Reception Hall
Tila masigla ang dugo ni Jessie sa kanyang trabaho dahil bukod sa nakalibre na ito ng hapunan ay may matatanggap pa siyang bonus. "May we again acknowledge the presence of today's couple, Mr. Soichiro Jin and Mrs. Via Salam-Jin. Let's give them a round of applause."
It was turning five in the afternoon and the newlyweds had already eaten their cake. Sa pagkakataong ito ay sinasalinan naman ni Jin ang baso ni Via ng wine. "Boss, huwag ka ng mahiya sa amin. Damihan mo iyan." Kiyota's three naughty friends shouted at the back of the audience at nagtawanan ang iba sa pagiging realistic nila.
"Sa inyo namang dalawa iyan ate kaya ipush niyo lang ang wild side niyo." birong sabi naman ni Jasmine kasama sina Cheska at Ayako na natutuwa rin sa mga kaganapan habang nakatambay sila sa gilid ng buffet table at kumukuha ng litrato.
"Masyado niyo naman kaming minamadali. Hinay- hinay lang sa amin pwede ba?" nahihiyang excuse ni Jin sa kanila. Their wedding toast connotes success in their wedding nights to come after this enchanting event.
Hindi man sila nagkasama ng matagal noong mga nakaraang taon na magkahiwalay sila, tiyak nilang masisigurado ang pangmatagalang pagmamahalan na naaayon rin sa batas ng lumikha at ng lipunang kinabibilangan nila. Samantala ay bumalik na si Sandy sa wedding reception nila Jin at Via dala ang kanyang sama ng loob sa taong pinakamamahal noon ng kaibigan niyang si Claire sa katauhan ni Mitsui.
"Okay na siguro iyong nagawa ko sa kanila. Baka mapatay ko na sila sa susunod kung hindi ko pa sila pinalayas dito." bulong ni Sandy sa kanyang sarili na tila natuyuan ng luha sa mata at pilit niyang pinapakalma ang sarili sa pagmamasid sa kanilang masayang selebrasyon.
Nang makapasok na siya sa reception hall ay mistulang nakarinig ng multo si Sandy. "Nokarin ka minta? Nandin da ka pa pantunan." (Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap.) Malalim ang boses nito na parang galit dahil sa pag-aalala sa kanya.
Inaasahan na niya iyon kay Maki dahil matagal rin ang paghihintay na nilaan nila bago tuluyang makarecover si Sandy sa kanyang Covid syndrome. Sa katunayan ay pangatlong buhay na ito ni Sandy kung hindi lang siya dinatnan ng panibagong variant bago pa siya makalapag sa eroplanong sinasakyan niya.
"Pasensya na ka koya. E ku mu agyung sabyan keka ing makaluse king kanakung salu..." (Pasensya ka na kuya. Hindi ko lang kasi kayang ikwento sa'yo ang masakit na pinagdadaanan ko...) Tila walang pakialam si Sandy kung mistulang nakakawalang galang ang mga pahayag nito lalo na't namamaga pa rin ang mata niya sa sobrang iyak kanina.
"Sagli mu. E ka pa mamako keni. Makiramdam ku keka nung agyu mu nang sabyan ing problema mu kanaku." (Sandali lang. Huwag ka munang umalis. Handa akong makinig sa mga hinaing mo kapag gusto mo ng magkwento sa akin.) paalala muli ni Maki kay Sandy na anumang mangyari ay hindi niya ito papa- bayaan at may karamay siya sa kanyang problema.
Nakahinga naman ng maluwag ang kalooban ni Sandy mula sa kanyang narinig kay Maki kung kaya't nagpasalamat na lang siya sa pakikiramay nito sa pusong galit ng dalaga. Ang ibang bisita naman ay sobrang excited na sa mga palarong ipapagawa ng host sa kanila.
"Sa lahat po ng mga ginoong desperado na magkalovelife ay iniimbitahan ko po kayo na pumila sa harapan kasama ang newlyweds. Dali na at bawal tumanggi ang mga single." ngising sabi ni Jessie sa kanilang mga bisita.
Wala pang isang segundo ay nagsipilahan na ang mga bachelors gaya nina Sendoh, Fukuda, Hayato, Miyagi, Mikee, at hindi rin nagpatinag si Maki nang pilitin siyang sumali ng kanyang juniors sa former team nila sa Kainan.
"Bakit hindi ka sumali doon Hanamichi?" curious na tanong ni Mito sa kanyang kaibigan.
"Para saan pa eh wala naman si Haruko dito." naiinis niyang sagot kay Mito at nagpatuloy na lang siya sa kanyang pagkain ng dessert.
"Eh talagang bilib na ako dyan sa tabatchoy na iyan; pinilit pang sumingit sa kagwapuhan ng mga ibang lalaki sa pila." komento ni Ohkusu habang tawang tawang inaasar ng tingin si Takamiya na halos maipit sa tangkad ng mga lalaking katabi niya.
