Shinichi Maki Point Of View..
Pagkabayad ko ay hindi man lang nagpasalamat sakin si Satoya, imbis na sakin magpasalamat ay kay Faith, siya nagpasalamat at umalis na siya hindi man lang siya lumingon sakin kahit konte.
Hindi na kami kumain sa restaurant, umuwi nalang kami sa bahay napansin ko na napakasaya ni Faith, Hindi ko alam kung bakit.
"Sa wakas nakarating na. Ma, Pa, nandirito napo kami." Masayang sabi ni Faith, at ako naman ay pumunta nako sa kwarto ko.
Satoya Kisaki Point Of View..
Pagkarating ko sa tren station ay may nabunggo akong isang lalake.
"Pasenya na." Sabi nya sakin ang gwapo nya hindi tulad ni Maki.
"Ha... Okay lang." Ngiti kong sabi.
Nagpakilala siya sakin siya si Miyuki Sagara.
Nakalipas ang ilang araw..
Nasa basketball gym ako ng SHOYO kasama ko si Hannah, titig lang siya kay Hanagata, ano kaya ang pinakain ni Hanagata, dito kay Hannah, kung bakit nagkaga nito siya.
"Hoy wag kang masyadong umasa diyan kay Hanagata, marami pa namang iba ri'yan yung babagay sayo baka sa bandang uli ay hindi ka niya magustuhan lalo kalang masasaktan kung si Hanagata ang gugustuhin mo" Bulong ko kay Hannah.
"Sabihin mo yan kay Maki, para hindi na siya umasa sayo siguro may pag-asa siya na magustuhan mo noh." Sabi sakin ni Hannah.
Ano ba ang gusto niya gusto nya bang sabihin na may gusto ako kay Maki, malabo yon noh.
"Ano?" Inis kong sabi.
"Kita mona naiinis ka kaagad kapag pinag-uusapan na'tin si Maki." Ngiting sabi ni Hannah.
"Manood nalang nga tayo." Sabi ko para maiba na ang usapan.
"May kainahan karin naman pala eh." Parang nag-aasar na sabi ni Hannah, natahimik nalang ako.
Pagkatapos ng practice nila Fujima, ay may sinabi siya sakin magkakaroon daw sila ng practice game sa team ni Maki, ano naman ang pakealam ko kung may practice game sila.
"Manonood kaba?" Tanong sakin ni Fujima.
"Hindi na." Sagot ko.
"Talaga ba? Hindi ka manonood? Balita ko nililigawan ka ni Maki, hindi moba siya pupuntahan?" Sabi ni Fujima na parang gusto nya kong mainis.
Ano ba ang problema nilang lahat bakit pinipilit nila sakin si Maki?.
"Hindi nya ko nililigawan at saan nyo ba nalaman yan ah?" Galit kong sabi.
"Saan? Saan nga ba?" Sabi ni Hanagata, na parang nag-aasar ano ba ang pakealam ko bakit ba tinatanong kopa eh hulata namang hindi nila sasagutin ng maayos ang tanong ko sa kanila eh lalo pa ko nainis sa sunod na sinabi ni Hanagata tungkol sakin at kay Maki.
"Kailan ba ang kasal nyo gawin nyo akong bestman sa kasal nyong dalawa ah." Sabi ni Hanagata, at napansin kong biglang namula ang mukha ni Hannah.
Ano ba ang nasa isip ni Hannah, kung bakit biglang namula nalang ang mukha niya ng ganon dahil ba sa sinabi sakin ni Hanagata na siya ang magiging bestman sa kasal ko.
"Matagal pa yan noh hindi nya pa nga sinasagot si Maki, kasal na kaagad. Ako Satoya, okay na sakin ako ang magiging maid of honor." Sabi ni Hasegawa.
"Anong maid of honor? Para lang sa mga babae yon." Sabi ko kay Hasegawa, may sira na yata ang ulo nya wala yata siyang alam tungkol sa kasal.
"Ganoon ba? kung ganon ako nalang ang groom ay hinde bride pala hehehe." Sabi ni Hasegawa, may sira na nga sa ulo ang lalakeng toh ano ba talaga.
"Tapos kapag mag-aagis kana ng frower ay ihagis mo banda sakin para ako na ang sunod na ikakasal." Sabi ni Hanagata, at namula na naman ang mukha ni Hannah, pinapakinggan nya ba si Hannah? Ewan ano nga ba ang tumatakbo sa utak ni Hanagata? Sa tingin ko pinapakinggan nya si Hannah, sure ako diyan hehehe.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang mga player ng KAINAN kasama rin nila si Maki, at hindi lang mga player ng KAINAN ang dumating dumating din ang mga player ng SHOHOKU, at RYONAN.
Kala koba magkakaroon lang ng practice game ang mga player ng SHOYO sa mga player ng KAINAN at hindi lang yon ang alam ko sa iskuwelahan ng KAINAN gaganapin ang practice game bakit nandirito sila kasama rin nila ang mga player ng SHOHOKU, at RYONAN, balak kona sanang umalis ng bigla akong pinigilan ni Fujima.
"Aalis kana? Iniiwasan moba si Maki?" Sabi ni Fujima.
"Ano hindi ah bakit ko naman siya iiwasan?" Sabi ko.
"Bakit aalis kana?" Sabi ni Fujima.
"Ano kase kailangan konang umuwi maggagabi na kase." Sabi ko.
"Hindi pa naman... Kung madilim na sa labas ode magpaatid ka kay Maki, okay lang naman siguro sa kanya yon." Sabi ni Hanagata, muntik nalang ay malayo kung saan ako nakatayo si Maki at ang iba pa kung malapit sila sakin baka ano pa ang isipin nila.
"Wag ka nalang muna umuwi panoorin mo muna kung gaano magaling maglaro ang henyo." Sabi ng kulay pula ang buhok.
Sino ba ang tinutukoy ng lalakeng toh si Maki ba ang tinutukoy niyang henyo. "Hindi na dahil alam ko naman na hindi naman magaling yang tinatawag mong henyo." Sabi ko.
"Anong sinabi mo? Hindi ako magaling." Sabi sakin ng kulay pula ang buhok.
Ano ang pinagsasabi ng lalakeng toh wag nya lang sabihin na tinatawag nyang henyo ang sarili nya eh mukha naman hindi siya player.
"Hindi ba si Maki, ang tinutukoy mong henyo?." Tanong ko sa kanya.