Chereads / Daydream Of Us / Chapter 7 - I like you

Chapter 7 - I like you

CHAPTER 5

Pagod kong binagsak ang sarili ko sa sofa ng matapos naming linisan ang buong bahay, sabado ngayon at walang pasok kaya naman napag isipan namin nila mommy na mag linis nalang ng bahay.

Apat lang kami nila mommy at daddy dito sa bahay kasama ang bunso kong kapatid na lalaki, minsan ay nandito rin ang mga pinsan para naman may kausap at kasama kami kapag wala sila mommy.

"Chiara.. maligo ka muna at pumunta kana sa kwarto mo at mag pahinga" mahinahong saad ni mommy habang tinitignan akong naka higa ngayon sa sofa.

Tamad akong umakyat sa hadgan para pumunta sa kwarto. gusto ko sana humiga kaso pawis na pawis ang damit ko tsaka ang katawan ko kaya naman kumuha na ako ng damit at pumasok sa cr.

"Ate chiara.." lumingon ako kay calix na ngayon ay nasa higaan ko, hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa kwarto.

"Paano ka naka pasok dito ha" ngumiti ako bago umupo sa gaming chair ko at hinatak ang drawer para kunin ang blower ko at simulang patuyuin ang buhok ko.

"Naka bukas kaya ang pinto mo.. nagugutom ako ate gusto ko ng Jollibee yung libre sana" pag paparinig niya, nakahiga siya ngayon sa kama habang nag pphone.

Matamis naman niya akong nginitian dahil gusto niya mag palibre, mas bata lang siya ng isang taon saakin kaya naman inirapan ko ito.

"Wala akong pera toy" tawa ko kaya naman sumimangot ito. kinuha ko ang phone ko at nakitang may nag notif doon.

mvrkdv_ followed you

Gulat kong tinignan iyon at alam kong napansin ng kapatid ko ang reaksyon ko, isang ngisi ang lumabas sa labi niya bago ko muli tignan ang phone ko.

Damon

@mvrkdv_

18 | Pandayon MD

54 following 5,076 followers

Nang finollow back ko ito ay kaagad ko rin siyang inistalk, ang pfp niya ay siya naka harap ito at topless dahil nasa beach siya.

Damon @mvrkdv_ • 8m

napaka ganda mo talaga ;(

Maraming nag likes agad doon mga 400+ na, ngumuso naman ako ng basa ko ang mga comments nila. sino kaya ang sinasabihan niya? hindi naman kami nag kita ngayon?

mvrkdv_ :

hi, pretty ;))

Kunot noo ko naman tinignan ang chat niya, inirapan ko siya dahil alam kong mang aasar na siya.

chiaradv :

ako lang to damon

Nilagyan ko pa ng emoji kaya naman napatawa na rin ako, tinignan ko si calix na inaayos na ang kama bago mag paalam na lalabas na raw.

mvrkdv_ :

hahah, how are you?

chiaradv :

okay lang naman, you ba?

mvrkdv_ :

fine too, bit tired because my cousins are here

Napanguso ako dahil doon, siguradong pagod siya at kailangan niya ng oras dahil naroroon ang mga pinsan niya.

chiaradv :

mag pahinga kana muna at mag enjoy, kung iinom ka, don't drink too much ha ^^

Hinihintay ko ang chat niya kaso wala na, napa buntong hininga nalang ako habang tinitignan ang screen.

Napamulat ako bago ko tignan ang oras sa phone 7:15 na kaya pala nagugutom na ako, hindi man lang ako ginising ng kapatid ko para kumain ha.

"Mommy!" sigaw ko ng maka baba ako ngayon

Tinignan niya naman ako bago lumapit, kunot noo parin siya dahil hindi ako nag sasalita. sumimangot ako at diretsyong tumingin sa dinning table namin.

"Kumain na kayo, hindi niyoko ginising at inaya" may pahid na tampo ang boses ko kaya naman natawa na ito saakin.

"Pagod ka anak e, pinag pahinga na muna kita ha" saad niya sabay tawa parin habang paalis sa harapan ko.

Nag lakad na ako papuntang mesa para kumain, nakita kong may kare kare doon kaya naman kumuha na ako ng plato at tubig para simulan na kumain.

"My! punta na muna ko dyan sa 7/11" sigaw ko sakto lang para marinig niya, tumango lang ito kaya umakyat na ako ng kwarto para mag shower at nag suot ng night wear na ternong pajama.

Kinuha ko ang wallet ko at cellphone bago mag suklay ng buhok, mag lalakad lang ako dahil malapit lang naman ang 7/11 dito saamin.

mvrkdv_ :

slr, hey I'm sorry nakipag kwentuhan lang

chiaradv :

nakatulog na rin ako kanina e, tired din :(

Pinatay ko na ang phone bago tumawid, tumakbo pa rin ako papasok at napatigil ng makita ko ang lalaki.

"Chiara" supresang mata niya akong tinignan, namungay at halatang gulat din na nandito ako sa harapan niya.

Isang ngiti lang ang sinukli ko sakaniya at napatingin naman ako sa mga binili niya, mga alak iyon at chichirya ngunit isang bagay lang ang pumukaw sa tingin ko. may trust doon kaya kaagad kumunot ang noo kong napabaling sakaniya.

