Chapter 40 - 7.2 The Right Hand

A Japanese citizenship for a foreigner like Sandy in their homeland constitutes a lot of benefits from their government at sa palagay niya ay napasunod talaga nila ang kanyang ina na sundin ang gustong mangyari ng amo niya dati.

"Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya na malaman ko ang plano nilang pagkupkop sa akin tuwing aalis si mama pero I always kept my distance around them lalo na't magkabilang mundo ang nakagisnan namin ni Maki even for almost a decade ay nasa isang bubong lang naman ang tinitirahan naming." bulong ni Sandy sa kanyang sarili at ngayong nakabalik na siya sa Japan ay napagtanto din niyang may pagkakamali sa kanilang desisyon tungkol sa pag-ampon sa kanya ng pamilya ni Maki.

[Sandy Margaux…]

I'm not even sure back then kung ano talaga ang motibo nila sa pag-aampon sa akin dahil wala naman akong pakialam sa buhay nila. It will definitely become an incest to say para sa pananaw ng mga utak konserbatibo that I somehow start to develop my feelings towards him not as my brother, but rather someone na gusto kong makasama habangbuhay.

Hinahangaan ko na siya ng napanood ko na sa balita ang mga laro nila sa Interhigh School games at isa pa sa napansin ko sa kanya ngayon ay parang mas naging independent siya sa magulang niya.

He can survive within days na hindi siya pampered sa allowance ng magulang since he makes his own money through his culinary taste. World class talaga ang mantra niya pagdating sa larangang iyon at swerte ako na nakakain ko ang pagkaing madalang lang sumagi sa isip ko.

Malaki talaga ang issue ko sa mga spoiled rich brats dahil nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano nila kami binastos sa sarili naming lupain doon sa Pilipinas. So far, I cannot even imagine that Shinichi Maki would do something terrible para masira lang ang pangalan niya.

He is just too perfect in my eyes and I swear to all of you na kung sino pa ang kapamilya mo, sila pa ang malakas ang loob na hilain kayo pababa.

Sa totoo lang pinamanahan sa nanay ko dati ang sakahan ng palay ngunit sadyang hindi rin namin lubos maisip na ang tanging bagay na magpapalala sa hidwaan ng mga kamag-anak namin ay iyong mismong sinasabi kong lupa.

Ipagbubungkal ko na dapat sila ng lupa para doon na lang sila manahimik kasama ang mga insekto and I don't even give a damn care kahit mga kapatid pa iyon ni mama sa ibang pamilya.

Kung mayroon mang bumabagabag sa akin ngayon ay parang walang ibang makakagamot sa sea of thoughts na naglalaro sa isip ko. Should I need to pursue my intimacy towards him kahit sobrang irresistibly perfect ang datingan ng lolo niyo? Nakakainis talagang maglaro ang pana ni kupido sa totoo lang pero what will you do if I were to ask you the same thing.

Tama bang hamakin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig kung sadyang hindi masikmura ng reyalidad na ako'y isang sabit lang sa apelido ng pamilya niya? I've always been pessimistic with regards to the possibility na magkakagusto rin ang isang Shinichi Maki sa akin lalo na't unstable ang long distance relationships na natutunan ko rin mismo sa karanasan ng kaibigan ko mula sa pagmamahal ng isang former MVP player.

- BACK TO SCENE -

PLANTITO'S VILLE

"Bro, may gagawin ka ba sa break time mo

mamaya?" tanong ni Maki ng nakasalubong niya ang student intern na nag-aasikaso madalas sa seedling varieties na tinatanim ng mga tauhan nila para sa susunod na tagsibol.

"Wala naman boss. Patapos na rin itong ginagawa ko. May kailangan ba kayong ipagawa?" mahinahong tugon naman ng kausap niya.

"Dapat kahapon pa naideliver ang mga kurtinang gagamitin sa event na mangyayari sa susunod na linggo pero mukhang madedelay pa ata. Kung maaari sana pakibantayang maigi ang babaeng nasa separadong kwarto. Malamang naiinip na rin iyon sa kakahintay ng test result na galing sa ospital." habilin ni Maki sa kanya at gumayak na ito para maghanda sa kanyang biyahe na patungo sa Tokyo.

The guy's name was Hayato Berigud. He claims to have sworn revenge against his former teacher that mocked him during finals by becoming the future top-notcher in their licensure exams for Bachelor's Degree in Food Technology for the next coming years.

Sa tulong ng family business ngayon nila Maki ay mas lalong nauunawaan ni Hayato ang scientific investigations tungkol sa mabisang pagyabong ng mga tanim na nakasalalay sa kondisyon ng panahon dahil nagamay niya mismo ang karanasan ng masusing pananaliksik.

In addition to his future advantage ay maaari niyang gawin export quality ang mga raw goods which are freshly picked from soil. Ang rason ng kanyang pagpupuyat sa ngayon ay dahil sa unang araw pa lang ng klase ay tinambakan agad sila ng experiments na kailangan nilang maidokumento sa paglalathala.

*Knock...knock...knock...*

For a countless time ay tila naiinip na rin ang taong kumakatok sa pinto ng kwarto ni Sandy. Mukhang lumalala na rin ang sintomas na nararamdaman ni Sandy dahil ha- los wala siyang ganang kumilos sa kanyang higaan.

"Sinong siraulo ba naman ang nandyan?" tinatamad niyang tanong sa kanyang bisita.

"This is Hayato, iyong tinatawag mong siraulo." inis na tu- gon ng lalaki habang naghihintay ng matinong sagot mula kay Sandy.

