I slowly opened my eyes as the sunlight from the window struck me. My eyes darted around and stared at the ceiling.
'This is not my room. Where am I?'
Though the bed is comfortable, I sit up and leaned on the headboard while examining the whole place. I'm in a different room, it's huge and walls are cool white.
Napapikit ako ng iginalaw ko ang kamay kong nakabenda na. I remembered now what happened, but the pain in my left arm is stinging. I know this is not a hospital but where the heck am I?
Napatingin ako sa suot ko at hindi na blouse and skirt na ipinangpasok ko sa work ang suot ko ngayon. It's a loose shirt b-but I don't have any pants or shorts man lang. Nang inalis ko ang kumot na nakabalot sa'kin ay kita kong wala nga akong pang-ibaba or kahit panty man lang. Napahawak ako sa dibdib ko at wala rin akong bra.
'Anak ka ng...'
"Winsztonn! Leche kaaa!!" napatigil ako sa paghihimutok ng biglang may pumasok na babeng sa tingin ko ay nasa mid 50's niya na.
"Oh Hija, mabuti at gising ka na. Kumain ka" aniya saka isinara ang pinto. Inilapag niya ang maliit na table na may tray na puno ng pagkain sa tabi ko at nakangiting naupo rin sa tabi ko habang inaayos ang buhok ko.
I pull my covers up higher on my body and hugged my knees. "N-Nasaan po ako? Nasaan ang mga damit ko? Bakit ako nandito??" sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
"Narito ka sa mansion ni ser Winsztonn. Ang mga damit mo naman ay akin munang nilabhan. Hala, kumain ka na muna. Mamaya na ang mga tanong, bago pa lumamig ang pagkain mo. Kaya mo na ba? At siya, ako na ang magpapakain sa'yo"
"Ako na po. S-Salamat" sagot ko at saka sumubo ng pagkain. Masabaw yon at may mga gulay. May mga piraso rin ng karne at sa maliit na bowl ay may mga prutas. Sobrang sarap ng pagkain kaya panay ako sa pagsubo at napaubo pa ng masamid. Parang di ako nakakain ng ilang araw at gutom na gutom ako.
"Magdahan dahan ka anak at baka mabulunan ka lalo. Heto ang tubig"
I took the glass of water when she handed it to me and thanked her.
"Iwanan muna kita diyan at kukuha lang ako ng damit mo para makaligo ka na rin pagkatapos mo kumain"
I watch her leave the room, and I finish my food. Later, she came back with a complete brandnew set of clothes.
"Kagabi pa po ba ako rito?" tanong ko.
"Magdadalwang araw na"
"Po??" napasapo ako sa noo ko.
"Magdadalwang araw ka na rin kasing walang malay Hija. Heto ang mga damit mo. Siya sige, at aantayin kita rito"
Kinuha ko sa kamay niya ang mga damit at ang tuwalya. Agad naman akong kumilos at tinanggal muna ang benda ko. Nagpunta ako sa washroom and took a good 20 minute shower.
When I came out she's still there smiling at me. I sit next to her and she suddenly asked,
"Kamusta ang pakiramdam mo, Saddain? Ako si Manang Jaqui, at isa ako sa mga nag-aasikaso rito sa mansion"
I was a little surprised because she knew my name but I smiled back. "Ayos na po"
"Narinig kitang sumisigaw at nagagalit. Dahil ba pang-itaas lamang ang suot mo?" sabi niya habang bahagya pang natatawa. Napatango naman ako dahil sa hiya.
"Pasensya na at kailangan mong malinisan. Ako na rin muna ang nag-alaga sa'yo habang wala pa ang doctor mo"
Bigla akong nakaramdam ng lungkot at inisip na sana nagawa rin akong alagaan ng ganito ng Mommy ko. Napailing ako sa sarili kong isipin at astang tatayo na pero napatingin muna ako kay Manang.
