Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 49 - 7.11 Checked and Balanced

Chapter 49 - 7.11 Checked and Balanced

Lampas alas siete na ng gabi noong natapos ang wedding ceremony na pinagsaluhan ng mga bisita ng married couple kung kaya't talamak pa rin ang congratulatory messages para kina Jin at Via kahit mayroong iskandalo na nangyari.

Habang nakikipagkamay ang event organizer sa mga bisita ay hindi na pinalampas ni Jin ang pagkakataong makapagpasalamat sa natatanging serbisyo na ipinadama ng Plantito's Ville sa kanilang kasal. "Maki, alam ko na biglaan ang lahat ng plano namin ni Via na magpakasal pero maraming salamat talaga sa tulong mo sa amin." masayang bati ng ginoo sa kanyang kaibigan.

Kahit naging masalimuot ang gabi na iyon para kay Maki ay tiniis na lang niyang magsuot ng maskarang ngiti para pagtakpan ang nararamdaman nitong kahihiyan sa harap ng madla.

"Hay naku... Madali na sa amin ang ganitong gawain kaya kami ang dapat magpasalamat sa inyong tiwala. O siya, baka hinihintay ka na ng asawa mo sa kotse." tugon naman ni Maki na tila pinapaalis na si Jin upang masimula na ang kanilang honeymoon phase.

Ilang saglit lang ang lumipas ay natahimik ng bahagya ang paligid. Makalat man iyon pagkatapos ng salu-salo ay naitawid naman ng maayos ang programa gayong ang kapalit naman nito ay ang peace of mind na matagal ng inaasam ni Maki.

Kasama ng kanyang magulang ay tila isang panibagong suliranin ang bumungad sa kanilang konsensya. Paano na lamang ang nararamdamang pag-ibig ni Sandy gayong umpisa pa lamang ng laro ay nasaktan na siya kaagad gayong hindi naman malinaw para sa puso ng dalaga kung saan siya nararapat lumugar sa pamamahay nilang iyon ni Maki?

"Sandy, iha... pwede bang pumasok ka na sa kwarto mo? Samahan mo na siya muchacha." utos na sabi ni Mrs. Maki ngunit sinamahan ng kanyang asawa ang dalaga dahil wala siyang laban sa mga panenermon ng asawa niya sa isyu nilang pamilya.

"Ako na ang bahala, mahal." nahihiyang sabi ng padre de pamilya sa kanyang kabiyak ng puso. Marahan namang inimbitahan si Kozue na makipag-usap tungkol sa nangyari sa kanila ni Maki at kung paano sila nagkakilala.

"Kayo po pala ang mama niya. It's so nice to meet you po tita." Kozue greeted her nicely while the hysterical version of Shinichi Maki's mom started to explode at any minute.

Nagpipigil ng dismaya ang nanay ni Maki sa mga pagkakataong iyon ngunit hindi umubra ang kanyang pananahimik sa isyu. "It's NOT so nice to meet you, my dear. Would you mind answering my inquiries for both of you teenagers. Ano ba ang pumasok sa mga utak niyo at nauna pa kayong maging magulang kaysa sa mga officially married couple? Kailan pa kayo natutong maging abusado sa oras niyo para gumawa ng anak ng ganoong kaaga?!"

Hindi naman maipaliwanag ni Maki ang nararamdaman ni- yang kakaiba sa ugali ni Kozue. Binigla niya sila nang lumapit ito sa kanyang ina na may halong paglalambing sa mga salitang lumalabas sa bibig nito.

"I'm sorry po mama, pero ganoon po kasi talaga ang kalakaran kapag nasa magandang lahi ang anak niyo. I'm must tell you frankly pero he really makes me feel satisfied that night na pinagsamantalahan niya ako ng walang pag-aalinlangan." At tila tuwang-tuwa si Kozue sa shocked reaction ng mama ni Maki sa kanyang mga salita na halos hindi na makakibo ang nasa paligid niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Wala akong ginagawang masama sa iyo." Hindi nakapagpigil si Maki nang mapagbuhatan niya ng kamay ang dalaga.

Tila naalarma silang lahat noong nakita nilang nahihirapan si Kozue na makatayo dahil malala ang pagkakabagsak nito sa sahig. "Aray ko!" Namimilipit si Kozue sa sakit ng balakang.

