PROLOGUE
Tumingala ako ng makita ang bawat patak ng ulan. Malamig ang simoy ng hangin habang ang mga ulap naman ay nag kakaisa para dumilim. Ang mga tao ay aligaga sa pag takbo dahil palakas na nang palakas ang ulan at ang hangin ay tumatangay sa mga dahon na nalalaglag mula sa puno.
Inilibot ko ang tingin at naiwan ito sa isang cafeteria na nasa tabi lang din ng bus stop. Nag lakad ako papalapit bago pumasok. I smells the aroma of freshly brewed coffee filling the air, ang mga tao ay busy sa pag higop ng kani kanilang kape at ang iba naman ay nakikipag kwentuhan o kaya naman ay nag babasa.
"One strawberry matcha latte please" saad ko sa barista na ngayon ay nasa harapan ko na.
"name?" he asked, kinuha ko na rin ang wallet ko bago tumingin sakaniya, naka hawak siya sa baso at hinihintay ang sagot ko.
"M" maikling saad ko, isang tango lang ang sinukli kaya naman napaiwas ako ng tingin, tumalikod muna siya bago ilapag ang baso roon.
"Here," ibinigay ko ang 500 pesos ko bago niya naman ito tanggapin. Kaagad din niyang sinuklian iyon kaya kinuha ko bago ako tumalikod at mag lakad paalis sa harapan niya.
Sometimes memories fade, but the echoes of their presence linger in the whispers of the heart.
"One strawberry matcha latte for Ms. M!" The barista announced. Tumayo ako bago isarado ang librong binabasa ko bago inilapag ito sa lamesa at nag lakad na para kunin ang inorder ko.
Matangkad ang lalaki na para bang kilala ko na siya noon pa, naging pamilyar din ang mukha niya habang tinitignan ko ito. Mestizo din siya at medyo singkit ang mga mata, medyo pamilyar nga ang mukha at hindi ko tuloy maiwasan tumingin.
"Thanks.." ngumiti ako sakaniya at sinuklian naman niya ako ng isang tipid na ngiti bago tumango. Tumalikod na ako para bumalik sa upuan kung saan ako naka pwesto kanina.
kinuha ko ang laptop ko bago mag edit, mahilig ako mag basa at mag sulat kahit noon pa man, naka sanayan na rin mag sulat marahil dito ko lang naman mailalabas ang nararamdaman ko.
"[Ate Margaux! Where are you?]" My brother shouted.
nailayo ko ng bahagya ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw ng kapatid ko. nag aalala ang tono niya kaya naman napa buntong hininga nalang ako.
"[Nasa Cafeteria ako]" mahinahong saad ko bago sumimsim sa inorder ko bago ilapag ito ulit sa mesa.
"[May bagyo ate! Sabi ni mommy umuwi ka na raw!]" Mas matanda ako ng isang taon dito pero kung umasta siya ay parang mas bata ako.
"[opo kuya.. uuwi na rin ako may tatapusin lang ako at mag papatila lang konti ha]" paalam ko bago patayin ang tawag. lumingon ako sa paligid sa labas at nakitang malakas ang hangin at ulan namay kasamag kulog pa.
"There are moments when you just know. You can't explain it, you can't rationalize it, but deep within your heart, you feel it. It's like finding a piece of yourself in someone you've never met, yet somehow, they feel like home. They're a stranger to your mind but not to your soul. And in that moment, you realize that some connections defy logic; they're written in the language of the heart."
ngumiti ako bago isarado nag laptop ko. tumingin ulit ako sa kawalan bago tignan ang orasan ko. iniligpit ko ang gamit ko bago tumingin sa mga tao dito sa cafeteria. tahimik lang at walang ingay
"[Can you pick me up? Here in a cafeteria?]" saad ko sa kapatid ko bago patayin ang tawag.
sinuot ko ang earphone ko bago tumingin sa harapan ko, may pumasok na dalawang tao bago ako mag iwas ng tingin. nakita ko din ang sasakyan ng kapatid ko kaya tumayo na ako.
Nag lakad na itong pumasok at nag paalam saakin dahil bibili din daw siya ng kape kaya napa tango ako.
"una na ako sa sasakyan.. hintayin nalang kita roon" saad ko bago tumalikod.
binuksan ko ang payong ko bago tumakbo papasok ng sasakyan, medyo nabasa rin ng kaunti ang buhok at damit ko dahil sa pag takbo. sinilip ko naman ang kapatid ko na ngayon ay kumakain na ng kung ano bago lumingon sa pwesto ko.
ilang saglit lang ay nakita ko na itong tumatakbo papasok bago lumingon saakin, nag peace sign ako dahil kinuha ko sakaniya ang payong niya kanina at ngayon siya naman ang basang basa.
"grabe ka talaga ate" pag dradrama niya sabay patong ng kape niya sa kandungan ko bago punasan ang mukha gamit ang panyo ko.
"thanks" saad niya sabay bigay saakin ng panyo ko at kinuha ang inumin niya, sinimulan niya na rin ang pag mamaneho para makauwi na.
binuksan ko ang payong na dala ng kapatid ko bago bumaba ng sasakyan, pumunta rin ako sa isang side para naman mapayungan din siya. may awa rin naman ako.
"Ginabi kayo?" saad ni mommy. hinalikan ko ang pisngi niya bago tumingin kay daddy at ganon din ang ginawa ko sakaniya.
"Nag kape lang din mommy" saad ko bago tumingin sakanila. tumango naman sila kaya umakyat na ako para mag palit.
Nag palit ako ng damit bago humiga sa kama ko, ramdam ko ang lambot at sarap ng pag papahinga ngayon.
"ate.." rinig kong saad ulit ng kapatid ko, tumayo ako bago siya tignan. ibinigay niya saakin ang isang paper bag bago ko ito kunin.
tumalikod na siya bago umalis. kinuha ko ang isang libro at isang ballpen, naroon din ang isang maliit na note.
ate papirmahan daw sabi ni giselle
- Gwapo mong kapatid :)))
naka plastic pa ang libro kaya tinanggal ko muna iyon, ito ang unang libro kong pinublish kaya naman napangiti ako.
binuklat ko ang libro at napatigil ng makita ang isang litrato, drawing ko iyon noong college at pamilyar ang mukha ng lalaki, para bang nakita ko na iyon noon pa.
hayaan mong alalahanin nating dalawa ang bawat salita at letrang sinulat mo... ang puso natin muling pag tatagpuin sa tamang panahon.
________________________________________________________________________________