Chereads / QUEST FOR GENUINE HAPPINESS || Slam Dunk Fanfiction / Chapter 42 - 7.4 Delicate as Swabs

Chapter 42 - 7.4 Delicate as Swabs

Pagkarating pa lang ng sasakyan sa parking area ay nagmamadali na si Fujima sa mga oras na iyon para tulungan si Sandy sa kanyang kalagayan. Isa siya sa suspected na positive sa Covid 19 dahil sa mga sintomas na nararamdaman nito tulad ng lagnat, pag-ubo, pagod, at pagkawala ng panlasa o pang-amoy.

Pagkapasok pa lang nina Maki at Fujima sa kwarto ni Sandy ay bumulagta sa kanila ang samut saring gamit na exclusive lamang para sa mga karaniwang babae.

"Agyang kapilan makabusit talaga itang Hayato a yan. Sabyan na pa kanaku na ala kung silbi kaya pin makisuyu ku kaya uling e ku pa agawang lumwal keni." (Kahit kailan talaga ay nakaka- bwisit ang Hayato na iyon. Sasabihin niya pa sa akin na wala akong silbi eh kaya nga ako nakikiusap sa kanya dahil hindi naman ako makalabas rito sa bahay.)

Naririnig nilang dalawa ang pagpaparinig ni Sandy kay Hayato na umuwi na matapos ang kanyang huling araw para sa internship. "Oh, anong pinoproblema mo na naman dyan?" bungad na sabi ni Maki sa pinto ng kwarto ni Sandy at tila nanlaki ang mata nito sa kasama niyang si Fujima.

"Susmaryosep! Bakit hindi ka man lang kumatok sa pinto?!" reklamo ni Sandy sa asal ng kanyang kinakapatid.

"Malamang eh dito ako nakatira at bahay ko ito Sandy." pamimilosopong sagot ni Maki sa kanya at walang pag-aalinlangang pumasok sa kwarto niya.

"At ano na naman itong pinabili mo? Nagsasayang ka pa ng pera. Di mo ba napansin ang mga kahon ng grocery dyan sa tabi ng kama mo?" panunumbat ni Maki sa dalaga nang makita ang sako na puno ng sanitary products para kay Sandy.

"Eh wala naman doon ang kailangan ko at saka paexpired na ata ang mga de lata niyo." buweltang saad ng dalaga. Samantala ay kapansin-pansin naman kina Maki at Sandy ang kanilang close- ness sa isa't isa.

"Sa totoo lang, napakacharming niyong tignan." biro ni Fujima sa kanilang dalawa.

"Huh? Charmee?!" Paglilinaw ni Sandy at natahimik ang dalawang kalalakihan sa sense of humor nito.

"Nagbibiro lang siya Fujima kaya gawin mo na ang pinunta mo dito." Napapahiyang sabi ni Maki sa asal ni Sandy at iniwan niya silang dalawa ni Fujima sa kwarto.

"Hoy! Nanu ing buri mung sabyan?!" (Hoy! Anong ibig mong sabihin?) Natataranta si Sandy nang iwanan siya ni Maki kasama si Fujima. Maki just went across with some staff para iverify sa catering crew nila ang mga napag-usapan nila noon ni Jin sa kasal na binabalak ng binatang nabanggit.

Habang hinahanap ni Fujima ang swabs para sa gagawin niyang rapid antigen test ay may sinabi siya kay Sandy na paniguradong hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya.

Nasapul ng real talk ang pride ni Sandy na galing pa mismo sa bibig ni Fujima."Huwag kang mabahala sa akin. Masyado akong busy sa pag-aaral para lang ligawan ka at hindi naman ikaw ang tipo kong babae."

"Walang nagtatanong at same rin naman sa'yo. Hindi ko type ang super baby face na boyfriend dahil pagkakamalan nila akong pedophile. Kadiri!" pagmamagandang sabi ni Sandy.

Napangiti si Fujima kahit papano dahil nawala na ang sama ng loob niya sa ugaling pinapakita sa kanya ni Minami kapag nakaduty sila sa ospital.