"Kung sinumang babae ang makakasalo ng bouquet mamaya ay paniguradong makakadate ko siya pagkatapos ng palabas na ito. Kaya kong ipanalo ito." Lakas loob na bulong ni Takamiya sa kanyang utak. Mindset ba, mindset.
Samantala sa kabilang dako naman ng entablado, "Hoy! Akala ko ba may ka-talking stage ka na?" tanong ni Miyagi sa harap ni Mikee.
"Syempre iba ito kesa sa long-distance relationship." pangangatwiran ni Mikee na halos ikasira din ng ulo ng mga nakarinig ng paliwanag niya.
"Jin, alam mo na ang gagawin mo." pagchecheer ni Ma'am Lena na tila nang-aasar pa.
Habang nakaupo si Via sa isang silya ay lumuhod si Jin at pasimpleng tinaas ang palda ng wedding dress niya. "Do you get deja Vu about this love?" mahinang sabi ni Jin kay Via at tila napangiti silang pareho nang mabalikan nila ang nakaraan.
⏱Flashback⏱ ►
"Jin, okay lang bang hawakan mo yung hagdan para hindi magalaw?" pakiusap na sabi sa kanya ni Via.
"Walang problema." tugon niya at agad na inalalayan ni Jin si Via na walang pag-aalinlangan dahil mukhang importante ang librong gusto nitong mabasa.
"Huwag kang titingin sa taas ah?!" seryosong sabi ni Via. Ilang hakbang pa lang ang nagawa niya nang sabihin niya iyon kay Jin. Huli na ang lahat dahil hindi niya sinasadyang masulyapan ang hindi dapat makita sa loob ng palda ni Via.
◄ ⏱End of Flashback⏱
"Oo at hindi pa ako nakakalimot sa nangyaring trauma sa akin." ngising tugon naman ni Via.
"Pero ngayon na naging asawa na kita, siguro naman may pahintulot na akong titigan ka ng buong buo?" tanong ni Jin na may halong malisya.
"Of course, kaya kailangan mong bilisan at alisin mo na iyong garter sa legs ko dahit kanina pa ako naiirita doon." natatawang sabi ni Via ngunit sadyang baligtad ang tama ng utak ngayon ni Jin sa araw ng kasal nila.
Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Jin dahil agad na niyang sinunggaban si Via. Inangat niya ang palda ng gown at tila kinikiliti pa si Via mula sa paa paitaas ng kanyang binti. "Pinagseselos mo na iyong mga kasama mo oh!" pang-aasar na sabi ni Via kay Jin habang nagrarally na ang mga bachelors sa kakahintay ng mahiwagang garter mula sa kanila.
"Hayaan mo silang magdusa sa kakahintay. Parang gusto mo na ata ng paspasang honeymoon love! Nag-iinit ka na ba?" pilyong tanong ni Jin habang kinakalas ang garter gamit ang kanyang bibig at tila hindi na nakatiis ang mga lalaki na gisingin si Jin sa kasalukuyang pantasya nito sa utak.
"Bakit ang tagal niyo dyan?" naiinis na tanong ni Mikee.
Biglang binato ni Jin sa mukha ni Mikee ang garter."O ayan na. Saluhin mo!" ani Jin sa kanya. Napagpasa-pasahan pa ang precious item dahil sa sobrang excited nila ngunit ang huling halakhak ay napunta sa swerte ni Maki.
"And as expected, hindi naman tatanghalin na MVP ang ating lolo Maki for nothing diba guys and girls?! Kaya isang masigabong palakpakan ulit sa kanyang tagumpay." Jessie exclaimed to everyone in the event at dagsaan ang palakpakan at hiyawan sa mga oras na iyon. Naiwan si Maki sa harap ng umupo na muli sa kanilang pwesto ang kanyang mga kasama sa kompetisyon.
"So, kamusta naman ang pusong mapagmahal ng isang Shinichi Maki?" tanong ni Jessie sa binata.
"May nilalaman ng pangalan kung sino pero hindi rin ako sigurado kung interesado ba siya sa akin." sagot ni Maki na may pinariringgan sa mga bisita.
"Is that so? Anyways maari ka na munang tumabi sa newly- wed para iconfirm sa pagkakataong ito kung sino ang possible future bride ng ating groom na next in line for marriage kaya it's our time to shine now girls." ngiting sabi ni Jessie at sumabay siya sa nakahilerang bachelorettes na sina Cheska, Jasmine, Ayako, Sandy, Ma'am Lena, at ang mysteryosong dilag na nakakubli pa sa mamahaling damit at abubot sa katawan.
Pumuwesto si Via ng nakatalikod sa kanila para ihagis ang bouquet na sponsored ng Plantitos Ville. Halatang napakaorganic ng setup nila dahil sa nagmula ang ginamit na bulaklak sa squash blossom na sinamahan pa ng broccoli sa gitna.
