Chapter 50 - 7.12 Poorita Mindset

Hindi pa man lumipas ang isang araw matapos ang wedding ceremony ay humingi na si Maki ng saklolo kina Jin para ungkatin lahat ang mga pangyayaring may kinalaman kay Kozue bago sila nagkakilala ng malinis niya ang kanyang pangalan.

"Mukhang ito talaga ang first honeymoon namin ni Jin ah." komento ni Via kay Maki nang tawagan siya nito noon sa phone.

"Oo at pasensya na rin ulit sa pang-aabala sa inyo." tugon naman ni Maki sa kabilang linya.

"Dibale, bawian lang iyan. Sabi nga ng iba na anuman ang ginawa mo sa kapwa either mabuti o masama ay babalik sa'yo pero mukhang mas komplikado pa ang sitwasyon mo ngayon Maki kaysa noong pinoproblema mo lang ang katigasan ng ulo ni Kiyota." ayon kay Jin na busy na nagmamaneho sa driver's seat.

"Pero sa totoo lang, hindi naman ako natatakot sa responsibilidad kung ako man ang tatay ng dinadalan-tao ni Kozue. Pananagutan ko iyon kung sa akin talaga ang bata pero gusto ko lang makasiguro at baka maling akala lang niya ang lahat." pangangatwiran ni Maki ngunit naiiba ang tono ng pananalita niya kaysa sa nais niyang ipahiwatig.

"Bago ko nga pala malimutan, iyon bang kasama mo sa wedding namin last time ang ikinukwento mo sa amin dati na adopted sister niyo sa family?" curious na tanong ni Jin.

"Oo. Kakauwi lang din niya mula sa US." tipid na sabi ni Maki.

"Kaya pala medyo socially awkward siya sa mga bisita namin. Hindi ko man lang siya nabati para ipakilala sa iba pang guest namin noon sa kasal." dismayadong sabi ni Via sa sarili noong nangyayari ang party sa wedding reception.

"Parang ibang klaseng paghanga na iyan sa kapatid mo. Umamin ka nga sa amin, may gusto ka ba kay Sandy?" pangungulit ni Jin at ginatungan pa siya ng asawa niya.

"Huwag ka naman masyadong halata, love. Kinikilig tuloy ako para sa kanila." pang-aasar ni Via at tila natutuwa pa sa kanilang presumption.

"Hindi ah... Mailap pa sa katotohanan ang wishful thinking niyo." pagtanggi naman ni Maki na hindi nasisiyahan sa mga salita nila.

"Payo ko lang sa'yo Maki, basahin mo iyong Part IV ng Civil Code at mapapatunayan ko sa'yo na posible ang pag-ibig sa pagitan niyong dalawa lalo na kung hindi naman kayo magkadu- gong literal." sabi ni Jin sa kanilang kaibigan.

"Basta iuupdate ka namin kung may nasagap na kaming impormasyon kay Kozue. Malapit na rin naman kami sa Osaka." sabi naman ni Via bilang pagsuporta na rin sa kanyang kaibigan.

"Sige hindi ko tatanggihan iyang alok niyong tulong. Maraming Salamat sa inyo at tunay kayong maaasahan." pagpapaalam naman ni Maki sa kanila.

Sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Maki ang mga sinabi sa kanya ni Sandy noong magkausap pa sila sa balkonahe tungkol sa posibleng dahilan kung bakit tila naiiba ang bokabularyo ni Kozue sa kanyang pananalita at asal kaysa sa kanila.

"Masyadong malala ang mood swings niya at hindi ako sigurado kung ano ang pinagdaanan ni Kozue para mangahas siya ng attention mula sa inyo. Pero anuman ang maging resulta ng lahat ng ito, tinitiyak ko naman sa'yo na andito pa rin ako at hindi ka ipagtatabuyan. Kaluguran da kang tune (Mahal kita for real)."

Sinang-ayunan ni Maki ang mga salita ni Sandy kung kaya't pumunta siya sa mga kilalang espesyalista para magpasecond opinion tungkol sa pagsusuri sa kanyang sperm count na nakitaan dati ng problema.

Nang makarating siya sa front desk ng specialty hospital ay nabigla na lang siya nang makita ang pamilyar na mukha. "Minami?" tawag atensyon ni Maki na parang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

"Hay naku... Good morning, sir. Anong sadya niyo po dito?!" At tila walang galang siyang sinalubong ni Minami ng condescending mood.

"Andyan ba si Dra. Funabiki? May appointment ako sa kanya." seryosong tanong ni Maki.

"Huwag mong masyadong gawing personal ang dahilan kung bakit ako nandito. Trabaho lang ito kaya pumunta ka na agad sa clinic niya sa doon sa third floor." sabi ni Minami at iniwan siya doon gaya ng mga niligawan niya sa kanyang nakaraang buhay noong high school.

Pagkapasok pa lang ni Maki sa clinic ng naturang doctor ay tila salubong ang kilay nito nang marinig ang balita tungkol sa nangyari sa kanyang inaanak.