"At least, gwapo naman ang kasama mo at magpasalamat ka na lang doon. Wala akong pakialam kahit insultuhin mo pa ako pero hindi ka pa din makakatakas rito. Sige tingala ka!" pananakot ni Fujima habang hawak niya sa leeg ang kumpiyansa ni Sandy dahil sa haba ng swab na ipapasok sa kanya.

"Be careful ka naman sa nose ko." huling habilin ni Sandy kay Fujima na nakakapit pa sa braso nito.

"Masusunod po, kamahalan." birong tugon naman ng binata sa kanya at tila natatawa pa siya sa kakulitan ni Sandy. "Malala pa siya sa isip bata." bulong ni Fujima sa kanyang sarili habang tinitignan ang kanyang pasyente.

He started to insert the swab sa nostril ng pasyente at dahan-dahang inikot iyon sa paligid nito. Sunod niyang nilagay sa vial ang swab para ipatak ang specimen na madalas na pinamumugaran ng virus sa mismong device na makakadetect ng resulta sa pagsusuri. Sa loob ng labinlimang minutong paghihintay ay isiniwalat ni Fujima kina Maki ang ikinuwento sa kanya ng mga higher ups sa ospital.

Nagpositibo si Sandy base sa pagsusuri ng doktor sa kanya noong ikatlong araw na paglapag ni Sandy mula sa USA kaya't matapos ang isang linggo ay napagbigyan muli si Sandy para sa agarang Antigen test.

"Pasalamat ka dahil negative na ang resulta nito." ani Fujima noong ipakita kay Sandy ang antigen test kung saan isang guhit lang sa control line ang makikita doon.

"Hay mabuti na lang..." Maluwag na sa kalooban ni Sandy na magiging maayos ang kanyang kalagayan sa mga susunod na araw.

"Maki, Huwag mong bibigyan ng stress itong habibi mo." pilyong sabi ni Fujima sa binata mula sa labas.

"Siraulo ka! Kapatid ko iyang sinasabihan mo ng ganyan." sumbat ni Maki na tila nagmumurang kamatis ang mukha sa sobrang kahihiyan.

"Gano'n ba eh bakit hindi kayo hawig ng itsura?" ani Fujima kay Sandy.

"Adopted sister niya ako at salamat sa parents niya. Although buhay pa naman ang legit kong magulang sa Pilipinas eh sinugal na nila ang citizenship ko para dito sa bansang ito. Mahirap naman kasing maghanap ng trabaho doon sa amin kung anak mahirap ka. Hindi ko alam kung makatwiran ba iyon pero andyan na ang premise ng sitwasyon kaya just go with the flow lang as usual." paliwanag ni Sandy kay Fujima at naunawaan na ng binata ang pagkakaiba ng ugali niya kaysa kay Maki.

Sa loob ng maiksing oras na nakapanayam nila ang bawat isa ay kabaligtaran naman iyon sa kailangang lakbayin muli ni Fujima pabalik sa ospital. Bumiyahe ulit si Maki kasama si Fujima dahil kulang na rin sila ng mga pangangailangang gamit para sa mga susunod pang event.

Makalipas ang isang linggo ay mas mabuti na ang kalagayan ni Sandy. Samantala ay parang napapraning na ang magulang ni Maki na kakauwi lang mula sa out-of-town seminar na dinaluhan nila para sa kanilang negosyo dahil sa nabalitaan nila mula sa kanilang daughter in law.

"Naku iha! Pagpasensyahan mo kami at hindi ka namin naalagaan ng personal." nag-aalalang sabi ni Mrs. Maki.

"Huwag na po kayo mag-alalang masyado sa akin. Sa sobrang concerned nga po ni kuya Shinichi eh agad na akong nakarecover." pambobolang sabi ni Sandy sa nanay ni Maki.

"Naku! Siguradong maraming bisita ang dadalo mamaya kaya mag-ayos rin kayo ng sarili niyo bago sila dumating." paalalang sabi ng tatay ng binata.

"Yes dad/Ok po." sabay nilang tugon at naghanda na silang gumayak para salubungan rin ang mga bisita sa kasal nina Jin at Via.

Maliban sa nanay ni Jin ay imbitado ang lahat sa kanilang barkada mula sa Kamakura City Colleges gayun rin ang mga alumni at professors na malalapit sa kanila noon sa Kainan High School.

