A brown-haired guy seems to be in the middle of a dilemma. Malapit na ang nakatakdang oras para sa appointment ng doktor sa Plantitios Ville ngunit biglang nagkaroon ng emergency situation sa buong ospital.
"My gosh! Hindi ako makapaniwala na mangyayari sa atin ito." natataranta na pahayag ng babaeng nurse sa emergency room habang inaasikaso ang kanilang mga pasyente.
"Wala tayong choice dahil kailangan nating masigurado na ligtas ang mga pasyente natin. Alam naman nilang vulnerable ang bed capacity ng mga ospital sa panahon ngayon pero sadyang ma- lakas talaga ang loob ng mga ito na magparty sa club kahit siksikan sila doon." naiinis na sabi ng doktor sa mga kasama niya.
Halos dalawampung pasyente ang inaasikaso nila dahil na rin sa pagiging infected ng coronavirus. Critically severe ang naging kalagayan nila kaya inatasan na si Kenji Fujima, isang student intern, na mangasiwa sa schedule ng isang doctor sa labas ng ospital.
[Kenji Fujima…]
It's been six weeks ago mula ng mapasali ako sa internship program ng aming university. This is our final week for this outdoor activity bago ang midterm exams namin. After debates against my parent's ideal life for me, I was so blessed to finally enter a MedTech program at Tokyo dahil na rin sa aking interest na matuto ng advanced technical procedures sa larangan ng medisina.
Based from what I've observed sa mga senior students na makihalubilo ko sa aming campus ay kinakailangan nilang makumpleto ang internship sa mga kumpanya and/or government agencies na nakaasign sa kanila bago sila sumabak sa research o di naman kaya ay sa capstone project.
Iyon ay madalas nilang tradisyon sa buong academy at sa palagay ko ay pinakaepektibo ng istratehiyang ginagawa ng mga part time professors namin sa kanilang pagtuturo. Paalis na sana ako sa ospital nang bigla akong tinambangan ni Minami.
"Fujima, salo!" tawag niya sa akin at binato pa ang susi ng ambulansya sa pagmumukha ko.
"Teka lang, bakit ka pa sasama sa lakad ko?" naiinis kong tanong sa kanya habang palabas kami ng ospital sa Kanagawa.
"Parang naman gusto kong magpaiwan sa lugar na ito. Tandaan mong pwede kang bumagsak sa internship program ni- yo sa isang salita ko lang." Niyabangan pa talaga ako ng lalaking ito dahil lang sa apelyido niya.
"Kung bakit ka pa kasi nag-enroll sa university namin. Marami namang magagandang eskwelahan doon sa inyo at bakit pa kita kasama dito?" Mahina naman ang pagkakasabi ko nun pero sadyang mainit talaga ang mata ni Minami sa tulad ko at baka maungusan ko pa siya sa grado na ibibigay sa amin.
"Di naman ibig sabihin na transfer student ako sa department niyo eh pareho na tayo ng sitwasyon. Baka nakakalimutan mo rin na magkaiba tayo ng kinuhang kurso." paliwanag ni Minami sa akin na nakaligtaan ko din.
This might feel awkward pero hawak niya sa leeg ang mga empleyado ng ospital na ito. Kaya niyang pagmukhaing masama ang mga tauhan nila doon sa pamamagitan ng kanyang impluwensya sa higher authorities.
Sa ngayon ay kailangan ko pa ring mag-ingat sa kanya dahil kung hindi ba naman siya ang anak ng adviser ko sa aming Biostats and Epidemiology class, malamang ay gumapang na ako sa pagmamakaawa para lang imaintain ang grades ko sa professor ko.
Balak din niya ata maging drug lord sa pharmaceutical company ng pamilya nila. Malamang ay sinama lang siya ng tatay niya sa tradisyong ito dahil naririnig ko silang dalawa ng tatay niya na nag-aaway madalas tuwing matatapos ang school hours which is nakakahiya rin sa reputasyon nila sa Tokyo University.
"Ako na ang uupo sa driver's seat." sabi ba naman niya sa akin matapos kong buksan ang pintuan ng ambulansya na para lang pala sa aroganteng gaya niya.
Tinulak niya pa ako sa gilid ng kalsada at hindi man lang siya nagmagandang loob na alalayan ako sa mga dala kong swab gayong napakasensitibo nun sa mga antigen test kit. At bakit pa nga ako umasa ng magandang pag-uugali sa tulad ni Minami eh sadyang may tama na ata ang utak niya sa pangalan ko.
Putragis na iyan! Ang lakas talaga ng loob niya para inisin pa ako lalo dahil sa kagaspangan ng ugali niya. Kung pwede lang gumanti, sana dumating na ang tamang oras para mapagtanto niya sa kanyang sarili kung bakit walang kwenta ang pinaggagawa ni- yang bullying sa ibang tao.
They might have a good start sa kanilang pharmaceutical partners dahil sa credentials but if we're gonna talk about Minami's work ethics ay talagang out of this world ang description nun at ako ang buhay na patunay kung gaano siya kawalang hiya.
Hindi naman kami naghihintay ng matagal along the highway ng dahil sa traffic. Kung tutuusin ay binigyan talaga kami ng right of way ng ibang sasakyan para marespondihan agad ang pasyente sa aming listahan pero sa hindi maipaliwanag na rason at bigla pa kami mauubusan ng pasensya.
"Hay naku! Malapit na nga tayo sa paanan ng bundok at saka pa titirik ito." reklamong saad ni Minami habang pinipilit na magtimpi sa tabi ng upuan.
The whole trip became my kill joy ride due to the sudden intimidating aura that emphasizes Minami's inner character. Isang oras din mahigit ang sinayang ko sa pag-ooverthink ng mga negatibong bagay na nagsilbing sagabal rin sa kagalakan ng sarili ko.