"Ipaliwanag mo nga sa akin kung anong klaseng kabulastugan ang pinagkakalat ng nanay mo sa Friendster ko?!" Bulalas na sabi ni Dra. Azure Funabiki na para bang nakagawa si Maki ng kasalanang hindi na mapatawad ninuman.

"Pasmado talaga ang bibig ni mama kahit kailan." Shinichi thought to himself tungkol sa unique trait ng kanyang ina.

"Kung sakali mang totoo po ang sinabi niya sa inyo, malamang eh magkaka apo na siya sa taong hindi ko naman minahal." walang ganang sabi ni Maki at umupo sa tabi ng mesa ng doctor.

"Iyan na nga ba ang problema sa inyong mga kabataan. Masyado na kayong mapusok sa pag-ibig eh hindi niyo naman kailangang magmadali." nakuha pa ni Dra. Funabiki na pinangaralan si Maki kung paano dapat ang takbo ng buhay niya.

Although she was considered to be cheeky towards her patients ay hindi naman nito matatawaran ang kanyang credentials when it comes to facilitating special cases about reproductive health of both sexes. They are well known for being fertility specialists na madalas nagsasagawa ng procedures para mapadali ang pagkakaroon ng anak ng mga married couple.

"Kumuha ka na ng specimen cup doon para masimulan mo ng magjack off sa comfort room." utos ng doktor sa kanya. Jack off means to masturbate at gagamitin ang sample na iyon for semen analysis.

"Pupunuin ko po ba?" ani Maki na may halong malisya.

"Of course, kung hanggang saan ang kaya mo." sabi sa kanya ni Dra. Azure habang nacicringe siya sa kanilang pinag- uusapan.

"Pero kung droplets lang ng sample ang gagamitin niyo, saan naman po napupunta ang sobra na galing mismo sa container?" wika ni Maki at tila namula ang doktora sa mga tinatanong sa kanya.

Hindi na nasagot ni Dra. Azure ang tanong dahil ipinatawag na siya ng hospital CEO para sa trial ng kanilang mga bagong equipment. "Babalik din ako. Pakibigay na lang ang specimen sample mo sa medtech na papunta rin dito iho, neh!" bilin ng doktora sa binata bago umalis at halos nag-iinit na si Maki for doing something unholy again this second time around.

⏱Flashback⏱ ►

It was a groundbreaking ceremony para sa buhay ni Atsushi ang pagtanggap sa kanya ng higher ups bilang manager ng isang hotel business noong nakaraang buwan. Kung siya mismo ang papipiliin ay nanaisin na lamang niyang maging low-key employee sa ngayon ngunit nagkaroon ng aberya sa administrative work kung kaya't kinailangan niyang mag-adjust depende sa pagtrato sa kanya ng iba nilang kasamahan sa trabaho.

Tsuchiya dito, Atsushi doon. Lahat na lang ng pwedeng marinig na musika ay tila walang makakalampas sa record nitong sirang plaka dahil paulit-ulit iyon naririnig sa buong establishment.

Samantala, napansin naman ng customer ang tila lantang kabute sa harapan niya. "Aysus... Kailan pa ba ang huling tulog mo?!" panunumbat ni Kishimoto na pawang isang customer din sa gabing iyon.

"Wala akong panahong makipagdebate sa'yo. Kung tatambay ka lang sa lounge at hindi ka kakain sa bar o magbabayad ng kwarto para tulugan mo, huwag mo na lang akong kausapin." tugon ni Tsuchiya sa busy sa pag-encode ng income tax return na kailangang ipasa bago magtapos ang holiday na paparating.

Bukod pa sa paperworks ay tambak rin ng reservations ang mga kwarto sa hotel kaya hindi na masyadong nakakakain ng maayos si Tsuchiya dahil sa overworked nitong schedule.

"Hoy Airweave, share your blessings at sponsoran niyo na- man ako ng mahimbig na tulog. Maawa na kayo dahil pagod ng dumilat ang mga mata ko sa mga bwisit na numero na ito." wika nito sa kanyang sariling kalutangan.

"Bahala ka na nga dyan. Ang hirap sa'yo ayaw mong magtiwala sa mga kasama mong empleyado rito." sumbat ni Kishimoto sa pagmumukha ni Tsuchiya.

"Paano ko naman ipagkakatiwala sa'yo ang taxes dito kung hindi ka naman maalam sa pasikot-sikot ng pera. Kaya naman pala muntik ng magsara ang lugar na ito dahil din sa katangahan mo." deretsahang sumbat ni Tsuchiya sa pagmumukha ni Kishimoto.

Imbes na patulan pa ni Kishimoto ang kagaspangan ng bibig ng binata ay minabuti na lang niyang hayaan ito sa kanyang miserableng sitwasyon at piniling mag-enjoy sa negosyong ipinundar ng magulang ni Kishimoto na matagal ng wala sa mundo nang dahil mismo sa Covid.