Tumabi ang mysterious girl kay Sandy at nagwikang, "I'll assure you this time that I will be your future wife as soon as possible and you don't have any choice rather than to love me back, Maki-san." ngiting sabi ng babae na halos lampas baywang ang haba ng buhok nito.
Medyo hindi nagustuhan ni Sandy ang tabas ng pananalita ng babae. "Masyado ka atang mahangin teh; baka liparin na iyang diamond decor mo sa leeg. I hope that is not fake unlike you." She commented sarcastically at hindi siya pinansin ng dalaga.
"Oh well, may the best chick win." ngising sabi ni ng dalaga. Nang ihagis na ni Via ang bouquet ay agad itong nasalo ni Sandy ngunit sa hindi inaasahang unfair tactics ay nabitawan ni Sandy ang bulaklak at nasalo naman iyon ng katabi niya.
"What the heck is wrong with you?!" galit na bulyaw ni Sandy sa babae na tila wala siyang pakialam kung nakasakit siya ng iba. Napaupo si Sandy sa sahig habang hinihimas ang paa niyang nainjured dahil sa kanyang panghahamak.
"See, I told you." pang-aasar na sabi ng babae kay Sandy na tila minamata siya sa kanilang pagkakaiba sa status.
"Bwisit siya. Kung tapakan niya ba naman ako gamit ang matulis niyang heels eh parang hindi ako buhay na nilalang dito." nanggigigil na bulong ni Sandy sa kanyang sarili.
Tila hindi makapaniwala si Maki sa nagpakita sa kanilang event. "Kozue? Teka, anong ginagawa mo dito?" gulat na pahayag ni Maki nang makilala niya kung sino ang nakasalo ng bouquet of vegetables.
The woman named Kozue rushed towards Maki, hugging him in public and the guests remained silent due to the awkward scene between those two strangers in Sandy's mind. "Babe... I really missed you so much. Bakit hindi ka na nagrereply sa mga messages ko?" pag-iinarte ni Kozue sa harap ng maraming tao at hindi makapalag si Maki sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa kanya ng dalaga.
"Dahil wala tayong dapat pag-usapan." Deretsahang sabi ni Maki na nagagawa pang magtimpi sa mga oras na iyon. "Ni hindi ka nga imbitado sa kasal nila at nagpunta ka pa talaga dito para manggulo sa party." dagdag na pahayag ni Maki.
"Please babe, Huwag mo naman akong ipagtabuyan dito. Kailangan mong panindigan ang ginawa mo sa akin Maki." nagmamakaawang sabi ni Kozue.
Hearing such unexpected revelation ay sinugal na rin ni Sandy ang kanyang peace of mind sa mga kaganapan. "Teka lang, sino ka ba sa buhay ni Maki at ang lakas ng imagination mong sabihin iyan?!" tanong ni Sandy kay Kozue at confused ang lahat sa narinig nilang pahayag mula sa dalaga.
"I'm glad you asked, girl. I hope you would not even misunderstood me pero para lang sa kaalaman ng lahat, buntis ako at si Shinichi Maki ang palagay kong ama ng anak ko dahil siya lang ang lalaking gumalaw sa akin noong gabing iyon." ngiting sabi ni Kozue at hopeful na masisiyahan rin si Maki sa balita ngunit nagkamali siya ng akala.
"Gumalaw sa'yo noong gabing iyon? Hindi ka naman niya girlfriend. Sigurado ka ba sa binibintang mo kay Maki o baka naman may iba pang lalaki ang nagsamantala sa'yo?" tanong ni Sandy kay Kozue and Maki avoided the question na mas lalong magdidiin sa kanya sa sinasabi ni Kozue.
"Just stop this nonsense already. Isang beses lang tayo nagkita at alam mo sa sarili mong nag-iilusyon ka lang Kozue." naiinis na sabi ni Maki kay Kozue habang pinapaalis siya sa venue.
"Talaga lang huh?! Eh anong tawag mo dito sa ultrasound results ko, panaginip?" naiiyak si Kozue habang ipinapakita sa kanila ang picture ng baby sa loob ng matres niya na nakunan noong nakaraang buwan sa Osaka. Samantala ay natahimik ang madla sa naging isakandalong nangyari.
"Tama nga si Tsuchiya. Hindi na dapat kita pinuntahan dito at nag-expect na tatanggapin mo ang anak mo sa akin. Alam kong may pagkakamali din ako kaya ako pinagalitan ng pinsan kong iyon pero sabihin mo lang kung gusto mong ipalaglag ko ito. Ayos lang sa akin iyon at pasensya na rin sa pang- aabala." dagdag na sabi ni Kozue at paalis na siya reception hall ngunit pinigilan siya ni Maki.
"Sandali! Pasensya ka na dahil nabigla lang ako sa mga narinig ko. Dito ka muna magstay dahil malapit ng gumabi. Mahirap na din namang magbiyahe ng anim na oras pauwi sa Osaka." sabi ni Maki kay Kozue kahit labag iyon sa konsensya niya.