Chapter 4 - Chapter 3

Continuation~~

It's not bad to love, but it should be at the right time and with the right person.

''Prinsesa Hellevi, nandito na po tayo.'' 

Wika ng aking personal na driver matapos ihinto ang sasakyan sa harap ng mataas na gusali. Pagkatapos ng kaganapan sa palasyo ng Finnegan ay ipinagpatuloy ko ang aking plano na bisitahin ang lahat ng sulok ng Finnegan City upang maging pamilyar sa ari-arian na pagmamay-ari ng pamilyang Finnegan na ngaayon ay aking pamilya.

Sa susunod siguro magfocus na lang ako sa ibang ari-arian ng pamilya dahil gusto kong sayangin ang pera nila ngayon. Babalik din naman ang ipanggagastos ko sa yaman nila.

Bumaba ako ng sasakyan at pagpasok ko sa building, maraming nakatingin sa akin at nagbubulungan. Ang ganda ko kasi.

"Sino siya?"

''Prinsesa ba siya?''

''Wala akong ideya ngunit sa tingin ko siya ay isang Prinsesa.''

''Wala siyang suot na tiara kaya sa tingin ko isa siyang Noble.''

''Siya siguro ang anak ni Duke at Duchess Grange na hindi lumalabas ng mansyon.''

Dahil hindi ko suot ang tiara na sumisimbolo sa aking pagiging prinsesa, hindi nila nakikilala ang mukha ko bilang si Hellevi dahil wala na ang makapal na make up sa aking mukha. Grange? S-shit, bakit nila naisip na ako ang anak ng mag-asawang Grange? Tang-ina ayokong maging Female Lead.

Phebe Grange- Ang bida ng kwento na pag-aagawan ng iba't ibang Male Leads dahil sa kanyang kagandahan at kabaitan. A Noble Lady who is the daughter of the highest duke in the city of Finnegan. Papasok siya sa kwento tatlong buwan mula ngayon kaya kailangan kong isagawa ang plano bago siya lumitaw sa buhay ng mga lalaking leads ng kwento. Ako lang ba o talagang parang magkasunod ang pangalan ni Phoebe at Phebe?

''G-good Morning, M-miss. How can I help You?''

mukhang natatakot siya. Bakit? Mukha ba akong kumakain ng tao? Akala niya siguro isa talaga akong Noble Family na marahas at sisigawan siya kahit kaunting pagkakamali. Ganyan ang mga Noble Families na manakit ng iba hindi tulad ng Royale Family na nakakatakot pero hindi ka nila sasaktan kung wala kang ginawang masama sa kanila.

''Where can I find black clothes?''

Nandito ako sa tindahan ng mga damit dahil balak kong bumili, nakukkuntian ako sa mga damit sa closet ko dahil tinago ko na diba ang mga kulay ubeng damit at kagamitan ni Hellevi dahil hindi ko type pero may mga kulay ubeng damit rin akong tinira dahil nagustohan ko ang design.

Iginiya ako ng sales lady sa bahagi ng tindahan kung saan makikita ang magagandang itim na damit. Actually, sikat na  brand ng mga damit ang binebenta nila dahil pagmamay-ari ito ng Royal Family of Macbeth, sila ang leading Family sa clothing design industry. Mayroon silang mga brand sa buong Arcadia, maging sa labas ng bansa ay mayroon sila.

''These are the black clothes we sell, Miss.''

Tumango lang ako at nagsimulang pumili ng damit na akma sa katawan ni Hellevi na pagmamay-ari ko na, habang nakatayo lang sa gilid ang sales lady at pinagmamasdan ako.

I chose nine types of black dresses while I chose five types of black pants and black tops. I also chose white clothes because this color is also my favorite.

Dinala ng sales lady sa cashier station ang mga damit na napili ko para makabayad ako. Kinuha ko ang card na nakita ko sa wallet ni Hellevi at ibinigay sa cashier. Ito ay itim na may Gold linings  sa mga gilid at Gold na letra, at nakaukit ang apelyido ng pamilyang Finnegan.

Nang makita ng cashier at sales lady ang card ko, nanlaki ang mga mata nila sa gulat at napayuko sila at binati ako. Eh?

''Your Highness!''

Sobrang lakas ng boses nila kaya nakuha namin ang atensyon ng iba na nakatingin na sa card na hawak ko.  bulungan ang namutawi sa loob ng bouquet

''siya ay isang prinsesa?''

''Anong Royal Family ang kinabibilangan niya?''

''Ibig sabihin isa siyang Prinsesa?''

''Pero sino?''

''Kilala ko ang lahat ng prinsesa ng ating bansa ngunit hindi ko siya kilala.''

''Baka naman si Princess Hellevi yan tapos nagpa-make up sa pinakamahusay na make-up artist?''

''Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kahit ata pinaka magaling na make-up artist sa mundong ito hindi na mapapaganda pa ang Babaeng yun. Hahaha!''

Sunod sunod na tawa ang narinig ko matapos insultuhin ng isang babae si Hellevi. Tsk, mali kayo ng ininsulto.

Ibinigay ko ang card sa cashier at dali-daling pumunta sa direksyon ng mga nagtatawang babae na kasing edad ni Hellevi. Mabilis nilang napansin ang presensya ko dahilan para tumigil sila sa pagtawa.

Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa at diretso sa mga mata nila bago ipinaikot ang aking mga mata. Tingnan nyo na lang kung paano kayo tarayan ng isang Hellevi.

''A scoundrel like you has no right to belittle a Princess.''

Nakangiti kong sabi Ngunit ito ay May diin na sila lang ang makakarinig, nanlaki ang mata nila sa tipo ng pananalita ko. narealize siguro nila na ayokong marinig ng iba ang sasabihin ko sa kanila

''Y-your Highness''

''Do you know that I can punish you for insulting a princess''

mahinang sabi ko sa kanila na nanginginig na ang mga katawan at parang humihingi ng tulong ang mga mata nila sa mga tao sa paligid namin.

''P-pata--''

''What is the best punishment I can impose on you?''

Tanong ko habang nakahawak sa baba ko na parang nag iisip

''W-wa--''

Lumapit ako sa kanila ng ilang dipa kaya naging malapit kami sa isa't isa. Bumulong ako sa kanila dahilan para mawalan ng kulay ang mga mukha nila

''Aha! Paano kung ulo nyo na lang? Para may display ako sa kwarto ko''

Masayang bulong ko sa kanila habang pinapalakpak pa ang mga kamay ko habang sila ay parang  naiihi na sa kinatatayuan nila.

''Nice to meet you, I'm Hellevi by the way''

My voice was loud when I said my name so they would know that Hellevi had changed. In my old world, I didn't want attention, but now that I'm here in another world, why don't change myself too?

Nag-ingay ang mga taong nanonood sa amin, narinig ko pa ang tunog ng camera na parang kinukunan kami ng litrato.

''Siya ba si Prinsesa Hellevi?''

"The F?"

''Paano naging Prinsesa Hellevi ang diyosa na iyon?''

''Hindi ko rin alam pero parang nagsasabi siya ng totoo kasi nasa kanya yung Finnegan card''

''Diba nakahimlay siya ng matagal sa higaan niya?''

''Oo, yan ang sabi ng mga katulong ng palasyo''

"Sabi pa nga ng Pamilya ililibing nila ang bangkay ng Prinsesa dahil namumutla na ito"

Hindi ko na narinig ang iba pa nilang sasabihin dahil lumayo ako sa grupo ng mga tao na nakapaligid sa grupo ng mga babaeng kausap ko kanina. tsk, wala pa akong ginagawa, takot na agad sila.