"Edi ikaw na ang magaling." bweltang tugon ni Kishimoto at saka na umalis sa harapan ni Tsuchiya dahil baka hindi nito mapigilan ang sarili na makasakit sa kanya.

"Insan, hindi ka pa ba tapos diyan? Malapit ng mag-alas dose at limang araw ka ng gising. Take note na wala ka sa Hotel Transylvania para magpakaimmortal sa ginagawa mo. May balak ka bang sundan si lola sa hukay ng puntod niya?" tanong ni Kozue kay Atsushi dahil sobrang nag-aalala na siya sa kabaliwang kinaadikan ng binata, ang maging workaholic 24/7.

"Eh bakit gising ka pa?!" tanong ni Tsuchiya sa kanyang pinsan na si Kozue.

"Ang init kaya sa storage room. Sira ang aircon at maraming insekto ang nakikisleep-over sa kutson ko. Nagtatrabaho nga tayo sa hotel pero ni minsan eh hindi ko pa naranasang matulog sa maayos na kama." reklamong saad ni Kozue na nagmamaktol sa kanyang sitwasyon at mistulang bata kung magmakaawa.

"Sorry na kung hindi pa kaya ng sweldo nating pareho ang magpundar ng sariling bahay. Kung hindi lang sana lumindol sa apartment natin noon edi sana kasama pa natin si lola hanggang ngayon." paliwanag ni Tsuchiya.

"Pasensya ka na sa pagrereklamo ko insan. Ayaw ko lang naman kasi na maging ganito na lang habangbuhay na umaasa lagi sa limos ng iba kahit sa pagiging ekstra ko sa mga pelikula. Dibale, maghahanap ako ng mapapangasawang mayaman para problem solved na ang lahat." natutuwang sabi ni Kozue na tila malakas ang tama ng ulo sa pader.

"Sige, sinabi mo eh pero siguraduhin mo lang na walang sabit ang lalaking ipapakilala mo sa akin para mapangasawa mo." birong sabi ni Tsuchiya.

"Sabit? Ano bang pinagsasabi mo dyan insan? Hindi ko naman siya isasampay sa bakal na sampayan ah?!" inosenteng sagot ni Kozue at tila napatawa ng husto ang kanyang pinsan.

"Matulog ka na nga at baka saan pa mapunta ang usapan na ito." utos ni Tsuchiya at nagpaalam na ang dalaga dala ang spare key ng isa sa mga kwarto sa hotel ng hindi ito napapansin ng kanyang pinsan.

"Ikaw nga itong dapat ng matulog eh." pahapyaw na banat ni Kozue kay Atsushi bago siya umalis.

Lumipas ang ilang sandali ay nakarating na si Maki sa Osaka para ihatid kina Tsuchiya ang nirequest ng dating CEO na Juniper Bonsai para sa karagdagang dekorasyon sa loob ng hotel. Bagamat may kamahalan ang presyo nito kumpara sa iba pang halaman ay iyon lamang ang tanging hinihintay ng mga magulang ni Kishimoto bilang isang alaala na nabuo ang pangarap nilang umasenso sa tulong ng paniniwala nilang pantaboy ng malas ang naturang halaman.

"Uy kamusta ka na? Long time no see." bati ni Tsuchiya nang maaninag niya mula sa front desk ang itim na pick-up truck kung saan niya nakitang bumaba si Maki.

"Ito, buhay na pagod din. Kanina pa akong naglilibot sa ibayong prefectures para din sa orders ng ibang gusto ng ornamentals. Saan ko nga pala iiwanan itong mga bonsai?" wika ni Maki at agad na inasikaso ni Tsuchiya ang mga kailangang gawin.

Nilapag nila sa mga tabletop ang mga halaman kung kaya't nagkaroon pa sila ng pagkakataon para makapag-usap ng masinsinan. Nang mapansin ni Maki na tila namumutla na si Tsuchiya sa sobrang kahibangan sa sarili ay agad niya itong pinagsabihan ng matauhan.

"Hoy! Ako na ang bahala sa iba pa. Ipahinga mo na ang sarili mo." nag-aalalang sabi ni Maki.

"Pero hindi talaga ako makatulog Maki kahit anong pilit ko." mahinang sabi ni Tsuchiya at naalala niyang kamamatay lang ng kamag-anak ng binata.

Inabutan ni Maki si Tsuchiya ng abuloy noong nakaraan but as he initiate that gesture to him again ay pawang hindi na iyon tinanggap pa ng binata. "Tanggapin mo na iyang pera kung ako sa'yo. Mahirap na din namang magbiyahe ng disoras ng gabi kaya dito na ako matutulog." paliwanag ni Maki na ikinatuwa rin mismo ni Tsuchiya.

"Naku! Salamat ng very much at saka baka kailangan ko ding magshot puno para lang makatulog na ako ng mahimbig after five days." pag-amin ni Tsuchiya at tuluyan silang nagpakalunod sa alak kasama si Kishimoto na nauna ng naglupasay sa sahig bago pa sila magstart sa inuman session.