He test-drove the vehicle once more and it made me feel anxious dahil sa growling sound at maitim na usok na nilalabas ng tambutso. How can this be so ironic?! Napakamot na lang ako sa ulo ko and I thought that the ambulance supposedly caters to the victims of vulnerability yet we need to get out of that shitty vehicle for our own safety.
Nagpasya na ako para sa sarili ko without even considering this guy on the driver's seat as a very important person. "Ang mabuti pa siguro maghihiking na ako mula dito." sabi ko kay Minami without hesitation at bumaba na ako sa sasakyan.
"At ako pa ang naatasan mong magkumpuni ng sasakyan na ito?" Mataas talaga ang pride ng taong ito gayong siya rin ang may kasalanan kung bakit kami nagkaroon ng aberya.
"Kung hindi ka ba naman abnormal Minami... Natural lang na masisira ang makina niyan dahil sa pagiging kaskasero mo sa daan." I shut the door in front of his face para magtanda na rin siya sa pakapalan ng mukha.
"Papalagan mo pa ako sa ganyan. Diba nagmamadali ka?!" inis niyang tanong sa akin. Minsan talaga ay hindi ko na maintindihan kung ano ang gusto niyang palabasin.
"Nasobrahan ka lang sa spoon-feed parenting kaya kung makaasta ka sa akin Minami e parang ikaw lang ang tama sa ating dalawa." I thought to myself while loitering around the forest sa katirikan ng tanghaling tapat.
- BACK TO SCENE -
Ang kalahating araw na ginugol ni Maki sa labas ng Kanagawa Prefecture ay naging sulit mula ng maareglo niya ang kanilang deal sa mapagkakatiwalaang trading partners tungkol sa decorations na gagamitin sa venue.
Ito ay isang special request na pinagbigyan ng pamilya nila Maki na mangyari dahil malapit sa kanilang puso ang former teammates ng anak nila. Kung tutuusin ay masyado pang maaga ang planong pagpapakasal ng mga young adults pero gaya ng sinasabi ng pilosopong chismis person that love is ageless.
Sa ngayon ay kausap ni Maki si Jin sa phone para sa kanilang susunod na hakbang na gagawin. "Uy! Congrats nga pala sa inyo ulit ng fiancé mo." ngiting bati ni Maki sa kanya.
"Salamat ulit sa tulong niyo. Pasensya na kayo kung nakaistorbo pa kami sa schedule niyo." Nahihiyang sabi na- man ni Jin.
"Di mo na kailangan pang humingi ng dispensa. Alam niyo namang dalawa ni Via na malakas ang kapit niyo sa akin kaya ayos lang iyan." kalmadong tugon nito kay Jin na tila hindi makapaniwala sa naging pasya ni Via sa kanilang pagsasama.
"Hay naku!" Halata sa boses ni Jin na hindi ito sanay na maoverwhelm sa mga tinatamasa niyang kalayaan mula sa masamang impluwensiya ng kanyang magulang.
"Matanong ko lang, alam na ba ng magulang mo ang binabalak mo?" Maki was too concerned to ask about the possible consequences that may occur during or after their wedding vows.
"Hindi at never ko pang binisita si mama sa kulungan mata- pos ng ginawa niya sa bahay nila Via dati." Jin confessed as he was too cold-hearted everytime he remembers that arson tragedy.
Moments later ay biglang natahimik si Maki sa reaksyon ng kausap niya. "Gano'n ba... E sino ang magiging ninong at ninang sa kasal niyo?" tanong ni Maki upang malihis sa ibang paksa ang kanilang pag-uusap.
"Alam mo naman na si Coach Takato lang ang naging magulang sa pananaw ko mula noong high school pa tayo diba?! Kahit napakaistrikto niya sa atin ay hindi ko naranasang mapabayaan sa gabay ng nakakatanda ng dahil sa kanya. At isa pa pumayag na rin siya na sasamahan niya kami ni Via sa wedding ceremony." paliwanag ni Jin sa kanya at tila naunawaan na ni Maki na hindi pa kayang unawain ni Jin ang komplikadong buhay ng may namumuong hindi pagkakaunawaan sa bawat pamilya.
"Osige hindi na kita aabalahin pa. Pauwi na rin naman na ako sa bahay namin." paalam ni Maki at naputol na ang kanilang tawagan sa isang pindot lang.
Lumipas ang ilang minuto ay tila hindi makapaniwala si Maki sa nadatnan niya sa daan. "Fujima?" aniya sa binata na halos malanta ang binti sa sobrang init ng kanyang suot at sabayan pa ng mahabang kilometrong nilakbay mula sa highway.
"I-ikaw pala Maki. Mabuti at naabutan mo pa ako rito." ani Fujima na tila hinihingal pa sa sobrang pagod. Inaya na ni Maki ang binata na sumakay sa minamaneho niyang delivery truck.
"PPE pa talaga ang suot mo? Ang alam kong darating ay ang family doctor namin." Nagtatakang sabi ni Maki.
"Ngayon lang kasi dinagsa ng ganung karaming pasyente ang ospital mula pa noong unang kasagsagan ng lockdown. Akala mo nga parang may pinipilahang sine sa sobrang dami ng taong nakikipag-unahan para sa magandang slot ng private room eh samantalang puro sila naaadmit sa ICU dahil hindi pa napaba- kunahan laban sa Covid." paliwanag naman ni Fujima.
"Hindi pa rin talaga mawawala ang pasaway." Napangisi si Maki sa kakaibang sitwasyon nila Fujima doon sa ospital.
"Hmmp... sinabi mo pa." Sang-ayon na tugon naman ni Fujima at natahimik silang pareho dahil sa pagod sa biyahe.