"Hmmp! At gaya ng sinabi ko sa'yo kanina, kung ayaw mo sa anak natin ay hindi ako magdadalawang-isip na ipalaglag ito pero sa ginagawa mo sa akin ngayon eh parang nilalapit mo kaming pareho sa kapahamakan." dagdag na sermon ni Kozue habang naiiyak.

Natahimik na lamang si Maki sa harapan ni Kozue dahil sa kanyang nagawa; manhid nang mangatwiran dahil naubusan na ng gana si Maki na makipagtalo pa sa taong hindi niya lubos kilala.

"Well then, kailangan ko na muna pong magpahinga. Thank you nga po pala sa pagwelcome sa akin." biglaang sabi ni Kozue na masama ang loob at pumasok na ito agad sa isa sa mga guest room ng walang pasabi sa ibang maids.

"Tsk! Anong you're welcome home ang pinuputok ng buchi mo teh? Dasurv mong masapak ng katotohanan na hindi ka importante sa pagmamahal niya bruha ka!" Reklamong bulalas ni Sandy sa kanyang isip habang pinapatamaan si Kozue ng kanyang real talk.

"Iho, talaga bang mahal mo ang babaeng iyon?" natanong na lamang iyon ni Mrs. Maki out of respect sa naging sitwasyon ng kanyang anak.

"Hay naku... Alam ko pong mahirap itong paniwalaan pero sa totoo lang po ay hindi ko siya mahal, minahal, at mamahalin kahit kailan. Sana po ay malinaw sa inyo iyon dahil kamag-anak lang siya ng barkada ko sa ibang lalawigan na bigla na lang sumulpot sa buhay ko. Kung totoo man ang ultrasound prictures na dala niya ay hindi ibig sabihin na galing sa akin ang pinagbubuntis niya." seryosong sabi ni Maki sa kanyang ina na lubos na naliwanagan sa mga nangyayari.

Gayumpaman ay hindi maiwasan ng ina ni Maki na isangguni sa kaibigan nilang doktor kung talaga bang maaari bang makabuntis ang anak niya sa ibang babae gayong nagkaroon din ng problema si Maki sa kanyang thyroid kung saan ay kinakailangan siyang ipaopera noon.

The next day felt really horrible for Sandy in the sense that Shinichi Maki's rumored girl is currently living with them on the same roof. Sa unang tingin pa lang ay naramdaman na ni Sandy sa kanyang sarili ang takot na baka magbabago rin ang pagtrato sa kanya ni Maki dahil madalas na niyang nakakasama si Kozue sa lahat ng mga pinupuntahan niya.

Alas tres pa lang ng madaling araw ngunit hanggang ngayon ay dilat pa rin ang mga mata ni Sandy dahil sa insomnia. Samantala ay nadatnan naman niya si Maki na nakadungaw mag-isa sa balcony na tipong pasan nito ang responsibilidad ng magulong mundo, nagpapakalunod sa alak, at may malalim na iniisip.

She then approached him and said, "Psst! Komusta na ka koy?" (Psst! Kumusta ka na bro?) Her feelings of concern welled up dahil ngayon pa lang niya nakita ang isang Shinichi Maki na pinanghihinaan ng loob right in front of her eyes.

"Aliwa na ku na namang lagyu keka ngeni?!" (Iba na naman ang palayaw ko sa'yo ngayon?!) His smile was not genuine yet she saw his eyes that were about to lose hope and further narrates the contradictory feeling.

"Anyways, malyari na ku man sigurung lukluk keni kasip- ing mu neh?" (Anyways, pwede naman siguro akong umupo dito sa tabi mo neh?) Sandy asks permission from Maki and tries her best to be more approachable for him.

"Sabyan mu pin kanaku ing tuto? Nung e da ka kapatad kareng papelis, nanu kaya ing munang aisip mung impresyon kanaku?" (Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Kung hindi kita kapatid sa papeles, ano naman kaya ang una mong maiisip tungkol sa akin?) Shinichi asked in a serious manner.

Sa mga pagkakataong iyon ay lumabas ang kanyang pagiging makahiya. "Oh my goodness! Is he asking me how handsome he really was?" Lihim na nagdiriwang ang kaisipan ni Sandy ha- bang iniimagine niya ang sinasambang physique ni Maki.

"Aydanang animal! Kalmahan mo lang self." kinakabahang sabi ni Sandy sa kanyang sarili habang minumulat ang sarili sa cloud nine feeling.