"Aalis na po ako"
"Ha? Hindi ka pa puwedeng umalis at darating pa ang doktor mo"
I looked out the window and found this place unfamiliar. I guess hindi nga talaga ako makakaalis basta basta dahil may mga guwardiya din na nagroronda sa labas.
"Nasaan ba ang buwiset na yon? Yayariin ko talaga siya ng makita niya!"
"Hinahanap mo ba si ser Winsztonn?" Biglang tanong niya at di ko namalayang nasabi ko pala ang nasa isip ko.
I know what his name already. Pero Darc lang ang natatandaan ko sa pangalan niya ng magsearch ako tungkol sa pamilya nila. Pero dahil napakaprivate nila ay limitado lang ang nalaman ko. Bagay na bagay sa taong 'yon ang pangalan niyang kasing itim ng pagkatao niya.
"Nasaan ho ba ang ser niyo?" tanong kong malambot din ang pagkakabigkas sa salitang 'Sir' gaya ni Manang.
"Naku hindi pa yon nakakabalik simula ng dalhin kang duguan ng mga tauhan niya rito. Ano bang nangyari sa'yo Hija at may tama ka?"
'May tama rin ho kasi sa utak ang ser niyo eh'
"May nakaaway lang ho. Manang, matagal pa po ba ang doktor na sinasabi niyo? Kailangan ko na pong umuwi"
"Parating na rin 'yon dahil ganitong oras ang schedule niya sa'yo. Kaya 'wag ka munang umuwi at hindi pa puwede"
"Kung ganon po ay aantayin ko na lang ang doktor na 'yon para makaalis na 'ko"
"Mas lalong hindi puwede" naikunot ko ang noo ko sa sinabi niyang 'yon. Halata ko rin ang takot sa kaniya pero dahil mas lamang sa akin ang inis ko ay nawawalan ako ng pake sa paligid ko. "Mahigpit ang bilin ni ser Darc na 'wag kang paaalisin dahil kami ang malalagot. Kaya habang wala pa siya ay dumito ka muna"
"Wala ho siyang karapatang ikulong ako rito kaya aalis po ako!"
Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil nasigawan ko si Manang. "S-Sorry po pero hindi ko po matitiis na magtagal dito"
"At bakit naman? Nakakagulat na ngayon lang nagdala ng isang dalaga ang batang iyon. Buti at naging mabait siya sa'yo at niligtas ka" tuwang tuwa pang sabi niya.
'Mabait? Sa lagay na 'yon mabait na siya 'non?!'
'At niligtas?! Eh kung sabihin ko kaya kay Manang na ang ser niya ang bumaril sa'kin??'
"Kailan po ang uwi ng amo niyo?"
"Mamayang gabi pa Hija"
Kung ganoon ay kailangang ngayong hapon ay makaalis na 'ko rito. Dahil kung hindi ay baka di na ko sinagan pa ng araw. Pero hindi ba dapat ay patay na ko ngayon? Rinig ko ang huling putok ng baril na pinakawalan niya noong huli kaya bakit di ako natuluyan??
We heard a knock on the door and a woman on her white coat and her eye glasses came in with her medical stuff in a box. Nagpaalam muna si Manang saka naman lumapit ang doktor sa akin.
"I'm Doctor Leisy. How's my patient?"
"Will this take long?" I asked without even answering her question.
"This will be quick. I'll just clean your wound up and apply some ointment so it won't leave a scar. Sir Winsztonn doesn't like ladies with scars."
"Ahh, ayaw niya ba ng ganon?" kunwaring tanong ko pa. "I'll try to cut my skin then. Ano po kayang magandang design? Lalagyan ko na rin ng ekis ang mukha ko gamit ang kutsilyo, tingnan lang natin kung di ako lubayan ng sir mo" naging bastos ako kaya napahinto ang doctor sa ginagawa niya sa braso ko pero ngumiti pa rin siya sa'kin.
"Why would you do that? Napakaganda mong bata at 'wag mong gagawin yan para lang sa lalake. That's never a good idea. Did you have a fight with him?" her eyes got widened.
