"Bat mo sinabi yon sa kanila hindi moba alam na para kang sira." Sabi ni Satoya kay Maki.
"Ano naman kung ganon. Hindi ko nga akalahin na dito ka'rin pala bababa." Sabi ni Maki.
"Wala akong choice kung hindi bumama. Ikaw naman kase eh." Sabi ni Satoya.
"Ano na naman? Bakit ako na naman ang binibintang mo riyan kasalanan koba kung bumaba ka eh hindi naman yata dito ang pauwi sa bahay mo." Sabi ni Maki.
"Hay loko talaga ang lalakeng toh! Wala akong sinabi na binibintang kita kung bakit pati ako bumaba kasalanan mo naman kase bat---." Natigilan sa pagsasalita si Satoya, dahil bigla nalang umalis sa harapan nya si Maki.
"Hoy! Wag ka ngang basta nalang umalis nagsasalita pako sa harapan mo ah." Inis na sabi ni Satoya, na sinundan si Maki.
"Daig pa natin ang mga mag-asawa na nag-aaway ah." Sabi ni Maki kay Satoya at si Satoya naman ay bigla nalang natahimik.
"Bat hindi ka makapagsalita diyan tama ba ang sinabi ko na daig pa natin mag away ang mag-asawa." Seryosong sabi ni Maki, at nagulat siya ng biglang tumawa si Satoya.
"Hoy gusto kopang magpakasal sa hayop kesa sayo. kala mo naman magiging asawa kita sa darating na taon o araw hinde ano ka suwerte." Natatawang sabi ni Satoya.
"Makikita mo kapang na inlove kana sakin." Sabi ni Maki.
"Ano? Ako maiinlove sayo kailan naman kaya yon?" Parang nagbibirong sabi ni Satoya ngumiti nalang si Maki at naghiwalay na sila sa paglalakad.
Satoya Kisaki Point Of View..
Nag taxi nalang ako para makauwi na sa bahay. Hindi ko talaga alam kung bakit nakapagsalita ako ng ganon kay Maki, paano kung ma-inlove nga ako kay Maki, lulunukin ko ba ang lahat ng sinabi ko sa kanya na gusto kopang magpakasal sa hayop hindi lang sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang magyayari sakin kapag na inlove nga ako kay Maki, bahala na kung ano ang magyayari sa taghana ko panalangin ko sana na hindi ako ma in love kay Maki.
"Tita, nandito napo ako." Sabi ko.
"Nandito kana pala. Nakapagluto na ko kumain ka na rin rito." Sabi ni Tita at nakita ko na nakaanda na sa kamang kainan ang hapunan namin.
Kumain na ako pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko tinawagan ko si Hannah, gamit ang cellphone.
Nag-usap kami ni Hannah, gamit ang mga cellphone namin nagsabi siya na pasensya kung bakit hindi sila nakarating sa stadium kung saan ako nag-intay.
Mga sampung minuto kaming nag-usap ni Hannah, hindi ko kiniwento sa kanya na nagkita kami ulit ni Maki, natulog nako dahil maaga pa ko papasok bukas sa school.
~KINABUKASAN~
Shinichi Maki Point Of View..
Napuyat ako sa kakaisip kay Satoya, seryoso ako ng sinabi ko sa kanya na maiinlove rin siya sakin hindi man ngayon sa malay ko bukas maiinlove narin siya sa katulad ko kase ako hindi kolang alam basta kapag nag-aasaran kaming dalawa parang lalo ko pa siya nagugustuhan.
Nasa tapat na ako ngayon ng KAINAN HIGH SCHOOL abang naglalakad ako nasalubong ko sina Jin, at Kiyota, napansin nila na puyat ako sabi konga napuyat ako sa kakaisip kay Satoya.
"Captain puyat kaba? Napipikit na yang mga mata mo napagod kaba sa laro natin kaapon parang hindi naman kase ikaw ang unang umalis para umuwi sa bahay bat parang---" Sabi ni Kiyota, hindi kona narinig kung ano ang sunod niyang sinabi.
Nagtungo kaming tatlo sa basketball gym.
~SA BASKETBALL GYM NG TEAM KAINAN~
Pagkarating nila Maki, Jin, Kiyota, at nakita nila na wala pang tao sa loob ng gym naisip ni Maki, na baka ma-le-late sila sa pagdating. sila munang tatlo ang nag-practice ilang saglit lang dumating na ang mga ka team mate nila sumali narin sila sa practice ang mga kakarating lang sa gym pagkatapos nilang nag practice may isang babaeng sumigaw ng pangalan ni Maki, nagulat sina Kiyota, Jin, Takasago, at ang iba pa ng biglang niyakap ng babae si Maki.
"JOWA ba yan ni Captain?" Tanong ni Kiyota, kina Jin, gulat na gulat parin sila sa nakita nila na niyakap ng babae si Maki.
"Long time no see my love." Sabi ng babae kay Maki, lalong nagulat sina Kiyota, sa narinig nila na tinawag ng babae na my love si Maki.
"Ano ba ang pinagsasabi mo riyan?." Nagtatakang tanong ni Maki, sa babae.
"Hay grabe hindi ka parin nagbabago kuya, ganyan ka parin." Nakangiting sabi ng babae.
"Sino ba yang babaeng yan naguguluhan nako ah kanina sinabi nyang my love si captain, ngayon naman kuya? Ano ba talaga ang relasyon ni captain sa babaeng yan?." Naguguluhan na tanong ni Kiyota.
"Pati nga kami naguguluhan na eh! hindi ba Jin?." Sabi naman ni Takasago.
"Oo ngayon palang namin nakita ang babaeng yan." Sabi naman ni Jin.
"Alam kona kung hindi sila ni Captain baka pwede kami ng babaeng yan." Napahisip na sabi ni Kiyota, hindi alam nila Takasago, at Jin, kung ano ang ibig sabihin doon ni Kiyota.
"Kamusta ako nga pala si Faith, magiging asawa ako ng captain nyo simula ngayon ako na ang magiging manager nyo." Pagpapakilala ng babae.
"Wag kayong maniwala diyan kapatid kolang yan." Sabi ni Maki, na yun nga ang totoo na magkapatid lang sila ni Faith.