"Palage ku alang magbayu kareng paniwalan ku nung makananu da kang akilala bilang kaluguran o kapatad. Mayap na ka man kasing tawu kareng aliwang ating dipirensya keng pamimisip." (Palagay ko walang magbabago sa pananaw ko kung paano kita nakilala bilang kaibigan o kapatid. Mabuti ka namang tao sa ibang may diperensya sa pag-iisip.) paliwanag ni Sandy na halos ikalupasay na ni Maki sa kakatawa.

"Aydamong bolang! Mamulang ka talaga. (Grabe ka! Siraulo kang talaga.) wika ni Maki at napadaan si Kozue sa balcony at narinig ang kanilang napag-uusapan.

"Y Kozue ing amanwan ku keni nung apansinan mu pero nung aranasan mu ing pamagduda king sarili mung paniwalan kareng malilyari keka, ayasahan mu ing suporta ku karing de- sisyun mu king biye." (Si Kozue ang tinutukoy ko rito kung mapapansin mo pero kung naranasan mo man ang pagdududa sa sarili mong paniniwala tungkol sa mga bagay na nangyayari sa'yo, asahan mong su- suportahan kita sa mga desisyon mo sa buhay.)

"Tsk! Ang haliparot naman ng babaeng iyan. Aware naman siya na magkakaroon kami ng baby ni Maki pagkatapos ay maglalakas loob pang mangahas." nabibwuisit na bulong ni Kozue at dumiretso na siya sa kanyang kwarto dahil baka mahuli pa siyang umaaligid sa mansion nina Maki.

"Wa na." (Oo na.) ngiting sabi ni Maki at tila natauhan na siya sa kanyang susunod na hakbang na gagawin.

At that moment, Sandy assures him that he will definitely have an ally sa kanyang mga struggles na pinagdadaanan sa buhay which made him feel braver and more confident to face the consequences of putting too much trust in someone from a native speaker of the Kansai dialect.

[Shinichi Maki…]

Isa talagang malaking pagkakamali ang pagkikita namin ng Kozue na ito noon sa Osaka. Wala naman akong tinatagong sama ng loob sa pangungumbinsi sa akin ni Tsuchiya na maranasan ang mundo na iba sa nakagisnan ko rito sa Kanagawa pero mukhang sumobra ata ang pagiging liberal ng isip nila doon.

Madalas silang nasasangkot sa away ng dahil sa prinsipyong ipinaglalaban nila sa buhay. Maraming nasisirang pagkakaibigan nang dahil sa pag-aastang entitled ang ilan sa mga tao doon patungkol sa lahat ng kanilang mga opinyon na never ko namang gustong marinig.

At hindi ko lubos maunawaan kung paano kami hatulan ng sarili kong magulang tungkol sa pinagbubuntis ni Kozue gayong halos parehas lang ang nangyari sa kanila noon ni dad sa sitwasyon namin ngayon. Siguro ay nadala lang sila sa bugso ng damdamin pero napaghahalataan rin silang guilty sa mga desisyon nilang hin- di pinag-isipang mabuti noon.

Sa ngayon ay para akong nasa husgado nang magsalubong ang tingin nina Kozue at Sandy na nagpapakiramdaman kung sino ang unang papalag sa kanila. Nag-aalala rin ako dahil baka sa sobrang init ng tensyon na namamagitan sa kanila ay bigla akong masunog ng buhay sa posibleng girian na mangyari.

"Kayong dalawa, wala kayong mapapala sa kakatitig niyo dyan. Kumain na kayo." sabi ko sa kanila ng magising sila sa walang kwentang away na gusto nilang pasiklabin.

"Teka lang babe, aalis ka?" Ito na naman si Kozue na nagbabanggit ng kanyang ilusyon sa amin.

"Oo b-babe. Kailangan ko rin kasing magpacheck up para masigurado ko sa'yo na masusundan pa natin si baby ng isa pa." Hays hindi ko talaga gusto ang plano ni Sandy na magpapakatanga ako sa harap ng babaeng ito para maging sunod sunuran sa kinukumpas ng bibig niya.

"Really?!" Tugon niya at mukhang kumagat ang Kozue sa patibong. "Wow naman I'm so glad na nagustuhan mo din iyong unang round with me." tuwang-tuwa pa siya habang kinukwento niya iyon sa amin.

"Mimingat ka koy king puntalan mu!" (Ingat ka kuya sa pupuntahan mo!) Hindi man ipahalata sa akin ni Sandy ang kanyang nararamdaman na discomfort sa mga salitang binibitawan ni Kozue pero alam kong makakaya niyang alagaan siya kahit wala ako pansamantala sa piling niya.