I walk through a not so narrow street. Ito ang pinakapassage papunta sa entrance ng bahay na kung saan ay mas pinakasafe daanan. At nang makita ko na ang trapdoor ay nagslide ako pababa. This place may look like a huge old trashy abandoned typa house but on the inside it's neat and things are well organized.
This is one of our troupes hide out. I grab the phone left on the small table and dial the phone number of a person. As what I expected he is tensed right at this moment.
"Ava?"
Ava is the person who helped and sheltered me since my parents died. I met him four years ago. At kahit nasa poder pa 'ko ng mga magulang ko noon ay kasama na 'ko sa grupo.
"Tang*n*, ano bang pinasok mo?! Kung hindi ko pa natunugan ni-raid na main natin!" He's mad.
Yes, I'm in an infamous fraternity. But we are not like any other gangs who get into fights or get into troubles just for trivial reasons, to be prominent, to be feared by many, or whatever you name it. Ava built this group for a purpose. Hindi kami nakikipagbasag ulo dahil trip lang namin. Infamous dahil bukod sa nakilala kaming mga kriminal kahit wala kaming inagrabiydong kung sino lang ay dahil mainit din ang mga mata ng mga awtoridad sa'min at kahit kailan di nila kami nahuli.
"Sinabihan ko si Troy para makaalis kayo 2 days before ah!" huminga ako saglit dahil sa pagkabuwiset. Natahimik naman ang kabilang linya at para bang may narealize bigla.
Trabaho naming protektahan ang mga kliyente, tulungan sila sa gulong din nila malabasan, at sumamsam ng mga pag-aari ng kalaban. May mga bad sides at hindi ko 'yon idedeny pero may mga bagay lang talagang kinailangang daanin mo sa dahas dahil hindi mo makuha ng patas.
"Now you see. I have warned you from the very start. But you still keep him"
"Nagagamit ko pa siya kaya hayaan mo muna. It's not his time yet" tukoy niya sa dati na naming miyembro ngunit pailalim na palang kumikilos.
"Seryoso ka?!" Di makapaniwalang sabi ko at may bahid ng pagkasarkastiko. Pero bago ko pa man sundan ang huli kong sinabi siya naman ang nagsalita.
"Walang pumapalya sa mga desisyon ko. Don't worry"
"Hindi pa rin 'yon rason para di mag-ingat. Keep an eye on the vault, palitan mo na rin ang password nakita ko sa surveillance last week may g*g*"
"Already did. I sniffed out someone might be digging" Then he laugh insanely. "Bakit ba kasi ayaw mo magpatulong?!" biglang sigaw niya sa kabilang linya.
"Para namang hindi mo pa ranas ang masangkot sa ganito"
"Oo, hindi na bago sa'tin 'to. Pero yung magpatulong ka man lang ba para hindi ka lumalaban ng mag-isa! Dumaan ka sa bahay, kunin mo na gamit mo. Dito ka magstay kung okay na"
"Hindi natin kilala ang mga 'yon. Wala rin tayong kahit isa man lang sa profile nila! Di pa rin okay, delikado pa tayo. At mas lalong dehado pa 'ko"
"I thought it was fixed?? Where are you? Papasundo kita"
"Hindi na, ako bahala sa sarili ko. Kayo na lang muna ni Jiyho ang sumipot sa alaga ng kliyente kahapon. It will take me a while to get back. I'll just message you later. Bye" sabi ko at mabilis na ibinaba ang tawag dahil hahaba lang lalo ang usapan. I'm really pressed for time right now.
Nagmadali akong hanapin yung backpack ko na may mga gamit ng nakaready. I grabbed my phone and my key saka sumibat. Tinanggal ko ung cover ng motor kong nakapark sa garahe saka sumakay nang makitang bukas na ang gate. Mukhang sinadyang tanggalin iyon at di ko na 'yon inisip pa't nagpaharurot na.
I went straight to the bank carrying a black duffel bags. I ask the manager for their fastest money transfer 'cause I really need the cash on hand. Hindi na sila nakipagtalo pa't ginawa na lang ang trabaho nila. Nang makuha ko ang pera ay saka ako bumira ng alis.