"Napakaclueless talaga niya… Istorbo ka kasi eh. Ano bang kailangan mo sa akin?" reklamong saad ni Sandy habang papungas-pungas niyang kinusot ang mata niya ng naalimpungatan siya sa kanyang panaginip.

"Parating na yung nurse na tinawag ni boss para iswab test ka. Ihanda mo na ang sarili mo Miss." walang ganang sabi ng lala- ki kay Sandy.

"Anong oras daw siya makakarating?" tanong muli ni Sandy.

"Lunch break. Baka pagsapit ng alas dose ng tanghali." tipid nitong sagot sa kanya at pabalik siyang muli sa basement ng kanyang opisina.

"Teka lang, padalhan mo na ako ng pagkain kung pupunta ka man sa kitchen. Salamat." utos ni Sandy at saka siya humiga muli sa kanyang kama.

Dumungaw muna si Hayato sa bintana para obserbahan ang kalagayan ni Sandy. Halos namimilipit ito sa sakit nang mapansin niyang tila nananakit ang kanyang tiyan.

"Ano ba ang gusto mong kainin?" walang ganang tanong muli ni Hayato kay Sandy para makasigurado.

"Anything spicy. Iyong talagang pinagpapawisan ako sa anghang ng pagkain para mawala na rin ang kilabot na nararamdaman ko ngayon." paliwanag ni Sandy at pinilit ang kanyang sarili na nakaidlip man lang bago dumating ang doctor.

Tila natigilan si Hayato sa kanyang narinig dahil hindi makakatulong sa pasyenteng gaya ni Sandy ang kahit anong maanghang sa bibig niya ngayon.

"Ibang klase talaga ang alagang kambing ni Maki." nang- aasar na turan ni Hayato sa kanyang narinig mula kay Sandy.

"Huh?!" Tila naiinis si Sandy sa asal ng kanyang kausap.

"Wala. Ang sabi ko parang kulang ka lang sa lambing kaya ka ganyan." biro ni Hayato kay Sandy.

"Oh well just shut up! Umalis ka na nga." naiinis na bulyaw ni Sandy sa kanyang kausap at halos dinig sa buong lugar ang tawa ni Hayato sa reaksyon ni Sandy.

"Ikaw na ang bahalang gumamit ng hot compress diyan tutal kaya mo na rin namang alagaan ang sarili mo." wika ni Hayato. Paalis na siya ngunit sadyang iba talaga ang tumatakbo sa utak ngayon ni Sandy.

"Wait lang." bulalas na sabi ni Sandy.

"Bakit?" ani Hayato sa kanya at napalingon siyang muli sa kinaroroonan ni Sandy.

"Ugh... hindi ko kasi napansin na ngayon na pala nagsimula ang red days ko. Ku-kung pwede sana pangkuha mo ako nung alam mo na..."

Halata sa mga pahayag ni Sandy na nahihiya siyang pag-usapan ang kanyang unexpected scenario sa kanyang opposite sex samantalang walang kahit anong bahid ng pagkailang si Hayato sa mga naririnig dahil wala namang malisya sa kanya ang anumang usapin tungkol sa female discharge.

"May wings ba o wala?" deretsahang tanong ni Hayato sa kanya.

"Kahit ano. Basta bumalik ka agad na dala iyong lady pads ko." nataranta na sabi ni Sandy at saka niya pinagsaraduhan ng bintana si Hayato.

[Hayato Berigud...]

Kung pwede lang sana umayaw sa extra workload na hindi ko dapat maging responsibilidad ay matagal ko na rin dapat in- ihabla ang kalabisan ng babaeng ito sa magulang ni Maki. Hindi ko lubos maunawaan kung saan ba nanggagaling ang lakas ng tama ni Sandy gayong uutusan pa niya akong bumaba ng bangin para lang bilhan siya ng sanitary products sa grocery stall.

Ang buong akala ko ay pawang taga norte ng Pilipinas lang ang tinatawag nilang kuripot pero mag-iiba rin pala ang pananaw mo sa pagiging buraot niya na tipong lahat ng gugustuhin ay makukuha niya ng libre.

Walang ganoon sa panahon ng krisis at hindi ako papayag na mamatahin lang niya ako rito. I tend to counter argument kung baluktot ang kanyang prinsipyo dahil unfair naman sa mga naging intern na gaya ko sa Agrotourism na pinopromote ng angkan nila Maki sa countryside. Minsan kapag gipit, hindi uso ang maging gentleman lalo na kung adrenaline na ang naaapektuhan sayo.

"Hoy! Asan na ang ambag mo?!" Patuloy ko siyang in- iimbyerna sa kwarto niya hanggat wala siyang ibinibigay sa akin maski isang singkong duling.

For some minutes later ay kinakalampag ko na ang entrada sa kanyang pinto. Wala na akong pakialam kahit mainis pa si Sandy sa akin at nang hindi na makatiis ay bigla niya akong sinabuyan ng barya mula sa kanyang bintana.

"Naydamong bugok! Patugutan mu na ku!!!" (Bolang! Tigilan mo na ako!!!)

Malamang ay mas malutong pang marinig ang pagmumura ng babaeng ito kaysa sa sampal o tadyak ng nanay ko tuwing napapagalitan ako. Manhid na ang tenga ko sa masasakit na salita kaya hindi na siya dapat nagpigil pa na magreklamo tungkol sa kanyang mga pighati at disappointment sa buhay. Sagarin na niya ang galit niya hanggat gusto niya dahil wala naman ibang makakarinig nun kundi ako lang.