"Grabe ka na pre! Ikaw na ata ang pinakamaagang ikakasal sa ating lahat. Best wishes sa inyo!" pang-aasar ni Kiyota kay Jin na nakaputing suit sa mga oras na iyon.

"Maraming salamat sa'yo Kiyota." ngiting sabi ni Jin at sumama ulit si Kiyota sa tatlo niyang barkada na nakatambay ngayon sa harap ng hardin nila Maki. "Hoy! basta walang kalimutan sa barkada kahit mag-asawa na kayo." panenermon na sabi ni Mikee at ginatungan pa ni Fukuda.

"Ni hindi na nga sila sumasama sa lakad ng barkada tapos aasa ka pa ng atensyon mula sa kanila?!" seryosong sabi ni Fukuda na pinag-ugatan na rin ng away sa kanila ni Mikee.

"Oo dahil nagmumukha akong third wheel sa inyo ni Cheska." nababanas na reklamo ni Mikee sa kanya.

"Baka fifth wheel kung isasama pa si Jin-nii and ate Via. Yung role na tagakuha ng litrato sa mga couples every date ang best work experience mo kuya." bungad na sabi ni Jasmine sa likod ni Mikee at sinang-ayunan naman iyon ni Cheska.

"Oh my gosh! Mukhang sa akin ka talaga nagmana ng katalinuhan. I'm so proud of you Jas." komento ni Cheska nang marinig niya ang pambubwelta nito sa katwiran ni Mikee.

"So ako na lang talaga ang single gentleman sa barkadang ito?!" pagtatampong sabi ni Mikee.

"Kaya nga ikaw ang pinili kong best man rito Mikee." pagpapakalmang sabi ni Jin at tila naghalo na ang langit at lupa sa tuwa niya sa kanyang sarili.

"Wow naman, salamat muli sa wala. Bumawi nalang kayo next time hah?!" naaasar na sabi ni Mikee dahil napapalibutan siya ng mga magjowa sa kanyang mga kaibigan.

Sumapit na ang alas tres ng hapon at wala pa rin ang officiant mula sa munisipyo para pangunahan ang programa sa mga oras na iyon. Ang napiling emcee na si Jessie ay ginagawa ang lahat para mawala lamang ang inip nila sa paghihintay.

"You may dedicate a song for your loved ones for this special day of union bago pa tayo magsimula." Jessie asked her audience as an icebreaker at biglang lumapit si Sendoh mula sa kabilang table.

"Palagay ko mas magandang awitin ito." pakiusap ni Sendoh at pinagbigyan siya ni Jessie na kumanta kasama siya.

You with the sad eyes

Don't be discouraged, oh I realize The darkness inside you

Can make you feel so small Show me a smile then Don't be unhappy

Can't remember when I last saw you laughing

This world makes you crazy And, you've taken all you can bear Just call me up

It's hard to take courage

In a world full of people You can lose sight of it all 'Cause I will always be there And I see your true colors

Shining through

I see your true colors And that's why I love you

So don't be afraid to let them show Your true colors

True colors are beautiful...

Like a rainbow

Sa malamig na huni ng boses nila ay tila tumigil ang mundo ng bawat bisita na nakikinig kina Jessie. Napukaw ang kanilang atensyon at naging emosyonal naman si Sandy nang malaman niya ang istorya ng pagmamahalan nila Jin at Via.

"Balamu aranasan da retang Romeo ampong Juliet a love story?" (Parang naranasan nila iyong mala Romeo at Juliet na love story?) Gumugulo iyon sa isipan ni Sandy at sumagot naman si Maki na katabi niya sa balkonahe na umiinom ng grape juice sa mamahaling baso.

"Makalunus la pin uling atin pang melyaring aksidenti bayu la mekaareglu ketang buri dang biye retang ima da." (Nakakaawa nga sila dahil may nangyari pang aksidente bago pa sila nagkamabutihan sa buhay na gusto ng mga nanay nila para sa kanila.)

Ipinaliwanag ni Maki ang nangyaring sunog noon at sadyang hindi niya rin masisisi ang groom kung galit pa din siya sa nanay niyang hanggang ngayon ay nagrerehas pa behind the bars sa loob ng kulungan.