Pinuntahan ko ang mga nadaanan kong bangko para idistribute 'tong limampung milyon ko. I even traveled to nearby cities just to keep it. These are my only treasures for a moment and I am not safe without them.
Ang milyones na mayroon ako ay iniwan para sa'kin ng mga magulang ko. At kahit kailan di ko ginalaw o binawasan man lang. May pagdududa kasi sa'kin dahil di ko alam kung galing ba talaga 'yon sa mga pinaghirapan nila o may iba pa.
But for those people who don't know me will think I grew up with a silver spoon in my mouth though hindi ko ramdam ang mabuhay ng marangya. Magulang ko lang ang mayaman at hindi ako. And I much prefer living in a simple life. My grandmother used to taught me about how world works and I used to listen to her everytime. But she passed away when I started in high school. She's the only one I have and the one who always on my side because I do not consider my parents as my own family.
Hinayaan kong tuyuin mismo ng hanging sumasalubong sa akin ang luhang naglandas sa pisngi ko habang pinapatakbo ng mabilis ang motor ko. Ang pinakaaayawan ko sa lahat ay ang maalala pa ang miserable kong buhay kasama sila. At kahit anong limot ang gawin ko hindi 'yon basta basta nabubura. Pero di ko inaasahang mas may imimiserable pa pala ang buhay ko dahil parang kating kati ang mga taong kumidnap sa'kin na balikan akong muli.
Matapos ang maghapon kong paglalabas masok sa mga bangko ay nagpunta ako sa BorVilla at nakahanap ng isang apartment malayo sa siyudad na pinanggalingan ko kanina. Agad akong pumasok at isinalampak ang katawan ko sa sofa. Binuksan ko rin ang TV at saktong may breaking news naman ang nagflash.
Ayon sa inirereport ng newscaster ay may nangyari daw na sunog sa Lavleand. At nakita kong talaga namang nagliliyab ang three story na building na yon. Binanggit pa ng tinawag na reporter na siyang nasa pinangyayarihan ng sunog ay wala naman daw nasaktan. Inaapulahan na rin daw ng mga firefighters at may kung ano ano pang binanggit na iba pang detalye ngunit di ko na pinakinggan.
'Tingnan mo nga naman oh. Nakaligtas pa rin sila?'
Pinatay ko na lang ang tv at ipinikit ang mga mata ko. Parang di ko maramdaman ang katawan ko ngayon. Maglalie low muna ako for now dahil sigurado akong pinaghahanap na naman ako ng mga iyon katulad na lang noong isang araw na kornerin nila ako at sa isang iglap ay tumatakas na lang ako bigla. Hindi malabong hindi rin nila ako mahanap ngayon.
Kinuha ko ang phone ko at nagmessage kay Ava gaya ng sabi ko sa kaniya.
To: Ava
Composed message
"Pre, maglalie low muna 'ko. Those bastard might hunt me down again. I'll just leave you message again soon"
Sent
Napahawak ako sa noo ko at bahagyang hinilot ito. Napatingin akong muli sa phone ng may mag-pop up.
From: Ava
Composed message
"No matter how good you are at hiding, you can never escape from the trouble you are in. I'll give you free time for now, but I won't spare you another time to run."
(Voice message)
"Sino kayong mga tarantado kayo— *BLAAAGG!*"
Recieved
'Ava??'
'Letche talaga ang mga kampon na 'to'
To: Ava
Composed message
" 'WAG NIYONG GAGALAWIN ANG MGA 'YAN! YAYARIIN KO TALAGA KAYO!"
Sent
To: Ava
Composed message
"Then meet Rexor in Weflonside tomorrow at 5 p.m. in a coffee shop near the train station. Don't be late or I'll sue them."
Recieved
Sa inis ko ay ibinato ko ng malakas ang unan na nasa tabi ko at tumilapon 'yon.
'Ano bang atraso ko sa kanila at naghihimutok sila?!'
Wala akong kinalabang hindi ko kilala. At sigurado akong di pa sila nakakabangga nila Ava. Kung may atraso man ako at ako ang habol nila, tama lang na hindi na makisangkot pa ang mga tropa ko do'n, ngunit pilit naman silang idinadamay ng mga buwiset na 'yon!