"Ah hindi saakin yan!" saad niya kaagad, naka tingin lang ako sakaniya dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Dahan dahan nalang ako umalis sa harapan niya at rinig ko naman na kinausap niya ang babae bago tumakbo papunta saakin, hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa ganon.

Hindi naman kami diba? pwede niya gawin kung anong gusto niya, bakit naman ako masasaktan don?

"Hey, Chiara" hindi ko siya nilingon at kumuha nalang ng coke in can ng apat para tag iisa kami nila mommy mamaya.

Mag momovie date kaming pamilya kaya naman kumuha na ako, umiwas ako ng tingin ng maramdaman na sinisipon na rin ako kaya nag lakad na ako aalis para kumuha ng chichirya.

"Chiara," pagod na ang boses niya pero hindi ko parin ito pinapansin. kumuha ako ng apat din na chichirya iba iba naman to.

Hinatak niya ang mga ito para daw tulungan ako, hindi naman na ako nakapag salita bago tumango. rinig kong bumuntong hininga siya bago niya hawakan ang braso ko para pigilan ako.

"Chiara.. I'm sorry" saad niya, lalong bumuhos ang luha ko ng sabihin niya ito. yumuko siya para pantayan ang mukha ko

Pinahid niya ang luha ko gamit ang kamay niya, kumuha rin siya ng panyo bago ibigay saakin. ramdam ko rin ang pag papanic sa itsura niya kaya naman napasimangot ako.

"It's not mine okay? I will prove it to you po" kalmadong saad niya saakin, hindi parin ako umiimik at napapasinghot nalang.

"I'll send a vid later, stop crying na po.. I'm sorry" saad niya sabay punas ulit ng luha kong tumutulo na ngayon.

"I assure you that," malambing niyang saad bago lumapit at niyakap ako. napasimangot naman ako dahil para akong bata sa harap niya ngayon.

Lumayo na siya ngayon bago hawakan ang buhok ko at inayos iyon. inipit niya pa ang buhok ko sa likod ng tenga ko bago kunin ang mga hawak ko.

"Bakit ka umiyak?" titig na titig parin siya saakin kaya umiwas ako ng tingin sakaniya, kumalabog naman ang puso ko kapag tinitignan niya ako.

"Wala," maikling sagot ko bago lumayo sakaniya, napapikit naman ako dahil sa inaakto ko sakaniya.

"I'll pay it" nag lakad na siya papunta sa cashier, ni hindi ko na magawang pigilan siya ng inilabas na niya ang card niya.

kinuha niya na rin ang kaniya at saakin, sinilip niya muna iyon para hindi kami mag ka palit. kukunin ko na sana kaso iniwas niya ito.

"Dyan lang ako.. wag kana mag abala" saad ko sabay kuha ng plastic kaso umiling siya, nakita ko ang palihim niyang ngiti kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Cute," bulong niya sakto lang para marinig ko, nilalaro niya ang dila niya sa loob ng bibig niya para pigilan ang ngiti.

"Bakit ka umiyak kanina ha? sabihin mo na po" ngumiti ito saakin bago pantayan ulit ang tingin ko bago umupo samay upuan.

Nakita kong may binili siya bago ibigay saakin iyon, turon iyon at tag isa kami.

"Buti pa dito, malaki at mahaba ang turon parang isang kagat mo lang may saging at langka na agad" tumawa naman ito sa sinabi ko bago ko kagatin ang turon.

"Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko, chiara" seryoso na ang boses niya kaya naman napanguso ako bago kumagat sa turon.

"You like me right?" tumingin ito saakin ng ikinatigil ko, halata na ba ako? hindi na ako nakapag salita doon.

"Don't worry, i like you too" halos pabulong niya ng sabi saakin, nakatingin lang ako sakaniya na halos mamula na ang mukha niya ng sabihin niya iyon.

"Yes, i like you" seryoso sabi niya habang naka tingin sa labas ng 7/11, hindi ko na tinignan ang reaksyon niya bago tignan ang phone ko.

"Hatid na kita" isang tango lang ang ginawa ko bago simulang mag lakad, hawak niya ang dalawang plastic sa isang kamay niya kaya naman lumalabas ang ugat sa kamay niya.

Lumakad na kami bago niya hawakan ang kamay ko at tumawid, binitawan niya na rin naman kaagad kaya okay na rin.

"Damon.. birthday ko pala bukas, uh pwede ka ba pumunta sa bahay?" saad ko sabay turo sa isang bahay doon, isang tango lang ang sagot niya na para bang alam niya na birthday ko.

"Sure," walang alinlangang saad niya kaya isang ngiti lang ang sinukli ko rito. nandito na rin naman kami sa labas ng bahay kaya ibinigay na niya ang plastic bago ako senyasan pumasok na.

Tumango ako bago buksan ang gate, palihim naman ako kumaway sakaniya dahil naka tingin lang ito saakin papasok.

"Mag iingat ka po" saad ko, ngumiti lang naman ito bago tumango. kumaway na rin siya bago simulang mag lakad na.

Tumalikod na ako para pumasok sa bahay, nanonood na sila mommy kaya naman umupo na ako sa sofa para maki nood na rin.

Nilabas ko ang coke sa plastic at ibinigay sakanila, kinuha ko rin ang chichirya at sinimulang kumain.

________________________________________________________________________________