Chereads / Daydream Of Us / Chapter 6 - Friendship

Chapter 6 - Friendship

CHAPTER 4

"Hi ganda, pwede pa autograph?" lumingon ako kay damon na ngayon ay naka upo sa tabi ko.

ako lang ang mag isa dito sa library dahil ang mga kaibigan ko ay may sari sariling mundo pa.

"Akin na ang ballpen at papel" I joked.

I heard him chuckled before moving closer to me, nagulat naman ako bago umurong nang kaunti.

"uh.. i'm sorry" saad niya sabay urong pa ng kaunti.

isang tango lang ang binigay ko bago tignan muli ang librong binabasa ko. tinignan niya libro bago ako muling tinignan.

"Bumalik ka nga sa table niyo" maliit ang boses kong sabihin ko sakaniya iyon, kaagad din siyang umiling bago yumuko.

"Ayaw ko nga" maarteng saad niya at sumimangot pa saakin.

"Damon.. Balik na doon" saad ko sabay kaunti siyang itulak, umiling siya ng kaunti kaya mas lalo akong kinabahan.

habang kinakausap niya ako hindi ko na maiwasan makaramdam ng kaba at saya lalo na ngayon, medyo close na rin kami kaya natatakot ako na malaman niyang nahuhulog na ako sakaniya.

"Hayaan mo na sila chiara, malalaki na sila e" saad niya.

I rolled my eyes at tumingin nalang sa librong binabasa ko, rinig ko naman na humalikipkip siya at inilagay ang isang pisngi sa lamesa.

"When the love lies" he read, napatigil naman ako doon bago lumingon sakaniya.

ang mga mata niya ay naka tingin lang saakin habang sinasabi iyon kaya kaagad naman akong umiwas at pinag patuloy ang pag babasa.

"Nag babasa ka pala ng ganyan" saad niya kaya unti unti akong tumango at ituon muli ang tingin sakaniya at umiwas.

"Maganda e" saad ko sabay tingin sa kaniya, binabasa niya ang description sa likod ng libro kaya nag basa na ulit ako.

Ilang oras din ay natapos ko ng basahin ang libro. Nakita ko namang tulog na si Damon sa lamesa kaya sinitsitan ko ang isang kaibigan niyang nandito rin sa library.

"Una na ako ha, paki gising nalang po yung kaibigan niyo" saad ko sabay ligpit ng gamit ko at tumakbo dahil male-late na ako sa klase ko.

"Chiara dito" rinig kong sigaw ni Bea sabay turo sa upuang nasa tabi niya.

ibinigay ko sakaniya ang libro kaya naman ngumisi siya, niligpit na niya iyon kaya naman umupo na ako at binuklat ang notebook para tignan ang mga past lesson namin.

Pumasok ang teacher namin kaya kinuha ko na ang notebook at ballpen para mag notes, nakita ko naman si joy na nag dadrawing dahil alam kong na bobored na iyon.

"Ang hirap naman" reklamo ko dahil hindi ko magets ang tinuturo ng teacher dahil gumugulo ito sa utak ko.

ang mga numbers at letters ay nag hahalo halo na ngayon sa isip ko, ni hindi ko na masundan ang iba dahil sa sobrang pag kahilo ko.

"Ano na? Kwento kana dali" saad ni joy na ngayon ay tumabi na saakin dahil tapos na ang calculus.

bored kong kinuha ang phone ko bago ako mag scroll sa news feed ko, inirapan ko naman siya dahil alam kong kukulitin lang niya ako ulit at pipilitin na mag kwento.

"Dali na kasi Chiara!" rinig kong pag pupumilit ni joy kaya umiling lang ako sakaniya. ngumuso ito kaya pinitikan ko ang labi niyang iyon.

Umupo si Kelly sa harapan ko bago masayang nag kwento, umalis din sila Bea at Joy dahil may bibilhin lang daw sila saglit kaya naman tinuon ko ang sarili ko sa pag pphone.

"Like bes alam mo yon kinindatan niya ako kanina" kinikilig na saad niya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa itsurang pinapakita niya saakin ngayon.

Kumunot din ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano namang nakakakilig dun baka sundutin ko pa ang mata niya.

"Tapos ampogi niya grabe" saad pa niya na para ba siyang hihimatayin sa kilig at tuwa, natawa naman ako sa itsura niya kaya napatigil siya.

"Namo talaga! nag kukwento yung tao e" inis siyang umupo sa tabi ko bago ako tignan. natatawa parin ako sa itsura niya kaya ganito ako.

tumayo na ako para sana umalis ng makita ko sa harapan ng pinto si Damon, naka simangot ito kaya nag peace sign ako sakaniya bago lumapit.

"Iniwan moko!" saad niya na para bang bata na naiwan kung saan, ngumiti naman ako sakaniya at natawa.

"I'm sorry na" saad ko bago ngumiti sakaniya, umiling lang ito at ngumuso kaya lumapit ako ng kaunti.

nakita ko ang marahang pag lunok niya kaya naman napangisi ako, ganto pala ang gusto mo Mr. valderama ha.

"I'm sorry na ha" saad ko sabay tingin sa mga mata niyang naka tingin lang saakin, kinurap kurap ko pa ito na parang nag bebeautiful eyes pa.

sunod ay inirapan niya ako bago umalis sa harapan ko para pumunta sa room niya sa kabilang building, natawa naman ako sa inaasta niya.

"Cute naman" napatigil ako sa pag ngiti ng makita ang dalawang kaibigan ko sa tapat din ng pintuan.

tinaas ko ang middle finger ko sakanilang dalawa bago tumalikod at umupo ulit. tuwang tuwa talaga sila kapag inaasar ako e.

hindi parin talaga sila tumigil kakaasar saakin kaya eto ako e napapa develop na, kinuha ko ang phone ko bago mag tweet sa X.

"oh!" rinig kong saad ni Isaiah na ngayon ay inabutan ako ng paborito kong turon, ngumiti ako sakaniya bago tanggapin iyon.

"dun ka sa far away joy!" saad ko sabay kagat sa turon ko, ngumisi lang siya na akmang susubo pero itinaas ko iyon ngunit si Isaiah naman ang kumagat at nag apir pa silang dalawa.

"Bad" saad ko sabay palo sakaniya, kinagatan ko ang turon at napapasayaw pa sa sarap.

"Tanginang yan.. halos araw araw turon kinakain ah" saad ni Hael na ngayon ay naka tingin din, binelatan ko nalang siya bago umupo sa upuan.

"Favorite ko kasi to" saad ko sabay kagat ulit, nag make face naman silang lahat kaya naman natawa nalang ako.

"In the sweetness of friendship let there be laughter, for in the dew of little things the heart finds its morning and is refreshed." – Khalil Gibran

________________________________________________________________________________