Chapter 12 - CHAPTER 12

"Oh ano may masasabi ka paba sa team namin?." Pagyayabang na sabi ni Kiyota.

"Wala akong masabe... Porket nanalo kayo eh.." Nasabi na lamang ni Satoya kay Kiyota.

"Oh ano bakit di ka pagsalita?." Sabi ni Kiyota. "Siguro napabilib ka sa captain namin noh! Siya ang nakagawa ng puntos na pinakamarami at syempre ako rin." Sabi pa ni Kiyota, na nagyayabang pa.

"Tumahimik ka nga Kiyota.. Si kuya ang pinakamaraming nagawang puntos kesa sayo." Sabat ni Faith.

"Nangelam na naman ang isang toh." Bulong ni Kiyota, sa kanyang sarili. "Pasensya na... Nakakaiya naman sanyo kung di pa ko aalis." Sabi ni Kiyota, na napipikon na.

"Saan ka pupunta?." Tanong ni Maki, nang malapit na sa labasan si Kiyota.

"Magpapahangin lang captain." Sabi ni Kiyota, at umalis.

"Napikon ang mokong." Natatawang sabi ni Faith.

"Lagot ka." Bulong ni Maki, sa kanyang kapatid na si Faith, na lumapit pa ito.

"Bakit naman ako malalagot sa lalaking yon?." Tanong ni Faith.

"Long time no see ah." Nakangiting sabi ni Maki, kay Satoya, na di pinansin si Faith.

"Long time no see? May gana kapa talagang sabihin sakin yan noh! Obvious naman na nandito kalang dahil may practice game kayo sa team ng SHOYO.. Palagi ko itong tinatanong sa sarili ko kung bakit palaging kayo ang nanalo eh mukha namang hindi ka naman magaling at hindi rin naman magaling ang mga ka team mate mo." Maabang sabi ni Satoya.

"Wala akong mahintindihan sa lahat ng sinabi mo. Bakit ba sa tuwing nakikita mo ko eh nagagalit ka." Sabi ni Maki.

"Di mo ba alam?.. ngayon kolang napansin na ang yabang mo pala." Taray na sabi ni Satoya.

"Ako ngayon kolang napansin na napakataray mo at ang lupit sa mga lalake! Ano ka? Feeling maganda." Sabat ni Kiyota, na bumalik.

"Bakit ba nandito kapa kala ko umalis kana?." Galit na sabi ni Satoya.

"Uminahon kalang Hon. Baka malaglag ang sanggol sa sinapupunan mo niyan eh." Birong sabi ni Maki.

"Sanggol? Buntis ka Satoya? Mukhang di ko alam yon ah buntis kana pala." Sabi ni Hasegawa, na lumapit kina Satoya, nagulat din ang iba sa sinabi ni Maki.

"Totoo ba yon.." Tanong ni Sakuragi.

"Di ko masabe kung totoo o hinde.." Sabi naman ni Ayako.

"Hindi ako makapaniwala makakaanak na silang dalawa." Sabi naman ni Mitsui.

"Sobra na.." Bulong ni Satoya. "Sumusobra kana talaga Maki!." Galit na sabi ni Satoya.

"Huminahon kalang Satoya, baka malaglag nga ang sanggol sa sinapupunan mo." Sabi ni Sendoh, na naniwala sa biro ni Maki.

"Di totoo na buntis ako noh.." Malakas na sabi ni Satoya, at umalis.

"Galit" Sabi ni Maki.

"Magagalit talaga sayo yon Maki, ikaw pa naman pagsabihan ng ganon di ka magagalit? Kilala ko ang kaibigan kong yon sa konting asar lang sa kanya ay magagalit na naranasan kona na pagalitan nya alam moba kung ilang araw nya kong di kinausap di ko mabilang kung ilan." Sabi ni Fujima, kay Maki.

"Kung ilan lang ayos na kung isang buwan o isang taon di kona makakaya na di nya ko kausapin isang araw palang nga di nya ko kinakausap di kona kaya." Nasa utak ni Maki.

"Siguradong hindi na makapaghintay yon na mag sorry ka sa kanya yun ang palaging gusto nya na may nagsosorry sa kanya kahit nga walang ginawa yung tao eh gusto nya mag sorry parin sa kanya yon." Sabi ni Fujima.

"Bakit ako." Sabat ni Sendoh.

"Ano yon?." Takang tanong nila Maki, at Fujima.

"Wala.. Naisip kolang kase nang una kong nakilala si Satoya, mabait siya." Sabi ni Sendoh.

"Yun ang akala mo Sendoh.. Sobrang sungit non." Sabi ni Fujima.

"Masungit ba talaga siya? Di ko masabe." Nag-iisip na sabi ni Sendoh.

"Nag-iisip kapa sa lagay mong yan." Bulong ni Rukawa.

"Ano yon Rukawa? May sinasabi kaba?." Tanong ni Sendoh.

Di sumagot si Rukawa.

"Wala bang pake-alam ang lalakeng toh." Bulong na lamang ni Sendoh.

"Oh ano Maki, pupuntahan moba siya sa bahay kung saan siya nakatira sasabihin ko kung saan siya nakatira?." Tanong ni Fujima, kay Maki, kilalang kilala nya kase si Satoya, alam niyang hindi nagsasama ng loob ang kaibigan nya kung mababaw lang naman.

"Di ko kayang mag-isang pumunta doon takot ako baka ano pa ang magawa ko sa kanya kung pupunta ako doon na mag-isa baka maging totoo ang biro ko kanina." Sabi ni Maki.

"Wag mong sabihing balak mo ngang.." Sabi ni Sendoh, na nag-iisip na ng kahit ano.

"Wala naman akong balak gawin yon." Sabi ni Maki. "Mauna na ko." Pagpapahalam ni Maki, at bago siya umalis ay binulong muna sa kanya ni Fujima, kung saan nakatira si Satoya.

Pagkalabas ni Maki, sa school ng SHOYO ay naghalangan pa ito kung pupunta siya kung saan nakatira si Satoya, at sa bandang uli ay naisip niyang magtungo doon.