pindutin niya ang button ay kaagad siyang nakuha ay na shoot pababa.

"Wow! ang galing mo" gulat na saad ko habang tinitignan siya, kinuha na niya ang mini piglet bago ako ngisihan at punasan ang pawis niya.

"What my baby wants, my baby gets," saad niya sabay tingin saakin, inilagad niya saakin iyon at masaya ko naman itong tinignan.

lumingon pa siya at bago ako hilahin samay basketball, sinwipe niya ang card bago mag simulang mag laro, kinuha ko phone ko bago picturan ang binigay niya kasama siya habang nag lalaro.

"come here baby, tuturuan kita" saad niya kaya naman binulsa ko muna ang phone bago siya daluhan.

kumuha siya ng bola bago i shoot iyon at pumasok naman, ibinigay niya saakin bago niya ituro ang tamang pag hawak at tayo bago ko I shoot iyon.

"naks, galing galing na ng baby" saad niya kaya natawa naman ako.

pareho kaming nag laro at marami na rin akong na shoot doon kaya umupo muna ako sa isang upuan habang tinitignan siyang nag lalaro doon.

"let's go sa department store" Yaya niya saakin bago kunin ang wallet at ilagay doon ang card niya, hinawakan niya naman ang kamay ko bago ako hatakin palabas at nag lakad papasok sa department store.

umikot ikot kami para tumingin ng hoodie at gusto raw niya ay matchy matchy kami.

"Look oh, you want that?" turo niya sa sweater na kulay blue, lumapit pa kami para mas makita namin ng maayos.

kinuha ko iyon bago tumingin sa salamin, itinapat ko sa katawan ko para makita kung ayos lang ba o hindi.

"and this is mine?" saad niya bago kunin ang isa pang sweater na kapareho ng akin, samay design ito pareho samay left side sa taas.

ang kaniya ay letter M at akin naman ay letter C, hindi siya sticker lang kaya naman mas matagal dahil tahi talaga iyon.

"Gusto ko to" saad ko ng masukat ito, tumango tango lang siya bago mag lakad at tumingin tingin ng cap.

kinuha niya ang kulay itim bago isuot ito, bagay sakaniya ng makita niya ito sa salamin. kinuha niya ang isa pang kulay pero puro naman ito at plain lang bago siya lumapit saakin at isinuot iyon.

"Gusto mo talaga ang matchy matchy ha" asar ko kaya naman tumango ito habang tumatawa.

nag bayad na rin kami bago niya hawakan lahat ng paper bag. lumabas na rin kami ng mall para maka uwi na dahil aayusin pa namin ang nga gamit namin.

"good afternoon tita" nag mano siya ng makarating kami ngayon dito sa bahay, inilabas niya ang box bago ipasok sa bahay namin.

"andami naman niyan" saad ni mommy ng makita niya ang tatlong box at may plastic pa.

"Baka po kasi magutom si chiara" saad niya kaya naman sinamaan ko ito ng tingin, ngumiti lang ito saakin bago lumingon ulit kay mommy.

"kain kayo tita, naparami lang ang bili namin" Aya niya kaya naman binuksan na ni mommy ang box ni hindi man lang tumanggi.

nag lakad na ako sa taas para kumuha ng nag na dadalhin ko, isang backpack bago ibigay iyon kay Damon, kinuha niya naman iyon bago lumabas dahil may dala raw siyang lagayan.

"Dito na natin lagay ang iba" napanganga nalang ako ng makita ang hawak niya. Isa iyong Christian Dior na nakalagay din sa bag.

"Bunganga mo, pasukan yan ng langaw sige ka" biro niya sabay bigay saakin ng bag na iyon, inalis ko sa bag kaya naman napangiwi ako.

seryoso ba siya? lagayan niya lang to ng snacks? iba talaga kapag mayayaman e, Kinuha ko na ang ilalagay namin bago pag sama samahin. kumuha rin ako ng extra pamalit in case na mabasa sa rio grande.

"tita, uuwi na po muna ako at gabi na para makapag ayos na rin po ako ng gamit bukas" saad niya sabay kaway saakin. kumaway naman ako habang tinitignan siyang palabas na ngayon ng gate.

"akin na to" saad ni mommy sabay agaw sa nova at tumakbo papunta sa kusina.

natawa naman ako dahil para siyang bata na akala hahabulin kapag may kinuha siyang hindi kaniya.

________________________________________________________________________________