"Bakit po ganiyan ang reaksyon niyo? Ngayon lang ba may nakaaway ang sir niyo?"
"I'm the one who takes care of their family. But it's strange 'cause if you two had a fight, you should've been dead by now."
Since she's a family doctor of the Winsztonn paniguradong alam niya rin ang background nila.
"There. You're all good. I'll come back tomorrow to check up on you, and after that, you can apply the ointment yourself that I'm going to prescribe to you. And next time, young lady, take good care of yourself. Kababae mong tao wag kang nakikipagbasag ulo para di ka mabaril. It's unlady like, alright?"
Doctor ba talaga siya o counselor? Hindi na 'ko sumagot pa dahil baka mas mabastos ko pa siya. Di niya alam ang sinasabi niya pero dahil wala nga akong pake ay di ko na lamang pinansin. When she said her goodbyes, I ended up being alone in the room again. Walking back and forth, thinking of what I should do. Im restless because i really wanted to go home. But I thought about Manang.
Eh ano naman kung umalis ako diba? Di ko naman siya kaano ano para isipin ko pa. Pero sa kabilang banda naisip ko rin na, kakayanin kaya ng konsensya ko kung ako nga na nabaril ni Darc at nakaligtas pa rin ay paano pa kaya kung siya yung barilin?
Gusto kong maging makasarili at isipin muna ang sarili ko pero parang di ko kakayanin kung masaktan ang iba dahil sa'kin. Tumatanaw naman ako ng utang na loob kaya para maging patas kay manang ay mananatili muna ko rito ng ilang oras pa.
Inihiga ko ulit ang katawan ko dahil sa pagkaburyo. Napatingin naman ako sa wall clock at nakitang mag-aalas tres na pala. Hindi ko na matiis ang pagkabagot kaya tumayo ako at lumapit sa pinto. Naging madali naman para sa'kin ang lumabas pero napatago ako sa pader ng matanaw na may paparating. Nang makalagpas ang maid na yon ay saka ako nagtuloy sa paglalakad.
Nakakaligaw rito dahil napakaraming kuwarto at pasikot sikot. Bumaba ako sa hagdan ng dahan dahan habang sinisigurong walang makakakita sa akin dito sa may corridor. Bumaba pa ulit ako ng isa pang hagdan and finally narating ko rin ang pinakaibaba. Nakita ko si Manang na may kausap na isang maid sa dining area at dahil di sila nakaharap sa gawi ko ay masuwerteng nakalabas ako hanggang sa makarating sa balkonahe.
I keep walking until I saw a huge garden. There's a fountain and some fishes. But I hid behind the trimmed bush when I saw two guards approaching. May mga baril silang nakasukbit sa balikat nila at hinintay ko namang makalagpas ang mga 'yon.
Nang matanaw ko na ang pinakagate ng mansion na 'to ay saka ako tumungo doon kahit pa nakapaa. Hindi ko na maaatim ang ilang mga minuto pa para manatili rito. And since gabi pa naman daw ang uwi ng Darc na 'yon ay grinab ko na ang chance na tuluyang makalabas. Bakit ba ang haba ng daanan dito?
Tumakbo na ko kahit pa nakita ako ng mga guwardiya nila. Ngunit nakakapagtaka namang di man lang nila ako hinabol kaya napangiti pa ko hanggang sa tuluyang marating ko na ang gate. Agad kong binuksan ang gate habang ngingisi ngisi pang isinasara yon. Pero nalaglag din ang mga ngiti ko ng pagharap ko ay nasalubong ng mga mata ko ang mga matang blangko ng isang tao.
'Kaya ba di nila ako hinabol dahil alam nilang nandito na siya? Buwiset! Bakit ba di ko yon naisip!'
I froze in my position when I felt a strong gripped around my neck. My breathing became suddenly tighter as I tried to remove his hand from me.
"I-I can't b-breathe..."